Nakantingin si Damien sa ama na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa ipinagtapat niya. "A-anak mo si Dero? A-apo ko siya?" Pangatlong beses na tanong ni Daniel. At sa pangatlong beses na tanong ng kaniyang ama, iisa lang ang isinagot ni Damien. "Opo, Dad." Napasapo sa noo si Daniel. Halata pa rin na naguguluhan ito. "Paano iyon nangyari? Tatlong-taon na ang bata. Paano nangyari na anak mo siya?" nalilito na tanong pa ng kaniyang ama. Napakamot sa ulo si Damien sa tinuran ng ama nito. "Unang-una, Dad. Syempre po may nangyari sa amin kaya nabuo si Dero—" "That's not my point, idiot!" tumaas na ang boses ni Daniel kaya pinagtitinginan sila ng mga taong naroon sa paligid. Kung may sakit lang siya sa puso malamang kanina pa siya namatay. "Calm down, Dad—" "Paano ako kakalma

