Chapter 8 - Ziya

2217 Words

Napagod din ako sa unang araw ko sa trabaho. Tatlong oras akong nakatayo, naglilinis ng mesa na pinagkainan ng mga customer. Libre naman kami ng pagkain doon, may fifteen minutes breaktime din kahit paano. Pero dahil puno lagi ang mesa dahil oras ng hapunan, hindi ko rin nagawang makapagpahinga. Kahit sobrang pagod sa trabaho, pinilit kong huwag makatulog sa bus dahil marami akong naririnig na nadudukutan lalo kapag nakita nilang estudyante. Kunsabagay, mayroon mang madudukot sa 'kin, isang lumang celphone lang at barya sa bulsa ko. Magkagayonman, mahigpit ang hawak ko sa mga gamit ko dahil mahalaga sa akin ang mga iyon. Hindi na ako ulit makakabili dahil inutang lang ni Uncle June sa amo nito ang perang ipinambili ko. Pagdating sa bahay ay tapos na rin silang naghapunan. Inak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD