How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which did weaken the nations!
Isaiah 14:12
"My God!" bulalas ni Bishop Israel at kanyang kinuha ang saklay na nakasandal sa kanyang easy chair, at siya'y napatayo. "Are you sure?"
Nasa loob siya ng study room ng kanyang bahay, isang kuwarto na napapaligiran ng maraming libro sa mga bookcases. Isang bookaholic ang Kastiloy na obispo at kakakain lang niya ng hapunan, nakapagsuot na ng robe at nagretiro na sa study room upang magbasa. Kakaumpisa pa lang niya sa isang libro nang dumating sina Father Markus, Jules at Hannah na may masamang balita, alas siyete ng gabi.
"Yes, bishop, sigurado kami," taimtim na sagot ni Father Markus na hindi pa nauupo simula nang dumating sila. Ganoon din sina Jules at Hannah na nasa likuran lamang niya.
"Walang kaduda-duda," dagdag ni Hannah. "Sa mga powers na pinakita niya."
Lumingon sa kanila si bishop.
"At anong mga powers ito?"
Humakbang papalapit si Jules.
"For starters, bishop, nabasa niya ang iniisip namin."
"What? But, how?" ang gulat na reaction ni Bishop Israel. "The devil is not omniscient. Only God has that power. Diyos lang ang nakakaalam ng iniisip natin."
Ayon sa bibliya at mga scholars, si Satan ay hindi omniscient na ibig sabihin ay alam niya ang lahat o alam ang iniisip ng isang tao, at hindi rin siya omnipresent—hindi siya everywhere at the same time, kundi'y marami siyang mga alagad, mga fallen angels na tulad niya na gumagawa ng kanyang mga utos. Kaya nang sabihin nina Father Markus na nabasa ng dimonyo sa loob ni Miguel ang guwardiyado nilang isip, ay lubos niyang ipinagtaka ito. Kung posible nga ito tulad ng kinatatakutan nila, wala nang iba kundi si Satanas lamang ang nag-possess kay Miguel.
"Inacknowledge niya," sabi ni Father Markus. "Nang tawagin ko siyang Satan."
Sa mansion ng hapong iyon, nang isinigaw ng pari ang pangalan ng diablo kay Miguel ay sumagot ito. Ako nga, ang lumabas sa bibig ng binata. Tanging ang hari ng impiyerno ang may karapatan sa pangalang ito, at saglit na nagdilim ang kuwarto ni Miguel at nakarinig sila ng mga hiyaw ng mga nasusunog na kaluluwa na tumagos sa pader at narinig ng don at doña sa hallway. At narinig ng mga kasambahay sa ibaba. At lahat sila'y nanginig at gumapang ang kilabot sa kanilang mga katawan. Hindi nagaksaya ng oras, mula sa mansion ay dumiretso sina Father Markus, Jules at Hannah sa bahay ni Bishop Israel.
"Satan himself. Tha angel Lucifer," buntong-hininga ni Bishop Israel habang sumandal muli sa kanyang easy chair. "What can I say, mukhang nakuha n'yo ang atensyon ng hari ng impiyerno."
Natahimik sila sa thought na ito—na si Satanas na mismo ang kumukumpronta sa kanila, at bumigat ang kanilang pakiramdam. Walang makaimik, halos dinig ang kanilang mga hininga, kaya't sabay-sabay silang nagulat nang kumatok si Arturo sa pintuan. Pumasok ang butler dala ang teapot at mga tasa. At espesyal para kay Hannah, ang milktea. Nagpasalamat sila at lumabas ang butler at sinara ang pintuan.
"Sooo," pabulong na sabi ni Hannah habang nag-sip ng kanyang milktea. "Anong gagawin natin?"
"Kailangan natin ang rosaryo ni San Lorenzo Ruiz," sabi ni Father Markus.
"Yes," agree ng bishop. "I'll tell the Archbishop that we're coming."
#
The next day, maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa opisina ng arsobispo. Ang Office of the Archbishop ay nasa vicinity din lang ng Manila Cathedral. Christmas Season kaya't maraming X-mas decors sa paligid, maging ang life-size statue ni San Lorenzo Ruiz na ngayon ay pinagmamasdan nina Father Markus, Jules, Hannah at Bishop Israel mula sa kinauupuan nila sa hallway, ay may red and green motif.
"The Archbishop will see you now," paglapit ng lalaki na siyang secretary ni Archbishop Villasor.
Nagsitayuan sila para pumasok sa opisina ng arsobispo. First time ito nina Jules at Hannah na makapasok roon at namangha sila sa eleganteng interior.
"Come in, come in!" malugod na bati ng 60-something na arsobispo, na hindi katangkaran, kayumanggi, may katabaan at naka-salamin.
"Your excellency," bati nina Bishop Israel at Father Markus, at nakibati na rin sina Jules at Hannah—na nagsuot ng formal, long sleeve polo kay Jules at blouse naman kay Hannah, although naka-jeans pa rin sila at sneakers.
"Bishop Israel...Father Markus," kinamayan ni Archbishop Villasor ang dalawang alagad ng Diyos, sabay bumaling sa hindi pa niya nami-meet na miyembro ng JHS. "And this must be Jules and Hannah."
"Your excellency," sabay na greeting ng dalawa at may bow pa sila.
"I've heard a lot about the two of you. You're doing the Catholic church a good service," may paghangang sabi sa kanila ng arsobispo at nag-alok, "Please, sit down."
Naupo sina Bishop Israel at Father Markus sa magkatapat na upuan sa narra na office table ng archbishop, na naupo sa kanyang puwesto. Sina Jules at Hannah ay nagtabi sa may sofa na malapit din lamang. Napansin ni Father Markus na may giant jigsaw puzzle sa mesa—ang favorite past time ni Archbishop Villasor. Nangangalahati na siya sa pagbubuo ng litrato ng Notre Dame de Paris sa France, isa sa pinakamaganda at sikat na cathedrals sa buong mundo.
Sa mesa katabi ng jigsaw puzzle, may nakahanda nang teapot at teacups at in-offer ito ng archbishop sa kanila.
"Narito kayo para sa rosaryo," kaswal na sabi ng arsobispo at nagsalin ng sarili niyang tsaa.
"Yes, your excellency," serious na tugon ni Bishop Israel.
"What is it this time? A first hierarchy...a second hierarchy?" tanong ni Archbishop Villasor habang humigop sa kanyang tasa.
Nagkatinginan sina Father Markus at Bishop Israel na tila nagsesenyasan kung sino ang magsasabi ng bad news sa arsobispo. At si Bishop Israel ang bumuwelo na nagsabi:
"It's Satan himself, your excellency."
Nang madinig ito'y nabuga ni Archbishop Villasor ang hinigop niyang tsaa at natapunan ang ginagawa niyang jigsaw puzzle, at dahil dito'y nagulo ito.
"What?!" sigaw ng arsobispo at nagpalipat-lipat siya ng tingin kay Bishop Israel at Father Markus, hoping na mali ang narinig niya.
"Walang iba kundi si Satanas," confirm ni Father Markus. "The adversary."
Binigyan siya ng masamang tingin ng arsobispo. Noon pa ma'y may trust issues na si Archbishop Villasor kay Father Markus, na tingin niya'y isang rogue priest. Although tanggap niya na may abilidad ang pari sa pagsugpo sa dimonyo lalo na't naging matagumpay sila kontra sa dimonyong Berith last year, ay tinuturing pa rin niyang isang risk si Father Markus na nag-a-attract ng evil. At ngayon, 'yun din ang hinala niya.
"It's you, father," turo niya. "Ikaw ang pinupuntirya ng dimonyo."
Hindi nakasagot si Father Markus, dahil alam niyang tama ito.
"And your team!" malakas na sabi ng arsobispo at tumingin din kina Jules at Hannah na napaindak sa kanilang upuan sa gulat. "You've angered the devil!"
"Given that it's true," sabi ni Bishop Israel matter-of-factly, "Father Markus is still being revered by the Church."
Kumalma naman agad ang arsobispo at nag-agree kay Bishop Israel. May pagtataka sa mukha ni Father Markus—tungkol doon sa "being revered." Hindi niya alam kung ano ito. Nang makita ang reaction niya ng bishop ay sinenyasan nito ang archbishop na magpaliwanag.
"Word got out," sabi ng arsobispo. "About dun sa victory ninyo sa demon na si Berith at pagpapagaling doon sa bata na ipinanganak sa haunted house. Alam ng ibang simbahan, ng ibang diocese dito at sa ibang bansa ang nangyari doon sa Quezon. Even sa Vatican nakarating na ang news. And they held you all with high regard, you Father Markus and the rest of your team."
Nagkatinginan sina Jules at Hannah.
"Really?" hindi napigilan ni Jules na magsalita.
"Yes," tango ng arsobispo na may roll ng eyes. "They think your team is great."
"f**k, yeah JHS!" masayang sabi ni Hannah at napatakip siya ng bibig, at nakita niyang nakatingin sa kanya ang lahat.
"Miss," umiiling na sabi ni Archbishop Villasor at napasimangot. "That is the first time that word was uttered in this room. Even in this building since it was built!"
"S-sorry, your excellency," nahihiyang sabi ni Hannah at napatiklop sa kinauupuan.
Napangiti si Father Markus, hindi lang sa slip-of-the-tongue ni Hannah, kundi sa success na natamo ng JHS, at siyempre, pride sa kanyang sarili. Masarap sa pakiramdam niyang makita sina Jules at Hannah na masaya.
"You, Father Markus, is beginning to be a legend," sabi ni Bishop Israel. "In Rome, ang tawag sa iyo ng mga students ay la rovina della diavolo, "the Devil's Bane." Mukhang marami kang fans."
Napangiti si Father Markus, ganun din sina Jules at Hannah. Ayon pa kay Bishop Israel at Archbishop Villasor, madalas na mabanggit si Father Markus sa mga lectures ng school of exorcism sa Rome, mula sa European University hanggang sa Pontifical Athenaeum Regina Apostolorum. At expect daw ng pari na tumawag ang Sacerdos Institute na siyang namamahala sa exorcism course na Exorcism and Prayer of Liberation, para imbitahan siyang mag-talk sa mga students.
"Yeah, father! Devil's Bane!" masayang hudyat ni Hannah.
"Parang superhero lang!" palakpak ni Jules.
"Alright, back to business," singit ni Archbishop Villasor. "Bago ko ibigay ang rosaryo, I want details ng exorcism, names...prognosis...schedule..."
"I'll have it in your office tomorrow morning," sabi ni Bishop Israel.
"Thank you, your excellency," sabi ni Father Markus sa arsobispo.
Nagkatinginan sila ni Archbishop Villasor at nagpalitan ng respectful na mga tango.
"You are the only one who can really wield the rosary of San Lorenzo Ruiz, father," diin ng arsobispo. "Ngayong haharapin n'yo si Satanas, malalaman natin ang tunay na power ng artifact na ito. Godspeed sa inyo."