Bf

2618 Words
When I first saw Coraline tailing him, hindi ko agad napangalanan ang nararamdaman ko dahil bago lang sa akin ang lahat ng ito. Hindi naman kasi ako pumasok sa kahit isang relasyon. Hindi ko sinubukan dahil hindi naman ako nakaramdam ng ganito. All I know is that, hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing nagkakasama sila. Even after when I learned about their relationship, I had this strong feeling of wanting him and making him mine kaya nang sinabi niyang hindi na niya gusto pa si Coraline sa buhay niya, hindi ako nagdalawang isip. Hindi pa naman matagal nang sinimulan namin ito, kaya hindi ko masasabing ako ‘yung dahilan sa likod ng ‘yes’ niya. Hindi ko masasabi pero masama ba kung hihilingin kong sana ako talaga ‘yung tinutukoy… sana nga ako. That night, everyone cheered and asked who that someone is but he kept his mouth shut but Bethany won’t shut hers. Pagpasok namin sa kwarto ay agad siyang tumili ng napakalakas. “Betty, ano ba! Magpapahinga na yung mga tao sa baba, nag-iingay ka diyan!” saway ni Amanda sa kanya. “My god, Mandy. You missed something so important today!” she jeered. Umirap si Amanda sa ere. “Oo naman, syempre alam ko ‘yang sinasabi mo kasi hindi mo kinuwento sa akin e, diba?” sarkastiko niyang sagot. Umiling ako at hindi na sila pinakinggan pa. Kumuha ako ng damit pantulog sa closet at dumiretso na sa banyo. I took a shower. Sa paglagaslas ng tubig ay narinig ko ang pareho nilang pagtili. Rinig ko pa ang boses nilang dalawa pero hindi na halos klaro kung ano ang mga sinasabi nila. Mabilis kong pinunasan ang sarili ko at nagsuot ng damit. Binalot ko rin ng tuwalya ang buhok ko para hindi tumul ag tubig sa sahig. Paglabas ko ng shower ay hinarap ko ang sarili ko sa salamin. Kinuha ko ang toothbrush ko at naglagay ng toothpaste doon. I started brushing my teeth while watching myself remember the moment a while ago. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong naghihintay si Amanda sa may pintuan habang hawak ang kanyang tuwalya. “Ang tagal mo!” aniya. Dumiretso na ako sa hairdresser. Kinuha ko ang tuwalyang nakabalot sa ulo ko at isinabit iyon sa clothes rack. Kumuha ako ng lotion at ipinahid iyon sa balat ko. Sunod ay sinukay ko muna ang aking buhok bago kinuha ang hairdryer. Patapos na ako sa ginagawa ko nang mula sa salamin ay nakita ko ang pagpasok ni Bethany sa banyo nang lumabas si Amanda mula rito. “Shiloah…” bulong ni Amanda. Hindi ako sumagot. Patay na ang ilaw at nakahiga na rin kaming tatlo. Malaki naman ang kama ko kaya kasyang-kasya kaming talo. Ako sa gitna at silang dalawa sa magkabilang gilid ko. “Shiloah…” naramdaman ko ang mahina niyang pagsiko. I stayed still. Ano na naman kaya ang sasabihin nito. “Hay nako! Ang hirap talaga gisingin ng taong nagtutulog-tulugan!” reklamo niya. Narinig ko ang mahinang bungisngis ni Bethany. “Ano na naman ba kasi?” tanong ko. Marahas niyang pinihit ang katawan niya sa akin. “Naisip ko lang, paano kapag kunwari lang ha? Nasaktan ka dahil kay Felix, anong gagawin mo?” hindi pa ako nakakasagot ay may idinugtong na siya “Hala! Parang nakakatakot naman isipin non. Hindi ka pa naman nakakapasok sa relasyon…” I chuckled. “Well, kapag nangyari iyon baka magaya ako sa’yo… I might go to places to places and find myself.” I was expecting them to laugh but they did not. “Seriously, it was not easy, Shy… I’m afraid you’d be hurt.” Natulala ako. Going back to earlier, under a normal condition, kahit sino man ay kikiligin sa nangyari. If a person you liked is asked if he or she likes someone, answered yes while looking straight in your eyes, siguradong tatanungin mo ang sarili mo kung ikaw ba ang tinutukoy niya. Only if you know he had no extra baggage from his ex-lover. Unfortunately, Felix has it kaya hindi ako pwedeng mag-assume ng kahit ano dahil bukod sa hindi ko alam kung ano ang iniisip ni Felix, mahihirapan din ako kung sakaling hindi nagtugma ang inexpect ko sa reyalidad. It is what we call, expectation versus reality. And sometimes, the more we expect for something, the more hurt we get. But sadly, there is no way to avoid being hurt. Hindi pwedeng hindi masaktan. Walang makakapagsabi na kaya niyang maka-iwas sa sakit dahil sa totoo lang, walang ganoon. No matter how careful we are in picking up our choices in life, there will always be pain along the way and the only thing there is is how we pick up ourselves after being broken. Given the situation that I have now, given the feelings I have towards Felix now, no matter what comes in the future, I will be hurt that’s for sure. Kung sakali man na malaman kong… hindi kami pwede ni Felix, then hindi ko ipipilit ang sarili ko. Kung sakali rin na hindi sa akin ibigay ang posisyon sa kompanya, mabibigo ako. Either way, there will be pain and disappointment waiting for me. What comes next… is that I don’t know of. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nag-init rin ang sulok ng mga mata ko. Iniisip ko pa lang, hindi na ako makahinga… “But hurting is the only way a person can tell they are alive, Mandy…” I said. I tried to feel the calmness of the night with only the slow breathing of my friends beside me I can hear. They must be asleep. Pumasok ang malakas na hangin huma sa labas dahilan ng pagsayaw ng kurtina. From here, I can see the tiny stars shining brightly in the dark sky. Napapikit ako pero agaran din ang ginawang pagdilat dahil nakita ko ang mukha ni Felix. That’s where I knew that this won’t work. Because the longer days we spend to together, the more I can feel that this is not the extent of my fall. “Sa inyo ba pa itong equestrian, Shy?” tanong ni Hans alas otso ng umaga habang kumakain kami ng agahan. “Ah. From my grandfather’s father pa. Sabi kasi ni papa mahilig daw iyon sa ganito pati na daw ang lolo.” “Wow. Ang rangya naman pala mamuhay ng mga ninuno mo.” Natawa ako sa sinabi niya. “Eto lang negosyo niyo? I mean, ‘di ba yung mga mayayaman, yung mga negosyo bigatin?” Patrick asked habang nagsasandok ng garlic rice sa pinggan niya. “Hmm…” nilunok ko muna ang nginunguya kong pagkain bago sumagot. “Kasi everyone in the family thinks agriculture is the most important sector. Kaya ganoon. Pero ngayon kasi parang hindi na masyadong binibigyang pansin yung agrikultura ‘di ba?” Inabot ko ang baso ko ng juice pero wala na pala iyong laman. Aabutin ko na sana ang pitsel ng naunahan ako ni Felix at siya na mismo ang naglagay sa basi ko. “Thank you,” bulong ko. Sa parihabang mesa ay magkatabi kami. Sa harap niya ay si Hans na kasama si Patrick, si Agnes at ang mga kaibigan niya. Kami lang ang magkasama ngayon dahil ang iba’y nagliligpit na ng kani-kanilang mga gamit. Habang ang iba naman ay nagpapahinga pa. “Oo nga. Malago naman pala ‘yung business ng family mo, bakit nag-apply ka sa AGO?” “Huh? Ah. Wala lang. I just wanted to try things, at isa pa, baka kasi hindi ko mapanindigan,” I chuckled. “Peo kung… kakailanganin naman ng tulong nina mama at papa, hindi naman ako magdadalawang-isip na tumulong.” Tumango-tango sila sa sagot ko. Kasabay noon ay ang pagpasok ng mga magulang ko sa dining hall. “Good morning, sir, ma’am.”/Good morning, po,” they greeted in-sync, some even stood up. My mama smiled at them. “Good morning, guys. Ano, kayo lang ba ang mangangabayo? Shiloah?” tanong ni papa. “Baka sila lang, pa. Pero tatanungin ko ang iba kapag bumaba sila dito.” “I wanna join horse-riding with these guys,” lumingon kaming lahat sa entrance ng narinig namin ang pagsagot ni sir Paul kasama si miss Allona. “Marunong ka ba, sir? Baka saluhin ka ni ma’am Allona, ha!” panunukso ni Hans. “Naku! Hahayaan ko siyang mahulog sa lupa,” ngisi ni ms. Allona. “Kung ganoon, magbi-bake ako ng cupcakes para may snack kayo kapag matapos kayo,” sali ni mama sa usapan. Natuwa naman si miss Allona sa narinig niya. “Oh, wow! Kung ganoon, tutulungan kita,” she said as she anchored her arm in my mom as if they are best friend. Napalingon ako sa kamay kong nasa mesa nang naramdaman kong may humawak dito. It was Felix. “Will be you joining them?” he asked. Tumango ako. “Sasamahan ko sila. Ikaw?” “Sasamahan kita.” I smiled at him and nodded my head. We rode a farm truck to reach the equestrian. Kung lalakarin kasi namin ay mapagod na kami baka hindi pa namin mararating iyon. Limitado lang rin ang oras namin. Kagabi bago magsipagpahinga ay napag-usapan namin na after lunch time ay aalis na kami. Bethany, sir Pual, miss Allona, Felix and I had a flight to Kalinga at 4 pm kaya dapat bago mag-ala una ay maka-alis na kami rito. May kalayuan pa naman ang airport sa probinsya namin. Kanina bago tumungo rito ay isa-isa kong inaya ang mga kasamahan ko rito pero karamihan sa kanila ay tumanggi. Gusto na lang daw nila i-enjoy ang tanawin dito kaya siguro ngayon ay nasa veranda sila. Bukod kay Agnes na atat na atat makasakay sa kabayo, ang kasama ko ngayon ay si Patrick, Hans, sir Paul, Felix, Kate, at Anne. Kasama ko rin si Amanda na una pa lang ay ito na talaga ang gustong gawin. Si papa ay nauna na para ihanda ang mga gagamitin namin. While miss Allona, mama, and Bethany chose to bake some pastry for us. “Guys, please wear these headgears and boots for safety purposes,” anunsyo ko. “Meron ba ditong hindi first time mangabayo?” Nakita kong nagtaas ng kamay halos ang lahat maliban kay sir Paul, Felix, at Amanda. Tumango ako. “Horses are eaily frightened with noises kaya sana kung sasampa tayo ‘wag tayo tumili or sumigaw especially girls,” paalala ko. “If ever man na mangyari iyon, please remember to stay calm, umm… speak to it, steady it and give it time to overcome his fear.” “Your daughter seems to be used to this, sir,” baling ni sir Paul kay papa. “Ahh…” humalakhak siya “Oo naman, sir. Lumaki ba naman kasama ang mga kabayo,” mas lumakas pa ang halakhak niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Eto nga ang paborito niyang kabayo, pinangalanan niyang Horsie.” Napasinghap ako nang nakita ko ang kabayo ko. Puting-puti ang kanyang katawan at kulay ginto naman ang kanyang buhok. “Horsie…” bulong ko. “What a unique name you gave him,” Felix chuckled beside me. Binalingan ko siya at sinamaan ko siya ng tingin nang napansin kong kumpleto na ang kanyang safety gears. He looked like an English actor who plays a character of a young and rich man who’s favorite sports is horse riding. Sumipol ako. “You look good, sir.” Nginisihan niya ako. “Mang Ricky! Ibigay niyo po sa akin si Horsie,” tawag ko sa isa sa mga nag-aalaga sa mga kabayo sa kuwadra. “At saka, pwede po bang pakialalayan niyo po yung mga kasamahan ko? First time kasi nila ito. Sila po oh…” turo ko kila Agnes. “Sige, Shy. Kami na bahala,” sagot niya habang inaabot sa akin ang tali ng kabayo ko. “Salamat po…” Hinawakan ko ang mukha ni Horsie. “Hi. I missed you…” I smiled when he neighed but he stepped back when Felix stepped forward. “Ho! Shh… He’s a friend.” Nilapit ni Felix ang sarili niya sa kabayo at hinawakan ‘to. Kalaunan ay kumalma ito. “Go and wear your boots and head gears, Shiloah,” utos niya sa akin. “Huh? Uh, okay.” Pagbalik ko ay nagulat ako nang nakita kong nakasampa na siya sa kabayo ko. “A-anong ginagawa mo diyan? Akin ‘yan! Pumili ka na lang ng kabayo mo doon oh.” “Tss.. Why?” iginiya niya si Horsie palapit sa akin. Nagtaka ako sa biglaan niyang pagyuko. I squeaked when he held my waist and skillfully mounted me on Horsie’s back. “Oh my gosh!” He positioned me in front of him. Nasa pang babaeng posisyon pa! Anong akala niya sa akin? Damsel in distress? I can ride a horse! “Shh! You told us to be careful not make noises pero ikaw itong maingay.” “Hayaan mo akong bumaba. Ayoko nang naka ganito! In this case, mahuhulog ako for sure!” “As If pababayaan kitang mahulog,” he said. Slowly, he led the horse on our way to the track and without a warning, he made Horsie gallop in a fast pace. Kumabog ang dibdib ko ko ng malakas. Naramdaman ko rin na parang nadudulas ako mula sa pagkaka-upo. “Felix…” tawag ko. Siguro ay naramdaman din niya ang pagdausdos ko pababa. He held the tie using his one hand, the other held my waist and pulled me up. “Felix,” nilingon ko siya. “Hold on. Masyadong mabilis!” hindi ko alam kung narinigba niya ako dahil halos mabingi na ako sa sobrang lakas ng hangin na tumatama sa mukha ko. Naramdaman kong muli na nadudulas ako kaya napilitan ako humawak ng mahigpit sa braso niya. Napatingin siya sa akin. He held my waist tightly but this time, he did not let go of it. Nakaramdam ako ng kiliti sa tiyan ko. Damn! This should be fun but this is no fun at all! Dalawang beses pa kaming umikot sa track. Pagdating sa kuwadra ay agad niyang ini-angat ang sarili niya para bumaba. Nanatili ako sa likuran ni Horsie. Binuga ko ang hangin na kanina ko pa nasa baga ko dahil sa takot na baka mahulog ako. I removed my head gear. “Umpp!” impit akong napatili nang binuhat niya ako pababa. Sa oras na nakatapak ang paa ko sa lupa ay doon ko lang napansin ang mga matang nakatitig sa amin. My eyes widened from shock. Everyone was already there including the bosses, Amanda, Bethany, mama, and papa. Sa parihabang mesa ay naroon sila nagpapahinga habang pinagsasaluhan ang cupcakes pero sa pagdating namin ay natigil sila, bagsak ang mga panga lalong-lalo na ang papa ko na nasulyapan ko pang nahulog sa lupa ang hawak niyang pagkain. “H-hi! Nandito na p-pala kayo,” I laughed awkwardly. Akma akong lalapit sa kanila nang hinawakan ni Felix ang kamay ko. He intertwined our fingers and pulled me closer. Bahagya niya akong hinila nang nanatili ako sa kinatatayuan ako nung nagsimula siyang maglakad. “Shiloah?” tawag ni papa. “Huh? Ah...” iyon lang ang mga salitang nasabi ko. Inangat ko ang paningin ko kay Felix na ngayon ay diretso ang titig sa mga magulang ko. I can’t tell what he’s thinking. At saka… what is wrong with him? Hindi naman siya ganito kanina ah? He’s acting strange. “I’m sorry, sir. I was not man enough to tell you this on the first day but… I am Shiloah’s boyfriend.” “What?!”/ “Ano?!” What the hell is happening…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD