In His Own Image

1821 Words
"f**k!" Malalim ang hithit ni Hannah sa yosi sa harapan ng mansion kasama si Father Markus. Pasado alas singko y medya na ng hapon at hindi na kita ang araw sa horizon. Ang langit ay isang grayish-blue at nagsisimula nang dumilim. "Paano natin matatalo si Satanas kung kaya niyang mag-appear at disappear?" tanong ng psychic. "Ngayon lang nangyari ito, father. Anong gagawin natin?" Ito'y isang katotohanan na bumubulaga sa kanila ngayon. Sa tagal na nilang ginagawa ang ritwal ng exorcism, nagmistulang routine na ito para sa kanila. May sistema, systematic. Pero, ngayon, tila naharap sila sa isang dead end. "Hindi ko alam, Hannah. Kukunsultahin ko si Bishop," ang tanging nasabi ni Father Markus, at tinignan niya ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz na nakapulupot sa kanyang kaliwang kamay. Kung walang bisa ang pinakamalakas na artifact na kanilang armas laban sa kampon ng kadiliman, naisip niya, ano pa ba ang magagawa nila? "f**k!" ulit ni Hannah at bumuga ng usok. "Sorry, father, tense lang ako." Tumango si Father Markus, "Si Jules?" "Nasa loob ata, father," senyas ni Hannah. Bukas ang pintuan ng mansion, at mula dito'y may katahimikang nananaig—Pasko sa mansion ng mga Villaromano, maya-maya'y bubuksan na ang mga makukulay na Christmas lights na nakapalibot sa bahay, sa mga bintana, gate at pader. Iilaw ang higanteng Christmas tree sa may hagdanan, nguni't ang pagdiriwang ng kapaskuhan sa tahanan ay nababalot ng lagim at takot. Matapos ang hindi matagumpay na exorcism nila sa basement, ay nagtungo sa kuwarto ni Miguel si Jules, hoping na makahanap ng sagot, kahit na kaigting na clue sa problema nila, habang si Don Carlos ay namahinga sa sariling kuwarto at ang doña ay naghahanda ng kanilang hapunan kasama ang dalawang katulong sa bahay. "Anong tinatago mo, Miguel?" bulong ng parapsychologist sa sarili. "Anong koneksyon mo kay Satanas?" Muling binalikan ni Jules ang pagtingin sa mga gamit ni Miguel tulad ng unang araw nila rito ni Hannah kung saan sila nahuli ng binata at sinigawang umalis. Ngayon, mas focused si Jules, at inisa-isa niya ang mga libro't magasin, maging mga personal na notebooks ay kanyang sinipat ang mga pahina. Sa study table ay naroon ang desktop computer at kanya itong binuksan, nguni't ang laman lamang nito'y mga video games. Sunod na binuksan niya ang mga drawers ng study table at ito'y naglalaman ng mga karaniwang mga bagay: bolpen, lapis, papel, etc. Nguni't, nagulat si Jules nang kanyang buksan ang pinakaibabang drawer at makita na naroon ang isang maliit na laptop. Nagmamadaling kinuha ni Jules ang laptop at siya'y naupo at ipinatong ito sa kanyang hita. Pinindot niya ang "on" button at pumikit siya at nag-cross ng fingers. Pagdilat niya at tumingin sa screen ay nakahinga siya nang maluwag—dahil sa kasuwertihan niya'y wala itong password. "Yes...yes..." ngiti ni Jules at ginamit ang trackpad. Agad niyang tinignan ang laman ng harddrive at binuksan ang mga folders, habang nakikiramdam kung may paparating na tao. Ang laman ng documents folder ay pawang mga school reports at wala siyang nakitang kakaiba sa mga ito. Tapos ay binuksan niya ang "Photos" kung saan may mga folders na may labels tulad ng: My vacations, birthday party pics, baby pics, at iba pa. Dinouble click ni Jules ang folder na ang label ay "Miguel" at ito'y naglalaman ng litrato ni Miguel sa iba't-ibang edad ng pagkabinata, nguni't mukhang mga karaniwang photos naman. Katabi nito ay isang folder na ang label ay "Lucas." Nang kanyang buksan ito'y ang laman ay pawang mga iba pang litrato ni Miguel. Medyo ipinagtaka ito ni Jules at kanyang naitanong sa sarili, Bakit "Lucas" ang pangalan ng folder? Nagulat ang parapsychologist nang biglang bumulaga si Hannah sa pintuan. "Jules! Andito ka lang pala. Kanina ka pa namin hinahanap..." "Shh!" senyas ni Jules at nilapat ang hintuturo niya sa bibig. "Bakit?" curious na lapit ni Hannah. "At bakit mo tinitignan 'yang laptop. Bawal 'yan sa code of ethics a." "'Wag ka maingay." Pinakita ni Jules ang mga litrato ni Miguel, at ang mga litrato pa nito na nasa folder na nagngangalang "Lucas." "Lucas? Sino si Lucas?" tanong ni Hannah. "Eh si Miguel din 'yang nasa mga litrato." "Yes, exactly." "Patingin nga uli." Nang hawakan ni Hannah ang screen ng laptop ay bigla siyang napaindak at saglit na napapikit. Napaatras ang psychic at napahawak sa ulo. "Bakit?" pagtataka ni Jules. "May na-sense ako," sagot ni Hannah. "P-parang may dalawang boses akong narinig." "Magkaibang boses?" usisa ni Jules. "P-parang," hindi sure si Hannah. "Magkaiba pero parang iisa." "Konektado kaya sa dalawang anino na sinabi 'nung maid?" "'Di ko sure," nalilitong tugon ni Hannah. Naalarma sila nang marinig na bumukas ang pintuan ng Master's bedroom at umibabaw ang malalim na boses ni Don Carlos sa katahimikan. Hinahanap ng don ang kanyang asawa. Napatayo si Jules at mabilis na isinara ang laptop at ibinalik sa ibabang drawer. At maya-maya lang ay nariyan na ang mga yapak ni Don Carlos na padaan sa kuwarto. "O, you're here?" sabi ng don, nagtataka na makita sina Jules at Hannah sa kuwarto ng kanyang anak. "Nasaan si faher?" "Hinahanap nga namin, sir" sabi ni Jules at may konting acting pa. "Akala namin nandito." May sasabihin pa sana ang don pero narinig nilang tawag ng doña mula sa ibaba ng stairs. "Carlos? Carlos!" Saglit na tumingin pa ang don kina Jules at Hannah bago nagpatuloy sa paglalakad at bumaba ng hagdan. Pinauna ng dalawa ang don bago sumunod. Sa ibaba, saktong pumasok na rin si Father Markus at lahat sila'y tumayo sa liwanag ng higanteng Christmas tree. "Come," aya ng doña, may taglay na lungkot ito na kanyang itinatago. "Mag-dinner muna tayo." "I think we all need to talk, right?" diin ni Don Carlos at inisa-isa na tinignan sina Father Markus, Jules at Hannah na nagsipagtanguan. # Hindi ikinasiya ni Don Carlos ang naging outcome ng exorcism at pakiramdam niya'y hindi lamang siya nilinlang ng dimonyo kundi in a way, nina Father Markus, Jules at Hannah na sa una'y akala niyang mabilis na pagpapagaling nila kay Miguel. Kaya't during dinner ay nilabas niya ang kanyang disappointment. "I thought you were the experts," sabi niya. "Kung 'di n'yo kayang pagalingin ang anak ko, I have the money to seek help from other countries. Baka mas magagaling ang exorcists sa ibang bansa." Tahimik lang na tinanggap ito ni Father Markus, at this point ay nagkakaduda na rin siya sa sarili niyang abilidad. Nguni't, mabilis naman siyang ipinagtanggol ng dalawang kasama. "Good luck sa paghahanap," defiant na sabi ni Hannah at tinuro si Father Markus. "'Di n'yo ba alam na si father ay hinahangaan sa ibang bansa. Kahit magpunta kayo sa Italia! Ang tawag kay father doon ay la rovina...la rovina ala-something!" "La rovina della diavolo," salo ni Jules. "The Devil's Bane!" "Mismo!" sumbat ni Hannah. Sinenyasan ng pari na kumalma ang dalawang kasama—na bagama't masama ang loob sa pagturing sa kaibigan nilang pari ay ganado pa rin sa pagkain, pagka't ang handa ay steak na may sidings ng fresh vegetables. "The Devil's Bane!" mayabang na ulit ni Hannah at bumulong kay Jules, "paabot nga ng A1 sauce." Pinahinahon naman ng doña ang kanyang asawa. "Carlos, I'm sure they're doing their best." "We are," assure ni Father Markus. "Kailangan lang namin ng time." Pero, bumulusok muli sa galit ang don. "Time? We don't have time!" pagdadabog niya. "Don Carlos," umpisa ni Jules. "In that case, tulungan n'yo din kami. Mayroon bang tungkol kay Miguel na hindi namin alam? May sikreto ba siya na hindi n'yo pa nasasabi?" Sa tanong na ito'y natahimik si Don Carlos at napatingin sa asawa. Nang makita ito ni Father Markus ay may napansin siya. Sa facial reaction ng doña ay parang may gusto itong sabihin, nguni't pinigilan siya ng don. "Don Carlos," harap ng pari. "May gusto ba kayong sabihin sa amin?" "W-wala," matigas na tugon ng don sabay tumayo. "Just do your best, father." Pagkasabi'y humakbang palayo ang don at iniwan sila. "Pagpasensyahan n'yo na si Carlos," paumanhin ng doña. "Miguel meant the world to him...to us. Si Miguel kasi ang tagapagmana ng lahat and we just want him back." Matapos ang hapunan ay naghanda muli ang tatlo para harapin si Satanas na nasa loob ni Miguel. Pero ngayon, hindi para mag-perform ng exorcism since alam nilang futile ito, kundi kausapin ang hari ng impiyerno at alamin ang layunin nito. # Alas-nuebe ng gabi nang pumasok sina Father Markus, Jules at Hannah sa kuwarto sa basement at doon, naghihintay na si Miguel. Nakaupo sa kama at nakaposas ang magkabilang kamay sa bedsposts, nakayuko ito't natatakpan ng mahabang bangs ang mukha, nguni't aninag nila na ang mga mata nito'y halos puti na at ang ngipin niya'y naninilaw tuwing magpapakita ng mabangis na mga ngiti, at mailawan ng nag-iisang bumbilya sa kisame. "Ano pa'ng hinihintay n'yo?" garalgal na boses ni Satanas kay Miguel. "Parusahan n'yo na ako ng mga salita ng diyos. Basbasan n'yo ako ng banal na tubig." Isinara nilang pinto at nagpaalam kay Don Carlos na hayaan muna sila na kumprontahin si Satanas. Tumayo ang tatlo sa harapan ng kama. "Hindi kami narito para d'yan," sabi ni Father Markus. "Hindi?" may pagtataka sa dila ng dimonyo. "Anong kailangan mo, Satan?" patuloy ni Father Markus, sa kanyang magkabila, si Jules ay kumukuha ng video at si Hannah nama'y nangangalap ng vibrations. "Anong kailangan mo sa katawang ito?" Tumingin si Miguel sa kanyang mga kamay na nagbabalat, mga brasong may mga tuyong sugat at nagsalita ang dimonyo mula sa kanyang bibig. "Ginawa ng diyos ang tao ayon sa kanyang imahen," sabi ni Satanas. "Kung ganon, ang katawan ng tao ay banal, hindi ba, father?" Lumunok ng malalim si Father Markus at sumagot, "Oo. Nagkatawang tao si Hesus at..." "Maging ang nag-iisa niyang anak ay nagkatawang tao," interrupt ni Satanas habang tinitignan pa ang katawan ni Miguel. "Anong kailangan mo?" matapang na tanong ni Father Markus. "Espesyal ang katawang ito, father," gigil na sabi ng dimonyo. "Kung kaya't gusto ko itong dumihan." Nagkatinginan sina Jules at Hannah, iniisip kung anong pinupunto ng dimonyo. "Espesyal? B-bakit espesyal si Miguel?" tanong ni Jules. Hindi siya sinagot ng dimonyo. "Bakit mo siya gustong dumihan?" tanong naman ni Hannah. "Sagutin mo kami!" itinaas ni Father Markus ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz. "Sumagot ka!" Mula sa pagkakaupo ay lumuhod si Miguel sa kama at itinaas ang kanyang ulo, at pinandilatan sila. Nakapangingilabot ang kanyang hitsura at tila nagdilim sa kuwarto, at nang muling magsalita ito ay yumanig ang malalim at garalgal nitong boses sa pader. "Dahil espesyal ang katawang ito ay dudumihan ko!" sigaw ni Satanas. "Ipapakita ko sa kanya na kaya kong dumihan ang mga likha niya. Kukutyain ko siya! Isasampal ko sa mukha niya! Akin ang katawang ito! Akin ang katawang ito para sirain!" "Hindi sa iyo ang katawang ito, Satan," sigaw pabalik ni Father Markus habang tinutok pang rosaryo. "Ibalik mo siya sa Diyos!" Nagliwanag ang katawan ni Father Markus nang dumaloy muli ang kapangyarihan ng rosaryo sa kanyang katawan, at nang gagapusin na ng kapangyarihan si Satanas ay ngumiti lamang ito at sinabi: "Sa uulitin, father. See you soon." At muli, nilisan ni Satanas ang katawan ni Miguel para takasan ang kapangyarihan ng rosaryo at ni Father Markus. At muli, bumalik si Miguel sa normal. Nang madinig ang boses ng anak ay nagpasukan sina Don Carlos at kanyang asawa para arugain ito, at sila'y napaiyak at nagakapan. At sina Father Markus, Jules at Hannah? Sila'y naglabasan ng kuwarto—nasa mga mukha nila ang desperasyon, ang himutok ng pagkatalo. Natakasan na naman sila ni Satanas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD