Noong nasa U.P. theatre sina Jules, Mayor at Karen ay kasalukuyang nasa date si Hannah.
Usually ang suot ng rakistang psychic ay rock tees, jeans na may punit sa tuhod at Chucks, nguni't sa date na ito'y nakaninibagong naka-dress siya na kulay black at low-heeled shoes. Nagawa pa niyang lagyan ng hairclip ang kanyang buhok na boy-cut na mahaba ang bangs, at dahil dito lalong halata ang kanyang tattoo sa leeg. Pero, maganda si Hannah, kaya't lalo lang itong nagpa-sexy sa kanya. Sinimplehan pa nga niyang make-up niya, hindi tulad ng dati na makapal ang eyeliner. Kung makikita lang siya ni Jules, ay tiyak na katakot-takot na pang-aasar ang gagawin nito sa ayos ni Hannah.
At bakit ganon na lang ang make-over ni Hannah?
Pagka't ang kadate niya ay isang hot na drummer na nagngangalang Dean, na ipinakilala sa kanya ng isang kaibigan noong last time na magpunta sila sa isang gig. Agad na nabighani ang drummer kay Hannah at kinuha ang cellphone number niya, and after 3-days ay tinawagan siya at niyaya na umalis. Excited lang si Hannah pagka't instant crush niya ang drummer na mahaba ang buhok at tisoy, bukod sa siyempre, isa siyang rock musician.
Weakness ni Hannah ang mga misteryosong cute na mga drummer. Na-imagine na nga niya na sila na ni Dean at kasama na siya sa mga tours ng banda, at sa sasakyan pa niyang lumang modelong Hi-ace sila nakasakay, at siya pa ang driver. Nakaupo ang guwapong drummer sa tabi niya sa harapan at sabay pa silang nagyoyosi habang naghe-head-bang sa tugtog sa car stereo. At kapag rock ballad na ay hahawakan ang kamay niya at pagmamasdan nila ang walang hangganang provincial road.
Ang kaso, hanggang imagination lang ito.
Nasa isang fancy bar and restaurant sila sa Greenbelt, Makati na mahal pero hindi naman sobrang mahal. Tipong afford ng mga bagong suweldong nagoopisina sa nagtataasang mga building at kayang araw-arawin ng mga foreigners.
As usual, puno sa restobar na may kadiliman, pero sinuwerte sina Hannah at Dean na makakuha ng table-for-two sa isang madilim na sulok na may candle light. Perfect ang setting at on the onset ay okay ang pinatutunguhan ng date nila. In saying, they hit it off pretty well sa start.
"So, sinong favorite drummr mo?" tanong ni Hannah.
Nakangiting nag-isip si Dean at lumabas pa ang dimples nito. Nakatali ang jet black hair niya sa likod in a way na nakalabas ang kanyang mga tenga at may naiwan na bangs sa magkabila pababa ng kanyang pisngi. Sa kabutihang-palad ay hindi ito naka man-bun, dahil galit si Hannah sa mga naka-bun at ang masasabi lang niya sa man-bun ay What the f**k?!
"Hmm, ang main influence ko talaga ay si Matt Cameron," sabi ni Dean.
My inorder silang nachos na nasa malaking bowl at natatabunan ng magkahalong cheese at salsa. Ang drinks nila ay draft beer na nasa malaking mug.
"Uy! Favorite ko din siya!" exclaim ni Hannah. Si Matt Cameron ay dating drummer ng Soundgarden and later on ng Pearl Jam.
"Ikaw naman," turo ni Dean sa kanya habang umiinom ng beer, "sinong mga bands ang pinapakinggan mo?"
Excited na nag-isip si Hannah.
"Of course, Soundgarden," sabi ni Hannah, "White Stripes...Collective Soul...Green Day...Arctic Monkeys...
"Uy, gusto ko ang Arctic Monkeys," bulalas ni Dean.
"Really?" masayang balik ni Hannah. My God, gusto niya ang Arctic Monkeys, sabi niya sa sarili. Love na ata ito.
Nakatitig lang si Hannah kay Dean kaya't hindi niya napansin na may cheese sa side ng lips niya sa pagkain ng nachos, at ito'y winipe away ng ka-date gamit ang tissue. Namula si Hannah sa kilig. Dalawang beses pa itong naulit, ang huli ay sinadya na niyang iwan ang keso sa labi.
Ito, at minental note lahat ni Hannah ang similarities nila sa music.
Likes: Soundgarden, Pearl Jam, Alice in Chains, Nirvana, White Stripes, Audioslave, Rage Against the Machine, Green Day, Radiohead, Primus, Collective Soul, Red Hot Chili Peppers, Modest Mouse, Foo Fighters at Arctic Monkeys.
Dislikes: Counting Crows, Goo Goo Dolls, Hoobastank, Blink-182, Good Charlotte, Slipknot, Nickelback, My Chemical Romance, Daughtry, Fall Out Boy, Limp Bizkit, Papa Roach, Korn, Hootie & the Blowfish at Oasis.
So far, compatible sila pagdating sa music, at mahalaga ito para kay Hannah. Music is life, ang isa sa mga motto niya sa buhay. Sa sobrang compatible ng sounds nila, parang gusto na nga niyang magka-baby kay Dean at magtayo ng banda.
"Happy song mo?" tanong ni Hannah.
Napangiti si Dean, pero nagalangan siyang sumagot.
"Sige na, go," hikayat ni Hannah, "Hindi kita aasarin."
"Umm, Third Eye Blind, Semi-Charmed Life," sabi ni Dean sabay inom ng beer.
Nanlaki mata ni Hannah.
"What the f**k?!"
Napalagok ng marami si Dean. Oops. Mali ata nasabi niya, pero biglang masayang kumanta si Hannah.
Doo doo doo, doo doo doo doo...
I'm packed and I'm holding
I'm smiling, she's living, she's golden
She lives for me, says she lives for me
Ovation...
At nang makitang kumakanta si Hannah, ay sumabay na din si Dean.
...her own motivation
She comes round and she goes down on me
And I make her smile, like a drug for you
Do ever what you wanna do, coming over you
Keep on smiling, what we go through
One stop to the rhythm that divides you.
At nagpalitan pa sila ng mga linya:
And I speak to you like the chorus to the verse, sabi ni Hannah.
Chop another line like a coda with a curse, dugtong ni Dean.
Come on like a freak show takes the stage, sagot ni Hannah.
We give them the games we play, she said..., balik ni Dean.
At sabay uli sa:
I want something else, to get me through this
Semi-charmed kinda life, baby, baby
I want something else, I'm not listening when you say good-bye.
Nagpause sila saglit, nagkatinginan at:
Doo doo doo, doo doo doo doo...
Napalingon sa kanila ang mga ibang customers dahil bagama't maingay sa loob, ay dinig ang duet nila. Ang iba'y napa-doo doo doo din.
"f**k! 'Yan din ang happy song ko!" bulalas ni Hannah.
Masaya silang nag-toast ng beer mugs.
"Yeah, Third Eye Blind!" sabi ni Hannah sabay inom sila ng beer.
Pagbaba nila ng mugs:
"Speaking of," umpisa ni Dean. "Sabi nga pala sa akin, may third eye ka daw?"
By now, medyo tipsy na ang dalawa. Pang-ikalawang giant mug na nila ng beer, na halos katumbas na ng tatlong regular size na bote.
"Yeah, since 6 years old ako," admit ni Hannah.
"Wow!" mulat ni Dean. "Para ka palang may powers!"
Napataas kilay ni Hannah. Powers talaga?
"So, madalas kang makakita ng multo?" may interes na tanong ng drummer.
Nagtaas-balikat si Hannah, "Well, yeah."
Gustong sabihin ni Hannah sa ka-date na actually, may nakatayong multo sa tabi nito as a joke--gawain niya tuwing nagiging topic of conversation ang third eye niya, pero, pinigilan niyang sarili. Naunahan din naman siya dahil bigla siyang hinawakan ni Dean sa kamay. Kinilig si Hannah, nanlambot katawan niya. Lalo na't nakatitig si Dean sa kanya with those brown eyes.
"Alam mo, gift 'yan ni God," sabi ni Dean.
Biglang napataas ng kilay ni Hannah. Ano daw? Lalo na ang kasunod na tanong.
"Religious ka ba?"
"O-okay lang," alangang sagot ni Hannah, nakaramdam siya ng pagka-weird sa pinatutunguhan ng usapan. Anong religious bullshit ito? ang pumasok agad sa isipan niya.
"Dapat sumama ka sa akin, sa church ko."
Ito na.
"Church mo?" gulat na sabi ni Hannah, may konting alma.
"Sa God is Love Christian Movement," siryosong sabi ni Dean. "May commune kami sa Antipolo."
At ang reaction ni Hannah? Nagdikit ang mga kilay niya at agad na hinugot ang kanyang kamay sa pagkakahawak ng drummer.
"What the f**k?!"
Hindi agad nagreact negatively si Dean, thinking na last time na nag-What the f**k?! Si Hannah ay 'yun pala'y pareho sila ng gusto, pero not this time.
"Are you serious?"
At bigla na lamang tumayo si Hannah at umalis sa pagtataka ni Dean.
#
Sa labas ng restobar, nagmamadaling naglalakad paalis si Hannah at muntik pang mabangga ang mga taong nakasalubong. Humabol si Dean.
"Hannah! Hannah!" sigaw niya.
Pero, pinigilan siya ng maskuladong bouncer pagka't hindi pa bayad ang kanilang bill.
Dire-diretso si Hannah, may disappointment sa mukha at hindi na lumingon pabalik.
Nguni't bakit?
Ang reason, at ito'y iilan lang ang nakakaalam, kasama na sina Jules at Father Markus, ay dahil may hindi magandang kinagisnan si Hannah noong kabataan niya.
Twelve years old si Hannah nang mamatay ng cancer ang kanyang ama. After lang ng eight months ay nakapagasawa ang kanyang ina ng isang leader ng isang Christian congregation. Dinala silang dalawa ng lalaki sa commune nito sa Benguet kung saan sila nanirahan at naging mga miyembro ng Christian group na ito. Hindi naman rehilyoso ang ina ni Hannah, nguni't sa impluwensiya ng kanyang pangalawang asawa ay nagbago ito, naging deboto to the point of fanaticism.
Isa sa mga insane practices ng grupong ito ay magtanghal ng orgies. Nakita ni Hannah ang ina niya na willing na nakipagtalik sa iba't-ibang lalaki sa iisang kuwarto. Para sa Diyos, sabi nito. Isa pa sa mga nakakahindik na gawain nila ay ipunin ang mga semen ng lalaki at gawin itong ostiya bilang offering sa Diyos. Ayon sa kanyang step-father, ito raw ay galing pa sa sinaunang turo ng Gnostic scriptures, dating back to 4 A.D., at kahalintulad ng mga Manicheans na galing Persia.
Kaya't pagsapit ni Hannah ng kanyang ika-16th birthday, ay inoffer mismo siya ng kanyang ina sa kanyang step-father para makatalik. Para sa Diyos, ulit ng kanyang ina. Nguni't, nang naiwan sila sa kuwarto at si Hannah ay handa nang hubaran ng damit ng kanyang step-father para halayin ay kanyang tinuhod ito sa ari at siya'y tumakas. Hinabol si Hannah nguni't nakahingi siya ng saklolo sa dumaraang pulis at dinala siya sa pangangalaga ng mga madre sa kumbento, kung saan siya prinotektahan. Sa tulong din ng mga sisters, siya'y pinadala sa Manila para mag-aral at magsimula ng bagong buhay.
Two years sa college ay nabalitaan ni Hannah na nasunog ang tinitirahang commune ng kanyang ina't step-father at naulat na sila'y namatay. The rest for now, is history.
Mula sa restobar, nilakad ni Hannah ang Greenbelt parking kung saan naroon ang kanyang Hi-ace. May panghihinayang siya sa tinakbo ng kanyang date. Okay naman si Dean, pero, may pait pa rin ang karanasan niya at hindi niya pa ito kaya.
Bago i-start ang makina ay nag-ring ang iPhone niya.
"Hello, Hannah?" sabi ni Jules sa kabilang linya. "May bagong mission tayo."
Pinaandar ni Hannah ang Hi-ace at umalis ito sa pinagpaparkingan tungo sa toll gate.
"Ano, kliyente mo na namang walang pambayad," buntong-hininga ni Hannah.
"On the contrary, mayaman ito," masayang sabi ni Jules. "Nag-advance na nga ng 200k."
"What the f**k?!" sigaw ni Hannah, pangatlong beses ngayong gabi.
"s**t, yeah!" sabi ni Jules.
Nagmamadaling nagdrive palabas ng parking building si Hannah. Bad trip man ang nangyaring date, at least may pera sila...at bagong mission.
"Kumusta ang date?" usisa ni Jules.
Umiling si Hannah, "Huwag mo nang tanungin..."
Maririnig ang tawa ni Jules. "May pag-asa ka pa kaya?"
"f**k you, Jules," sabi ni Hannah.
Maya-maya'y natawa na rin si Hannah.