Infiltrate!

1823 Words
Alas-nuebe bente ng umaga sa isang donut shop sa Mabini area sa Maynila. Nakaupo si Andy Madrid sa mesang pandalawahan malapit sa bintana kung saan kita niya ang mga taong nagdaraan sa sidewalk—mga pawang matutulin ang mga hakbang para maiwasang ma-late papasok ng opisina. Nakakakuha ng munting aliw ang private investigator sa kanyang pagmamasid, at naiisip sa sarili kung paano nakakayanan ng tao ang ganoong takbo ng buhay. Ang paggising sa umaga; ang pagpili ng maisusuot; ang hassle ng pag-commute; ang mademandang trabaho; pag-iisip ng makakain sa tanghalian; at muli, ang hassle ng pag-commute pauwi. At kinabukasan, ganoon na naman. Birth. School. Work. Death. Ito ang naiisip ni Andy. Ito ba ang saysay ng buhay? Aniya sa sarili. Ang stages ng buhay. Isingit mo somewhere in between ang pag-aasawa't paggawa ng mga anak. Pero, in essence, habambuhay kang magtratrabaho hanggang ikaw ay mamatay. "Unless katulad ka ni Don Villaromano," ngiti ni Andy sa sarili. "Maagang magreretiro dahil maraming datung." Umuusok ang kape sa styro sa kanyang harapan. Nangalahati na ang sugar-glazed donut na katuwang nito. Sa loob ng donut shop, may ilang patrons ang naroon na nagkakape rin, at may mga nagta-take out naman para dalhin sa kanilang opisina. Paghigop ni Andy ay saktong bumukas ang pinto at pumasok ang matangkad, matipuno at ka-edarad niyang lalaki—si Tony, partner ni Andy sa kanyang maliit na kumpanya. Tinaas ni Andy ang kanyang kamay para makita kung nasaan siya. Binati siya ni Tony sa pamamagitan ng pagtango at lumapit ito. "Pare..." bungad ni Andy. "Kanina ka pa, pare?" tanong ni Tony, malalim ang boses nito. "Pasensya na't may mga binilin pa ko kay Marissa." Ang nasabing babae'y kanilang sekretarya. Ang kumpanyang nabanggit ay ang Maverick Private Investigators at mga apat na kanto lang mula sa donut shop ang gusali kung saan sila nagrerent ng opisina. Nilakad lamang ni Tony papunta rito. Kinaagahan, nagtext si Andy na sa donut shop sila magkita pagka't confidential ang usapan. "Umorder ka muna," sabi ni Andy. "Ah, oo nga," lingon ni Tony sa counter signage kung saan nakalathala ang menu. Tumayo siya't umorder at pagbalik sa upuan ay hawak na ang tray ng kape at apat na donuts. Malaking tao si Tony, malaki rin ang kanyang appetite. Inalok niya si Andy pero tumanggi ito't pagka't alam niyang sakto lang ang donuts kay Tony. Malamang nga'y kulang pa. "Ano ba itong kasong sinasabi mo?" tanong ni Tony. "'Yung missing persons ko," sagot ni Andy. "Ah, 'yung sa mayamang taga-Forbes park ba?" "Oo." "Natagpuan mo na 'yung nawawala?" Tumango si Andy at mula sa bulsa ng kanyang leather jacket ay nilabas niya ang isang maliit na litrato at inabot ito. Litrato ito ng warehouse. "Dito?" tingin ni Tony. "Anong problema?" "Ang problema ay kailangan nating pasukin 'yan para i-recover ang subject," tugon ni Andy habang humigop ng kape. "Ayaw ng don ng involvement ng pulis." "Ganun ba?" tango ni Tony, sumiryoso ang mukha nito. Gets niya agad ang sitwasyon. Gets niya kung bakit siya ang kausap ngayon ng partner—dahil dating PNP si Tony. Pansamantalang na-distract si Tony nang mapatingin sa nagpasukang dalawang 20-something na office girls na sexy ang mga kasuotan. Tapos ay binalik niyang litrato kay Andy. "So, iinfiltrate natin 'yan?" hininaan ni Tony ang kanyang boses. "Dating gawi?" "Dating gawi," ulit ni Andy. "Ito yung grupo ng mga Satanista, right?" Tumango si Andy. "Tingin mo kargado sila?" "Hindi ko sure," sagot ni Andy. "Malamang." "Okay, okay," tango ni Tony, paulit-ulit. Pinapakita niya at ina-assure kay Andy na kaya nilang i-handle ito. "May 200k na bonus sabi ng don. Hati tayo." Lalong bumilis ang tango ni Tony at may hagip na ngiti sa gilid ng bibig na lumawak pa nang dumaan sa mesa nila ang dalawang office girls na nag-take out, at kanyang nginitian ang mga ito. "I-schedule ko, pare," sabi ni Andy. "Kausapin ko lang uli ang don." "Okay, pare," baling pabalik ni Tony at inalok uli si Andy ng donuts. "Ayaw mo talaga?" Umiling lang si Andy. # Matapos ang usapan sa donut shop ay sabay na bumalik sina Andy at Tony sa kanilang opisina. Sa mga nagdaang oras ay pinagaralan at plinano ni Andy ang gagawin nilang raid sa warehouse. Of course, involve dito ang pagdadala niya ng armas—ng kanyang .38 revolver. Kaya pag-uwi ng gabing iyon ay dumaan muna siya ng gun shop at bumili ng ammo. Balak ni Andy na gawin ang raid mga 4 days mula sa araw na iyon, sa ika-20th ng Disyembre. Gusto niyang matapos na ang kaso ni Don Villaromano at makuha ang kanyang paycheck dahil balak niyang bigyan ang anak niyang si Pauline ng mamahaling regalo sa pasko. Marahil bagong laptop o ang latest na iPhone, o kung anuman ang nais nito. Gustong magpa-impress ni Andy sa anak. Naisip din niyang dalhin si Pauline sa isang vacation trip nguni't alam niyang suntok ito sa buwan. Sabado ang sumunod na araw at nagjogging si Andy noong umaga. Cardio. Nagehersisyo pa siya pagkatapos. Noong hapon ay nilinis niyang kanyang .38 revolover at nagtungo sa firing range kinagabihan. Ng gabi ng Linggo ay nagtungo siya sa bahay ni Don Carlos. Ito rin ang araw na nagperform ng exorcism sina Father Markus, Jules at Hannah. # Nang iparada ni Andy ang kanyang pick-up truck sa driveway ay napansin niya ang kakaibang katahimikan sa mansion. Iilan lang ang bukas na ilaw at naisip niya na baka maagang nagsitulugan ang mga tao. Nang tawagan niya ang don noong Sabado ay sinabi sa kanya na Sunday ng gabi siya magpunta, alas-nuebe ng gabi or later pa, aantayin siya nito. Mahigpit ang don sa oras at araw, para paniguradong hindi siya puntahan ni Andy sa opisina. 30 minutes late nang makarating si Andy at pagbaba niya ng sasakyan ay napansin niya ang nakaparadang Hi-Ace sa curb. Nilapitan niya ito at sinilip ang loob. Maya-maya'y bumukas ang pintuan ng mansion at naglabasan sina Father Markus, Jules at Hannah. Nagulat sila na makita ang private investigator sa oras na iyon at papalapit sa kanila. "Kumusta ang exorcism?" bungad ni Andy. "Mukhang napalaban kayo a." Nagkatinginan ang tatlo. "Exorcism?" inosenteng balik ni Jules. "Anong exorcism ang pinagsasabi mo, sir?" dagdag ni Hannah habang nagsisindi ng yosi. Bagama't hindi ipinaalam ni Don Carlos sa kanya ang role ng JHS at ang exorcism ay huli naman agad ni Andy ang lahat. Matapos niyang ma-meet ang tatlo sa Japanese restaurant ay nagka-idea agad siya kung ano ang nangyayari. Lalo pang na-confirm ito nang makaharap ngayon ang tatlo. "Ano pa nga bang nangyayari?" sabi ni Andy. "May van kayo na may mga equipments na mukhang mga kakaibang gadgets. Tapos may pari pa kayo na naka-full pari outfit..." Sinenyas ni Andy ang nasa leeg ni Father Markus. "May suot pang...istola ba tawag diyan? At may hawak pang rosaryo." Nagkatinginan uli ang tatlo. Si Father Markus sa hawak niyang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz. "Kung hindi ako nagkakamali," sabi pa ni Andy, at kay Father Markus. "Isa kang exorcist." At kina Jules at Hannah: "At isa sa inyo siguro ay isang medium at isa ay ewan ko, gadget guy." Swak. "A-ako ang medium," may hesitasyon na amin ni Hannah. "Psychic. Mas okay ang psychic." Napatingin sa kanya si Jules at if saying, Ba't umamin ka? At tuloy, wala siyang choice. "Parapsychologist," amin na rin ni Jules. Napangiti si Andy. May konting yabang sa mukha na tama na naman ang assessment niya. At bumaling siya kay Father Markus. "At siyempre si father na isang exor---" Hindi niya natuloy ang kataga pagka't hinawakan siya ng pari sa braso at naramdaman niya na may energy na dumaloy mula sa palad ng pari paakyat ng kanyang braso hanggang sa balikat. Napaatras si Andy na nagtataka. "At ikaw Mr. Madrid," ngiti sa kanya ni Father Markus, "ay isang agnostic. Naniniwala ka na may diyos pero hindi ka sigurado kung sino siya talaga." Nabasa naman ng pari ang katauhan ni Andy, na hindi agad nakapagsalita—napawi ang ngiti sa kanyang mukha. Dama pa niya ang kakaibang sensasyon na hatid ng paghawak ni Father Markus. Nang makita nina Jules at Hannah ang ginawa ng pari ay alam nila ang nangyari at napangiti sila na nakaganti sila sa private investigator. "Hindi si Yahweh o si Allah o si Buddha, 'di ba?" ngiti ni Jules. "Malay natin, alien pala ang diyos," biro ni Hannah. Nangangalap ng masasabi pabalik si Andy nang saktong lumabas si Don Carlos. "Nandito ka na pala," sabi ng don. "Halika, dun tayo sa may kotse mo mag-usap." Bago sila makahakbang ay natigilan silang lahat nang may dumaang itim na van—ang sasakyan ng mga Satanistang ka-grupo ni Miguel. Mabagal itong nag-cruise sa harapan ng mansion. Bukas ang mga bintana at sa loob nakatingin ang mga nakasakay—ang mga Satanist na may sariling simbolo. Tila nakikipagtitigan ang mga ito sa kanila. Sa harapang upuan nakaupo ang skinhead na lider na nagngangalang: "Juan Satan..." bulong ni Jules. Nang makalagpas ang van ay nagkatinginan silang lahat. "Excuse me?" ani ni Don Carlos kay Jules. "What did you say?" "'Yung skinhead sa harap ng van ang leader ng mga Satanista. Ang pangalan niya ay Juan Satan," inform ni Jules. "May banda siya, Satan's Shadow. May mga underground gigs sila...tugtugan."" "Juan Satan..." ulit ni Andy. May impressed look siya—at paghanga kay Jules na nalaman ng parapsychologist ang impormasyong ito. Of course, alam na niya ito pagka't na-research na rin niya. "Kung gusto nating malaman ang activities nila," patuloy ni Jules. "Maganda sana na ma-infiltrate natin ang grupo nila." Infiltrate. Uli, napangiti si Andy. May plano rin sila ni Tony na infiltration. "Yes, and how?" mabilis na tanong ng don. "Oo nga...how?" napaisip si Jules sa sarili. Nagliwanag mukha ni Hannah. "Banda sila, 'di ba?" bulalas ng psychic. "Ibig sabihin may mga followers 'yan, mga fans. Pwede tayong mag-pose na mga Satanistang fans nila!" Ang tinutukoy ni Hannah ay siya at si Jules at oo nga, maaaring silang pumasa na groupies. Mga Satanistang groupie. "Yes! In that way, pwede nating ma-infiltrate ang grupo nila!" excited na balik ni Jules. "Pero, paano ito makakatulong sa..." napahinto si Don Carlos, at napatingin kay Andy. Muntik na niyang masabi ang hindi pa alam ng P.I., nguni't: "Exorcism?" dugtong ni Andy. "What? How did you...?" pagtataka ng don. "Alam niya, nahulaan niya," sabi ni Father Markus. Saglit na napaisip ang don. "Okay, well, might as well, right? But back to my question..." "Baka makahanap kami ng impormasyon na makakatulong sa exorcism, Don Carlos," sabi ni Jules. "Information about what?" inis na sabi ng don. "What could you possibly find na matutulungan si Miguel?" "Hindi pa namin alam," sagot ni Father Markus. Sa oras na ito, wala ng tao sa kalsada kundi sila lamang. Pero, sa lakas ng boses ng don ay may mga aso mula sa kapitbahay niyang mga taga-mansion din, ang nagtahulan. Kaya't sumenyas ang don na tumungo sila sa loob ng bahay, at nang makapasok: "Okay, you do that. Infiltrate the Satanists," utos ng don, at tinuro sina Jules at Hannah. "Pero, obviously hindi kayo pwedeng dalawa, since nakita na kayo ng mga nagdaang Satanists. Kilala na kayo." May naisip si Jules. "Si Hannah may kilala," sabi niya. "Ako?" pagtataka ng psychic. "Oo, Hannah. Nagbabanda siya 'di ba? Tamang-tama." Nagets ni Hannah ang taong tinutukoy ni Jules. "Jules..." "For the team Hannah, one for the team," kumbinse ni Jules. Umiling si Hannah. Ayaw niya sana pero nakatingin na sa kanya ang lahat—si Father Markus, Andy at lalo na si Don Carlos na hinihintay ang kanyang kasagutan. Walang nagawa si Hannah. Kinuha niyang cellphone sa bulsa at nagdial. Saglit lang ay nag-ring ito at may sumagot. "Hello? Hannah?" Nagbuntong-hininga si Hannah at sumagot. "Hi, Dean..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD