Wala pa naman masyadong mabigat na activity sa school o projects sa mga unang buwan ko sa university. Hindi na kami hinahatid ni Uncle June nang masanay na kaming mag-commute ni Ate Marianne. Hindi naman na siya gaanong nagsusungit sa akin. Siguro ay dahil hindi naman ako nakabuntot sa kanya sa loob ng university. May mga bago na siyang mga kaibigan, may mga bago na rin akong kaibigan. Sinisiguro ko naman na ako pa rin ang naglalaba at namamalantsa ng damit niya tulad ng pangako ko kay Papa Norman. Pero kung noong una ay mababait ang mga kaklase ko, mayroon na ring nagsisimula nang magsungit dahil nalaman nilang hindi naman ako mayaman. May mga nagtataas ng kilay kapag pinupuri ako ng professor kapag nakakasagot ako sa oral recitation, may mga pumupuna sa damit kong paulit-ulit kong

