Ang saya sa pakiramdam iyong relasyon na mayroon kami ni Paul Shin. Ito iyong tipo na hindi mo inakala noon, kasi tunay nga naman na para kaming aso at pusa. Palaging nagbabangayan at nag-aaway. Noong bata ako ay hindi ko inisip na iyong taong hahangarin kong maging akin ay nasa harapan ko na pala— pinagtitripan ako at ginagawa akong katatawanan. Pero kapag ibang tao na iyong nananakit sa akin, parati siyang nariyan para ipagtanggol ako. Akala ko dati, dahil sa itinuring na niya akong kapatid niya kaya grabe ang pagpapahalaga nito sa akin. Akala ko ay hindi niya ako kayang mawala dahil tinanggap na niya ako bilang nakababatang kapatid niya. Hindi pala. Nauna pala niya akong minahal bilang babae, bilang pinakamagandang babae para sa kaniya. Kaya iyong mga simpleng pagtulong niya sa akin

