Phoenix 04

2328 Words
04 Kasalukuyan kaming kumakain ni lovely. Noong una ay ayaw nya pang sumabay dahil hindi daw maganda para isang anak ng noble na isabay ang maid. Hindi ko pinansin ang sinabi nya. Buong break time ay hindi ko nakita si chase o kahit si ceeve. Hindi rin kasi nya sinabi kung saang klase ba sya o may oras ba na magiging kaklase ko sya. Nakanguso akong humarap kay lovely na ngumiti naman agad. Hindi pwedeng nakaupo lang ako dito. Ang dapat ay hinahanap ko na ang kambal ni Queen smith! "Lovely, may gagawin ka pa ba?" "Wala na, my lady. bakit?" "Samahan mo ako." Tumingin pa muna ako sa malaking orasan sa taas ng building. May 40 minutes pa ako para magikot ikot sa paligid. Elias, eros at eleia, hahanapin ko kayo. "Saan po tayo pupunta?" "Magiikot lang. Hindi ko pa kasi napupuntahan ang ibang lugar dito." Palusot ko. Sa pagkakatanda ko ay si eleia ang mahilig tumambay sa garden, madalas nya kasing nakukwento saakin kung saan sya nagpapalipas ng oras kapag walang klase. Ang kambal naman ay nasa loob ng kakahuyan para mag ensayo. Siguro kapag tumambay din ako sa garden ay makikita ko sila. Wala naman silang ibang pupuntahan. Hindi ako pwede mag aksaya ng oras lalo na at hindi ko alam ang galaw ni papa. Sana lang ay walang mag bago sa oras kung kailan sila nagkita ng hari ng fuego infernal dahil kung magkataon na magkita sila ng maaga ay paniguradong hindi na maganda ang mga susunod na pangyayari. "Princess? Hindi po tayo pwede mag tagal." Tumango ako. Wala din akong balak pang magtagal dito, lovely. Iginala ko ang paningin ko sa malawak na garden na puno ng iba't ibang bulaklak. At hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko agad si eleia na nagbabasa ng libro. Nakangiti akong nilapitan sya. Mukha namang hindi nya ako napansin kaya naupo nalang ako basta sa tabi nya. "Wow! Ang ganda ng libro na yan." Manghang ani ko. Gulat syang tumingin sa akin. "N-nabasa mo na 'to?" Tumango ako. Mahilig sa libro ang former silestia kumpara sa akin na puro panonood ng movie o anime ang pinagkakaabalahan noon.  Muli kong tinuon ang paningin ko kay eleia. Napakagandang bata. Kulay silver ang buhok at ganon din ang mata nya. Para syang anghel kung tutuusin at hindi nakakasawa ang kanyang itsura. "I have so many books, i can hand it to you." Nagningning naman ang kanyang magagandang mata. Cuteeee!! "Ehem, by the way ako pala si silestia hartman." Napaisip sya sandali bago ilahad ang kamay nya. "I'm eleia smith." "Smith?" Tumango sya. Nagkunwari naman akong natataranta at binati sya sa mas magalang na paraan. "I-i am so sorry, princess." Napatayo sya. "Please, don't be so formal. I-i hope we can be friends?" Tumango at ngumiti pa ako bago umayos ng tindig. Nakipagkwentuhan muna ako sakanya habang hinihintay ang pakay ko pero hanggang matapos ang break time ay hindi nag pakita ang kambal. "Bukas po ay ipapahiram ko sainyo ang iba kong libro." She hugged me tight. "Okay, tia." Kinawayan ko sya bago kami tuluyang umalis ni lovely. Sana lang ay makita ko na sa susunod ang kambal. Dahil kailangan kong makita ang reyna. "Ang dami mo na po agad kaibigan, princess." Mahinhin akong tumawa. "Isa ka na rin sa kaibigan ko, lovely." Niyakap ko pa sya. "Oh? Chase!!" Tawag ko sa batang papasok na sa loob ng klase nya. Nilingon nya lang ako at umiwas din agad. Ah? Hindi nya ba ako narinig? Hindi ba nya ako nakita? "My lady?" "A-ah, hahahaha. Tara na lovely." Nagaalala namang tinitigan ako ni lovely kaya ngumiti lang ako. Anong problema ng bata na yon? "Silestia!" Habol sa akin ni ceeven. Pawis na pawis ito at may sugat pa sa pisnge at ilalim ng mata. "N-napano ka? May sugat ka." Inilabas ko ang panyo ko at pinunasan sya. "Hahaha. Kakatapos lang ng ensayo namin. Papasok ka na?" "Hmn. Pahinga nyo na?" Ngumiti sya. "Sayang at hindi sabay ng break time natin, gusto sana kita makasabay." Tumawa ako. "Pwede naman tayo mag sabay sa susunod na araw? O kaya sa weekend?" Ngumiti sya. "Talaga?!" "Oo naman! Pero sa ngayon kailangan ko muna pumasok. Gamutin mo yang sugat mo, gwapo ka pa naman hahahahaha." Namula naman ito. "T-talaga?" "Yup. Una na ako ha?" Tumango sya at kumaway. Gwapo ka pagtanda mo ceeve, trust me. Ngiting ngiti akong hinatid ni lovely para bang biglang syang nasatisfied sa hindi malamang dahilan. "Princess, susunduin po kita mamaya. Good luck po!" "Thank you, lovely. Babye!" Naupo ako sa pwestong ibinigay sa akin ng teacher namin. Sampu hanggang lima lang ang mayroon sa bawat klase at kadalasang galing pa sa may kaya ang batang nagaaral, bihira lang para sa mga commoners ang makapasok sa ganito ka presteryosong paaralan. Ang iba ay binibigyan ng scholarship kung makitaan ng magandang kakayahan. Ang iba ay mga adopted child at pinagaral sa ganitong lugar. Kung tutuusin ay dapat nga na libre ito, hindi lang dapat mga may antas na pamilya lang ang lalong maka angat lalo na sa kaalaman. Hindi na ako nagtataka paglipas ng 12 years ay masisira ang emperyo at maghihirap dahil sa sakim na emperor. Ang tagapagmana kasi ay namatay sa edad na 10, tinambangan ang karwahe niya ng mga bandido at pinatay sa malagim na paraan. Hindi lang pala kami ang namatay sa ilalim ng pamumuno ng kasalukuyang emperor kung hindi pati ang crown prince. Kaya siguro hindi ko sya nakilala manlang sa unang buhay ko. Kahit papaano ay nabuhay ako ng ilan pang taon hindi tulad nya na sa murang edad nawala.  Sigh. Nagumpisa ang klase ng maayos at walang problema ganoon din ang sumunod pang klase. Para akong lantay na gulay dahil kahit isa ay walang pumasok sa utak ko masyado akong nilalamon ng pagaalala para kay papa. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong natatanggap kahit isang sulat galing sakanya. Napagpasyahan ko na rin na papuntahin na si lovely sa mansion.  "Pero hindi po kita pwedeng iwan mag isa dito..." nagaalalang sambit nya. "Bumalik ka na lang agad. Hihintayin kita." "Pwede naman po ako bukas umalis?" "Malabong mangyari. Tuwing gabi lang sila nagpapalabas ng katulong." Hinawakan ko sya sa kamay. "Hindi ako aalis dito, promise." Bumuntong hininga sya. "Hintayin mo ako. Huwag kang aalis." Paalala nya pa. "Isara mo ang pinto at bintana. Babalikan kita agad." I smiled. I don't know how many times did i smile this morning. Nakakangawit sa panga. Hindi na rin sya pumayag na ihatid ko sa baba kaya sa bintana ko nalang sya sinilip. Pinanood ko sya hanggang mawala ang carriage na sinasakyan nya. Sana lang ay maayos syang makabalik dahil gabi na. Nabalik ako sa ulirat nang sumulpot si chase sa harap ng bintana. Nakabusangot ang mukha nito at para bang may malalim nanaman syang iniisip dahil sa sobrang pagkulot ng kanyang noo. Binuksan ko ang bintana at sinilip kung paano sya nakaakyat sa ikalawang palapag kung saan ang kwarto ko. "Hoy, paano ka nakaakyat?" Nagkibit balikat ito. "Saan pupunta yung maid mo?" Seryosong tanong nya. "Sa mansion." Simpleng sagot ko. "Bakit?" "Basta. Wala kaming pasok bukas, kayo ba?" Paglihis ko ng usapan. Naupo ako sa kama at sya naman ay sa sofa. "Meron." Ngumuso ako. "May kaklase ka bang elias at eros?" Nilingon nya ako agad. "Bakit?"  I rolled my eyes. "Kaibigan mo ba sila? Nabanggit kasi sya saakin ni eleia." I lied. "May ensayo rin ba kayo? Piling babae lang kasi ang pwede pumasok sa swordsmanship, kadalasan ay sa horsemanship." Umayos sya ng upo. "May ensayo kami, gusto mo ba ako panoorin?" Ngumiti ako. "Pwede?!" "Bawal. Ayaw ko." Sinimangutan ko sya. "Hihintayin mo ba yung katulong mo?"  Ano pa nga bang aasahan ko sa isang to.  "Hm." "Sasamahan na muna kita. May gaganapin daw na hunting contest sa susunod na araw, doon ay pwede kang manood."  "Oh? Kasali ka?" Napaisip sya. "Pinagiisipan ko pa." "Sumali ka na!" Hindi sya sumagot. Ilang minuto pa ang lumipas bago ko makita ang sinasakyan ni lovely na papasok na sa loob ng academy. Kumaway sya sa akin. Nagpaalam na rin si chase na aalis na. Inabangan ko sa pinto si lovely na may kasama pang tatlong maid. Sabay sabay nila akong binati at nagpakilala bilang magiging katulong ko bukod kay lovely. "Princess, may ipinapaabot na sulat sa iyo ang duke." Tinanggap ko naman agad iyon. Pagpasok ko sa kwarto ko ay binuksan ko na ang liham ni papa na nagsasaad na ayos lang sya at huwag ko sya masyado pang isipin. Tatlong sulat iyon na pero paulit ulit lang nya na sinasabi na wag ako masyado mag alala sakanya. Sinabi rin sa liham na susunod na linggo ay nag file sya sa namumuno ng paaralan na payagan akong lumabas saglit para dalawin sya. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko hanggang pagtulog. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na ayos lang sya. Kinaumagahan ay maaga ako nagising para ayain si lovely na puntahan kung saan nageensayo sila chase. Nakasalubong ko pa si eleia na kasama ang dalawang maid nya.  "Sinong pinuntahan mo dito, tia?" Mahinhin akong tumawa. "May kaibigan akong may ensayo ngayong araw. Ikaw ba?" Inilagay ni lovely ang buhok kung saan ako may marka ng ibon. "Nandito ang dalawa kong kuya." Nahihiyang aniya. Jackpot! Target locked na 'to. Sabay kaming pumunta at pumwesto sa bakanteng lamesa. Hinanap pa ng mata ko kung nasaan ang kambal na smith pero ibang mukha ang nahagilap ko. "Ceeven." Magalang kaming bumati sakanya.  "Hi, silestia. Oh? Nandito ka rin pala Princess eleia." Tipid na ngiti at tango lang ang isinagot ni eleia. "Silestia, panoorin mo ako ha?"  "Oo naman." Sagot ko.  Sa hindi kalayuan ay nakita ko si chase na busy sa pagaayos ng gagamitin nya. Hindi ko na sya tinawag dahil baka hindi nanaman nya ako pansin tulad ng nakaraan. Pag alis ni ceeven ay tsaka lang nakahinga ng maayos si eleia. Ngumiti lang ako sakanya. Takang taka ako habang pinapanood ang mga estudyante na parami ng parami. Iba't ibang baitang, may iba pang nabubulungan kung sino ang mananalo sa pageensayo. "Anong meron?" Tanong ko kay eleia. "Sa susunod na araw na kasi ang hunting contest para sa baitang natin. Ngayon malalaman kung anong level ang pupuntahan nila." Seryosong paliwanag nya. Humarap ako sa field kung saan may inaayos na chart. Ibig sabihin hindi lang ito basta ensayo, para na rin silang sumabak sa paghuhunt sa gagawin nila ngayon. Ang kaibahan lang ay isa isa silang papasok sa field na may apat na kalabang hayop. Ang una ay ang rabbit, usa, wolfs at ang bear.  Kapag nakita ng hurado na hindi mo na kaya pang lumaban sa susunod na level ng hayop ay papahintuin na ang bata. Sobrang delikado ng gusto nila mangyari! Bata lang sila at ang malala pa ay 8 to 10 years old lang. Anong pumasok sa utak nila at gawing laruan ang mga bata na ito. "Eleia? Hindi ka ba kinakabahan para sa mga kuya mo?" Umiling sya. "Kung hindi nila kaya ay dapat hindi na sila sumali pa." Sumimsim sya sa cup of tea nya.  Okay? So dapat hindi na ako mag alala? Well, napagdaanan din naman nila to noon. Ang kinakabahala ko ay si chase dahil hindi ko alam kung nakaya ba nya ito ng walang nababaling buto. Nagpaalam muna ako kay eleia bago tumayo para hanapin si chase. Nakita ko syang prenteng nakaupo sa sulok. Chill amp. Mahinhin akong naglakad palapit sakanya. Natulala pa ito akala niya siguro ay hindi ako pupunta tulad ng sabi nya. "Galingan mo ha?" Bulong ko sakanya. Tinanggal ko ang ribbon na nakatali sa buhok ko at itinali sa pulso nya iyon.  "What are you doing here? Sabi ko hindi ka pwede pumunta ngayon." Pagsusungit nanaman nya. Inismiran ko lang sya. "Gusto nga kita panoorin!" Singhal ko. "Ang tigas ng ulo mo." Bulyaw nya naman. Pinagtitinginan na tuloy kami ng ibang tao, napaka eskandaloso kasi ng isang to. Ang arte. "Galingan mo nalang. Dapat wala kang sugat o bali ng buto h----" he cut my words. "Ano ko bata?!"  Pinitik ko sya sa noo. "Anong tingin mo sa sarili mo matanda?! Tss." Humawak ako sa beywang ko. "Kapag ikaw bumalik na may bangas kakalimutan kong kakilala kita." Banta ko pero umismid lang sya. "Hindi ako mahina!" Sigaw nya  "Walang nagsasabing mahina ka!" Sigaw ko rin. "Ang akin lang mag ingat ka. Para kang tanga." Bulyaw ko bago sya talikuran at bumalik kung nasaan si eleia. Wala sa sariling umupo ako sa harap nya at sumimangot. Bigla naman akong nahiya nang makita ang pamilyar na mukha sa harap ko. Owshit. "A-ah, hahaha. Sorry." Sabi ko nalang.  Nasa harap ko na ang hinahanap ko at nasakto pa na binadtrip ako ni chase! Ano to sumpa?! "Ayos ka lang ba, tia?" Nagaalalang tanong ni eleia. Alinlangan naman akong tumango. Nakakapanglumo dahil nagmukha nanaman akong mannerless. Pero kahit anong gawin ko ay hindi pa rin mawala ang inis ko kay chase.  "Tia, sila kuya pala." Nagdadalawang isip pa iyong dalawa na magpakilala dahil sa sama ng tingin ko sa kanila. "H-hi? Sya ba yung kinukwento mo sa amin?" Magiliw naman na tumango si eleia. "Hi, by the way ako pala si eros at sya naman si elias." Pakilala nya sa akin. Tumayo ako at pilit na inaayos ang sarili bago sila batiin ng maayos. "Pasensya na po sa kawalang galang ko kanina." Paghingi ko ng paumanhin. "Fiance mo ba iyon?" Pakikichismis ni eros. Napaismid ako. "Bata pa ako. Kaibigan ko iyon, si chase." Sabi ko nalang.  Dumako ang paningin ko kay elias na nasa malayo ang tingin. Saglit lang kami nakapagusap dahil mag uumpisa na ang  ensayo kuno nila.  Nilingon pa ako ni chase. Napairap nalang ako sa sobrang inis sakanya. Nagaalala lang naman ako dahil hindi ako sigurado sa hihinatnan nya. Hindi tulad ni ceeven, eros at elias na alam kong tumanda pa.  Napabuntong hininga nalang ako bago sya lapitan ulit. "Good luck." "Hindi ako masasaktan ng isang hayop lang, silestia." Napasimangot nalang ako. Bwiset!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD