Hindi ko alam kung magtatatalon ako sa tuwa dahil natanggap ako sa trabaho. Inilibre ako ni Venus ng fried chicken at french fries na ikalawang beses ko lang natikman sa tanang buhay ko. Nangako akong ako naman ang manlilibre sa kanya kapag sumahod ako sa pagtatrabaho doon. Tatlong oras sa isang araw ang puwede kong ipasok, gagabihin nga lang ako sa pag-uwi sa apartment. Pero kaya ko naman dahil kabisado ko naman na kung pag-uwi sa bahay at pagpasok sa university lang naman. Sa semestral break ay puwede akong mag-eight hours sa trabaho para mas malaki ang kikitain ko. Masaya kong ibinalita kina Uncle June ang pagsisimula ko sa trabaho bukas. "Kaya mo bang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral?" tanong ni Auntie Emma na nag-alala imbes na matuwa. "Kaya ko ho. Para makabawas sa gas

