Kagat-kagat ko ang aking mga kuko sa kamay ko habang patuloy na nangangatal ang aking labi. Nanginginig naman ang buong katawan ko. Nakatulala lang ako sa kulay puting dingding kung saan ako naroon. Hindi ko alam kung papaanong nangyari na nandito ako sa hospital. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na nasundan. Hindi ko na rin namalayan ang pagdaan ng oras. Sa isang iglap ay nangyari iyon lahat, parang isang masamang bangungot. Kagustuhan ko na magising kung tunay nga na nananaginip lamang ako. At mas pipiliin ko rin naman na sana ay panaginip na lang iyon, kaysa tanggapin ang ganitong nangyayari sa akin ngayon. Sana ay tulog pa rin ako at naroon pa rin sa unit ni Paul Shin. Sana magising na ako sa bangungot kong ito. Isang beses akong napapikit bago kinagat nang madiin ang daliri upang

