Chapter 53

2081 Words

Kinaumagahan nang magising akong wala na sa tabi ko si Paul Shin. Maaga siyang umuwi kanina at nasabihan na rin naman na niya akong marami siyang inaasikaso. Maaga rin kasi ang pasok niya. Gusto pa sana niya akong isabay ngayon sa pag-alis niya at gusto ring samahan sa unang araw ng first job ko, iyon nga lang ay mamayang tanghali pa ang pasok ko. Closing shift ang naibigay sa aking schedule. Kung mayroon din naman daw siyang time mamayang lunch ay babalik siya rito para ihatid ako. Ang sweet talaga ng lalaking 'yon. Kung pwede nga lang din ang lahat, kahit magkasama pa kami buong araw. Ngunit alam ko na hindi naman pwede dahil bukod sa may kaniya-kaniya kaming buhay, kaniya-kaniyang inaasikaso ay nariyan din sina Raquel, Tita Carmina at Tito Paulo na siyang balakid sa aming dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD