Lunes noong mapagpasyahan ko na puntahan iyong interview sa isang kilalang restaurant na inasikaso pa ni Jake. Nasa loob kami ng isang private room sa kaniyang restaurant at nag-uusap. "So when do you plan to start?" ani Mr. Alvarez, ang siya mismong may-ari. Grabe iyong kaba ko na ma-meet siya sa personal. Just imagine, 'yung restaurant owner pa iyong nag-interview sa akin. Ang lakas din talaga sa kaniya ni Jake Rivas. Himala pa na tinanggap ako kahit wala pa naman akong work experience. "Aasikasuhin ko po muna ang mga requirements ko. After that, pwede na po ako magsimula," nakangiti kong sagot. "Okay, you'll start tomorrow as a waitress." Nanlaki ang mga mata ko. "Paano po ang requirements ko?" "You can take care of that when you have free time. Just pass it to HR once you finish

