Like this

2775 Words
I can say that there is a tension in the table. We all fell silent. And although no one dared to speak among us, I can’t help but furrowed my brows towards my mom who is smiling brightly with Amanda and Bethany. Nakatanggap pa ako ng mumunting sipa sa mula sa kanila sa ilalim ng lamesa. Hindi rin nakatas sa paningin ko ang pagpapalitan nila ng kurot at siko. Napa-iling ako. Sa kabila ng mga matang nakatitig sa amin ngayon, hindi ko pa rin nagawang makagalaw. My papa’s serious eyes prevented me from doing and speaking anything. Sa nakakrus na mga braso at naniningkit na mga mata ay diretso siyang nakatitig kay Felix. I squeezed his hand tightly. “Kailan pa ‘to?” paapa leaned his back on the chair. “Umm… papa baka pwedeng sa bahay na--” “No, Shiloah. This can’t wait anymore. How long have you been keeping this from us, huh?” Naitikom ko ang bibig ko. I think it is inappropriate to talk about this in front of everyone but I also think my father is not slipping this off. Kinamot ko ang kilay ko. “Uh, excuse me, sir Felix?” tawag ni Patrick. Napalingon kaming lahat sa kanya. “Totoo ba? Ang s…sinabi mo? Boyfriend ka talaga ni miss Shiloah?” “Whoa… Kaya pala palagi kitang nakikitang nakatitig sa anak ko, ha?” Nagulat ako sa sinabi ng ama ko. “Papa...” “Shy, anak, alam ko naman na nasa tamang edad ka na pero palagay ko ay hindi mo naman kailangang itago sa amin ito,” aniya. “Teka lang hijo, alam ko naman na maganda ang anak ko pero paano kayo nagkakilala nito? Sa trabaho ba? Paano mo siya nagustuhan? Malinis ba ang intensyon mo?” sunod-dunod niyang tanong. Nakakahiya pa na ginagawa niya ito sa harap ng mga kasamahan namin. Nagpadausdos ako sa monoblock na upuan para maabot ng paa ko ang paa ni mama. Nang napatingin siya sa akin ay sinenyasan ko si mama na awatin si papa. Mukhang nakuha niya naman ito dahil hinawakan niya ito sa braso at may binulong na kung ano. Tumihim si papa. “I’m sorry for interrupting tito, pero Felix, si Shiloah ba yung tinutukoy mo kagabi na nagugustuhan mo?” walang-hiyang singit ni Agnes. “Yes,” walang pag-aalinlangan niyang sagot. Nanindig ang balahibo ko. Hindi ko inaasahan ang mabilis niyang pagsagot. The girls shrieked in joy while the boys kept their cool and smiled at us. Inangat ko ang paningin ko sa kanya. His adam’s apple moved up and down as I saw a faint smile in his lips. Totoo ba ‘to? Hindi ba ako nanaginip? This has been the greatest mystery for me, Betty, and Amanda last night and hearing him nonchalantly answer yes, parang lumundag ang puso ko. This feels… real. “Felix… what was that about?” mahinahon kong tanong. Sinundan ko siya sa likod ng kanyang sasakyan bitbit ang maleta ko. Binuksan niya ang compartment at pinasok doon ang gamit na dala namin dito. We’re preparing to leave. Kanina pa naka-alis ang mga kasamahan namin pabalik ng Manila. Sakay sila ng bus company na siya ring sinakyan nila papunta dito habang kami naman ay nagpasyang magpapahuli ng byahe. “What?” sinara niya ang compartment at hinarap ako. “Earlier. Why do you have to announce that to everyone? You… I mean, hindi natin ito napag-usapan. I… I don’t know how to break the truth to my parents after this.” “What truth are you talking about, Shiloah?” inabot niya ang kamay ko at marahan akong hinila palapit sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. “That… you’re not really my boyfriend--” “Am I not?” putol niya sa akin. “H-huh?” Pinanood ko siyang laruin ang mga darili ko. “Why am I not your boyfriend?” Ngumuso ako. “I-I mean, you’re not my real boyfriend. Aren’t we just pretending?” tanong ko sa maliit na boses. “Hmm? Why am I…” he trailed off “not you real boyfriend?” Natigilan ako. “H-huh?” “Why are we just pretending?” “H-huh? W-what are you s-saying?” nanginig ang boses ko. He smiled. “Can’t we make this real?” Kumabog ang puso ko at hindi ako nakapagsalita. Is he serious? But why? “Let’s make this real, Shiloah…” “Huh?” “Huh lang ba ang alam mong salita?” “E-e kasi… hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!” humakbang ako paatras pero hinila niya ako pabalik sa kanya. “Saan banda doon ang hindi mo maintindihan? I want us real, Shiloah. Alin banda ang mahirap intindihin?” “Everything! I thought we were just pretending? Pumayag ka na maging boyfriend ko because I asked you to, right?” huminga ako ng malalim. “I asked you to because I told you that’s the only way to get rid of Coraline. And you said yes because you wanted it too, right?” “Who said I said yes because that’s what I want?” Nangunot ang noo ko sa sagot niya. Imbes na malinawan ako ay mas lalo lang niyang pinagulo ang utak ko! “Kung hindi iyon ang rason, kung ganoon bakit ka pumayag?” instead of answering me, he intertwined our fingers together. He removed his body from leaning in on his car and started walking back to our house. “Sandali, Felix,” tumigil ako sa paglalakad at hinila ko siya paharap. “You’re not answering me. Bakit nga?” Tinalikuran niya ako at muling nagsimulang humakbang. “Hindi mo alam?” “Ang alin?” tanong ko. He chuckled. “Ang alin nga kasi!” pagmamaktol ko. “Wait! Are we really making this real?” muling tanong ko. “Yup,” tipid niyang sagot. “Like for real? Totoo? Hindi pagpapanggap?” Tumigil kami sa harapan ng veranda. Humangi ng malakas dahilan ng pagsabog ng buhok ko. Binitawan niya ang mga kamay ko at sinikop ang buhok ko. Pinahiran nrin niya ang namumuong pawis sa noo ko. “Yes…” Tumama ang panghapong araw sa kanyang mukha, exposing the color and beauty of his eyes. “Like, totoong boyfriend kita at totoong girlfriend mo ako?” pangungulit ko. Malakas siyang napabuntong-hininga. “Oo, Shiloah…” “Talaga?” ngumisi ako. Hinawakan niya ang pareho kong balikat at tinitigan ako ng matagal. Mabilis na naglaho ang mga ngisi ko. “P-pero… hindi mo pa ako nililigawan,” I pouted. Mas lalo pa akong napalabi ng malakas siyang natawa. Nagpatianod ako sa kanya nang inakbayan niya ako at hinila papasok ng bahay para magpaalam. “Shiloah, ibalik mo ‘yan dito at hindi pa kami tapos mag-usap niyan,” mariing bulong ni papa habang matalim ang tingin kay Felix na nasa driver’s seat at hinihintay ang pagpasok ko. Napabuntong-hininga ako. “Bye, pa, ma,” I kissed their cheeks. “Kailan ulit ang uwi?” tanong ni mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. “Soon. I promised you we’ll have vacation together, tutuparin ko ‘yun,” binitawan ko siya. Hinakawan niya ang mga kamay mo. “Hindi mo naman sinabing boyfriend mo pala ‘yung akala ko katrabaho mo lang,” tawa niya. Believe me, mama, I didn’t know too. Hindi ko namalayan na nakatabi na pala sa akin si Felix ngayon. “Ma’am, sir, thank you for your kindness and for letting us our company activity to be conducted here.” “Thank you, Mr. And Mrs. Mendez for your warm welcome,” ani sir Paul na nakalapit na rin pala sa amin kasama si miss Allona. “We will be hoping for your presence on our wedding day,” miss Allona smiled to them. “Naku! Wala po ‘yun. Maliit lang na bagay ito bilang tulong sa kompanyang pinagtatrabahuhan ng anak namin,” inakbayan ni papa si mama. “Tita… tito…” isa-isang niyakap ni Bethany ang mga magulang ko “Babalik na po kami. Sana po pwede pa rin kami bumalik dito ni Amanda,” aniya. “Betty, kung sakali mang palalayasin ka ng mga magulang mo, ‘wag kang mag-aalala malawak ang kuwadra,” pagbibiro ni Amanda. Natawa kaming lahat. We bid each other our thanks and goodbyes again before going off to our next place. It’s a two day activity. Gabi na rin ng nakarating kami sa lugar. Malayo iyon sa syudad at nasa liblib pa. It’s a community of indigenous people. Lumambot ang puso ko nang pagdating namin doon ay sinalubong pa rin nila kami kahit madilim na sa lugar. Tanging fire torch lang ang ilaw nila dahil hindi daw abot ng kuryente ang lugar. “Welcome po,” bati sa amin ng babae. “Ako nga po pala si Tina, ako po ang head ng mga volunteers dito sa community,” pagpapakilala niya. Napag-alaman kong marami pala silang volunteer teachers ng isang private organization na hinahangad na makapagturo sa mga liblib na komunidad na walang paaralan. Sa mahabang mesa ay nakahanda ang dinner namin. Katabi ko si Felix na ngayon ay nakikipag-usap sa kay Tina kasama si sir Paul at miss Allona. “Ilang taon na ninyo itong ginagawa?” tanong ni miss Allona. “Ah, mag four years na akong volunteer ma’am. Pinagtatawanan nga ako ng ibang tao kasi wala naman akong natatanggap na pera sa panenerbisyo ko pero dahil isa akong guro at nasa puso ko po talaga ang pagtuturo sa mga bata lalong-lalo na sa mga lugar na walang paaralan,” ani Tina. “Ikaw lang ba ang mag-isa dito ngayon?” “Yes po. Yung mga co-volunteers ko po pumunta sa siyudad para kumuha ng supplies namin dito. Bukas ng umaga ang balik nila…” Tinanaw ko si Bethany sa hindi kalayuan sa mesa, naghahanap ng signal. I wanted to join the conversation but I’m tired and sleepy. Naka-ilang hikab na ako at bumabagsak na rin ang tilukap ng mata ko. “Are you sleepy?” bulong ni Felix sa akin. Mabilis akong tumango. “Ah, excuse me ma’am. We would like to excuse ourselves. Magpapahinga na po kami,” aniya sabay tayo. Huh? Kami? “Yes, sir. Sure po. Pasensya na ‘yung mga hut na naihanda naman walang kama…” napakamot siya ng ulo. “It’s no problem, ma’am,” sagot niya sa babae. Ngumiti si Tina. “Ayan po ‘yung tutulugan ninyo,” aniya at tinuro ang kubo’ng nasa kaliwa. Hinawakan ni Felix ang kamay ko at hinila ako sa isa sa mga kubo. Tinulak niya ang kawayang pintuan para bumukas ito. Bumungad sa amin ang kawayang sahig at ang nakalatag na banig na magiging higaan namin. Ang banig ay pinatungan ng makapal na bed sheet. Sa ibabaw nito ay naroon ang mga unan at kumot. Nahagip rin ng paningin ko ang mga gamit ko. Hinila ako ni Felix papasok sa loob at igiiya sa higaan. “T-teka lang, Felix,” pinisil ko ang kamay niya. “T-tayo?” bulong ko sa tainga niya. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap ako. “Silly,” mahina siyang natawa. “Of course not. This will be the girls room, sa kabila kami.” Lumuhod siya sa lapag at inayos ang unan. He tapped the bed, motioning me to lay. Kusang sumunod ang katawan ko. “Baikit? Gusto mo bang magkatabi tayo?” nginisihan niya ako. Sa kwartong tanging kingki lang ang nagsisilbing ilaw, kumislap ang mga mata niya. Mas lalo pang lumawak ang ngisi niya nang irap lang ang tanging naisagot ko sa kanya. “Unfortunately, hindi puwedeng ako ang katabi mo. Baka hindi tulog ang magawa natin,” humalakhak siya. Napanganga ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko ay uminit ang mukha ko, mabuti na lang at hindi niya kita. Kinuha ko ang unan’g nasa tabi ko at hinampas iyon sa kanya. Mabilis niyang naprotektahan ang sarili niya. “Ang kapal ng mukha mo!” “Bakit? Kung magkatabi tayo talagang hindi tulog ang gagawin natin kasi magkukwentuhan tayo, Shiloah. Anong iniisip mo diyan?” “You p*****t!” kinuha ko ang kumot at ibinalot iyon sa katawan ko hanggang kalahati ng mukha na tanging mata at noo ko na lang ang nakikita niya. “You dirty-minded…” pang-aasar niya. I squealed when he grabbed the sheets away from me. Sinamaan ko siya ng tingin. Diretso niya akong tinitigan sa mata at unti-unti ay yumuko siya. Nasa ganoong ayos kami ng biglang bumukas ang pinto. Sabay naming nilingon ni Felix ang pagpasok ni miss Allona. “Shiloah--” napatigil siya nang nakita ang ayos namin. Dahil sa gulat ay bigla akong napatayo kung kaya’t nagkauntugan kami ni Felix. “Ouch!” hinawakan ko ang parte ng noo ko na nauntog. Masakit iyon pero wala na akong oras para damhin pa iyon dahil sunod na pumasok ay si Bethany. “Anong nagyayari?” tanong niya. Inilingan ko siya. “Nothing happened,” baling ko kay miss Allona habang hawak pa rin ang noo ko. Nasulyapan ko si Felix na dahan-dahang tumayo. “E-excuse us,” hinawakan ko ang laylayan ng damit niya at hinila siya palabas. “Oh my gosh! I’m sorry. I’m really sorry. N-nagkabukol ba? Saang parte ang m-masakit?” nag-aalala kong tanong. Tumingkayad ako para makita ang noo niya pero nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi. “A-ano ba…” bahagya akong lumayo sa kanya. “I’m sorry,” he said. “Do you not like it when they see us?” “Huh?” sagot ko kahit narinig ko naman at naiintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin. He took a deep breath. Hinanap niya ang mga kamay ko at hinila ako para ikulong sa mainit na yakap. Naaamoy ko ang perfume na gamit niya. “Ayaw mo bang nakikita nilang kasama mo ako?” Ewan ko pero parang hindi ko nagugustuhan ang nararamdaman ko sa tanong niyang iyon. “H-hindi naman. I-I mean, how do I say this? Umm…” humigpit ang yakap niya “A-ang ibig kong sabihin, this… all of this is new to me. Of all people, Felix, you know this. You know we were never this… close. Nakakapanibago…” sabi ko. “Remember when you screamed you will never be my friend?” I chuckled. Kani-kanina lang ay gusto ko na magpahinga, pero ngayon ay wala na akong nararamdamang antok pa. That night, I found myself smiling from ear to ear while enjoying the comfort in between Felix’s arms. Kinabukasan ay maaga kamng nagising para maghanda. Bukod kasi ngayon ang simpleng program na inihanda ng volunteers ay ngayong araw rin kami babalik ng Manila. “Rest tomorrow. We’ll go to the wedding on the next day,” nabilaukan ako sa binungad ni Felix sa akin. Agad-agad? Iniisip ko pa lang na pagbalik ko ay maghahanda na naman ako para umalis ay napapagod na kaagad ako. Pero hindi ko ring maiwasang hindi ma-excite. This will be the first time I am going out with him without professional reason. “S-sige. Anong oras ba aalis? Para alam ko kung makapag time-in at time-out pa tayo sa opisina…” sambit ko sabay nguya ng sinubong patatas. “We’ll stay there say at least, three days?” aniya. “Huh? P-pero hindi pa ako nakapag-file ng leave--” “It’s okay. ‘Yun ang gagawin natin bukas.” “H-huh? S-sige…” sagot ko. Pagkatapos ng breakfast ay tumukong ako sa pag-aayos ng makeshift na stage. Si Bethany ang naglagay ng mga bulaklak bilang palamuti, habang si Felix at mga boss naman ay nakikipag-usap at nakikihalubilo sa mga tao sa komunidad. Not long after that, we began our intention. “Thank you, po,” pagpapasalamat ng mga batang nakapasok sa scholarship program ng kompanya. Parang matutunaw ang puso ko tuwing nakikita ko ang mga ngiti nila dahil sa natanggap nilang mga libro. Mostly ang ibinigay namin ay educational books, meron din kaming mga best-selling novels ng mga sikat naming writers. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit ganitong program ang gusto ni Felix. But the moment I saw the smiling faces of these children, I finally understood. At alam ko na iyon ay hindi matutumbasan ng kahit ano. “Maraming salamat po talaga sirs and ma’ams. Malaking tulong po talaga ito sa community namin lalong-lano na para sa mga bata. Dahil po dito matutunan nilang walang hadlang sa pangarap.” “It’s nothing, ma’am. Books are here to teach children that we can live in a mutiple world without lifting our feet,” napatingala ako kay Felix. I never knew he could be meaningful like this.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD