Maaga akong nagising.
tabi Kasalukuyang nasako ngayon si Landon. Hubo’t-hubad ang katawan. Nakapikit pa rin ang kanyang mga mata.
Hindi ko maiwasang titigan siya. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Ang bait niya pa lang tignan pag nakapikit. Hindi ko maiwasan ang mapangiti.
Marami na ang nakakaalam tungkol sa relasyon naming dalawa. Hindi kaya ay magiging laman na kami ng balita gayong tulad ni Spade, kilala rin siya sa larangan ng negosyo.
“Your hands were soft,” biglang usal niya. Babawiin ko na sana ang mga kamay ko pero mabilis niya itong nahawakan. Nang tingnan ko siya, mulat na ang kanyang mga mata.
“Ang mga kamay ko,” sabi ko, sabay bawi ng kamay ko pero mahigpit niya itong hinawakan.
Unti-unti niyang hinawi ang aking buhok at iniipit sa gilid ng tainga ko.
“I’m glad I got to be your first, Veronica.” Sabi niya.
“Pero hindi ako ang nakauna sa’yo,” sabi ko sa kanya.
Hindi ako sigurado kung nahihimigan niya ang lungkot sa boses ko o hindi. Pero nalulungkot ako.
Dinampian niya ng halik ang aking mga kamay. Iba ang dulot ng mga halik na binigay niya sa akin. Parang may kumiliti sa aking kaibuturan.
“Ikaw naman ang huli,” masuyong sabi niya.
“Ako nga ba, Landon?” Mahina kong sabi. Huli na para bawiin ko pa ang tanong ko. Nararamdaman ko na lang ang unti-unting pagtulo ng aking mga luha. Bakit ang bilis umagos ng mga ito ngayon?
“Veronica,”
“Gusto ko lang malaman mo na kung ano man ang magiging desisyon mo. Handa akong makinig at intindihin ka… dahil mahal kita.” Sabi ko sa kanya.
Wala nang atrasan to. Nakukuha na niya ang p********e ko kaya wala na akong rason pa para itago pa sa kanya ang nararamdaman ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkagulat, pero agad niya namang binawi ang reaksyon na ‘yun.
“You… love me,” usal niya.
Tumango ako. “Oo,”
“Did you say that because I was the one who popped your—”
Mabilis akong umiling. “Mahal kita noon pa,” pag-amin ko sa kanya.
Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin.
“f**k! I couldn’t believe it!” natutuwang sabi niya. Hindi ko alam kung bakit siya natutuwa, eh, hindi niya naman ako mahal.
“Kaya… kung anuman ang magiging desisyon mo sa huli, nirerespeto ko ‘yun.”
“What decision are we talking about here?”
“Desisyon na pumili sa pamamagitan ko at ni Ingrid,” sabi ko sa kanya.
“Veronica, I already told you, there will never be another option aside from you. Ikaw lang ang pipiliin ko hanggang sa huli.” Seryosong sabi niya sa akin at pinag-ugnay ang palad naming dalawa.
“Paano kung babalik siya? Ano ang gagawin mo?”
“She won’t. Because she already had a family of her own,” sabi niya.
Hindi na ako nagsalita pa, dahil ang totoo, hindi ako kampante sa sagot niya kahit na ilang beses kong sabihan ang sarili ko na paniwalaan siya. Siguro, dahil wala akong pinanghahawakan sa kanya. Dahil anumang oras, kaya niyang bawiin ang mga sinabi niya at palitan ako lalo na at hindi ako ang nagmamay-ari ng buo sa kanya.
Nanatili lang kami sa kwarto ng umagang ‘yun. Ala-una na ng hapon nang nakapag-desisyon siyang bumaba para magluto para makakain kaming dalawa. Ang suot niya lang na pang-itaas ay isang apron lang.
Ang gwapo niya tingnan!
“Landon,” usal ko.
Kasalukuyan siyang nagluluto ng kaldereta ngayon.
“Hmm?”
“Hindi ka ba natatakot na malaman ng ibang tao ang tungkol sa ating dalawa?” tanong ko sa kanya.
Tinaasan niya lang ako ng kilay. “Why would I?” tanong niya.
“Marami ang bisita kagabi kaya baka mag-trending na tayo sa buong lungsod ngayon. Baka tayo na pala ang sentro ng balita,” sabi ko sa kanya.
“Who cares?!”
“Si, Ingrid… siguradong naririnig niya ang mga sinabi mo kagabi. Hindi ka ba—”
“Can we stop talking about her? Let's talk about you—about us, instead. How many children do you want?”
Pilit niyang iniiwasan ang topic tungkol kay Ingrid. Siguro, gusto na rin niyang makalimutan si Ingrid nang tukluyan. Magagawa niya kaya itong kalimutan?
Siya lang ang nakakaalam.
Nang maalala ko ang tanong niya ay biglang nanlaki ang mga mata ko. “A–Ah… a–ano… dalawa lang sapat na.”
“I'm fine with that.” Sabi niya. “Nasubukan mo na bang mangibang-bansa?” tanong niya.
Doon na ako natawa.
“Wala nga akong pera pambili ng mamahaling damit, mangibang bansa pa kaya?”
“Let's go to Singapore,” sabi niya.
“Ano? Singapore?”
“Yeah.”
“‘Di ba, wala ka ng pera? Ang ibig kong sabihin ay… mahirap ka na… hindi ba?” tanong ko sa kanya.
Tumawa siya. “Yeah. But we can save money for it.”
“Uunahin ba natin ‘yun kaysa sa pag-iipon para—”
“You don’t have to worry about me. Gusto ko lang maranasan mo ang mangibang-bansa. Kung papayag ka, pwedeng doon na tayo manirahan habambuhay.” Sabi niya.
“Sa Singapore? Sigurado ka ba?” tanong ko.
Tumango-tango siya.
Kung sa ibang bansa na kami titira, ibig sabihin ay makakalayo na siya kay Ingrid. Ang buong atensyon niya ay sa akin na lang, dahil kaming dalawa lang ang naroon.
“S–Sige, papayag ako,” sagot ko sa kanya.
“Seriously?”
Tumango ako. “Oo nga! Kaya bilisan na natin ang mag-ipon.” Sabi ko sa kanya.
“We have to get you a passport first,” sabi niya.
Hindi ko mapigilan ang ma-e-excite. Sa wakas, makakapunta na rin ako sa ibang bansa. At sa wakas, kasama ko ang asawa na mahal na mahal ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
“What are you smiling at?” tanong niya.
Nanatili pa rin akong may ngiti sa labi. “Magkakaroon na rin ako ng passport,”
“Damn! You’re so cute, don’t you know that?”
“Bolero ka!”
“I’m not! I was complimenting you,” sabi niya.
Ang sarap ng ganitong klase ng buhay. Simple pero masaya. Isa ito sa mga pangarap ko na sa tingin ko ay natupad na.
Sabay kami na kumain na dalawa. Pagkatapos ay siya ang nagboluntaryong maghugas ng pinagkainan namin. Gusto ko na sana na ako, pero hindi niya ako pinayagan kaya hinayaan ko na siya sa kung ano ang gusto niya gawin.
Pagkatapos maghugas ay nanonood muna kaming palabas sa TV. Nakakandong pa nga ako sa kanya.
“Masakit ba hanggang ngayon, ang ano mo?” tanong niya bigla.
“Anong ano?”
“p********e mo,”
“Ngayon ka pa talaga nagtanong? Bakit hindi mo ako tinanong kaninang umaga?”
“Yeah, right! Nawala rin sa isip ko kasi kinarga kita papunta rito sa ibaba ‘di ba? I saw the bloodstain on the bedsheet, but it immediately brushed off my mind when you told me you’re hungry. So, how is it? Are you still sore?”
Umiling ako. “Mahapdi pa rin ng konti… pero kaya ko naman na maglakad,”
Ang tanging sagot na natanggap mula sa kanya ay isang halik sa noo ko. Nagpatuloy kami sa panonood ng palabas hanggang sa narinig namin ang tunog ng doorbell.
“Ako na,” sabi ko kay Landon. Hinayaan niya naman ako kaya agad akong tumayo.
Hindi ko na tiningnan pa kung sino ito at dumiretso na lang sa may pinto para pagbuksan kung sino man ang bumisita sa amin ngayon. Ngunit gulat ang rumehistro sa aking mukha matapos kong pihitin ang doorknob, dahil ang bumungad sa akin ay isang bisita na hindi ko kailanman inaasahan pupunta rito.
Si Ingrid.