Phoenix 02

2043 Words
02 "My lady? Ano pong ginagawa nyo dito sa labas? May pasok pa po kayo sa academy." ngumuso ako. "Anong oras po ang pasok ko?" tanong ko habang nanatiling nakatingin sa madilim na bahagi ng kakahuyan. Bakit hindi nalang nila putulin yung mga puno sa banda doon? Nakakatakot kasi. "10 am, young lady." "7 palang po kaya. Tsaka nakabihis na rin naman po ako. Hindi ba pwedeng dito muna ako?" sinadya ko pang tamlayan ang boses ko. Pasimple ko pa syang tinignan sa peripheral vision ko. Mukha naman umuubra dahil napapaisip pa sya. "H'wag po kayong lalayo ha? Hindi kayo pwedeng gumala." sumilay ang malaking ngiti sa aking labi. "Promise! thank you, lovely!" she nod her head. Nang umalis sya ay tsaka lang ako tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa isang bulaklak. Hindi ko alam ang tawag sa ganitong klase ng halaman pero sa tingin ko naman ay ligtas ito kung hahawakan. "Angel's trumpet." Umangat ang tingin ko sa isang lalaking nakaupo sa taas ng puno. Puti ang kulay ng kanyang buhok at parang dagat naman ang kanyang mata. Seryoso syang nakatingin ng deretso sakin. Sa tantya ko ay nasa 20+ na ang edad nya kaya hindi kataka-takang nakaakyat sya sa bakod ng walang kahirap hirap. Segundo lang ang tinagal ng pagtitig ko sakanya dahil mabilis syang tumakbo papasok sa loob ng kakahuyan. "Sandali! habol ko sakanya." pamilyar kasi ang mukha nya para bang nakita ko na noon yon pero hindi ko maalala. Nakita ko pa syang umakyat ng bakod. Mabilis kong iginala ang paningin ko, mabuti nalang at may maliit na daanan akong nakita. Ito siguro yung pinaguusapan ng ibang katulong na may daan palabas ng mansion. Nang makalabas ay nag simula akong maglakad at walang takot na sinundan ang mga bakas ng paa. Hindi rin nagtagal ay nawala na ang iba pang bakas. Sa kasamaang palad ay hindi ko na sya nahabol pa. Hindi ko na rin napansin na napalayo na pala ako. Napatayo ako at iginala ang paningin sa paligid. Natutuyong sanga ng puno at dahon ang nakakalat sa damuhan. Hindi na rin masyadong nasisinagan ng araw ang pwesto ko dahil sa ibang naglalakihang puno. "Naaamoy nyo ba iyon?" napaatras ako ng bahagya. Sa hindi kalayuan ay may apat na lalaki at tatlong babae ang prenteng nakaupo sa mga naglalakihang bato. Sinubukan kong humakbang paatras pero unfortunately dumako ang mga matatalim na mata ng dalawa sa kanila. Ang kaninang makukulay nilang mata ay biglang naging kulay pula. Napasinghap ako ng hangin dahil sa takot. "Tao!" sigaw ng babae. "Habulin nyo!" Tarantang tumakbo ako paalis sa lugar na yon. Pero hindi ko kaya!! Maliliit ang paa ng bata at mahina pa! Kung sino o ano man sila ay paniguradong ikamamatay ko kung maaabutan nila ako. Naipikit ko nalang ang mata ko at patuloy sa pagtakbo. Natigil lang ako ng may mabunggo at pareho kaming napasalampak sa damuhan. "Tulungan mo ako!!" sigaw ko. Hindi naman sya nagdalawang isip na hilain ako at itago sa likod nya. "Wag kang gagalaw!" mariing aniya. Napakapit nalang ako sa bewang nya ng dumating iyong mga humahabol sa akin. Parehas lang kaming bata! Nakakatakot dahil dinamay ko pa sya! sana ay may tumulong saamin kung hindi ay kargo konsensya ko pa kung mamatay din tong bata na to. "Anong ginagawa nyo dito? Hindi ba may klase kayo?" malamig na tono ng boses ang pinakawalan nya. Napakabastos naman nito! Hindi nalang nya kausapin ng maayos. "May nakita kaming tao." sabi ng isa sa mga humahabol saakin "Normal lang iyon. May mga taong nakatira sa dito sa imperyo." kumunot ang noo ko "Pero mukha syang galing sa noble family." Sumiksik pa ako ng konti sa likod ng batang nagligtas saakin. Hindi ko na kaya to! naiihi na ako. "Please... P-paalisin mo na sila." bulong ko. "Hm." umayos sya ng tindig. "Ako ng bahala. Pwede na kayong umalis." aniya. "Hoy. Baka lalo silang magalit dahil sa tono mo." sita ko sakanya. "Ah? Get off me." marahan kong binitawan ang kanyang damit. "Sino ka?" "Thank yo----" "Sino ka?" inis na ulit nya. "Silestia..." Napaiwas ako sa mapanuring tingin nya. Kung umakto aya ay para ba syang matanda. Eh, kaedad ko lang rin naman sya. "Paano ka napunta dito? don't you know na delikado sa lugar na to?" Natameme ako lalo dahil sa pagsusungit nya. Hindi ako makasagot dahil pakiramdam ko ay bubulyawan nya lang ako at baka lalo pa akong masermonan. "Sumunod ka sakin." Bago pa man ako makaangal ay hinablot na nya ang kamay ko. Magrereklamo pa sana ako kaso sinamaan lang ako ng tingin ng kulay abo nyang mata. "Saan mo ba ako dadalhin?" Huminto sya sa paglalakad kaya napahinto rin ako. Ngayon ko lang napansin na medyo may katangkaran din pala sya at sobrang puti. Nangingibabaw din ang itim na itim nyang buhok at kulay abong mga mata. Isinuot nya saakin ang kanyang sombrero at ang coat nya. Sa ngayon ay tangin puting damit na may mahahabang manggas nalang ang kanyang suot. Hinawakan nya ulit ang kamay ko at hinatak nanaman. "Puno ka ng galos pero hindi ka umiyak." Tumawa ako. "Hindi naman kasi masakit. Kanina muntik na akong umiyak dahil sa takot." tumango lang sya. "Ahm, ano palang pangalan mo?" "Chaos azazel finnegan." "Wow! Ako pala si silestia hartman." tumango lang sya ulit. Bakit ba ang sungit ng bata na 'to? Well nung bata ako ay hindi naman ako ganito kasungit haha siguro noong umedad ako ng 14 ay doon ko lang nalaman na napakataray at maldita ko. "Chao---" He cut my words. "You can call me chase." "So chase? Ano kasi.... Kanina pa ako naiihi." Huminto sya ulit sa paglalakad. "U-umihi ka na! Hihintayin nalang kita dito." Umiwas sya ng tingin. "Wag mo ko iiwan, ha?!" tumango sya. "Bilisan mo na!" "Oo na." Patakbo akong pumunta sa isang malaking puno sa likod non at doon umihi. Pagbalik ko ay nakita ko agad sya na nakaupo at nagsusulat sa lupa. "Chase, ano rin palang ginagawa mo dito?" natigilan sya. "Kabisado ko itong gubat. Madalas ako dito mag laro..." "Mag-isa? sabi mo delikado dito..." "Kaya ko naman ang sarili ko... Ikaw ba? Kaya mo ba ang sarili mo?" nginiwian ko sya. May bahid ng pangaasar ang boses nya. Alam naman nyang hindi ko kaya tapos tatanungin pa nya. "May hinahabol ako kasi kaninang lalaki... Puti yung buhok tapos pula yung mata.. kaso hindi ko sya nahabol tapos naligaw pa ako." pagkukwento ko sa nangyari kanina. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Nandito na tayo.." aniya. Pareho kaming nakaharap sa pinto ng isang bahay na may kalakihan. Hindi ko na alam kung saang parte na kami ng gubat. Hinahanap na siguro ako ni papa at nila lovely. Sana ay hindi tanggalin si lovely sa trabaho dahil ako naman nagpumilit na maiwan don. "Mallory!" sigaw ni chase. May lumabas naman agad na lalaki na may mahaba at straight na kulay brown na buhok. Nakasuot din ito ng salamin sa mata at may hawak pang libro. "Your gr---Chase! sino sya?" turo nya sakin Hindi sya pinansin ni chase at basta nalang ako hinila papasok sa loob ng bahay. Tsaka lang nya ako binitiwan ng makaupo sa sofa. "Babalik ako agad. Kukuha lang ako ng first aid kit." kalmadong sabi saakin ni chase kaya tumango nalang ako. Sandali pa akong tinignan ng lalaki naman brown na buhok bago nya sundan si chase. Superior? Kung makaasta talaga sya para ba syang matanda. Napanguso nalang ako ng tumagal sya. Ang sabi nya ay babalik sya agad pero hanggang ngayon ay wala pa rin sya. Pinagmasdan ko ang kamay ko at binti na puno ng gasgas. May malaking punit din sa likod ang dress na suot ko. "Chase!" salubong ko agad sakanya. May hawak hawak syang malaking lalagyan na puno ng iba't ibang gamot at herbal medicine. "Gagamutin ko yung sugat mo, ha?" tumango ako. Hinayaan ko lang sya na pahiran ng kung ano ang binti at braso ko. Matapos nya akong gamutin ay inilahad nya saakin ang kamay nya. "W-wala akong pera..." nahihiyang sambit ko. "What?? Your hand..." inabot ko naman sakanya ang kamay ko. "Hindi ako pulubi... actually i can buy your house." "Yabang." bulong ko. "Kumain ka na muna. Ihahatid ka namin pauwi." kaswal na sabi nya. Sana hindi ako masermonan. Magkatabi kaming naupo ni chase sa mesa. Hanggang matapos kaming kumain ay walang nag react o nagsalita man lang. Chase azazel? Hindi ko sya maalala kasi hindi pa naman sya nakikita ng dating silestia. Habang tumatagal ako dito unti unti ng lumalabo ang mga alaala ko sa dati kong mundo. Kamusta na kaya si cloud? hinahanap kaya nya ako? Nagpahinga lang kami saglit bago kami umalis ni mallory. Hindi na nagawang sumama ni chase dahil hinahanap na rin sya sa kanila sabi nya. "Sorry po sa istorbo." paghingi ko ng paumanhin. "My lady, ayos lang po iyon. Hindi nyo na po kailangan humingi ng pasensya." tinanguan ko sya. Humarap ako sa may bintana. Dumaan pa kami sa capital. Tinanong ko sya kung saan nya ako dadalhin ang sabi lang nya ay malapit na. Doon ko lang napagtanto na sa palasyo nya pala ako dadalhin. Hindi ko inaakala na makikita ko sa personal ang taong nagpapatay kay papa at sa silestia na may ari ng katawan na ito. "Hinihintay na po kayo sa loob." salubong saamin ng butler. Inalalayan ako ni mallory papasok sa loob ng palasyo. Sinamahan pa kami ng butler papunta sa dining hall kung saan daw naghihintay si papa. Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko agad si papa na hindi mapakali sa kinatatayuan nya. "Pa!" naiiyak na tawag ko sakanya. Nanlalaki naman ang mata nyang tumakbo palapit saakin at niyakap ako. Bakas sa mukha nya ang takot at pagkabalisa bago nya ako makita. "Napano ka? Bakit bigla kang nawala?" Nag aalalang tanong nya. "Sorry po.." napakamot pa ako sa batok ko. "Sir. mallory salamat po." tipid na ngumiti lang si sir mallory. Yakap yakap pa rin ako ni papa at paulit ulit na tinignan ang buong katawan ko kung saan ako mayroong gasgas. Natigil lang ng biglang pumasok ang emperor. Ramdam sa bawat sulok kwarto ang nakakatakot na presensya nya. Para syang malamig na hangin na kapag madaaan ka ay lalamigin ka agad. Buong akala ko ay nag overreact lang si silestia sa alaala nya pero hindi pala, totoo palang manliliit ka kapag nasa harap ka na ng emperor. Pero kahit anong gawin nya o sabihin nya ay sya, ang emperor ang nagpapatay saamin ni papa. Sya ang may kasalanan ng paghihirap at sakit ni papa at silestia. Hindi ako papayag ng hindi makakaganti sa ginawa nyang pagpo-powertrip noong unang buhay ni silestia. Ako ang gaganti para sakanila. Hindi ako papayag na muling mauulit ang ginawa nya noon. "So, she's your daughter?" "Yes, you're highness." "duke hartman, how old is she?" "8 years old, you're highness." Mahigpit akong yumakap kay papa at sinamaan ng tingin ang emperor pero imbis na matinag ay tumawa lang ito. "May fiance na ba sya?" lalong tumalim ang tingin ko sakanya. Ano bang binabalak ng kumag na 'to? "Bata pa po sya para hanapan agad ng mapapangasawa." hinaplos ako sa likod ni papa. "What about the crown prince? Young lady?" nginiwian ko sya. "I don't like your son, you're highness." Natahimik naman silang lahat. "Wow! father like daughter, huh." hindi makapaniwalang sambit ng emperor. Akala ko ay sisitahin ako ni papa pero hindi. May dumating pang ilang imperial knights para tanungin ako sa nangyari kaya wala akong nagawa kung hindi ang magkwento tungkol sa nangyari pero hindi ko sinabi kung sino yung batang tumulong saakin, binilinan kasi ako ni mallory na kahit anong mangyari ay huwag kong babanggitin ang pangalan ni chase. Natapos ang paguusap at napagpasyahan na mas lalong hihigpitan at padaramihin ang mga gwardya sa mansion. "Duke hartman, pag isipan mo ang sinabi ko." nilingon ako ni papa at nginitian. Ngumiti lang rin sya sa emperorbago mag paalam na aalis na kami. Sana lang talaga ay hindi na kami babalik pa dito para makita ang hudas na to. Panget mo!! killer!!! Kinawayan pa ako ng emperor pero hindi ko na sya pinansin pa. Nasaan na kaya si chase ngayon? Nakauwi na rin kaya sya? Nang makasakay sa carriage ay doon lang binitiwan ni papa ang malalim nyang buntong hininga. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD