06
Ngiting ngiti ako sa nagawa naming desserts tulad ng gusto ni chase, may iba't ibang flavor pa ng cookies and cup cakes.
"Ibibigay nyo po ba ito kay, young master chase?" Kumalong-baba ako sa mesa at takang tinitigan si lovely.
"Kilala mo ba ang pamilya nya?" Natigilan sya. "Let's assume na kilala mo nga, saang pamilya sya galing?" Ngumiti ako.
"A-ah, my lady..."
"Hm? Yes, lovely?"
"Anak po sya ng duke ng fuego infernal." Tumango ako.
Liar. Walang anak ang duke ng fuego infernal. Alam ko dahil nakilala ko na ito noon. Namatay ang pamilya nya noong digmaan sa kanilang lugar sampung taon na ang lumipas.
"Oh, i see."
Kung ano man ang dahilan mo ng pagsisinungaling sana lang ay hindi mo pagsisihan yan sa huli lovely. Hindi kita pipilitin mag sabi ng totoo pero hindi rin kita hahayaan mag-sinungaling pa ulit.
"Please, ready this desserts. Hahanapin ko lang si chase. By the way, paki-ayos sila sa maayos na lalagyan. Thank you lovely. " nilagpasan ko ng tingin si lovely. "You there. Let's go." Turo ko sa babaeng maikli ang buhok.
Nagpalit muna ako ng damit sa kwarto ko bago lumabas. Papunta na akong garden nang makasalubong ko si elias na tahimik na naglalakad kasama ang isang sundalo.
"Good day, prince elias." Bati ko. Nahinto ito sa paglalakad at bumati rin sa magalang na paraan.
"Tia!" Tawag sa akin ni eleia.
"Princess." Bati ko.
"May pupuntahan ka?"
"Wala naman, gumawa kami ng desserts. Bukas ay bibigyan ko kayo." Humawak naman sa braso ko si eleia. "May hahanapin pa kasi akong bata na nag-pagawa sakin hahaha." Tumahimik sila.
"Binebenta mo?"
"Eh? Hindi. Ginawa ko talaga yon para sakanya." Ngumiti ako.
"Yung kaibigan mo ba yon?" Agad akong tumango.
"Bakit mo sya pinagaaksayahan ng oras?" Iritadong tanong ni elias. Tinapik naman sya ni eleia.
"Ha?"
Hindi ako nakasagot agad. Hindi rin ako sigurado kung bakit nga ba mas kinukulit ko si chase. Siguro dahil ang cute nya at nakakatuwa sya asarin?.
"Kaibigan ko sya..." Bulong ko nalang.
"Anak ka ni duke hartman, hindi ba?" Umangat ang tingin ko sakanya. "Alam mo bang pumunta ang papa mo sa ami---"
"Elias! Tama na. Walang ginawang masama sayo si silestia." Saway ni eleia sakanya.
Pumunta si papa sa kanila? Bakit? Hindi dapat sya nagpunta don! Hindi pa dapat.
"Bakit? Anong ginawa nya sainyo?" Seryosong tanong ko.
"Para ipilit ang kasal natin."
"Ha?"
"Nagmakaawa pa sya para lang pakasalan kita. Ano bang meron sayo?" Ngising tanong nya.
"Ha! Kung ayaw mo hindi mo kailangang pumayag. Hindi naman kita gusto." Inis kong tinalikuran sya at hinarap si eleia na nagaalalang nakatingin sa akin. "Hindi mo kailangan pilitin sarili mo." Sabi ko pa sakanya.
Niyakap ko si eleia at nagpaalam na bukas ko nalang ibibigay ang desserts. Kapag nagkita na kami ni papa sa weekend ay dapat lang na ayusin ko ang lahat. Nababago na ang nangyari.
Hindi ko nga kaya 'to ng magisa. Sana lang ay hindi ako mag-sisi sa pagtanggap ng tulong galing kay neon.
Noon pa man ay hindi ko na kasundo ang kambal dahil sa ugali nilang mapagmaliit sa kapwa na sya ring sisira sa kanila. Nakakapanghinayang talaga dahil si elias pa ang nagmana na dapat kay eleia.
"Princess?" Salubong sa akin ni lovely. "Ipaghahanda ko po kayo ng pagkain.."
"Busog pa ako. Lovely, pahanda ako ng pampaligo." Nilagpasan ko sila at pumanhik na sa kwarto ko.
"I guess, nakapag-decide ka na?" Napalingon ako sa sofa kung saan nakaupo si neon. "Pumapayag ka na ba?" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Paano ka nakapasok??"
"Secret. Ano na? Yung sagot mo?"
"Paano mo ako matutulungan?" Seryosong tano ko.
Kapag hindi ka sumagot nang maayos ay itatapon kita sa labas.
"Paano kita matutulungan? Edi papatayin natin yung papatay sa papa mo hahaha." Inirapan ko sya.
Walang kwentang kausap ang isang 'to.
Kung ganon lang kadali yun ginawa ko na sana dati pa.
"Joke, sinabi ko na bang alam ko lahat lahat?"
Umupo ako sa kaharap nyang upuan. "Oh, edi alam mo rin kung paano mapipigilan yung nangyari?" Tumango sya.
"Alam ko."
"Gusto mong sumama ako sayo hindi ba?"
"Baguhin natin? May isa lang akong gusto.."
"Sabihin mo." Ngumiti sya.
"Soon. So, payag ka na?"
Ang hirap mag isip. Kahit papaano naman siguro ay matutulungan ako nito.
"Paano ko maliligtas si papa?." Ngumiti sya. Pareho kaming natahimik nang may kumatok sa pinto.
"Madali lang. Dahil nabago na ang nangyayari ngayon ang dapat mong iwasan ay ang emperor, ang anak nito, at yung mga batang nakabuntot lagi sayo. Mukha lang silang inosente pero sa tingin ko ay may alam din sila..."
Paanong may alam?
"Princess, handa na po ang pampaligo nyo." Katok ni lovely sa pinto ng kwarto ko.
"Susunod ako." Sabi ko nalang. Sinenyasan ko si neon na magpatuloy.
"Kumpara noon ay madali lang sayo umiwas pero hindi ngayon..." Nahiga ako sa sofa at kumuha ng biscuit sa mesa. "2 months from now, pipilitin ka ng emperor na makasal sa anak nya." Agad akong napatayo sa sinabi nya. "Kung mamalasin ay baka sa susunod na linggo na agad."
"Ano?! Paano mo nasabi?!" Sigaw ko.
"Princess?" Muling katok ni lovely.
"Okay lang ako. Susunod ako mamaya." Sigaw ko para marinig nya.
Huminga akong malalim bago naupo ulit. Inis kong binagsak yung biscuit sa mesa. Ayokong makasal sa anak nya!
"Bakit? Paano mo nasabi na ganon?"
"Dahil hindi lang ito ang unang beses na nabuhay ulit si silestia. Sa bilang ko ay pang-apat na ito pero lahat yon ay nabura sa isip nya kung pang-ilang beses na syang nabuhay."
Ang gulo.
"Ha?"
"Pang-apat mo na 'to na buhay. Sa unang tatlo ginawa na nya ang lahat tulad nang ginagawa mo ngayon pero sa huli ay namatay pa rin sya. Noong unang buhay nya ay pinatay sya ng crown prince." Seryoso ko syang tinignan. "Pangalawa ay nagawa nya ngang maligtas ang buhay nya pero hindi ang papa nya. Pangatlo ay yung naalala mo."
"Bakit alam mo lahat? Bakit buong buhay ko alam mo? Tsaka bakit ang pangatlo lang ang naaalala ko?" Natigilan sya.
"Kasi hindi ka pwede mahiwalay sakin. Kapag namatay ka ay mamamatay ako, ganon din kapag nabuhay ka....." seryosong aniya. "Isipin mo nalang ang kahapon naaalala mo pero hindi na yung mga nagdaang araw."
"Bakit mamamatay ka kapag namatay ako?." Naguguluhang tanong ko.
"Dahil may dalawang bagay kang pinangako sakin at ganon din ako sayo." Natahimik ako.
Wala akong maalala.
"Paano ako namatay sa pangalawang beses?" Umiwas ako ng tingin.
"Sa katandaan.." Tumango tango ako.
"At sa pangatlo naman ang pumatay sa akin ang emperor? Bakit sa mga nakaraang buhay ko namamatay lagi ako? May pwede ba akong gawin para mabalik ko yung alaala ko sakin?" Nilingon ko sya pero imbis na sumagot ay itikom lang nya ng mariin ang bibig nya. "Sabihin mo."
"Kailangan mong pumunta kung na saan ang The palace of resurgence." Ngumisi ako.
"I see. Napuntahan ko na ba yon dati? Tsaka saan yon?" Bumuntong hininga sya.
"Hindi pa. Hindi ka rin pwede pumunta doon." Kinunutan ko sya ng noo.
"Bakit?"
"Isa sa tagapagmana lang ang pinapapasok."
"I still want to try."
"No."
"Kasama kita. Sa ngayon sayo lang ako dumedepende at nagtitiwala. Gusto ko maalala lahat." Sinamaan nya ako ng tingin.
"Bakit ka nagtiwala agad?"
"Wag mong patunayan na sana hindi ko na lang ginawa." Ngumiti sya.
"I won't!"
"Then help me. Help me to remember my past life." Nawala ang ngiti nya. "I badly needed it."
"Okay. Hindi ba sinabi ko sayo na may isa lang akong gusto?" Tumango ako.
"Sasabihin mo na? I promise to you that i will fulfil my promise." Umiling sya.
"No, ayokong sabihin mo lang." Seryoso ang parehong mata nya. "Gawin mo. Simula umpisa sayo lang rin ako dumedepende." Tumango ako.
"Hindi ako si silestia. Nangangako ako bilang si iris." Ngumiti sya. "At gagawin ko ang mga pinangako ko sayo."
"Thank you, princess."
"I hope this time we had our happy endings." Natawa sya.
"Masyado kang pormal para sa isang bata. Matuto kang umakto sa edad mo ngayon." Ngumuso ako. "Hahaha, mauuna na ako princess. See you soon."
Mas naging masigla sya kumpara sa una kong kita sakanya. Wala man akong balak na tignan sya pero hindi ko magawa. Para bang buong buhay nya ay hindi sya naging masaya.
Ang huling gumugulo nalang sa akin ngayon ay paano nya nalaman na iris ang pangalan ko.
Bahala na. Ang importante ngayon ay mailigtas si papa at matupad ang pangako ko sakanya. Hindi naman tama na basta ko nalang sya abandunahin.
Kailangan kong umayon ang mga tao sa akin nang sa ganon ay hindi na ako mahihirapan pang kumbinsihin sila sa desisyon ko.
Pag-alis ni neon ay tsaka lang dumating ulit si lovely. Pag-labas ko ay nakaabang na agad sa pinto sila lovely at ang ibang maid. Tinulungan pa nila ako na hubarin ang suot kong damit at paliguan.
"Princess, kailangan nyo po matulog ng maaga ngayon." Ani lovely habang sinusuklay ang buhok ko.
"Naihanda mo na ba ng maayos yung ginawa natin?"
"Yes, princess."
"Thank you."
Nahiga na ako sa kama at ilang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin dumadating si chase. Ayos na kaya ang sugat nya? Papasok kaya sya bukas? Mas mabuti sana kung mag papahinga nalang sya kesa pumasok pa.....
"Princess? Gising na po." Bahagya kong binuksan ang mata ko.
"Handa na po ang almusal nyo at pampaligo."
"Hmm." Humikab pa ako tsaka tumayo sa kinahihigaan ko.
Naligo muna ako at nagbihis bago kumain. Napakabigat ng damit na to, ni hindi rin ako makakain nang maayos dahil pakiramdam ko naiipit ang tyan ko sa suot kong corset sa ilalim.
"Ayos lang po ba kayo?" Tumango ako.
"Nasaan na yung desserts? Marami pa iyon, ang natira ay kainin nyo. Padala ako nang pinaayos kong desserts." Inayos ko ang dress ko. "Anong oras na, lovely?"
"8 am palang po."
May dalawang oras pa ako para magikot at iabot ang dessert kila eleia, mamaya ko nalang siguro ibibigay ang fruit cake ni chase kapag nakita ko sya.
"Good morning, princess." Bati ko kay eleia na busy sa pagbabasa ng pinahiram kong libro. Ipinaabot ko lang iyon kay lovely nung nakaraang araw.
"Tia.." pilit akong ngumiti. Nagkunwari nalang ako na hindi nakita si elias sa tabi nya.
"Dala ko na yung desserts!" Tuwang tuwang sabi ko. Inabot ko sakanya ang isang pouch ng cookies at isang box na may tatlong pirasong cup cakes.
Naparami din kasi ang gawa namin. Magaling din kasi gumawa si lovely at ibang maid ng mga sweets. Sa tingin ko nga ay kapag gumawa sya ng sarili nyang baked shop ay talagang sisikat agad yon.
"Kung ayaw mo nito pwede mong itapon." Walang ganang sabi ko kay elias. "Ahm, mauuna na ako princess. Hahanapin ko pa kasi si ceeven." Palusot ko nalang kahit ang totoo ay ayaw ko lang makita ang nakakairitang pagmumukha ni elias.
"Sandali...Sorry." natigilan ako sa sinabi ni elias. "Wala naman akong sinabi na hindi ko gusto yung kasal..."
"Ako ang may ayaw. Gusto ko sanang tumanggi ka lang nang tumanggi hanggang mag-sawa sila." Natahimik sya. "May iba kasi akong gusto." Palusot ko.
"Good morning, princess." Napaismid ako sa biglaang pagsulpot ni neon.
Noong nakaraan ay 20 years old and edad nya na naging 15 tapos ngayon ay sobra pang bumata. Napaiwas nalang ako ng tingin.
"Oh, neon!" Napalingon ako kay eleia.
"Magkakilala kayo?" Takang tanong ko.
"Hm, he's my cousin. Neon si silestia pala." Tumango tango ako.
"Good morning, princess silestia." Ngumiwi ako sakanya.
Hindi bagay.
"Sige na, mauuna na ako princess." Nginitian ako ni eleia.
"Sandali, sasabay na ako." Ani neon. Kinawayan nya lang sina eleia at elias.
"Wow, kaya mo rin maging sanggol?" Ngumuso sya. Natawa naman ako. "Joke lang. Matanda ka na tapos para ka pa ring bata."
"Bata ako!"
"A-ah, oo hahahaha."
"Saan ka ba pupunta?"
"Kay ceeve. Naaalala mo yung prinsipe ng reino de la tierra?" Napaisip sya.
"Not really."
"Basta yon. Sya si ceeve." Sumangayon nalang sya. "Ayun sya." Turo ko sa batang lalaking palapit sa akin.
"Princess silestiaaa!" Sigaw nya. Humarang naman si neon sa harap ko. "Ow, sino ka?"
"Ceeve.." inusog ko ng kaunti si neon. "Si neon pala, pinsan sya nila eleia." Napaismid sya.
"Nawala nga si chase sya naman ang pumalit." Gulat akong hinawakan sya sa kamay.
"Wala si chase? Saan sya nagpunta?"
"Oh? Hindi nya sinabi? Bumalik na sya sa kanila kaninang umaga lang. Akala ko pa naman mas nauna ka nyang sabihan, naguusap kasi kami tapos bigla syang umalis kagabi."
Natulala nalang ako. Bumalik sya sa kanila nang hindi manlang ako sinasabihan? Akala ko pa naman magkaibigan na kami.
Nagpilit akong ngumiti kay ceeven. "Ganon ba? Hindi nya naman ako sinabihan.... Oo nga pala, may ibibigay ako sayo." Inabot naman ni lovely ang binake namin sakanya.
"Wow!! Thank you, silestia." Tumango ako.
"Una na kami ha?" Hindi ko na sya hinintay na sumagot basta ko nalang hinila si neon at lovely palayo.
Naluluhang humarap ako kay lovely na nagulat pa sa itsura ko. Agad naman nya akong kinarga at inalo. Napayakap nalang ako sakanya nang mahigpit. Mahina akong napahikbi sa sobrang inis kay chase.
"Silestia..." Mahinang tawag sa akin ni neon. "Bakit ka umiiyak?"
"Princess... Gusto nyo po bang umuwi rin muna sainyo?" Nagaalalang tanong ni lovely. Umiling ako.
"Ayaw ko. Ayaw ko rin muna pumasok." Bulong ko. Siniksik ko ang mukha ko sa leeg ni lovely at pumikit.
"Baby.." dahan dahan kong minulat ang mata ko. Muli na naman akong naiyak nang makita si papa sa harap ko. "Umiiyak ka daw kaya agad akong pumunta."
"Bakit ngayon ka lang?!" Sigaw ko. Dinamba ko sya ng yakap. Hinaplos naman nya ang likod ko.
"Tahan na. Sorry ngayon lang ako."
Tulad ng isang bata ay umatungal ako sa pagiyak. Hindi naman sya nagalit hinintay nya rin muna ako kumalma bago sya magsalita.
"Gusto mo ba hatulan natin sya ng kamatayan?" Nakangiti sya pero seryoso ang mga mata. Umiling ako.
"Aalis na naman po ba kayo mamaya?" Binuhat nya ako.
"Ayaw mo na ba pumasok? Isasama nalang kita pauwi?"
"Gusto ko dito. Gusto ko rin sainyo. Kaso mas marami akong natutunan dito." Natawa si papa.
"Bukas ako aalis. Dadalaw ka naman sa sabado." Hindi ako sumagot. "Pero pagisipan mo pa rin kung...." Ngumiti sya.
"Hindi ko sya ipapapatay." Natawa kami pareho.
"I see. Kaya sabi ko pagisipan mo."
Nanliit ang mata ko. "Pa."
"Just kidding. Hahaha." Niyakap nya ako nang mahigpit.
Matapos namin magusap ay sabay pa kaming kumain ng tanghalian at hapunan. Kinwentuhan nya rin ako nang mga ginawa nya pero hindi kasali ang pagmamakaawa na ginawa nya noong nagpunta sya sa palasyo nila elias.
Hindi ko na rin inungkat pa yon. Ayokong masira ang gabi na to na mag kasama kami. Kahit na nalulungkot ako sa ginawa ni chase ay mas pinili ko nalang na kimkimin iyon.
Hindi ko rin alam kung bakit ang babaw ng emosyon ko ngayon dahil ba nasa batang katawan ako?