Pinaghalong pagtataka, gulat, at inis ang makikita sa kanyang mukha. Sinundan ng kanyang paningin ang hawak kong cellphone na hanggang ngayon ay patuloy sa pagring. Tinanggal niya ang kanyang cellphone sa kanyang tainga at pinatay ito. “Hindi ko inaasahang ikaw ang bubungad sa akin dito,” mapait niyang sabi. The feeling is mutual. Akala niya ba natutuwa akong makita rin siya dito? “What are you doing here?” tanong ko. “Hindi ba’t dapat ikaw ang tanungin ko niyan?” binangga niya ang balikat ko nang humakbang siya papasok. Huminga ako ng malalim at mariin akong napapikit para pigilan ang inis na nararamdaman. She looks fabulous on her floral split flutter sleeve dress at kahit wala siyng suot n make-up ay litaw pa rin ang kanyang ganda. If we were on a normal situation, kung hindi kam

