"Think about it, Miss Schafer," dugtong ni Henry Walter, kasabay nang pagtayo niya mula sa pagkakaupo. "I should go by now." Tumayo si Henry, tinanggal pa niya ang kaniyang retro cup at dinala sa dibdib niya. Bahagya siyang yumuko bilang tanda ng pamamaalam niya sa akin. "Lebewohl," aniya at ngumiti. That means, farewell. Ginamit nito ang lenggwahe ng Germany, tila ba ipinapakitang hindi rin siya nagbibiro hinggil sa kung sino siya at ano ang trabaho niya. Tuluyan siyang tumalikod at taas-noong naglakad palabas ng coffee shop. Natulala naman ako sa kawalan habang hindi na maibalik ang kaluluwa sa mundo. May parte na napapaniwala niya ako, pero gusto kong magduda. Una sa lahat, bakit naman ako hahanapin? Anong kailangan nila sa akin? Kailan lang ba nila nalaman na namatay ang anak nil

