Phoenix
"This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental."
sorry for grammatically errors and typos.
feel free to correct me if i am wrong.
( ◜‿◝ )♡
~°~
01
Habol habol ko ang aking paghinga. Bawat hakbang ko ay nag lilikha ng kakaibang tunog galing sa mga tuyong dahon.
Sinubukan ko syang lingunin pero hindi ko makita ang kabuuhan nya. Ang tanging napansin ko lang ay ang sumbrero at ang pulang bagay na kumikislap doon.
Pilit ko ring binabalikan sa isip ko kung paano nga ba ako napunta sa kagubatan na ito. Pero hindi ko talaga maalala. Basta nalang ako nagising sa gitnang bahagi ng gubat.
Noong una buong akala ko ay ililigtas ako ng lalaki na iyon pero hindi pa man sya nakakalapit ay naglabas na agad sya ng isang patalim.
Nakahinga ako ng maluwag nang may makitang ilaw sa dulong bahagi. itinutok saakin ni manong ang dala nyang flashlight.
"manong! Manong! Tulong po!" nanginginig na sigaw ko. Napatakbo naman agad ito palapit saakin.
"diyos ko! anong ginagawa mo sa ganitong lugar?" nilingon ko pa ang pinanggalingan ko.
wala na sya.
Naluluhang hinarap ko si manong. Doon ko lang naramdaman ang matinding pagod at panginginig ng katawan dahil sa takot.
Tinulungan ako ni manong na makaalis. Sinamahan nya rin ako papunta sa malapit na police station.
Sinabi rin nya sa mga naroon kung anong ginagawa nya sa tabing ng kagubatan. Malapit lang pala ang bahay nya kung saan nya ako nakita, bigla daw kasi nagkakahol ang alaga nyang aso bago tumakbo papasok sa gubat.
Napatingin pa ako kay manong dahil simula no'ng makita ko sya ay wala naman akong nakasalubong na aso o narinig na tahol non.
Hindi nalang ako umimik pa kahit nakakaramdam na ako na may mali sa mga kwento nya. Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating si cloud.
"Paano ka ba napunta sa gubat na 'yon?" paulit ulit na tanong nila. At paulit ulit ko ring sinasagot ng "Hindi ko alam, wala akong maalala."
"Kilala mo ba ang humahabol sayo?"
Umiling ako. "Hindi."
"Nakita mo ba ang mukha nya? Pwede mo ba sabihin saamin ang itsura nya?" lumagok muna ako ng tubig bago sumagot. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng katawan ko.
Nakagat ko pa ang labi ko na may sugat dahil sa pagkakadapa no'ng habulin nya ako.
"Hindi ko nakita ang itsura nya. P-pero sa tingin ko ay may katangkaran sya....." nilingon ko si cloud. "Mas matangkad kesa sakanya. May suot syang sumbrero at may bagay na kumikislap doon, kulay pula." huminga akong malalim. "Y-yun lang ang nakita ko......."
Lumapit saakin si cloud ng salubong ang dalawang kilay, nakayukom ang kamao at matalim ang parehong matang makatuon saakin. Lumamlam ang itsura nya at naupo sa harap ko. Pawisan at magulo din ang buong mukha nya.
"I thought you left....." napayuko ako. "Dinaanan kita sa school mo pero wala ka. Sabi nila maaga ka daw umuwi, pero pagdating ko sa bahay wala ka doon."
"H-hindi ko maalala ang nangyari. Basta nagising nalang ako sa gubat na yon. Tapos nandon yung lalaki, papalapit sya sakin...."
"lalaki?"
"Hm. Sigurado akong lalaki sya. Hindi ko lang nakita ang mukha nya dahil madilim." hindi na umimik pa si cloud. Tahimik lang rin si athan na simula kanina ay walang imik.
Isang linggo rin akong tumagal sa hospital kung saan ako dinala ni cloud. Muntik na kasi akong ma-infection dahil sa mga sugat ko at hindi rin naman pumayag si cloud na palabasin agad sa hospital hanggat hindi pa gumagaling ang sugat ko.
N'ong pwede na ako lumabas ay inaasahan ko sya na sya ang susundo saakin pero hindi pa rin pala.
Laking pasasalamat ko talaga kay athan dahil kahit busy sya ay pinuntahan pa rin nya ako.
Pareho kaming walang imik habang binabaybay ang daan pauwi sa bahay namin ni cloud. Sumandal ako sa bintana at pinapanood ang mga tao na nakangiting naglalakad.
Dahil siguro sa paparating na bagyo ay wala masyadong traffic. Makulimlim din and kalangitan at nagbabadyang uulan.
"Nagugutom ka ba?"
I smiled. "Hindi."
"Okay."
Napansin ko nalang na naka-park na kami sa isang grocery store. Nagpaalam muna sya na bibili lang ng mga kailangan ko sa bahay bago sya umalis.
Inilabas ko ang cellphone ni cloud na iniwan nya saakin. Hindi ko kasi makita kung saan ko inilagay ang cellphone ko.
cloud
-hindi ako makakauwi. Ingat ka pauwi. Ily.
Nanlulumong nireplyan ko si cloud ng "Okay." hinintay ko pa ang reply nya pero hindi na sya sumagot pa.
Umayos ako ng upo nang makitang pabalik na si athan. May bitbit itong hindi kalakihan na mga paper bag. Sinabi ko rin sakanya na hindi makakauwi si cloud.
"Sasamahan mo ba ako sa bahay ulit?"
Muli nyang pinaandar ang makina ng sasakyan. Nanlulumo pa rin ako sa sinabi ni cloud. Akala ko kasi ay mas makakasama ko na sya ngayon, hindi pa rin pala.
"I can't. May meeting ako."
I nodded. "Okay lang."
"Kaya mo mag isa?"
ngumiti ako. "Yep."
"I can cancel my meeting if you want to......" agad naman akong umiling iling.
Of course he can't.
Saglit kaming natahimik. Napansin ko agad ang biglaang paghigpit nya ng hawak sa manebela.
"Kaya ko...." nilingon niya ako. "Promise."
Nang makarating kami sa bahay ay pinilit pa nya na pwede naman daw nyang gawan ng paraan yung meeting, pero hindi ako pumayag.
Hindi ko pwedeng sirain yung tiwalang binigay sakanya ng amo nya. Sanay naman ako magisa sa bahay kaya ayos lang naman saakin.
Nagluto pa sya ng pwede kong kainin bago sya umalis. Papasok na sana ako sa kwarto nang mapansin ko ang isang bagay na kumikislap sa tabi ng hindi pamilyar na salamin.
Agad kong dinial ang number ni cloud pero hindi sya sumasagot. Sinubukan ko ring tawagan si athan pero mukhang nasa daan pa sya.
Pinulot ko iyong puting bato sa tabi ng itim na salamin. Tumayo ako sa harap non at pinakatitigan ang repleksyon ko.
Sa isang iglap ay biglang may kamay na lumabas mula sa salamin at hinila ako papasok sa loob ng niyon.
Sinubukan kong sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko. Unti unti na rin akong nilalamon ng kadiliman. Hindi ko maramdaman ang paghinga ko pero alam kong buhay pa ako.
Mula sa malayo ay may paisa isang lumalabas na bilog. Para bang mga ala ala iyon. Nagtaka pa ako kung sino ang bata sa loob ng bilog pero habang tumatagal ay lumilinaw na saakin na ako ang tao sa mga bilog na iyon.
Mga ala ala ko iyon. Simula ng bata pa ako hangang ngayon. Ipinikit ko ang mata ko at muling dumilat. Parehong bilog pero hindi na saakin ang mga ala alang naroon.
"Silestiaaaaa!" ngiting tawag ng isang bata sa kalaro nya. "Bakit ka nandito? you know what? my father says na hindi daw tayo ligtas dito...." sabi ng bata sa kalaro nya.
Hindi ko makita kung sino iyong bata na kausap nya dahil nakatalikod ito.
"Meghan, ililigtas naman tayo ng mga knight. 'Di ba estevan?" humawak pa iyong bata sa uniporme ng isang mid 30s na lalaki.
Pamilyar ang boses ng bata na nagsasalita... Para bang boses ko iyon pero hindi naman ganon kahinhin ang akin at hindi rin naman ganon ang tono.
"Yes, my lady."
Sumunod na nagpakita ang isa pang alaala ng bata na yon. Pero this time sa tingin ko ay nasa 14 years old na sya. Kumpara kanina ay marangya ang suot nya, dito naman ay hindi.
Kupas at halos mapunit na ang suot nyang damit. Kahit na ganoon ay makintab pa rin ang kulay ginto nyang buhok.
"Meghan." bulong nya habang umiiyak.
Tuloy lang sa pag balik ang mga alaalang iyon. Pakiramdam ko ang mga alaalang yon ay alaala ko na rin. Pero napaka imposible naman mangyari ng bagay na yon.
Silestia hartman ang pangalan ng bata na may gintong buhok at meghan naman ang pangalan ng kaibigan nya.
Dati syang anak ng duke pero dahil sa hindi masabing dahilan ay napatalsik ang duke sa emperyo at pinagpasyahang patayin sa labas ng palasyo.
Sa ngayon ay walang nakakaalam na buhay ang pa ang anak nya at namumuhay bilang pulubi.
Habang tumatanda ang bata ay unti unti na nyang naiintindihan ang masaklap na sinapit ng mabuti nyang ama.
Naframe up ang ama nya na bumubuo ng alyansa laban sa palasyo. Nalaman iyon ng emperor kaya ipinatalsik sya at pinapatay ng hindi manlang pinakinggan ang paliwanag nya.
Wala man lang nagawa ang bata kung hindi magtago at hayaan na saktan sya at patayin sa harap nya ang kanyang ama.
"Kakaunti nanaman ang dala mong pera?!" sigaw sakanya ng babaeng umampon sakanya.
"S-sorry po! Mag hahanap pa po ako ng pera." agad na tumakbo ang bata palabas ng bahay at muling namalimos sa kalsada.
Ipinikit ko ulit ang aking mata at pinakinggan ang boses ng bata hanggang tumanda sya.
"Kung ako ay mabubuhay ulit pipilitin kong baguhin ang pangyayari at hindi ko hahayaan mamatay si papa." dinig kong bulong nya.
Sa edad na 20 years old ay nalaman na sya ang anak ng taksil at hinatulan ng kamatay katulad ng kanyang ama.
Sya ay namatay ng walang nagagawa para bawiin ang binibintang sakanilang pamilya.
Napakalungkot ng buhay nya na sa isang iglap o kisap mata ay nawala sakanya lahat. Binawi sakanya ang mga bagay at tao na pinapahalagahan nya.
Napakahirap isipin na isang bata ang magisang humarap sa hamon ng buhay at mag isa ring hinarap ang hatol ng kamatayan.
Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi man lang pinakinggan ng emperor ang paliwanag ng ama ng bata.
Bakit hinatulan nya agad iyon ng hindi man lang sumasailalim sa paglilitis.
Base sa mga alaala ni silestia ay mabuting tao ang kanyang ama at walang nakakaalitan pero bakit sa ganon natapos ang buhay nya?
Namatay ang sila mag ama na wala man lang maayos na paliwag kung bakit ganon nagwakas ang buhay nila.
Sa hinala ko ay wala silang sapat na ebidensya kaya biglaan ang paghatol. Sa apat na kingdom dalawa lang ang tumutol sa hatol ng emperor pero kahit sila ay wala ring nagawa sa bandang huli.
Malamang ay may mas malalim pang dahilan kung bakit sa ganon nagwakas ang lahat. May itinatago sila na ang pamilya lang ni silestia ang nakakaalam
"Silestia."
Hindi patas ang ginawang pasya.
"My lady."
Hindi manlang nila naranasan mabuhay ng masaya. Kumpara sa buhay ko na inaabuso at sinaktan mapa-physical, mental o emotional man ay balewala lang iyon sa dinanas ng mag-ama.
"Silestia, gumising ka."
Marahan kong idinilat ang aking mata. Ang unang bumungad saakin ay ang matinding sikat ng araw.
Kailan ko pa binuksan ang kurtina? Nakauwi na kaya si cloud?
Nakakalungkot naman ng panaginip na iyon. Kahit gising na ako ay malinaw pa rin saakin ang napanaginipan ko.
"My lady!" kumunot ang noo ko.
my lady? the hell?
"H'wag muna po kayo tumayo." Pigil saakin ng isang babae na nakasuot ng uniporme ng katulong.
"Sino ka? Nasaan ba ako?" nanlaki ang kanyang mata at nagsisisigaw sa labas ng kwarto.
Napatingin ako sa pareho kong kamay na biglang lumiit.
Anong nangyari? B-bakit ganito ang kamay ko? bakit ako lumiit!!!!
Mabilis akong tumayo sa kinahihigaan ko at humarap sa salamin.
Kulay gintong buhok
Pulang pares ng mga mata
Maliit na pangangatawan
Cute.
Mukhang 8 years old!
Hindi ako to! Paano ako naging si silestia! Hindi ko pinangarap ang buhay na meron sya! Bakit ako nandito? Panaginip lang ba to?
Nasapo ko ang leeg ko ng makitang may parang marka doon ng ibon.
"Duke, seryoso po ako. Tinanong niya kung sino ako." iniluwa ng pinto ang isang gwapo pero may katandaan na lalaki.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay agad na nagluha ang mata ko at hanggang sa tuluyan na akong umiyak.
"Shhh. Anong problema?" nag aalalang tanong nya. Binuhat ako nito at iniupo sa binti nya. Tuloy lang ako sa pag iyak. "Nahulog ka kanina sa puno mabuti nalang at mababa lang kaya hindi ka napilayan. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" malambing na tanong nya.
Base sa alaala na nasa akin ay sya ang ama ni silestia.
Kulay gintong buhok at kulay pulang mata. Malamang sakanya nakuha ni silestia ang magandang lahi. Swerte.
"Nandito na si papa. Tahan na." ngiting aniya habang hinahagod ang likod ko.
Ang tanong bakit ako nandito imbis na si silestia? Nagkapalit ba kami ng katawan? Pero malabong mangyari yon dahil patay na sya.
8 years old palang ako---- i mean yung katawan ni silestia. Ibig sabihin isang taon nalang bago masira ang buhay nya ulit.
Anong gagawin ko? Paano ko mapipigilan yon? Ayaw ko naman mamatay dito! Ikakasal pa ako kay cloud next year kaya hindi pwedeng dito ako mamatay......!!
~•~
end of chapter 01.