Phoenix 05

2447 Words
05 Ang unang pumasok ay isang bata na sa tingin ko at nasa 10 ang edad. Manghang mangha ko itong pinanuod kung paano nya nahuli ng walang kahirap hirap yung rabbit at ang mga sumunod pang hayop. "Ang galing nya." Puri ko. "Si reeve yan..." Ngumiti si eleia. "Galing sa pamilya ng assassin." "Ow, nice. Fiance mo sya, hindi ba?" Tumango naman ito. "Tell me if he did something to you, got it? Princess." "Anong gagawin mo?" Tumawa ako. Kahit maliit na bata lang ako ay kaya kong mambugbog. Kahit isa pa syang anak ng kung sinong maharlika o mamamatay tao ay hindi pupwede na may saktan syang malapit sa akin. Though after 10 years hindi naman matutuloy ang kasal nilang dalawa dahil pareho silang tumutol. Doon ko lang nakita na umiyak si eleia ng sobra. Hanggang mamatay ako ay hindi ko man lang nalaman kung bakit pareho silang tumutol kung gusto naman nila ang isa't isa. "Oh? Yung kuya mo na yung sunod." Turo ko kay eros. Tulad ng nauna ay madali lang nya nahuli ang unang tatlong hayop medyo nahirapan lang sya sa oso dahil mas malaki nga naman ito lesa sakanya. Nakakalumbaba kong pinanood kung paano nya talunan sa likod iyon at tusukin ng sibat ng walang kahirap hirap. Hindi na nakakapagtaka. Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid at pinaulanan sya ng papuri. Todo ngiti at kaway naman sya. Sana ay katulad sakanya ganon din kadali ang resulta para kay chase. Sumunod na pumasok sa field ay si elias na para bang hangin dahil sa bilis ng kilos na ginawa nya. Wala pa mang limang minuto ay natalo na nya iyon agad. Napakagaling. Lumingon sya sa direksyon namin ni eleia. Para bang wala itong naririnig na magagandang salita galing sa hurado. Diretso lang syang naglakad at bumalik papunta sa upuan nya na parang walang nangyari. "Silestia? Ako na yung sunod manuod ka!" Sigaw ni ceeven. Tumawa ako at tumango sakanya. "Tia? Hindi ba ito yung unang beses mo manuod ng ganito?" Napaisip ako. "Unang beses ko to." Siguro ay nagtataka sya kung bakit hindi man lang ako natinag sa ungol ng mga hayop na tila ba nasasaktan at humihingi ng tulong hanggang unti unti na sila nawawalan ng buhay. "Hindi ka ba natatakot?" Sumimsim sya sa tasa nya. Paano ako matatakot sa ganito kasimpleng bagay kung nakita ko kung paano pinatay si papa at ang former silestia. Walang wala pa ito sa dinanas na paghihirap ng dalawang inosenteng tao. "Natatakot." Ngiti ko. Napatitig pa sya sa akin. "Chase azazel." Agad akong napalingon kau chase na walang ganang tumayo at nagtungo sa field. Chase azazel? Bakit hindi kinumpleto ang pangalan nya? Chase azazel finnegan yun. "Sya yung kaibigan mo di ba?" Tumango ako. "Princess eleia, pupunta muna ako sa malapit." Hindi ko na hinintay pa ang sagot nya. Kapag nagkataon na mapilayan o mapatay ka ng oso dito wag kang mag alala chase ipapagawa kita ng magandang ataol at magandang paglilibingan. "Silestia." Tawag sakin ni ceeven. "Hm? Mamaya na tayo mag usap." Nilagpasan ko sya at mabilis na nagtungo sa malapit na pwesto kung saan kita ako ni chase. Nakahinga ako ng maluwag ng matalo nya yung asong lobo. H'wag ka na tumuloy! "Tignan mo." Bulong sa akin ni ceeven. "Ha?" "Yung hurado. Tignan mo." Pasimple nyang turo sa huradong lalaki. "May galit kay chase yan." Napalingon ako sakanya. "Bakit?" Nahkibit balikat sya. Pinakatitigan ko iyong lalaki. Pamilyar sya sa akin. Sya yung lalaking ninakawan sa sariling mansion at pinatay. Naging sikat sya sa larangan ng medisina noong taong namatay si papa. Bago pa man nya masulit ang pagiging sikat ay namatay na sya. May nagsasabi rin na sya ang dahilan kung bakit namatay ang crown prince dahil gusto nya ang anak nyang babae ang magiging asawa nito pero walang ano ano ay tinanggihan sya ng prinsipe. Nangyari ang pagtanggi sa ngayong taon. "Silestia, tapos na." Nabalik ako sa ulit nang kalabitin ako ni ceeven. "Ah? Bilis naman." Binalik ko ang tingin ko kay chase na may malaking kalmot sa likod, walang tigil din sa pagdugo iyon. Hindi ko man lang napanood ng maayos. "Napano sya?" Kaswal na tanong ko. "Yung matanda na yon! Dalawang malalaking oso ang pinapasok nya na imbis isa lang." Galit na turan ni ceeven. Bumagsak ang paningin ko sa field kung saan may dalawa ngang malalaking oso ang nakahandusay sa sahig. "Ceeven, nasaan si chase?" "Hindi ka ba natatakot?" "Ha? Bakit?" Natatawang umiling sya. "Tara, samahan na kita." Iling iling kung binalikan ng tingin yung mga oso bago tignan yung matanda na malawak ang pagkakangiti. "Wag kang mag alala may gumagamot na sakanya." Tinanguan ko si ceeven. Pumasok kami sa isang kwarto na may apat na kama at tanging kurtina na puti lang ang harang bawat higaan. Itinuro ni ceeven kung san nagpapahinga si chase. "Babalik nalang ako mamaya. Iwan ko muna kayo." Hindi ako sumagot. Hinawi ko iyong kurtina. Nakahiga at nakatalikod sya sa pwesto ko kaya hindi ko malaman kung tulog ba sya o gising. Sinubukan kong pekeng umubo at naupo sa tabi nya. "Akala ko ba panonoorin mo ako?" Aniya sa nagtatampong tono. "Nanonood ako." I lied. "Liar. Tinitignan kita, wala sakin yung atensyon mo." Kinuha nya yung isang unan at tinakip sa mukha nya. "Masakit?" Turo ko sa likod nya na may benda. "Mukha ba?" "Sungit. Nanonood nga ako kanina." Irap ko. "Tinitignan nga kita. Nakikipagkwentuhan ka lang kay ceeve." Natawa ko. "Tignan mo na. Sila pinanood mo tapos sakin nag skip ka?." Singhal nya na lalong ikinatawa ko. "Hoy. Alam ko naman kasi na malakas ka. Sabi ko sayo di ba kapag bumalik ka na may bangas kakalimutan kong kilala kita?" Marahas nyang inalis yung unan sa mukha nya at sinamaan ako ng tingin. "Tinatakot mo ba ko?" Inismiran ko sya. Ngumuso sya. "Hindi mo kasi ako naaalala kaya ganyan ka." Kunot noo ko syang tinignan. "Ha?" "Tss." Ngumiti nalang ako. "Sorry na. Igagawa nalang kita ng desserts." Panguuto ko. "Ano bang gusto mo?" "Fruit cake." Nagsisi ako bigla. Hindi naman ako marunong magbake. Kung magpabili nalang kaya ako kay lovely? "Princess silestia?!" Dinig kong katok sa pinto ng kwarto. "Sandali. Magpahinga ka nalang dyan." Akma akong tatayo nang daganan nya ang suot kong dress. "Ano ba? Masisira yung damit ko." Singhal ko. "Papasukin mo nalang sya!" Bulyaw nya. "Spoiled brat!" Hindi sya sumagot. "Lovely, nandito ako sa loob." Nagaalalang pumasok si lovely sa loob ng kwarto. Ngumiwi ako sakanya. "Umihi lang ako saglit pagbalik ko wala ka na." Eh? Hindi nga sya nagpaalam na umalis sya. Akala ko ay nasa tabi ko lang sya simula kanina. "Ah." Nagtaka pa ako ng una dahil bigla syang namutla pero nang tignan ko kung saan sya nakatingin ay bumuntong hininga nalang ako. "Hindi mo binabantayan yang amo mo. Hindi mo alam kung kani-kanino na yan sumasama." Ani chase. "Pasensya na po..." Tumungo si lovely. "Ayusin mo ang pagbabantay sakanya." "Opo, young master." Magalang na sabi lovely. "Kaibigan ang turing ko kay ceeve." Singit ko. "Hindi ikaw ang kausap ko." Pambabara nya sa akin. Sa inis ko ay mahina kong tinapik ang likod nya na ikinangiwi naman nya sa sakit. "Oops. Tara na lovely." Hatak ko kay lovely palabas. Gusto ko rin matuto ng swordsmanship para kahit papaano ay hindi ako aasa sa mga taong nasa paligid ko. Hindi dapat ako manatiling mahina lalo na at alam kong may nakaabang na mga masasamang pangyayari. "Lovely, pwede rin ba ako matuto ng swordsmanship?" "Pwede naman po, sa pagkakatanda ko ay dati ka ng kinuhaan ng tagapagturo pero tumanggi ka." Humawak sya sa baba nya na parang may iniisip pa. "Ang crown prince pa nga po ang namili para sainyo." Nahinto ako sa paglalakad. Yung crown prince ang namili? "Bakit sya?" "Biglaan din po yun kaya alam kong tatanggi ka, my lady." Binitiwan ko ang kamay nya at nagpatuloy sa mabagal na paglalakad. "4 years old ka lang po non at hindi pa nakakaapak sa labas ng mansion kaya ganon nalang din ang pagtataka ni duke hartman sa biglaang pagsulpot ng guro." Ang crown prince? Paano naman nya ako nakilala dati? Wala sya sa alaala ni silestia kaya hindi ko alam ang itsura o kung sino ba talaga sya. "Nasaan na yung guro? Pwede mo ba sya tawagin ulit at sabihin kay papa na kukunin ko sya bilang guro ko?" Umaasang may malalaman ako sa taong yon. Crown prince, sino ka ba talaga. Kung may gagawin man na masama yung taong yun at least alam ko ang galaw ng tauhan nya. Kung hindi ko maiiwasan ang emperor at ang mga masasamang pangyayari ay hindi rin ako tatakas. Mas pipiliin kong harapin yun ng may tapang kesa maging mahina. Kung isa ang crown prince sa magiging dahilan ng pagkasira ko ay haharapin ko sya at ipaparanas sa kanila ang naranasan ng former silestia. Magiging malakas ako at ihuhulog sila sa kinakalagyan nila ngayon. "My lady, ngayon na po ako aalis para makabalik ako agad. Pansamantala ay ang tatlong katulong muna ang magbabantay sayo." Tinanguan ko si lovely. Nang makaalis sya ay nagpasya akong magtungo sa library. Hindi pwedeng lakas lang ang meron ako dapat ay may alam din ako kahit papaano. "Hintayin nalang nyo ako dito sa labas." Sabi ko sa tatlong maid. "Yes, princess." Nagikot muna ako bago makita ang isang libro na dating binabasa ni silestia. Hindi nya ito natapos dahil nangyari sa sakanya ang paghatol na iyon. Hinila ko ang hagdan at itinapat sa harap ng libro na gusto ko. Akma ko na sana iyong kukunin kaso may nauna ng kumuha. "Sandali ako ang nau---" nahinto ako sa pagsasalita nang makita ko kung sino sya. "Ikaw! Ikaw yung tao don sa mansion." Mariing ani ko. "Eh? Hahaha." "Anong ginagawa mo dito? Tsaka bakit parang lumiit ka?" Pahina ng pahina ang boses ko. Tinignan ko pa sya mula ulo hanggang paa. "Magandang hapon, my lady?" Ngumisi sya. Maingat akong bumaba sa hagdan. Nagmukha syang 15 years old. Akala ko ay nagmukha lang syang maliit dahil nasa taas ako ng hagdan pero hindi talaga ngang bumata sya. "Ako pala si neon evans." Pakilala nya. "Magician ka?" Direktang tanong ko. He just shrugged. "You can't fool me, mister." Matamis akong ngumiti. Tatalikod na sana ako kaso bigla pa syang nagsalita. "Hindi mo ba gusto tong libro?" "Kung gusto mo edi sayo na." Sabi ko nalang bago maghanap ng iba pang pwede mabasa. Buong akala ko ay umalis na sya pero nanatili pala syang nakasunod at kunwaring binabasa yung libro. "Masyado kang bata para dito pumunta sa libro ng pangmatanda." Aniya. "Wala ka na don." Hindi sya sumagot. "Ano palang pangalan mo?" "Hulaan mo." Nilagpasan ko sya matapos pumili ng sa tingin ko ay maganda. "Silestia O iris?..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya. Paano nya nalaman? Hindi kaya may alam sya na hindi ako si silestia? Hindi imposible. Wala akong pinagsabihan at wala rin akong balak, kaya.... Kaya paano nya nalaman?! "Ow, sa palagay ko ay isa don ang pangalan mo..." Masamang tingin ang ginanti ko sa kanya. "Baka iris?" "Ano bang gusto mo?" "So, iris nga ang pangalan mo?" "Hindi." Nakakaloko syang ngumiti. "Okay.." Nauna syang maglakad at naupo sa banteng mesa malapit sa bintana. Itinuro pa nya sa akin ang upuan sa harap nya. Wala naman akong nagawa kung hindi ang maupo doon at harapin sya. "Anong alam mo?" Seryosong tanong ko. "Wala?" Nilingon ko muna ang ibang tao sa loob ng library. "Don't worry, hindi nila tayo naririnig kahit lumapit pa sila." Ipinatong nya ang baba nya sa kamay nya at tumitig sa akin. "Magician ka nga." Ngumiti lang sya. "Anong alam mo?" Ulit ko. "Lahat lahat." Ibinuklat ko ang libro sa unang pahina. Hindi ko rin sya maalala. Wala sya sa alaala ni silestia. "Tulad ng?" Tanong ko pa. Tinuon ko ang mata sa libro at nagkunwaring nagbabasa. "Iris ang pangalan mo at hindi silestia?..." Saglit akong natigilan. "Hindi ka taga dito at ang may ari ng katawan na yan ay patay na..." Matamis ko syang nginitian. "Pano ka nakakasigurado?" "Kasi tulad mo bumalik din ako sa nakaraan." Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya. "Gusto kitang tulungan pero may kapalit." Binalik ko ang paningin sa libro. "Pano ka nakakasiguradong papayag ako sa gusto mong tulungan ako?" "Cause you have no choice. Isang taon lang ang meron ka at sa ginagawa mo pang to mas pinapabilis mo pa." Naiyukom ko ang kamao na nanginginig na. "Ano bang gusto mo?" "Gusto ko lang na kapag ayos na ang lahat ay sasama ka sakin..." "Saan?" Tumingin sya sa labas ng bintana. "Tsaka ko na sasabihin. Pagisipan mo ang sinabi ko. Handa akong tulungan ka kung sasama ka sakin sa huli." Hindi ako nakasagot. "Bakit ako ang ginugulo mo? Hindi ba mas madaling manipulahin ang walang alam?" Nagkibit balikat sya. "Malalaman mo kapag pumayag ka sa gusto ko." Bawal akong magtanga tangahan sa oras na to! Kung galing din sya sa nakaraan bakit ako ang ginugulo nya imbis na gawin ang dapat nyang gawin. At paano nya nalaman na hindi ako ang silestia na may ari ng katawan na to. "Princess silestia." Gulat akong napalingon kay lovely. "A-ah nandito ka na pala agad?" "Yes, my lady. Nakausap ko na rin po pala si duke at hindi naman aya tumutol pa. Sa susunod sa linggo ay pupunta na dito ang guro na magtuturo sainyo." Hindi ako umimik. "Ngayong linggo po kasi ay ang pagbisita nyo sa duke." "Yes. Naaalala ko pa." Bumuntong hininga ako. "Ne...on" Wala na sya. "Lovely, may nakita ka bang kasama ko?" Umiling naman si lovely. Kinuha ko muna yung libro na inagaw sa akin ng kumag na yon. "Gusto ko sana tong hiramin." Abot ko kay lovely ng libro. "Okay po, princess." Wala sa sariling naglakad ako palabas ng library at nauna ng bumalik sa bahay. Hindi rin ako mapakali dahil sa lalaking yun. Pero kahit anong gawin o isipin ko ay wala talaga akong maramdaman na masamang presensya galing sakanya. Kumpara noon na nasa malayo palang ang tao ay ramdam ko na ang magiging dulot nya. Pero sakanya ay wala masyado syang malinis. Sigh. "Lovely, marunong ka bang gumawa ng fruit cake?" "Yes, princess." "May bilihan naman sa baba, hindi ba?" "Yes, princess." "Pwede bang bumili kayo ng mga kailangan? Pakisabi na rin sa tagapagluto na gagawa tayo ng fruit cake." "Yes, princess." Nang lumabas sila sa kwarto ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi dapat ako magpadala sa sinasabi ng lalaking yon. Kahit na hindi ako makaramdam ng masama sakanya ay dapat pa rin akong mag ingat. Sa ngayon ay dapat ko munang gawin ang mga gagawin ko. Masyado akong nag iisip ng mga bagay na hindi ko naman kontrolado.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD