Kabanata 19

1294 Words
*** Chester's Pov Humalakhak ako sa sinab niya kahit alam kong totoo iyon. Pabiro ko siyang hinampas sa kanyang balikat at pinunasan ang mga mata kung luhaan. "Baka kasi mag-aabroad ako." sambit ko sa kanya na patuloy paring humalakhak. "Seryoso, magaabroad ka?" tanong niya sa akin habang nilalakihan niya ang kanyang mga na nakatingin sa akin. Humalakhak ulit ako kay Harlyn. "Hindi nu! Ano ka ba naman."sabi ko sa kanya. "Eh bakit pakiramdam ko mawawala ka?" tanong niya. Doon na lang ako tumigil sa paghalakhak dahil nakita kung nakatingin siya ng seryoso sa akin. "Hindi naman ako mawawala. Bawal bang magpasalamat man lang sa inyo?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin kaya naman nginitian lang niya ako. Hindi na siya nagtanong pa. Nag-uusap lang kami ng kung ano-ano. Napatingin na lang ako sa labas ng binatana. Madilim ang kalangitan, baka uulan, hindi ako nakapagdala ng payong. Uulan nga ata. Bigla namang bumukas ang pintuan at pumasok si Sir JP. Nagsitahimikan kaming lahat at nagsiayusan. Pumunta sila sa kani-kanilang pwesto. "Please sit down." ani Sir JP ng nakita niya ang mga kalalakihan sa likod na nakatayo at nag-uusap. Napatingin sila sa kinaroroonan ni Sir at nung napagtanto nila kung sino 'yun ay agad silang umupo sa kanilang mga upuan. "May sasabihin lang ako sa inyo bago ko kayo idismiss ngayong araw." sabi niya sa amin. Nanatli kaming nakatingin sa kanya pero 'yung mga ibang kaklase namin ay nagchichismisan na para bang hindi sila interesado sa kanyang sasabihin. "Nagmemeeting kami kanina at sinabi nilang may actibidad ang first year students next week." anunsyo nito kaya naman pati yung mga kaklase kung hindi nakikinig kanina ay nakatutok na sa kanya dahil sa sinabi nito. Parang naeexite ang mga ito sa mangyayari, para bang may inaasahan silang program next week. "ano po 'yun?" tanong ni Mkcleine na kakalase namin. "May gaganapin na school trip next week at limang araw kayong mamalagi doon." naghiyawan ang mga kaklase namin. Excited ang lahat ng mga ito pero ako ay nangangamba, anong mangyayari sa kanila? Ano ang mangyayari sa school trip na 'yun. Tiyak na marami nanamang mawawala. "Sa hotel po ba tayo magsstay?" magiliw na tanong ni Trina kay Sir. Umiling ito. Nadismaya ang mga kaklase ko sa kanyang sagot. Nagbulong-bulongan ang mga ito. "Hindi tayo sa isang hotel, kundi magcacamping tayo sa isang gubat." aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. Napatingin ako kay Harlyn na katabi ko na nakatingin rin sa akin. Nang nakitang nakatingin ako sa kanila ay tumingin rin sila sa akin. "B-bakit po?" tanong ni Harlyn sa kanya. Ngumiti lang siya. "Hindi ko rin alam. Ang sabi ng director ay para malinang daw ang ating kakayahan.... pero hindi ako naniniwala sa kanyang sinabi" pagppatuloy pa nito. Tumingin siya sa kinaroroonan ko pati narin kay Harlyn pero tumingin siya sa likuran namin kung saan nasaan sila Rica, Krisanta, Reynalyn at Mariela."Wag kayong mag-alala walang mangyayaring masama. Ksama niyo ako." seryosong sambit nito. "Saan po ba tayo?" tanong ni Reynalyn sa kanya. "Sa Ilocos Sur. " sabi niya. "Saan po 'yun?" tanong naman ni Shiela. "Ito ay isang probinsya. Narinig niyo narin ang Vigan diba? Pero hindi tayo doon pupunta. Isa sa mga lugar doon sa Ilocos Sur tayo magcacamping. Wag kayong mag-alala maganda doon at tahimik pa." sabi sa amin ni Sir. May mga nasiyahan sa sinabi niya pero may iba ring hindi dahil hindi sila sa isang hotel na magsstay. "Aalis tayo this coming sunday night 08:00 pm. By group ito kaya kung sino man ang magkakagroup sila ang magkakasama sa mga activity na magagawa sa School Trip, maliwanag?" Lahat ay sumangayon sa kanyang sinabi. "Bawat grupo ay may pitong katao so makinig kayong mabuti sa aking sasabihin na grupo sa inyo." aniya at inilabas ang kanyang listahan tyaka muling nagsalia."Group One ay sila Mark Jayson, Robert John, Jomar, Giselle, Joana Marie, Myrnalyn, at si Teresa. Yan ang grupo niyo bahala na kayong mag assign ng inyong leader" aniya at nagpatuloy ulit sa pagaanunsyo ng mga kagrupuhan. "Ito ang Group 2 sila Chester, Jansen, Mkcleine, Reynalyn, Mariela, Krisanta at Rica. Group Three sila Kennedy, John Loyd, Krisanta, May-Ann, Trina, Judy Ann, Shiela" marami pa siyang mga sinabing grupo pagkatapos ng mga grupong 'yun. "Pwede kayong magusap-usap kung sino ang leader niyo basta maghanda na kayo sa darating na linggo." sabi niya."Ito lang ngayong araw. Pwede na kyonh umuwi." sabi niya at umalis na. Pagkatapos niyang umalis ay lumapit sa akin ang mga kaibigan ko na hindi rin nila alam ang kanilang gagawin. "Paano na 'yan? Ano ang mangyayari sa School Trip na sinasabi nila?" tanong ni Mariela sa amin. Hindi ako sumagot dahil ako hindi ko rin alam. Dahil ako mukhang hindi na ako aabot doon sa school trip na 'yun dahil baka mamaya ay anjan na ang killer na papatay sa akin. "Umuulan na oh. Maglilinis pa ba tayo?" tanong ni Rica kaya naman napatingin ako sa labas. Oo nga mukhang malakas ang ulan ngayong gabi ah at sinasabayan niya pa ito ng pagkulog. "Bukas na lang tayo maglilinis, umuwi na lang tayo." sabi sa kanila ni krisanta. Sumang-ayon kami sa sinabi niya dahil lumalakas na ang ulan. Naglakad kami papunta sa parking lot kung nasaan ang sasakyan namin. Isinakay ko silang tatlo sila Mariela, Rica at Krisanta dahil kapag pupunta ako ng bahay ay madadaanan ko rin naman ang bahay nila. Ang magpinsan namang si Harlyn at Reynalyn ay meron daw susundo sa kanila. Pumasok kami sa sasakyan ko. Inayos ko ang salamin na nasa labas ng aking sasakyan kung saan doon mo makikita kung may sasakyan ba sa likod mo. Nang naayos ko na ito ay sumakay na ako at inandar ang sasakyan ko. Nakalagay narin ang kanilang seat blet kaya naman pinaandar ko ito. Habang pauwi kami ay medyo traffic sa daan pero hindi rin nagtagal ay umusad ito kaya naman agad kaming nagtungo pauwi. Una kung binaba sila Marielat at Rica pagkatapos naman ay si Krisanta. "Salamat." sabi ni Krisanta. Tumango na lang ako at isinara na ang salamin ng aking sasakyan. Umalis na ako at pinaandar ang sasakyan ko papunta sa bahay namin. Nakatuon lang ang paningin ko sa dinaraanan ko dahil baka mabangga naman ako. Pero hindi ko namalayan na may isang nakaputing bbae sa kalsada kaya naman bigla akong napapreno at lumabas mula sa loob ng sasakyan para tignan ang nangyari, kung nasagasaan ko ba siya. Pagtingin ko doon ay wala naman, wala akong nabangga. Gumapang ang kaba sa aking dibdib kaya naman dali-dali akong pumasok sa sasakyan ko at umalis na doon patungo sa bahay. Ipinark ko ang sasakyan ko sa garage namin at luamabs na doon. Basa ang buhok ko pagkapasok ko sa bahay. Sumalubong kaagad si Manang Lorna ang yaya namin. "Manang si Mama po?" tanong ko dito. Ipinatong niya ang tuwalya sa aking ulo kaya naman kinuha ko ito. "May pinuntahan siya sabi niya hindi daw siya makak-uwi ngayong gabi. Nasa isang meeting kasi siya." sabi niya. Tumango ako sa kanya at tinignan ang kusina kung may makakain ba doon. "Nagugutom ka na ba? Halika nagluto ako ng ginataan." sabi niya sa akin. "Mamaya na lang po, Manang. Magbibihis lang po ako basang-basa kasi ako." sabi ko. "Oo nga ,abuti pa. Bilisan mo para makakain ka na."  "Opo" sabi ko at umakyat na papunta sa kwarto ko. Binuksan ko ang kwarto ko at tumambad ang madilim na paligid. Kinapa ko kaagad ang dingding kung nasaan ang ilaw at pinindot ito kaya lumiwanag ang paligid. Inilapag ko ang bag ko sa kama ko ng biglang tumugtpg ang cellphone ko. Kinuha ko kaagad iyon sa loob ng bag ko at pagitingin ko kung sino 'yung tumatrawag ay hindi ko alam, tanging numero lang ang nandun. Nanginginig ang kamay ko habang pinindot ko ang answer botton dahil baka ang killer ito at hindi nga ako nagkamali...... "Hello, Chester." isang nakakakilabot na tinig ang narinig ko. "Are you ready to die?" tanong niya at nawala ang kabilang linya. Naisip ko kaagad ang mga kaibigan ko kaya dali-dali kong tinext silang lahat. To: Harlyn, Reynalyn, Krisanta, Rica, Mariela. Don't find me. Yun ang huling mensahe ko na itenext sa kanilang lahat. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD