CHAPTER 7

2374 Words
“FRIENDSHIP, sige na. Ibigay mo na sa akin yung number ni pogi,” pangungulit sa akin ni Monina. Pang-ilang hingi na ba niya sa akin ito? Hindi ko na mabilang. At hindi ko na rin mabilang sa daliri ko kung ilang beses ko na ring sinabi sa kaniya na nabura ko na. Alam naman niyang nagbubura ako agad ng mga message na walang kwenta. “Kulit ng lahi mo. Wala na nga. Last na hirit mo na sa akin iyan dahil kapag nangulit ka pa, sasampigain na kita.” “Ano ba naman ’yan. Paano ako ngayon nito? Paano na ang lovelife ko? Paano na ang future ko? Paano na ang Bataan ko?” Kumibot ang sentido ko sa pinagsasasabi niya. Ngali-ngaling ihampas ko sa kaniya itong ihawan na nasa harap ko. Ang sakit niya sa ulo. Yes, I get it. Makalaglag-matris ang s*x appeal, pang-display ang alindog at nag-uumapaw sa karisma ang lalaking iyon. In short, puwede nang pagtiyagaan. Laman-tiyan din para sa katulad ni Monina na hindi na makapaghintay na kusang dumating ang lalaking inilaan para sa kaniya ng Diyos. But the point is, kailangan ba talaga niyang iasa sa isang lalaking minsan niya lang nakita at nakausap ang future niya? Tapos miyembro pa ng budol-budol gang. Tsk! Pambihira. “Pangalan nalang, friendship. Ipagtatanong ko nalang doon sa K and J. Dalawa lang naman ang branch no’n dito sa atin, e,” muli niyang hirit. Tumigil ako sa ginagawang pagpapaypay para abutin yung inaabot na ipapaihaw ng bumibili. Matapos ibabad ang mga iyon sa pinagbabaran ko rin ng marinated na karne ay muli kong binalingan si Monina na nakatanghod sa akin at matiyagang naghihintay sa sagot ko. Parang sira. Na-love at first yata ang kerengkeng. Inirapan ko siya pero sinagot rin para magtigil sa kakulitan. “Rain,” walang buhay na ani ko. “Wow!” bulalas niya. “Rain . . . English ng ulan. Pangalan palang, nakaka-wet na.” Humagikgik pa siya na tila may naipit na kung ano sa kaniya. Tuluyan ko na siyang hinampas ng hawak kong pamaypay. “Ang landi mo!” singhal ko. Tumawa lang siya habang hinahaplos yung braso niya. “Oa naman nito. Landi agad? Bakit, hindi ka ba mababasa kapag naulanan? Water proof ka? Water proof? Ang dumi ng isip nito,” tatawa-tawa niyang sabi sabay kuha ng isang stick ng hotdog na ipinaihaw niya sa akin kanina. Ngiting-ngiti pa siya at tila may naglalarong kabastusan sa isip habang isinusubo niya yung dulo ng hotdog sa bibig niya. Nakalabas yung dulo ng dila niya habang sinusundot-sundot ang dulo no’n. Marahas akong napabuntong hininga. Kapapanood niya iyan ng malalaswang video, e. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa kong pagpapaypay ng nakasalang na barbeque sa ihawan. Inangat ko isa-isa ang mga nakasalang para i-check ang kabilang bahagi kung luto na. Nang makitang ayos na ay saka ko binaliktad at pinahiran ng mantika na may halong ketsup. Mag-a-alas siyete na pero hindi parin nauubos ang paninda ko. Himala kasi na walang namakyaw ngayon na mga lasenggo. Madalas kasi ay alas-sais paubos na ang tinda ko o ’di kaya naman ay bago mag-alas-siyete. Pero bakit ngayon ay nangangalahati palang? Napabuga ako ng hininga. Kanina pa umuungot ng tulog sa akin ang anak ko. Pero dahil sa marami-rami pa itong tinda ko ay kinakailangang si Nanay muna ang kasama niya. Matapos tanggalin ang lahat ng lutong barbeque sa ihawan, ibinalot ko na iyon at sinamahan ng suka na nakalagay sa supot bago iniabot kay aling Marites. “Naku, Sunshine. ’Di hamak na mas masarap pa rin ang timpla mo kaysa roon kay Jing-Jing. Pagkalamya-lamya ng lasa maging ang sawsawang suka. Halatang tinipid sa rekado kaya siguro mas mura kaysa rito sa ’yo. Pero aanhin ko naman ang mura kung mapapamura ka naman sa tigas ng karne,” tuloy-tuloy na palatak ni aling Marites. Tumatalsik-talsik pa iyong laway niya habang nagsasalita kaya bahagya akong napapangiwi. “A, kaya po pala walang masiyadong bumili ng tinda ko ngayon, aling Marites. Baka naroon na ang mga suki kong sunog-bituka.” Ngumiti nalang ako kahit may pagkadismaya akong naramdaman. May kakompitensiya na naman ako sa negosyo. Nahahalata ko kasi ang kapitbahay kong si Jing-Jing na palagi na lamang ginagaya ang business ko. Pero iniisip ko nalang na baka nagkataon lang. “Nakow, friendship. Umiral na naman ang gaya-gaya puto-maya mong neigborhood! Sabihan mo lang ako. Ako ang bibigwas doon.” “Sira! Nagkataon lang naman siguro. Kung gusto sa akin ng tao, e ’di sa akin sila mismo lalapit. Kung kay Jing-Jing naman ang bet nila, ay sino naman ako para mamilit ng tao para sa akin sila bumili. Saka, kaniya-kaniyang suki lang naman iyan.” Umiling-iling siya. Humigop siya ng suka mula mismo sa mangkok bago muling nagsalita. “I bet to disagree! Hindi mo ba napapansin? Noong una, nagpatayo siya ng tindahan katabi lang ng tindahan mo. Noong isinara mo ang tindahan at nagtayo ng maliit na turo-turo at napansin niyang pumatok, ipinasara din ang tindahan tapos naglagay ng karinderya. “Tapos noong nag-ukay business ka, ginaya rin. Nagtinda ka ng lutong alamang, aba’y nag-alamang din ang babaeng iyon kahit hindi naman marunong gumawa. Tapos ngayon ay nagtitinda na rin ng barbeque. O, nasaan ngayon ang sinasabi mong nagkataon lang? Baka mamaya niyan, pati online business ay pasukin na rin niya,” mahaba niyang litanya bago muling sumubo ng barbeque. Pasimple ko siyang sinipa sa paa at pinandilatan dahil nasa tabi lang namin si aling Marites. Mahirap na at baka iparating niya kay Jing-Jing ang mga narinig niya. Kung minsan pa naman ay laging may bawas o kaya naman dagdag ang tsismis kaya ang labas, nagkakalabo-labo dahil sa mali-maling impormasyon na nakararating doon sa taong pinagsabihan. “Sunshine, bayad ko,” agaw pansin ni aling Marites sa akin. Kamuntik ko na tuloy makalimutan dahil sa dami ng sinabi ni Monina. Buti na lamang dahil honest ang isang ito kahit tsismosa. Inabot ko ang bayad niya. Binuksan ko ang beltbag na suot ko para maghagilap ng pambarya sa limangdaan na ibinayad niya. “Ay, oo nga pala, Sunshine.” Saglit akong nag-angat ng tingin kay aling Marites. Napakunot ang noo ko dahil luminga-linga pa siya sa paligid na parang ch-in-echeck niya nang maigi kung may ibang makaririnig sa sasabihin niya. Ibinalik ko rin ang tingin ko sa perang hawak ko’t baka magkamali ako ng maisukli. “Ano ’yon, aling Marites?” tanong ko ng hindi nakatingin sa kaniya. “Huwag na lang sanang makararating na sa akin galing, ha? Pero alam mo ba na ikaw ang laman ng usapan nina Jing-Jing doon sa puwesto nila kahapon? Ang sabi nila ay may bago ka na raw nobyo ngayon at mukhang mapapalitan mo na raw yung asawa mo—” “Hoy, aling Marites!” awat ni Monina sa kaniya saka pinanandilatan ng mata. Tila biglang bumulusok ang dugo ko patungong ulo ko dahil sa narinig. Kantihin na nila ako at pag-tsismisan. Pero huwag na huwag nilang idadamay ang asawa ko dahil ibang usapan na iyon. Namamahinga na iyong tao kaya sana magkaroon naman sila ng konting respeto. “Ay, bakit? Totoo naman ang sinabi ko, ah? Ang sabi pa nga nitong si Jing-Jing ay nakita niyang may dumalaw kahapon dito kay Sunshine na Koryano at may kahon-kahon daw na regalo na ibinigay para sa kanilang mag-ina.” Mabilis kong tinanggal ang pagkakatali ng apron sa bewang ko’t marahas na inihagis iyon sa plastik na upuan na nasa tabi. Agad akong humakbang paalis para tunguhin ang pwesto ni Jing-Jing. Lintik na iyan, eh. Ano ba’ng kasalanan ko sa kaniya at parang kay init ng dugo niya sa akin? Simula’t sapul ay alam kong pinaplastik ako ng gagang iyon, eh. Ayoko lamang patulan dahil ayokong magkaroon ng kainitan at kaaway rito sa baranggay. Pero mukhang inuubos niya ang pasensiya ko. “Hoy, friendship! Saan ka pupunta?” tawag sa akin ni Monina ngunit pati ang saglit na paglingon sa kaniya ay hindi ko ginawa. “Aling Marites kasi talaga, eh! Bagay na bagay iyang pangalan mo sa pagiging tsismosa mo!” dinig ko pang singhal ni Monina kay aling Marites. Mukhang natakot naman ang matanda dahil tumalilis na ito pauwi at nagbilin pang huwag sasabihin na sa kaniya galing ang tsismis. Tanaw ko na ang pwesto ni Jing-Jing. Maraming bumibili roon at naroon din pala iyong mga suki kong mga lasenggo. Kung sabagay, hindi na rin naman kataka-taka na makukuha ni Jing-Jing ang mga iyan. Mantakin mong naka-pekpek shorts lang sila at tube ng mga alipores niya! “Hoy, susugod ka talaga nang hindi ako kasama?” boses ni Monina nang mahabol niya ako. Nakasunod lang siya at parang isang maling galaw lang nina Jing-Jing at ng mga alipores niya ay handa na siyang sumugod para ipaglaban ako. “Sabihin mo lang agad kung papaulanan ko na sila ng bato. Ready na ako. Resbak mo ako,” bulong niya sa likuran ko. Napailing ako. See? Wala pa mang gulo na nangyayari pero may plano na agad siya. “Kayang-kaya ko ’to, Monina. Makikipag-usap lang ako sa babaeng iyan dahil masiyadong matabil ang dila.” Hindi siya umimik pero naramdaman ko ang pagtango niya. Nang ilang hakbang nalang kami mula sa kanila ay napansin kami ng isa sa alipores niya. Si Jean, na isa raw manananggal ’pag sumasapit ang alas-dose ng gabi. Hindi manananggal na aswang kundi manananggal ng lakas ng mga kalalakihan. Halos sabay-sabay silang napatingin sa amin. Nagtawanan pa sila. Lalo tuloy nadagdagan ang pagkulo ng dugo ko. Mas nag-palpitate ang puso ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko. “Oh, naligaw kayo, Sunshine?” plastik na wika ni Jing-Jing nang makalapit kami. Nakita ko pa ang pasimple nilang pagpasada ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa. “Hindi na ako makikipagplastikan pa sa ’yo, Jing-Jing. Narito lang ako para sabihin na tigilan mo iyang pagpapakalat ng mga tsismis mo na walang katotohanan. Delivery rider iyong sinasabi mong manliligaw ko, fyi lang. At kung hindi mo naman mapigilan iyang malaki at mabahong bunganga mo sa pagpapakalat ng tsismis, huwag mong idadamay ang asawa ko dahil tiyak na may kalalagyan ka!” banta ko sa kaniya. Pero hindi man lang siya natinag. Bagkus ay tumawa pa siya nang malakas na sinabayan ng mga kasama niya. Mga siraulo! “Mga baliw,” bulong ni Monina sa likuran ko na mabilis kong nilingon para sawayin. Wala naman akong balak makipag-away at makipagbasagan ng mukha. Ang gusto ko lang ay bantaan itong si Jing-Jing para tigilan na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa akin. Dahil nasabi ko na ang pakay ko ay tumalikod na ako’t hinila sa kamay si Monina paalis. Pero hindi pa man kami nakahahakbang nang magsalita ang isang alipores ni Jing-Jing na si Mia. “Takot na takot naman kami sa ’yo, Sunshine. Painosente ka naman masiyado. E, ang aga mo ngang nabuntis, hindi ba? Tapos kung makapagsalita ka, feeling banal ka?” Sinamahan niya iyon ng pagdura. “Pasmado ang bibig ng punggok na iyan, ah. Sandali’t ingungudngod ko iyan nang makita niya ang hinahanap niya! Ipokrita ang pangit na iyan, eh.” Mabilis kong kinabig palayo si Monina nang akmang susugurin na niya si Mia. Sinenyasan ko siyang huwag nalang patulan. Kasi totoo naman ’yong sinabi niya na maaga akong kumirengkeng. Okay lang naman sa akin. May maganda namang dulot. Kung hindi ako maagang lumandi noon, disin sana’y wala akong Kristofer ngayon. Hindi ko naman sinasabing tama ang paglalandi at pag-a-asawa nang maaga. Maling-mali pero hindi ko pinagsisisihan. “If I know, tigang na tigang ka na rin, Sunshine. Imposibleng hindi mo na-mi-miss ang s-ex! Eh, batang kerengkeng ka nga. Ayan tuloy, kawawa iyong anak mo. Mukhang abnormal dahil walang ama,” malakas na sigaw ni Jing-Jing. Nagtawanan pa ulit sila. Pakiramdam ko ay kumalas lahat ng natitirang katinuan sa katawan ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Nanginginig sa galit ang buo kong katawan. Kaya kong sikmurain ang lahat pero huwag na huwag nilang idadamay ang anak ko. “Ano kamo? Ulitin mo nga ’yong sinabi mo?!” Pigil ko ang sarili kong mapatili. Mahigpit kong naikuyom ang mga kamao ko. “Ang alin? ’Yong kerengkeng ka, ’yong na-miss mo ang s-ex, ’yong tegi na ang asawa mo, o ’yong mukhang abnormal ang anak—” Hindi na siya natapos sa pagsasalita nang bigla na lamang siyang binato ng bag ni Monina sa mukha bago sinugod. “Hayop ka!” sigaw ni Jing-Jing kay Monina. “Mas hayop ka! Mukha kang hito na nagkatawang tao!” balik naman ni Monina. “Bitiwan mo ako!” tili ni Jing-Jing nang sabunutan siya ni Monina. Aba’y inunahan pa ako, ah. Umawat ako pero itinulak lang ako ni Monina. Kinuha ni Monina iyong lagayan ng mga barbeque at inihagis sa dalawa. “Walanghiya ka, mga paninda ko!” galit na sigaw ni Jing-Jing. “Mas wala kang hiya! Pati bata idadamay mo sa kaepalan mo!” sigaw niya habang sinasabunutan si Jing-Jing. Lumapit din si Jean at tinulungan si Jing-Jing mula kay Monina. Hinala niya sa buhok ang kaibigan ko kaya mabilis akong lumapit sa kanila para muling hilahin si Monina dahil pinagtutulungan na siya. Ngunit hindi pa man ako nakaka-isang hakbang nang may humaltak sa buhok ko mula sa likuran. “At saan ka pupunta? Ang lakas ng loob niyong sumugod dito, ah! Para lang kayong pumasok sa kulungan ng tigre, mga hunghang!” sikmat ni Mia sa akin. Mas hinila pa niya ang buhok ko kaya napatili ako dahil sa sakit. Pilit ko ring hinila ang buhok niya hanggang sa magsabunutan na kami. Maya-maya pa’y may isa pang humila sa buhok ko. Base sa boses ay nanay yata ni Mia. Pinagtutulungan ako ng mag-ina. Napuno ng sigawan ang kalye. May mga nakiki-usyoso na sa paligid ngunit wala man lang umaawat. Ang mga lasenggo’y ginawa pa yata kaming mga pustahan. “Hayop kayong mag-inang tungaw kayo! Bitiwan niyo si Sunshine!” sigaw ni Monina habang patuloy sa pakikipagsabunutan kina Jing-Jing at Jean. Pero dahil hamak na mas malaking bulas si Monina kaysa sa dalawa ay parang nagmukhang lubid iyong dalawa na pinagbubuhol niya. Maya-maya pa’y nakarinig kami ng magkakasunod na huni ng pito. Nariyan na ang mga tanod ng baranggay. Malilintikan kami kay Nanay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD