Chapter 32

1099 Words
Hindi agad ako makapagsalita. Pakiramdam ko ay nahila ang dila ko nang makita ko siya. Bakit siya narito? Hindi kami magkaibigan o magka-kilala na dalawa kaya panigurado na hindi ako Ng sadya niya. Ang asawa ko ang pinuntahan niya rito. “Hi,” bati niya. “Is Mav home?” tanong niya. Mav. Iyon ang tawag niya sa asawa ko. Maganda siya, maputi at marunong magsalita ng Ingles. Nakakainggit! “Oo, nasa loob.” Sagot ko naman. “Halika, pasok ka,” Umiling siya. Ang ganda ng kutis niya! Bagay na bagay talaga sa pagmumukha niya. Hindi na ako magtataka kung bakit baliw na baliw sa kanya si Landon. “Landon,” “Yes, what? Do you want to eat something?” “May naghahanap sa’yo sa labas,” sabi ko. Kunot-noo siyang tumingin sa akin. “Who?” tanong niya. “Si Ingrid.” Sabi ko. Mabilis siyang lumingon sa akin. Ouch! “Where is she?” “Nasa labas. Pinapasok ko, ayaw naman pumasok.” Sabi ko sa kanya. “Sige, labas lang ako saglit.” Sabi niya. Gusto ko siyang batuhin nitong remote. Ang bilis niyang lumingon nang marinig niya ang pangalan ni Ingrid. Huwag ka lang magkakamali, Landon. Kapag sinaktan mo talaga ako, lalayas ako at hinding-hindi na talaga magpapakita sa’yo, kahit na hindi naman talaga ako ang mahal mp. Bweset ka! Hindi ako mapakali nang dumaan ang dalawampung minuto at hindi pa rin sila tapos sa pag-uusap. Kaya ang ginawa ko ay lumapit ng unti sa may likuran ng pinto. “Mav, I really need help right now. Hindi pwedeng malaman nila daddy ang tungkol dito.” Si Ingrid. “Why didn't you tell them the truth?!” Sagot naman ni Landon. “I'm afraid of what my father could do. Ikaw lang ang tanging mahihingan ko ng tulong, Mav. Please,” Tulong? Tulong saan? “I’ll see what I can do. I can't just leave my wife here.” Naririnig kong sabi ni Landon. Saan sila pupunta? Aalis sila? Parang pinipiga ang puso ko sa aking narinig. Mukhang ito na ata ang kinatatakutan ko. “I’ll come back here in two days, Mav.” Peste! Ano ba kasi ‘yun? “Sige.” “I’ll go now,” “Ihahatid na kita.” Si Landon ang nag-alok sa kanya. Hah! At ihahatid pa talaga, ah? “No! I have my car.” Sabi nito. Agad naman akong nakahinga ng maluwag. Dali-dali akong naglakad papasok sa kusina para hindi niya ako maabutan na nakikinig ako sa pag-uusap nila. “Veronica,” maya-maya ay naririnig kong tawag nito. “Ano?!” “Come here, let's watch a movie.” Kanina gustong-gusto ko manood ng movie na ‘yan. Pero pagkatapos ng narinig ko, parang ayaw ko na lang manood. Ano ba kasi ang pinag-uusapan nila? Asawa niya ako! May karapatan akong malaman, ‘di ba? Tama! Dali-dali akong pumunta sa kanya, at umupo sa tabi niya. “Nasaan si Ingrid?” tanong ko, kunwari hindi ko alam na umalis na. “She went home,” “Ano nga pala ang kailangan niya sa’yo?’” tanong ko. Sana hindi niya nahahalata na nagseselos ako. “She was physically abused by her partner,” sabi niya. Nanlaki naman agad ang mata ko. “Bakit hindi siya nagsumbong sa ama niya? Iyon ang numero unong makakatulong sa kanya.” At hindi ikaw! Bakit dito siya pumunta? Bakit niya hiningi ang tulong mo? Gusto ko sanang sabihin ang mga katagang ‘yun, pero huwag na lang. At baka ano pa ang madagdag ko. “I know. I already told her that, but she's afraid of what her father could do.” “Kaya, ikaw ang nilapitan niya. Dahil alam niyang nariyan ka lang para sa kanya, tama ba?” “Veronica,” “Ano bang klase ng tulong ang hinihingi niya mula sa’yo?” tanong ko. Hindi kaya siya maiirita na tanong ako ng tanong sa kanya? “She wants me to bring her to a place where no one knows her.” Nanlaki ang mga mata ko pero agad kong binawi ‘yun. “Sasamahan mo ba?” Kapag sumama ka talaga, wala ka na talagang babalikan pa. Pangako ‘yan! Umiling siya. “I'm not planning on going with her. Kasi, paano ka?” Siguraduhin mo lang! “Paano kung sasaktan siya ulit at kinailangan na talaga niya ang tulong mo?” “Then, I’ll ask Stone to go with her,” sabi pa nito. Pero hindi pa rin ako kampante sa sagot niya. Bakit pakiramdam ko ay kukunin siya ni Ingrid mula sa akin, anumang oras? Tahimik lang kaming nanonood ng movie na dalawa. Napansin ko rin na nakaidlip siya kaya nakapag-desisyon akong umidlip na rin. Ngunit ang cellphone niyang nasa maliit na mesa ang nakakuha ng aking atensyon. Gustong-gusto ko itong kunin para tingnan kung ano pa ang naroon ngunit pinipigilan ko lang ang sarili ko. Ayaw kong kuhanin ‘yan nang hindi man lang nagpapaalam. ‘Hindi tama ito, Veronica. Ipikit mo na lang ang mga mata mo!’ sabi ng isang bahagi ng isipan ko. ‘Huwag! Kunin mo at nang malaman mo kung may itinago ba siya mula sa’yo o wala!’ sagot naman ng kabilang bahagi. Sa huli ay kinuha ko ito. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula pero dinala ako ng mga kamay ko sa album ng cellphone niya. Ang bumungad sa akin ay ang mga litrato nilang dalawa ni Ingrid. Lahat ng mga imahe na narito ay mga matagal na kuha. Ang iba ay dalawang taon na ang lumipas habang ang iba ay isang taon naman. Ang sarap tuloy itapon nitong cellphone niya. Maya-maya lang ay may mensahe mula kay Selyne Ruston. Selyne Ruston: Help her, Maverick! Mukhang alam ko na kung sino ang tinutukoy niya na tulungan. Hindi ko maiwasan ang mapaisip. ‘Di ba ang sabi niya ay messenger siya nila Landon at Ingrid? Kung ganun, botong-boto pa rin siya sa kanilang dalawa hanggang ngayon? Hindi ba niya naisip na may asawa ang pinsan niya na kailangan nitong bigyan ng atensyon? Nakakainis! Bakit kay Landon sila lumalapit? Si Landon na naghihirap dahil sa akin, hindi kailanman lumapit sa kanila para humingi ng tulong, pwera na lang kay Spade. Tapos ngayon, kung makapagsasabing tulungan mo si ganito, si ganyan. Parang ang dali lang sa kanilang sabihin ang mga katagang ‘yun. Hindi nga nila magawang kumustahin ang asawa ko. Tanga na lang ang magpapadala sa ganito. Bahala kayo diyan! Hinding-hindi makakarating sa kanya ang mensahe niyo. Dali-dali kong binura ang mga mensahe na mula kay Selyne Ruston. Bahala na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD