"Paul Shin, anak..." Maluwang na napahinga si Tita Carmina, animo'y nagsusumbong pa ang kaniyang itsura. "Umuwi na tayo, hijo. Hindi mo kailangang mag-settle sa ganitong klase ng babae. Let's go—" "How many times do I have to tell you to stop pestering her? And to stop hurting her?" maanghang na palatak ni Paul Shin. Unti-unti nang manlaki ang mga mata ni Tita Carmina. Marahas na bumuntong hininga si Paul Shin sa kawalan, kasabay nang pagbaba nito sa kamay ng kaniyang ina. Isang beses niya akong nilingon. Nag-aalala ang mga mata niya. Pilit niyang hinahanap ang emosyon sa mukha ko. Samantala, sa halu-halong nararamdaman ay naging blanko na lang ang itsura ko. Kalaunan ay umatras ako at tumalikod. "You were never her mother. I hope you know that, so stop hurting her," dagdag ni Paul Shi

