Hinding-hindi makakalimutan nina Father Markus, Jules, Hannah, Dean, Tony at Andy ang kanilang nasaksihan nang pasukin nila ang bahay na itim, ang bahay ni Satanas, ang simbahan ng mga Satanista. Sa nakakahindik na ritual na kanilang natunghayan. Sa hudyat ni Andy ay dalawang grupo silang pumasok sa bahay na itim. Siya, si Hannah at Father Markus mula sa back entrance, at sina Tony, Jules at Dean sa harap. Medyo ipinagtaka nila na walang bantay sa labas, o sa likuran, at madali silang nakapasok sa loob. Madilim ang loob ng bahay na naiilawan lamang ng mga kandila. "Malamang nasa ritual silang lahat," bulong ni Jules, hawak kanyang maliit na .22. "Bilisan natin," kabadong sabi ni Dean, armado ng .38 pistol. "Sumunod lang kayo," sabi ni Tony na nauuna dalang 12-gauge shotgun niya. Nasa

