CHAPTER 8

2011 Words
PASIMPLE kong sinipa sa paa si Monina na tahimik na nakaupo sa aking tabi habang pinaparaanan niya ng banayad at magaang dampi ang kaniyang pisngi gamit ang ice pack. Bawat dampi niya ay napapangiwi siya kaya pati tuloy ang labi ko ay napapasabay din. Ako naman, maliban sa sumasakit na anit at ilang kalmot sa braso gawa ng mag-inang impakta ay wala na akong iba na natamo. Itong si Monina talaga ang napuruhan sa aming dalawa. Narito na kami sa bahay ngayon matapos namin manggaling sa baranggay dahil dinampot kami ng mga tanod. Pinag-ayos nila kami sa baranggay kanina. Nakipag-areglo na lang kami kahit halata naman na labas sa ilong ang paghingi ng tawad nina Jing-Jing. Mabigat pa rin sa loob ko iyong pagtawag nila ng abnormal sa anak ko. Sabi ko nga, pag-tsismis-an na nila ako. Sabihin na nila ang lahat ng masasakit tungkol sa akin. Pulaan nila ako; ibato lahat maging ang problema ng Pilipinas, huwag lang nilang madamay-damay sa usapan ang pamilya ko lalo na ang asawa ko na tahimik nang namamahinga at ang anak ko dahil ilalaban ko sila nang p*****n. Naramdaman ko ang pagsipa ni Monina pabalik. Lumaki-laki pa ang mata niya tapos inginuso ang gawi ng hagdan. Lumingon ako roon. Namataan ko si Nanay na ngayo’y palapit na sa kinauupuan namin. “Nandiyan na ang nanay mo. Lagot ka,” aniya at parang isang maamong kuting na nagsumiksik sa kinauupuan niya. “Hoy, bakit ako lang? Baka lagot tayo ang ibig mong sabihin? Ikaw rin naman ang unang nanugod, tinulungan lang kita, ah,” bulong kong sagot sa kaniya. Siniko ko siya sa tagiliran. Naririnig ko na ang papalapit na tunog na ginagawa ng pagtapak ng tsinelas ni nanay sa de-tiles na sahig. Napalunok ako. Napaayos ako ng upo at nagyuko ng ulo para hindi masalubong ang matalim na tingin ni Nanay sa amin. Pinatulog niya lang talaga ang anak ko. Ni hindi nga niya ako pinalapit kanina at ang sabi’y mag-uusap muna kami bago sila umuwi ni Tatay. Tumikhim si Nanay. Napapiksi ako sa kinauupuan ko dahil sa gulat. Saglit ako na nag-angat ng tingin sa kaniya pagkatapos ay agad ding nagyuko ng ulo nang makitang blangko ang ekspresyon ng kaniyang mukha. Isa lang ang ibig sabihin niyan. Dismayado siya at galit. “Kung kailan kayo tumanda, saka kayo naging basagulera,” mariin ngunit mahinang wika ni nanay. Pinipigilan niya ang paglakas ng boses para hindi magising ang anak ko na nasa kuwarto lang namin sa ikalawang palapag. Kapansin-pansin ang galit sa tono ng boses ni Nanay pero hindi pa rin nawawala ang lambing mula roon. “Ano’t ano pa man sana ang narinig niyo, sana hindi na kayo sumugod doon. Sana hindi niyo nalang pinansin at pinatulan, lalo na kung alam niyo namang hindi totoo ang sinasabi nila,” pagpapatuloy niya. Tahimik pa rin kami ni Monina habang nakikinig sa mga sermon ni Nanay. Bawal sumagot. Dahil kapag sumagot ka, siguradong hindi kami matatapos makinig ng sermon niya. “Ano’ng napala niyo ngayon maliban sa mga galos niyo? Naghanap lang kayo ng sakit ng katawan. Aba’y noong kami ang mga nasa edad niyong iyan, hindi puwede sa mga magulang namin ’yan. Pinipingot kami sa tainga ng inay at pinapaluhod sa munggo para magtanda.” Nagkakatinginan nalang kami ni Monina. Marami pang sinabi si nanay. Wala naman kaming ibang choice kung hindi makinig hanggang sa matapos siya. Pagkatapos niya kaming sermonan ay umuwi na rin sila ni Tatay. Nakisabay na rin si Monina. Ang akala ko ay makikitulog siya rito. Kaso biglang may tumawag sa kaniya. Parang dinilaan nga ng apoy ang puwet niya kaya bigla na lamang tumalilis palabas ng bahay. * * * KINAUMAGAHAN ay maaga akong umalis ng bahay para mamalengke. Inihabilin ko si Kristofer kay Nanay bago ako umalis. Alas-nuwebe na nang makauwi ako dahil dinaanan ko pa ang patahian para kunin ang uniporme naming mag-ina. Papasok na rin kasi ako sa eskuwelahan sa makalawa. Sa wakas, huling taon ko na sa kolehiyo. May diploma na akong magagamit para makapag-apply sa mas malalaking kompanya. Malayo palang ay tanaw ko na ang naghihintay sa tapat ng bahay. Napataas-kilay ako. Nakaupo siya sa motorsiklo habang tila sumisipol-sipol. Sumasabay pa sa kumpas yung kamay at paa niya. Bigla ang pag-alpas ng inis sa dibdib ko. Ano na naman ang ginagawa ng rider na iyan dito? Ipipilit na naman ba niya yung package noong nakaraan? Ang sabi ko’y i-cancel na, a. Walang kadala-dala. Tumigil ang tricycle na kinalululanan ko nang nasa tapat na kami ng bahay. Napatayo siya nang makita ako. Mukhang kanina pa siya rito. Bahagya niyang itinagilid ang ulo para silipin ako dito sa loob ng trycicle. Nagtama ang aming paningin. Tumaas ang kaliwa niyang kamay at kinawayan ako. Nag-hello pa kaya inirapan ko siya. Nagngingitngit ako sa inis. Hindi ko parin nakalilimutan ang kabastusan niya noong nakaraan. Ang aga-aga pa pero may panira na ng araw ko! Wala sa sariling bumaba ang mukha ko para tingnan ang suot ko. Baka mamaya, may masilip na naman siya. May pagkamanyakis pa naman ang isang ito. Bumaba ako agad ng tricycle. Hindi ko siya pinansin. Yumuko ako para kunin ang basket na kinalalagyan ng pinamili ko. Ang tricycle driver naman ay ibinababa na mula sa carrier ng trycicle yung binili kong bagong kutson. Masakit na kasi sa likod yung luma namin. Pinaglaanan ko ng budget ito mula sa ilang pag-extra ko sa pagma-manicure, pedicure sa parlor ni Sugar. Iyong ninong na beki ng isa kong kaklase. Matapos maibaba ng trycicle driver iyon ay agad kong inabot ang bayad ko sa kaniya. “Mukhang mabigat iyan, ma’am. Tulungan na kita,” alok sa akin ng rider ngunit umiling ako at inilayo ang hawak kong basket para iiwas sa kaniya. “Okay lang. Kaya ko,” walang buhay na sagot ko. Nahinto ang kamay niya sa akmang pagtulong sa akin. Ngumiti siya pagkatapos ay tiningnan niya ’yong kamay niya na handa nang hawakan ang hawak ko. Tumango-tango siya habang hindi pa rin naaampat ang ngiti sa labi niya. Dahan-dahan niyang binawi ang kamay at umatras para bigyan ako ng espasyo para makadaan. Though hindi naman siya nakahaharang talaga sa lalakaran ko. Ang dating ay parang napahiya siya. Nakaramdam ako ng kaunting guilt pero mabilis din iyong naglaho nang maalala yung kamanyakan niya noong nakaraang araw. Nilampasan ko siya. Ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin habang nakatalikod ako kaya parang ang awkward sa pakiramdam. Pumasok ako sa tarangkahan at inilapag ang basket bago bumalik para kunin ang kutson. Hindi parin siya natitinag sa kaniyang puwesto. Nakatingin lang siya sa akin at wari’y pinagmamasdan ang bawat galaw ko. Tinaasan ko siya ng kilay. “Bakit?” tipid kong tanong sa kaniya. Ngumiti siya. Lumabas tuloy iyong mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin na parang alagang-dentista. Pati ang dalawang malalalim na biloy niya ay nagpakita rin. Yung mga mata niya, tila nag-isang linya nang mas lumawak pa ang ngiti niya. Chinito, e. “Wala po, ma’am. Ang cute niyo po kasi kahit nakasimangot kayo,” komento niya. Kamuntikan na tuloy akong napangiti dahil sa tinuran niya. Wala sa sariling nakagat ko ang loob ng pang-ibaba kong labi para pigilan ang pagsungaw ng aking ngiti. Inirapan ko siya nang makitang nakangiti siya habang titig na titig sa mukha ko. Nag-init ang mga pisngi ko dahil sa uri ng ko ang mahina niyang pagtawa at hindi ko alam kung bakit parang kakaiba sa pandinig ko ang tawang iyon. Parang ang sexy ng tono. Teka, ano ba itong naiisip ko?! “Siraulo,” bulong ko ngunit narinig pa rin niya ang sinabi ko. Gigil na hinablot ko ang kutson. “Grabe naman. Hindi pa tayo magkakilala pero nasisira na ang ulo mo sa akin, ma’am? Alam ko naman na pogi ako. Ilang ulit nang sinabi sa akin ng nanay ko ang tungkol diyan kaya—” “Puwede ba, huwag kang feeling? Nipis-nipisan din naman ang mukha kapag may time, kuya,” mabilis kong putol sa kaniya. “At bakit ba narito ka na naman?” inis na dagdag ko. Binitiwan ko ang kutson at nagpamewang sa harap niya. “Hulaan mo, ma’am.” Napataas ang isang kilay ko. The nerve of this guy. Aware naman ako na guwapo siya at malakas ang karisma. Kailangan pa talagang magbuhat ng sariling bangko? Hambog. Mas pogi pa rin ’yong asawa ko kaysa sa kaniya, ’no. “At ginawa mo pa akong manghuhula?” Napakamot siya sa ulo, umiling-iling pagkatapos ay tinalikuran ako. May kinuha siya mula sa supot na nakalagay sa likurang bahagi ng kaniyang motor. “Magde-deliver lang po, ma’am na maganda. Kanina pa po ako tumatawag sa number niyo, eh,” aniya habang nakatalikod mula sa akin at may hinahanap mula sa malaking plastik. Inilabas ko mula sa bulsa ng aking sling bag ang cell phone ko. May two missed calls nga rito at isang text message na galing sa iisang numero. Nang humarap siya ay hawak na niya sa kamay ang isang maliit na karton na nakalagay sa plastik na may pangalan ng courier na pinapasukan niya— ang J and K. “Ano’ng item ’yan?” taas-kilay kong tanong at bahagya pang inginuso ang hawak niya. Sinipat niya yung hawak niya. Binali-baliktad niya iyon para i-check. “Walang naka-indicate, Miss Sunshine. Pangalan at address niyo lang ng sender, phone number at presyo ng item ang nakalagay rito.” Iniabot niya sa akin iyon na mabilis kong kinuha. Ch-in-eck ko rin at wala talagang nakalagay kung ano ang laman na usually ay dapat talagang mayroon. “Kuhanan ko kayo ng picture, ma’am, para sa proof of transaction,” sabi niya. Nakataas na ’yong phone niya at akmang papindot na nang iharang ko ang daliri ko sa lens ng camera. Nagsalubong ang mga kilay niya at tumingin sa mukha ko, marahil ay nagtataka kung bakit ko ginawa iyon. “Gusto ko munang makasiguro kung ano ang laman nito. Pagkatapos no’n ay pwede mo na akong kuhanan. Mas maganda para pati ang laman nito, kasama para may proof kung gumagana o defective.” Tumango naman siya at ibinaba na ang cell phone niya. “Pero bayad muna, ma’am. Mahirap na. Sisirain mo ’yang balot. Baka mamaya, hindi mo na naman kunin at sabihing hindi sa ’yo.” Napairap nalang ako. Diskumpiyado masiyado. Pagkakita sa presyo ay agad akong humugot ng saktong amount sa wallet ko at ibinigay sa kaniya. Hindi naman nakalulula ang presyo ’di gaya noong nakaraan. Nasa 200 mahigit lang naman ito. Itinapat ko sa tenga ang karton at marahang inalog. Walang ingay akong narinig. Agad kong sinira ang balot. Medyo nahiwagaan ako. Alam ko naman na hindi akin ito dahil lahat ng order ko ay memoryado ko ang pangalan ng shop na pinagkukuhanan ko. Mga gamit pambahay at accessories yung mga in-order ko sa Lazapee. Maliban na lang kung. . . Napaisip ako bigla. Maaari kaya? Nahinto ang kamay ko nang tuluyang lumantad sa paningin ko ang laman ng box at mapatunayan ang sapantaha ko. Narinig ko ang mahinang tikhim ng lalaking kaharap ko. Tila nasamid. Napaubo pa nga pagkakita ng laman nito. Hindi ko tuloy alam kung itatago ko ba ito o itatapon nalang dahil sa pagkabigla. Vibrator ang laman! “Paano ba iyan, ma’am? Kuhanan kita ng picture habang hawak iyan?” pukaw sa akin ng rider. Nakangisi siya na para bang tinutukso ako dahil sa nakitang laman ng hawak ko. “H-Hoy! Kung iniisip mong akin ’to, na-na-nagkakamali ka!” “Okay lang ’yan, ma’am. Mahirap nga naman ang mag-isa. Pose ka na, ma’am, kasama iyang new toy mo,” aniya at ngumisi. “O baka gusto niyo pa pong i-test muna kung gumagana?” dagdag niya na halos ikalubog ko sa kinauupuan ko. Mariin akong napapikit. Pakiramdam ko ay sinisilaban na ng apoy ang mukha ko. “Bastos!” Ibinato ko sa kaniya ang box ng hugis tit-ing vibrator at saka mabilis na tumakbo papasok ng bahay. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa at pagtawag sa pangalan ko pero nagtuloy-tuloy na ako sa kuwarto at nagtakip ng unan sa mukha. Diyos ko Lord!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD