Phoenix 03

2328 Words
03 "Pa? Sorry, hindi na po ako ulit aalis ng walang paalam." Ngumiti naman sya.  "Sorry, i can't protect you like a father should be.."  Sumimangot ako. "Though, you can still promise na hindi ka basta mawawala. Lagi ka dapat sa tabi ko hanggang dulo ha?" Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Mahigpit ko syang niyakap. Hanggang makauwi sa mansion ay karga karga lang nya ako. Sinalubong pa kami ng butler at ni lovely na umiiyak. "Pa, wala pong kasalanan si lovely..." Humarap pa ako sa duke. "Hindi mo naman po sya papaalisin,hindi ba?" Sumeryoso ang ekspresyon nya.  "It's my fault for not listening to her..." Sabi ko pa. "Okay. But if this kind of things may happen again.. i will never forgive her for being irresponsible about taking care of you. Understand?" Sabay pa kaming tumango ni lovely. He's kinda strict. Inihatid pa nya ako sa kwarto ko at binantayan hanggang makatulog. Ganito pala ang pakiramdam ng may isang magulang na magaalaga, may nag aalala at nagbabantay sayo. Hindi ko naranasan ang ganito sa totoong katawan ko.  Makakabalik pa ba ako sa dating katawan ko o mananatili na ako dito? Sa ngayon ay kailangan ko lang iwasan ang tatlong tao na may kinalaman sa pagkamatay ni duke. Ang emperor ang may hawak ng buong emperyo. Ang hari ng fuego infernal at ang taong nagframe up kay duke. Kung hindi ako nagkakamali ay may apat na kingdom kasama ang emperyo. Ang tawag sa lugar kung nasaan kami ngayon ay ang "El imperio de los cuatro." Dito itinatag ang imperyo na pinapamunuan ng emperor na mahilig mang-powertrip. At ang ibang kingdom naman ay tinatawag na "fuego infernal" na pinamumunuan ng hindi kilalang hari pero isa sya sa may kasalanan saamin, may kapangyarihan din silang ipinamamana sa isang myembro ng pamilya. Hindi ko alam kung anong kapangyarihan o kung kanino na ipinamana ang kanila dahil sobrang private ang pamumuhay sa lugar na yon na ang emperor lang ang nakakaalam.  At ang "El reino flotante" na pinamumunuan ni Queen Smith ang kapangyarihang meron sila ay hangin. Sila naman ang isa sa dalawang kingdom ang naniniwalang walang kasalanan si papa. Hangga't maaga pa ay kailangan ko silang makita. At ang huli ay ang "reino de la tierra" na pinamumunuan ni King chelem kaya nilang komontrol ng lupa o buhangin, metal, mineral at sila rin ang malakas sa connection sa bawat kingdom at sa emperyo. Tulad ng el reino flotante ay wala rin silang nagawa para iligtas si papa o kahit ako. Ngayon ay hindi ako papayag na wala silang gagawin. Gagawin ko ang kaya ko para magkaroon sila ng uses . ~°~ Dalawang araw na ang nakakalipas simula mangyari ang pagdaan namin sa palasyo. Wala na rin akong balita pa kay chase o kahit kay sir mallory. Gusto ko pa naman sila makita kahit na isang beses lang. "My lady? Handa na po ang carriage, pwede na tayo umalis." Tinanguan ko si lovely. Bago kami umalis ay dinaanan ko muna si papa sa opisina nya at nag paalam na. At kahit na ayaw ko ay ipinilit nya parin na isama si lovely sa akin papasok.  "Milady, ayos lang po ba ang pakiramdam nyo?"  Umayos ako ng upo. Takot talaga akong humarap sa maraming tao. Sana man lang ay kaklase ko si meghan ilang araw ko na rin kasi syang hindi nakikita. Kamusta na kaya sya? "Nandito na po tayo." Tinulungan akong bumaba ng isang knight. Bumungad sa amin ni lovely ang academy kung saan ako papasok. Napakalaki at napakaganda sa paningin. May ibang kaedad ko rin na pumapasok sa loob. Sa lugar na 'to ay walang nakakaangat, wala silang pakealam kung anak ka ng emperor o hari kung may mali kang nagawa ay paparusahan ka without hesitation. Kahit pala papaano may may lugar pa rin para sa equality. "Good morning, miss. Ako po pala ang principal sa paaralan na ito. Ipapasama ko po sainyo ang dalawang knight para ituro kung saan kayo pansamantalang tutuloy." Nilingon ko si lovely na nagtataka rin. Tutuloy? Hindi ba kami pwedeng umuwi? Pero wala namang sinabi si papa na ganito. Pasimple kong hinila ang damit ni lovely. "Sir? Hindi po ba kami makakauwi?" Tanong ni lovely. "Hindi po ba nasabi sainyo? Hanggang matapos ang school year ay hindi pwedeng lumabas ang isang estudyante pero pwede syang tumanggap ng bisita." Malawak pa syang ngumiti. Ano to?! Kulungan para sa mga bata? Pero hindi ako pwede magtagal dito! Kung hindi ay mapapahamak si papa. Hindi ko alam na ganito pala ang patakaran dito lalo na't hindi nagpatuloy si silestia sa pag aaral sa academy at nagpatutor nalang. Hindi ako pwede makulong dito!  Hinarap ako ni lovely bahagya pa syang yumukod para magpantay kami.  "Milady, pumasok na po muna tayo? Sulatan nalang natin si duke para tanungin ang ganitong pangyayari."  Ayaw ko man ay wala na akong nagawa pa.Bakit nya ako pinayagan na pumasok dito kung makukulong lang naman pala ako dito?  Matamlay na pumasok ako sa loob ng  academy. Tulad nga ng sabi ng principal ay inihatid kami sa pansamatala naming tutuluyan dito. Malaki ang bahay at may dalawang kwarto na malalaki rin may pinaghalong kulay peach at puti ang kwartong pinili ko, kita kasi ang labas sa kwartong ito kumpara sa isa na mas kita ang field kesa sa labas. Hindi ko rin gusto ang kulay na pinaghalong pula at dilaw dahil bukod sa dilaw na ang kulay ng buhok ko ay kulay pula pa rin ang parehong mata ko. Si lovely na ang pinagsulat ko ng liham para kay papa. Nanatili lang akong nakaupo sa bintana ng kwarto ko at pinapanood ang iba pang taong pumapasok. Nanlaki pa ang mata ko ng makita si sir mallory.  Kasama nya kaya si chase?  "Lovely! Mag iikot ikot lang ako, ha? Babalik din ako agad at hindi lalayo." Tumango sya. Sigurado kasi syang hindi ako makakalabas dito. "Sir mallory!" Ngiting tawag ko kay sir mallory.  Hindi naman ako nabigo dahil sinalubong nya din ako ng ngiti.  "Wala po si chase?" Malungkot na tanong ko. "Hindi mo ba sya nakita? Paparating na rin yon ngayon...." Nilingon nya pa ang pinanggalingan ko. "Nasaan ang maid mo? Bakit mag-isa ka?" "Iniwan ko po..... Nga pala sir mallory bakit po pala kayo nandito?" "Nagtuturo ako ng math dito, baka nga maging estudyante pa kita." Nagliwanag naman agad ang mata ko. "Talaga?! Wow! Magiging kaklase ko po ba si chase?" Umaasang tanong ko. "Hindi ako sigurado tungkol dyan..."  Nagumpisa syang maglakad kaya sumunod naman ako. Naupo kami sa ilalim ng isang puno. "Inihiwalay kasi nila ang may kapangyarihan sa wala.." Natigilan sya sinabi nya. May kapangyarihan si chase? Pero sa pagkakaalala ko isa sa isang pamilya lang ang pwedeng mapasahan non. At ang pamilyang meron lang ay ang mga namumuno sa bawat kingdom at ang namumuno sa emperyo. Saang pamilya ba galing si chase?  Inosente kong nginitian si sir mallory para hindi sya makahalatang may alam ako. Napatayo sya at nagpaalam na may gagawin pa sya. Hindi ko na rim sya pinigilan pa. Mahirap sabihan ng sekreto ang isang to bigla biglang sinasabi ang hindi dapat. "Oh, chase!!!" Sigaw ko. Natuon naman sa akin ang pansin ng lahat. Walang manners and etiquette. Kinaway ko si chase na naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. Yumukod ako ng bahagya at binati sya ganon din naman ang ginawa nya.  "Bakit ka nandito?"  "Eh? Dito ako mag aaral. Bakit?" "Wala." Nawala ang malapad kong ngiti dahil sa pagsusungit nya. "Chase, sino sya?" Tanong ng isang bata na nakabuntot sakanya. "Si silestia.." Binati ko rin sya tulad sa pagbati ko kay chase. Malamang ay nandito rin ang anak ni Queen smith sa pagkakatanda ko ay may tatlo syang anak, dalawang kambal na lalaki at isang babae. Isang taon lang ang tanda sa akin ng kambal  at mas bata naman sa akin ng isang taon ang anak nyang babae. Sa pagkakaalala ko sa pangalan nila ay sila si elias, eros at eleia. Si elias ang nagmana ng kapangyarihan imbis na si eleia. Buong akala nila ay si eleia ang makakakuha dahil sya ang babae na kadalasang pinamamanahan ng kapangyarihan na ganon. "Hi." Ngiting bati ko sakanya. "Hi? Ako pala si ceeven." Magiliw na aniya. Swerte. Naaalala ko na sya! Anak sya ni King chelem galing sya sa reino de la tierra. Akalain mo yon suswertehin pala ako dito.  "Magkaklase kayo?" Tanong ko. "Nope, magkaiba kasi ang itinuturo para sa mga heiresses at para sa normal na tao. Baka kayo ang magkaklase?" Inosente kong nginitian si chase. So, secret nga pala talaga ang kapangyarihang meron sya? Hindi dahil nabanggit nga ni mallory pero base na rin sa expression na pinakita nya kanina ay talaga ngang tinatago nila, pero bakit? Kanino naman nila tinatago iyon? "Silestia, una na ako ha? Umpisa na kasi ng klase namin."  Paalam ni ceeven. Tulad ng nakasanayan ay nginitian ko lang sya at kinawayan. Nag paalam na rin sya kay chase na walang imik. Para talaga 'tong matanda. "May problema ba?" Natigilan sya.  Para bang may malalim syang problemang iniisip at kung hindi nya magagawan ng paraan ay maas malaking problema. "Anong oras ang klase mo?" Napaisip ako. "Hindi ko pa alam. Kukunin palang ni lovely ang schedule ko, bakit?" "Anong ginagawa mo dito?" "Eh? Hindi ba sinagot ko na yan? Ano bang iniisip mo? Para kang matanda." Umiling sya. "Let's go? Ihahatid na kita sa tinutuluyan mo." Sinimangutan ko sya. "Okay." "Pupuntahan nalang kita mamaya."  I rolled my eyes. "Gabi na yon. May nagiikot pa na mga gwardya." "I have my own ways." Natigilan ako.  Parang narinig ko na somewhere yang line na yan. "Okay? Hihintayin kita." Ngumiti sya at tumango saakin. Pagdating namin sa bahay na tinutuluyan namin ay wala naman si lovely kaya nagsabi si chase na sasamahan nya muna ako. Pinanood ko lang sya na magikot ikot sa buong bahay. Kahit anong gawin ko hindi ko talaga sya maalala. Hindi ko ba talaga aya nameet noong nakaraang buhay ko? Para syang pamilyar pero hindi ko talaga sya maalala. Black haired guy. "Oh, my lady? Nandito ka na pala..." Dumako ang paningin nya kay chase na nakatayo sa harap ng chimney. "Sino sya?" Lumapit ako kay chase at hinawakan sya sa kamay. "Boyfriend ko." Biro ko.  Nanlalaki naman ang mata nilang pareho. Pigil na pigil tuloy ako sa pagtawa.  "Dyos ko! Young lady, mayayari ako kay duke kapag nalaman nya ito. Huwag po kayo magbiro ng ganyan." Tumawa ako. "It's a joke!" BInuhat ako ni lovely. "It was a bad joke, my lady."  "Sorry!" Natatawa pa ring sabi ko. "Chase, salamat sinamahan mo ko saglit." Tumango lang sya at nagpaalam na aalis na. Patagal ng patagal pasungit ng pasungit  tong batang to. ~°~°~ Pinaliguan at binihisan lang ako ni lovely. Natigilan sya sa pagtali ng buhok. Titig na titig sya sa marka ng ibon sa leeg ko. Magtatanong pa sana ako kung alam nya ba kung paano ko nakuha iyon kaso agad nyang tinakpan ng tela. "Bakit?" "May iba pa po bang nakakita ng marka na ito?" Umiling ako. Iniharap nya ako sakanya.  Nagaalala ang kanyang tingin saakin. Walang marka ng ganito ang former silestia pero bigla itong lumitaw ng sumulpot ako. Ano bang meron sa markang to? Kahit si duke ng mapansin nya ito noong nasa palasyo kami ay agad nya akong binuhat at pasimpleng tinago 'to gamit ang buhok ko. Akala ko ay wala lang iyon dahil lagi nya naman yun ginagawa but i think there's something wrong.  "Pwede nyo po ba itago 'to pansamantala? Habang hindi pa nasagot sa liham si duke?" Alinlangan akong tumango. Gusto kong magtanong pero hangga't hindi si duke ang nasa harap ko ay mananatili akong tahimik. Kung may dapat akong tanungin ay mas mabuti kong si duke ang tatanungin ko sa tingin ko rin naman ay mas may alam sya kung ano ba talaga ang meron aa markang ito. "Nasa akin na ang schedule mo, milady." Iniabot nya saakin ang isang papel. Tinignan ko pa ang nakasulat doon at binasa.  10:00 am - 12:00 am | Good manners and etiquette 12:00 am - 01:00 pm | Mathematics 01:00 pm - 02:00 pm | break time 02:00 pm - 03:00 pm | modern language  03:00 pm - 04:00 pm | literature and history  Wow! Lahat yan ay tatanga tanga ako. Well nakagraduate ako ng senior high school ng chill lang sa buhay. Laking pasasalamat ko talaga kay athan dahil siya gumagawa ng projects ko ngayong college ako. In the end mag aaral pa rin pala ako. "Tara na po, my lady." Pukaw ni lovely sa atensyon ko. Tinanguan ko sya bago maunang lumabas. Hindi na ako aabot pa sa unang klase kaya dumeretso na lang kami sa susunod. Nakasalubong ko pa si sir mallory. "Good afternoon, teacher." Magalang na bati ko. Ngumiti naman sya. Nang makarating kami sa klase ay nag paalam na si lovely na aalis na at babalik nalang pagtapos. Naupo ako sa bakanteng upuan sa gitna. Inilagay ko rin sa harap ang buhok ko. Nang makumpleto kami ay tsaka lang kami bumati kay mallory. Manghang mangha ako kung paano sya magturo at talagang nakakagana. Hindi tulad ng ibang guro na nakakabagot na nga ay wala ka pang matutunan. Sakanya ay kahit hindi ka makinig tignan mo lang ang paliwanag nya na nakasulat sa harap ay malalaman mo na agad. Matapos nya magturo ay nagpatest din sya na agad ko naman nasagot at naipasa. Baka fast learner/mayabang to?! Hahahahaha papakitaan ko kayo classmates kung paano magyabang ang may alam hahahaha.  "You've been doing great, young lady." Malapad ko syang nginitian bago maupo sa pwesto ko. Hindi ko pala kaklase dito si chase sayang naman. Hindi ko pa rin nakikita si meghan ang alam ko ay nasa iisang school lang naman kami. Ano na kayang ginagawa nya?  Tumulala nalang ako sa labas ng bintana at hinihintay na mag announce si teacher mallory na tapos na ang klase. Nasa labas na rin kasi si lovely na may dalang pagkain.  Gutom na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD