Nagising ako kinaumagahan. Dinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa CR ng unit ni Paul Shin. Speaking of which, binalingan ko ang gilid ko mula sa kama at nakitang wala siya roon. Mukhang siya iyong naliligo. Maliit akong napangiti. Iyong nangyari kagabi ay maituturing kong isa sa hindi ko malilimutang pangyayari sa buhay ko. One of the best. Knowing na si Paul Shin ang pinakarason kung bakit ako masaya. Hindi lang iyong pagiging sweet at lahat ng effort niya ang nagustuhan ko, maging ang ipinaramdam niyang kapayapaan sa akin. Iyong pagiging kuntento, na kahit saglit ay nakalimutan ko ang lahat ng agam-agam ko. He really knows how to handle me. Alam niya kung paano ako kunin, kung paano pakakalmahin at pasasayahin. Well, that's why I really love him. No words can describe how I love Paul

