Maagang pinuntahan ni Jules ang apartment ni Hannah para sabay silang magtungo sa mansion ni Don Carlos Villaromano sa Forbes Park, ang milyonaryo na nagsasabing ang anak niya'y sinapian ng dimonyo. Sabado ng umaga at karamihan sa mga tenant ng apartment rows ay tulog pa, either sa pagod sa trabaho o dahil gumimik kagabi. Matao ang neighborhood na ito na malapit lamang sa Mandaluyong Circle, may mga sari-sari store, bakery, carinderia, beauty parlor at laundry sa paligid.
Ring ng doorbell.
Ang nagbukas ng pintuan para kay Jules ay ang ka-share ni Hannah sa apartment na si Pam, na isang waitress sa bar, part-time model at promo girl. Maganda ito, mahaba ang buhok, sexy at malaki ang boobs. Naka-salamin ito, na lalo lang nagpa-cute sa kanya. Dahil sa kanyang obvious na hotness ay ilang sa kanya si Jules.
"Oh, hi Jules!" bati ni Pam, na naka-tank top at lady's boxers. Alaga ang legs niya, makinis at walang peklat.
"Hi, Pam," balik ni Jules. "Ready na ba si Hannah?"
"Nasa C.R. Pasok ka muna."
Pumasok sa loob si Jules. Dala niya ang hard case—kuwadradong maleta na ang laman ay mga ghost hunting gadgets niya tulad ng K2 Meter, EVP recorder at video cam.
Tama lang ang laki ng apartment para sa dalawang tao. Mga 60 sqm. na may dalawang kuwartong tulugan, C.R., at open space para sa kitchen, dining at living room. Dahil Christmas season, ay may mga dekorasyon sila—X-mas lights at maliit na X-mas tree. Nagpalit din sila ng kurtina na kulay pula at berde, at bumili ng mga throw pillows na pampasko ang motif.
Nasa kalagitnaan ng agahan na pancakes si Pam sa maliit na dining table.
"Nag-breakfast ka na ba?" ang sweet na tanong nito. "Halika, kain tayo."
"Thanks, kumain na 'ko," sabi ni Jules.
Naupo si Pam para ipagpatuloy ang pagkain niya habang naupo si Jules sa sofa bed, at sa kinauupuan niya ay tanaw niya ang magandang legs ni Pam at lalong umiksi ang suot na boxers nito nang umupo, halos kita na ang panty dahil naka-di-kuwatro ito. Nailang si Jules at umiwas ng tingin.
"Sa'n ka kumain?" tanong ni Pam.
"Sa bahay," ngiti ni Jules.
Tumango si Pam habang ngumunguya ng pancakes, "Sa Sampaloc ka 'di ba? Nag-rent din ako somewhere there back in College. Ang daming kayang kainan na masarap 'dun! Mga tapsilogan, inihaw, at may steakhouse pa nga."
"M-marami," agree ni Jules, at napatingin muli siya sa malayo nang magpalit ng pagkaka-di-kuwatro si Pam at sumilip na naman ang panty niya.
Nagsalin ng orange juice sa baso mula sa pitsel si Pam.
"Juice?"
"S-sige," sabi ni Jules, ito'y para na din tumayo si Pam sa revealing niyang pagkakaupo. Kumuha si Pam ng baso at sinalinan si Jules ng juice. Tumayo si Jules para abutin ang baso at dahil naman dito'y sumilip ang cleavage ni Pam at nailang na naman siya.
"Alam mo, bagay sa 'yo ang gupit mo," compliment ni Pam habang bumalik ito sa upuan, at si Jules sa sofa bed. "Mas cute ka tignan kesa yung malago mong buhok na kulot."
Napangiti lang si Jules at uminom ng juice.
"Si Jules? Cute? Talaga lang ha!" bulalas ni Hannah na lumabas ng C.R. na nakatapis lang ng tuwalya. Basa pa ang maikli nitong buhok.
Napalingon sila.
"Bakit? Cute naman si Jules ah!" depensa ni Pam.
"'Yan cute?!" kutya ni Hannah at tumawa ito habang pumasok ng kuwarto para magbihis.
Tumayo si Jules.
"Hannah, peram na ng susi ng Hi-ace, para maikarga ko na itong hard case ko."
"Nasa taas ng ref!" sigaw ni Hannah mula sa loob ng saradong kuwarto.
Tumayo si Pam at siyang kumuha ng susi at inabot kay Jules. Naramdaman ni Jules ang malambot nitong kamay.
"Ah, eh, mauna na ko sa baba," paalam ni Jules.
"Okay," ngiti ni Pam sa kanya, obvious na nangfli-flirt.
Lumabas ng apartment si Jules, at nang wala na ito:
"Hannah," sabi ni Pam. "Bakla ba si Jules?"
"What?!" sigaw ni Hannah sa loob, hindi niya narinig.
"Never mind," sabi ni Pam at ipinagpatuloy ang pagubos sa pancake niya na nilagyan pa niya ng syrup, disappointed siya na tila walang epekto ang pagpapapansin niya kay Jules.
#
Paglabas ni Hannah ng apartment ay nasa loob na ng Hi-ace na nakaparada sa side ng road si Jules at busy sa kanyang iPhone.
Sumakay sa driver's seat si Hannah, suot ang usual niyang rock t-shirt, tight jeans at Chucks. Ngayon, hindi na pa-pretty girl ang ayos niya, kundi balik na sa eyeliner at bagsak na mahabang bangs. Ini-start niya ang Hi-ace at lumarga sila. Maluwag ang kalsada sa oras na iyon, at iwas sila sa Saturday traffic.
"So, ano na? 'Di mo pa nakukuwento 'yung date mo kagabi," ani ni Jules.
"Okay na sana eh," umiiling na sabi ni Hannah, sabay kuha ng kaha niya ng Marlboro reds sa dashboard, "Tapos, believe it or not, miyembro pala siya ng charismatic."
Natawa si Jules, "s**t. 'Di nga?"
"f**k lang 'di ba?" sabi ni Hannah habang nagsindi ng sigarilyo. "Malas talaga ako 'pag dating sa lovelife. Ewan ko, may sumpa ata ako."
"Don't worry, suwerte naman tayo sa trabaho," pinakita ni Jules ang P200k na cheke. "Nagdilang anghel ka, at nagka-kliyente tayo na milyonaryo."
"Yeah, Jules! Finally!" bulalas ni Hannah at nag-apir pa sila. "So, genuine na possessed ito?" tanong ni Hannah.
"Well, malalaman natin," sabi ni Jules.
#
Dumating sila sa bahay ni Don Carlos sa Forbes Park nang walang hassle. Dala ni Jules ang kanyang hard case at sila'y kumatok at agad na pinagbuksan mismo ng don, na para bang kanina pa ito naghihintay. Nang makita sila'y nagliwanag mukha nito.
"Good, you're here, come in," sabi nito.
Pinakilala ni Jules si Hannah sa don at sinundan nila ito papasok ng bahay. Napa-wow sila nang makita ang loob ng mansion. Ang laki ng living room ay tipong puwede kang magtanghal ng ballroom dancing. May malaking chandelier at mga paintings sa walls. Ang kapansin-pansin ay ang higanteng Christmas tree sa may stairwell, halos abot na nito ang ceiling na around 6 meters.
"Parang walang tao, sir," pansin ni Jules.
"Day off ng helpers, so, it's just me and my wife," sabi ni Don Carlos. "Lumabas si Miguel, I don't know kung what time 'yun babalik. So, where do we start?"
"Siguro, check namin ang bedroom niya," sabi ni Jules.
Tumango ang don at sinundan nila paakyat ng second floor tungo sa kuwarto ni Miguel.
"Pwede ba naming silipin ang loob?" tanong ni Hannah.
"Sure, go in," sagot ng don. "I'll leave you two here for awhile, okay?"
Iniwan sila ng don at pumasok ang dalawa sa kuwarto. Agad na may naramdamang mabigat si Hannah sa loob, sa kanyang assessment ay may naiwan pang "signature" kung sino mang entity ang nanatili sa kuwarto. Binuksan naman ni Jules ang hard case niya at nilabas ang kanyang mga gadgets.
Typical na kuwarto ito ng isang 18-year old. May mga action figures, magazines, libro, video consoles at games. Mac na desktop computer. Stereo at CDs. Ang type ng music ni Miguel ay medyo extreme, even sa taste ni Hannah. Morbid Angel, Deicide, Children of Bodom, Cannibal Corpse, Dying Fetus, Obituary, Carcass, Slayer. Death Metal. Ito ang pinapakinggang music ni Miguel.
"Well, siguradong walang Celine Dion diyan," tingin ni Jules sa mga CD.
"Ha-ha," plastik na tawa ni Hannah.
Sa wall, may mga poster din ng mga death metal bands, mga images ng mga bungo, kabaong, cemetery, pentagram symbols, inverted crosses, 666, cannibalism at demons. May poster ni Satan side by side ng poster ni Michael Jordan.
"At least, kahit paano, may Michael Jordan," muni ni Jules. "All is not lost."
"Agree," sagot ni Hannah.
Tinignan ni Hannah ang mga libro sa bookshelf. Stephen King, Clive Barker, Richard Matheson, Ray Bradbury, Dan Brown at mga graphic novels, Watchmen, Dark Knight, Civil War, Hellboy.
"Anong meron d'yan?" tanong ni Jules, na ginagamit ang kanyang K2 meter, isang gadget na kasinlaki lang ng sinaunang cellphone at nagme-measure ng EMF o electro magnetic field. May needle ito na parang sa speedometer ng kotse. EMF na nagsasabi kung may otherworldy presence. Tawag din dito ay Ghost Meter.
"So far, harmless naman," ulat ni Hannah. "Anong sabi ng K2 meter mo?"
Mahina ang palo ng needle ng K2 meter.
"Clear naman ang room," sagot ni Jules. "Kailangan natin ng evidence ng Satanic worship. Wala kang nakitang Satanic Bible, o anything na Anton LeVay?"
Hinalungkat ni Hannah ang drawer ng cabinet at nilabas ang mga magazines doon.
"Wala," sabi ng psychic at tumawa, "Pero, may mga porno magazines."
Nagulat sila nang may boses na nagsalita.
"What the f**k are you doing in my room?!"
Paglingon nila'y naroon sa may pintuan ang isang binata—si Miguel. Matangkad ito, may kapayatan, at may kahabaan ang buhok. Mana siya sa ama na maputi at matangos ang ilong. Si Miguel ay ang weird-type, matalas makatingin bagama't may hitsura naman.
"Who the f**k are you?" galit na sabi ni Miguel at humakbang ito sa loob ng kuwarto.
Nagulat sina Jules at Hannah at hindi makapagsalita. Lalo na si Hannah at hawak pa ang mga porno magazines.
"Get the f**k out of my room!" sigaw ni Miguel. "Pinapunta kayo ni Daddy ano?"
"Ah, eh..." nauutal na sabi ni Jules.
"Get out!!"
Biglang nilapitan ni Miguel si Hannah at hinawakan ang kamay nito at kinuha ang mga porno magazines.
"Get the f**k out, you b***h!"
Hindi agad naka-react si Hannah, parang natulala ito. At nagulat nang sumigaw pa uli si Miguel.
"I said, get out you f*****g b***h!" halos tumalsik laway ng binata.
Hinatak ni Jules si Hannah at nagmamadali silang lumabas ng kuwarto. Bitbit ni Jules ang hard case niya, diretso sila ng hallway at pababa ng hagdan. Maririnig ang malakas na slam ng pinto.
Nang makababa sila sa may living room ay sinalubong sila ni Don Carlos na kasama ang kanyang asawa.
"What happened?" tanong ng don.
"S-si Miguel," tense sabi ni Jules.
At nagulat muli sila nang marinig ang malakas na patugtog ng death metal music mula sa kuwarto.
"Nandito na si Miguel, Carlos" sabi ni Doña.
Napabuntong-hininga si Don Carlos, pinakilala kina Jules at Hannah ang asawa niya at niyaya sila na lumabas ng bahay kung saan sila magkakarinigan.
"So, what do you think?" tanong ni Don Carlos habang naglalakad sila palabas.
Umiling si Jules, "Well, we need more time..."
"More time?" pagtataka ng don. "What do you mean more time?"
"'Di pa kami sure..." sabi ni Jules, pero bigla siyang hininto ni Hannah.
"Bakit?" lingon sa kanya ni Jules.
At tumingin si Hannah sa kanila, at sinabing:
"I'm very sure. Your son is possessed."
#
Nakatayo sa ilalim ng puno, sidewalk palabas ng driveway sina Jules, Hannah, Don Carlos at ang asawa nito at doon naguusap. Sinabi ni Hannah na nang hawakan siya ni Miguel sa braso ay nakaramdam siya ng presence ng dimonyo sa loob ng binata. Saglit daw siyang napunta sa madilim na lugar—isang dimension at doon nakita ang matangkad na nilalang na pula ang mata at may dalawang sungay sa ulo.
"You're a psychic...a clairvoyant?" sabi ng doña.
Tumango si Hannah.
"Clairsentience din...sa pagkakataong ito," sabi ni Hannah.
"So, confirmed na possessed si Miguel, ganun ba?" mariin na tanong ni Don Carlos.
"Ganoon na nga, sir," sagot ni Jules.
"So, what do we do now?" dugtong ng don. "Paano n'yo mapapagaling ang anak namin?"
Nakatingin kina Jules at Hannah ang mag-asawa, nage-expect ng maliwanag at siguradong kasagutan. Nagpalitan ng tingin sina Jules at Hannah.
"We call in the exorcist," sabi ni Jules.
Nagkatinginan ang mag-asawa.
"Exorcist..." pag-ulit ng don na may buntong-hininga. Hindi niya inakalang one day ay maghi-hire siya ng taong ganito. At sa kanyang kaalaman, bagama't napanood lang sa TV at pelikula, isang hindi magandang pangitain ang exorcism.
Naramdaman niya ang kamay ng asawa sa kanyang palad.
"Carlos..." malumanay na sabi nito.
Tumingin ng diretso ang don kina Jules at Hannah, at sa kanyang commanding tone, sinabi:
"Just do what is necessary. Bring your exorcist."
Tumango sina Jules at Hannah.
Lingid sa kanila, mula sa second floor ay pinapanood sila ni Miguel, na tanaw ang harapan ng mansion. May malagim na expression ito sa mukha, titig na nagaalab sa suklam at kanyang grini-grind ang kanyang mga ngipin.