The primary reason of people why people disagrees with each other is because of their opposing opinions, and beliefs. If only one party is open to the idea that everyone can still get along with the other regardless of how different their beliefs are…
“Ang bilis ng araw…” tumabi sa akin si ms. Allona.
After playing tug of war, which our team won by the way, everyone decided to play obstacle course. Originally, we are suppose to play only one game this morning kasi late na nagising ang karamihan. Pero dahil hindi matanggap ng kabilang team na kami ang nanalo, kinailangan pa tuloy namin maghanap ng mga gagamitin sa obstacle course.
We added a twist on it. Ginawa namin iyong relay races s***h obstacle course. We re-enacted our childhood days by playing sack races and balancing a calamansi on a spoon as one of our member approaches the first obstacle which is climbing rope. We decided to do it in the field near the ranch dahil wala namang pwedeng pagtalian doon sa harap ng bahay namin. We climbed ropes, did limbo, and the funniest part is when we crawled our victory in the muddy pigpen.
Sa huli, ang team pa rin namin ang nanalo. Fortunately, the other team was sports about it and accepted their loss.
Everyone laughed at each other because of the dirt on our shirts, bodies, and faces.
Nung lunch time naman ay nagkatuwaan kaming magboodle fight. Nagtulungan kaming lahat para doon. In the afternoon, I was asked by some artist colleagues if there are some art materials available.
“I want to recreate this natural beauty,” one of them told me. I was touched.
Dahil nag-aral ako sa syudad kahit sa rural ako nakatira, nahihiya ako kapag nalalaman ng mga kamag-aral ko na ang tirahan ko ay napapalibutan ng hayop at taniman, because if they knew, then some of them would probably brand me as ‘probinsyana.’ I mean, wala namang problema sa mga tao sa probinsya but I was a child at that time. I have this mindset that being in the urban is much better than in rural. Of course, I wanted to fit with the people in the city. I wanted to belong with the people in the high society, I wanted to have many many friends.
Pero nang nakilala ko si Amanda at Bethany, I simply learned to be true to myself and to everyone else. They hit different. Eventually, when I became an adult, I realized that the fresh air, the whistle of the wind, and the green trees dancing along with it can not be compared to skycrapers and honking of cars.
That’s why I can’t help myself but to feel touched every time a visitor comes across our lands and admire the beauty surrounding it.
Nang narinig ng iba na ang ilan sa amin ay nais magpinta ay na-engganyo rin sila. So I has no choice but to ask one of our house help to rush in a nearest school supply store for art materials.
That afternoon, we painted our stress away.
Ngayon ay kulay kahel na ang langit. Malapit na ring lumubog ang araw. Dala ng pagod, karamihan sa amin ay napa-upo sa damuhan, ang iba naman ay nakahiga pa habang tinatanaw ang langit. May ilan ring nakapikit pa.
Felix was with me earlier but he had to help our colleagues in preparing the barbecue party that we will have later.
“Tomorrow is our final day here. Siguro hapon na tayo tutuloy sa Kalinga. Another two days and we will return to city again,” ms. Allona sighed “What can you say about it, Shiloah?” umupo siya sa tabi ko.
“Hmm… I can say I am happy with the results, Miss. Tingnan mo naman…” tinuro ko ang mga kasamahan namin “it is obvious that they are different today than they were on the first day.” Niyakap ko ang tuhod ko. “Sa tingin ko kahit ikaw masasabi mong successful ito. We now have camaraderie. Every team motivated each their members during team plays, and broke out of monotony. I am sure mostly, if not everyone, learned the importance of teamwork in overcoming adversity. Now, we are ready for the merging.”
Nakita kong inunat ni miss Allona ang mga binti niya. Sunod ay ang mga braso niya. Maya-maya ay hinayaan niya ang sarili niyang bumagsak sa damuhan.
“Although…” pagpapatuloy ko “I can’t say that this event is successful solely because of me.”
“What do you mean?”
My vision traced where Felix was.
“You see, miss, the idea was originally mine pero ang lahat nito ay siya ang gumawa… he poured all his time preparing the details for this, not me.”
I saw him fanning the embers in the charcoal fiercely, creating thick smoke. Ang direksyon ng hangin ay papunta sa kanya. Kaya naman natawa ako nang sa pag-ihip nito ay nasinghot niya ang usok dahilan ng kanyang pag-ubo.
“Well, who does what doesn’t matter anymore. Hindi ba’t kasama ka rin naman niya sa gaganaping Reach-out program bukas?”
Hindi agad ako nakapagsalita.
I think it’s fair to say that I had no contribution on his. He just did everything on his own, and now thinking about it, it makes me a little… sad. It all sink in to me now. That although it came in a better result, hindi ko maiwasang hindi maramdaman na wala akong inambag.
This is something against my will. Even though I know for sure that Felix’s only intention was to help me, I can’t help but feel disappointed with myself. This brings back a pitiful memory where he told me I do my job pathetically.
See how words left a scar? The offender may seek forgive and all but the offended will always remember the words, how t felt, everything.
Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa mga tuhod ko.
“What can you say about him?” sunod na tanong niya. I know who she meant by him pero nagkuwari akong walang idea kung sino ang tinutukoy niya.
“Who?”
“Felix.”
Sumayaw ang mga buhok ko sa ere dahil sa biglaang paghangin ng malakas. Ibinaling ko ang paningin ko sa ngayon ay pinaghalong orange, purple, at pink na langit. Pinagbuntunan ko naman ang mga d**o. Isa-isa ko silang binunot habang nag-iisip kung ano ba ang dapat kong isagot.
“Hmm… I think he does a better job than me.”
Narinig ko siyang natawa. “Kung ganoon, ayos lang ba kapag sa kanya mapunta ang hinahangad mong pwesto?”
Natigilan ako. Sa totoo lang hindi ko pa talaga iyan napapag-isipan. As much as possible I want to live in the moment and let the future decided what’s for me. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makuha ang posisyon ng libre. But things are different now… I like him.
“I will be disappointed but… siguro naman matatanggap ko kung hindi ako. Besides, naniniwala ako na kung ano ang para sa akin ay ibibigay sa akin,” I smiled weakly.
Totoo nga talaga yung sinasabi nila na hindi mo alam kung anong kinabukasan ang naghihintay sa isang tao. Just like how I wished that Felix and I could be friends. I remember exactly the day when he shouted he and I will never be. Who could have thought that in the future, I would want him more than that.
“Shiloah, kuhanin mo pa ang mga karne doon sa freezer…” utos sa akin ni manang Saling.
Akmang aalis na ako nang bigla akong naunahan ni Anne. “Ako na, Shy.”
I saw a certain group setting banana leaves in the table. Doon daw ilalatag ang barbecue, kanin, at iba pang ulam. The outside was lit up because of the bonfire. Nasa harap ako nito. Everyone’s busy and I’m here… bored. Lahat ay may kanya-kanyang ginagawa. Ako na lang yata ang wala.
Ngumuso ako habang tinatanaw ang lahat. I felt an itchy and stingy feeling in my arm and saw a mosquito feeding itself. Pinatay ko iyon, creating a loud slap sound.
Nagulat ako ng biglang may nagpatong ng jacket sa mga balikat ko. When I turned around to see who it was, I saw Felix.
“Hindi naman malamig,” sabi ko.
He sat down beside me. “Yes, but mosquitoes will be feasting over your skin.”
“Are you hungry?”
Umiling ako. “Ikaw?”
“Hindi pa.”
Long silence won over us. It is not the kind of awkward silence; hence, it is something peaceful… something comfortable.
Hihiga sana ako sa damuhan ng nakaramdam ako ng kung anong matigas sa bulsa ng suot kong shorts. Nakapa ko ang cellphone ko. Kinuha ko iyon. When I opened it, nakabukas pala ang albums nito at bumungad sa akin ang litrato ni Felix. The pictures I took outside his car before we arrive here.
Napangiti ako nang muli ko na namang nakita ang busangot niyang mukha. This is when he was annoyed by me taking much pictures of him. Nakataas ang kamay na parang gustong tabunan ang mukha. Unfortunately, I still captured it.
Nilingon ko siya. His focus is still on the bonfire in front of us. Binuksan ko ang camera application at tahimik kong itinutok sa kanya iyon. I adjusted the brightness and the focus. Nang nasiyahan ako sa ganda ng lighting ay tinawag ko siya.
“Hey.”
I instantly touched the capture button the moment he turned to me.
“Wow…” I was amazed by how this candid photo went.
Dahil gabi na nga, his background is dark. Half of his face is also dark while the other, as well as his eyes is orange-red, reflecting the color of the fire.
“Look at this… it’s so cool,” ipinakita ko sa kanya ang litrato. Pero imbes na tingnan iyon ay kinuha niya mula sa kamay ko ang cellphone at mabilis na itinutok sa akin ang camera.
Napasimangot ako nang mahina siyang humalakhak.
“Akin na nga iyan!” mabilis ko iyong binawi sa kanya. “Tsk! You’re no fun. I looked like a weido here,” reklamo ko.
“Don’t erase it,” aniya.
“At bakit naman hindi?”
“Send it to me first.”
Natigilan ako. “H-huh?
“You already have enough picture of me, while I don’t have at least one of you. I want that.”
Hawak na niya ang cellphone niya nang muli ko siyang binalingan ng tingin.
“B-but why…” I wanna know why. Instead of answering me, he grabbed my phone from me again but this time I let him. I watched him manipulate something on my phone and on his.
“Here…” isinauli niya sa akin ang cellphone ko. Tahimik kong iniabot iyon. Tahimik ko rin siyang pinanuod na ni-zoom it at zoom out ang picture ko.
Napanguso ako nang bahagya siyang natawa.
“Akin na nga ‘yan! Buburahin ko!” itinaas niya ang braso niya sa ere dahilan kung bakit hindi ko maabot iyon. Dahil nga pareho kaming naka-upo ay mas nahirapan pa ako. “Ibigay mo na sa akin ‘yan, Felix. ‘Wag ka na ngang makulit!”
Sa halip sa sundin niya ako ay mas lalo apa niyang iwinagayway ito sa ere habang nakangisi. Sinamaan ko siya ng tingin. Huminga ako ng malalim. Humawak ako sa balikat niya para pigilan skung sakali mang tatayo siya. Mabilis akong lumuhod at akmang maaagaw ko na ang cellphone niya pero bago ko pa nagawa iyon ay mas mabilis niya akong nahawakan sa kamay ko.
“Oops…”
Na-out of balance ako. Babagsak ako sa damuhan. Itutukod ko na dapat ang kamay ko pero mabilis niyang nahapit ang bewang ko at mahigpit akong inilapit sa kanya. Palagay ko ay hindi niya napaghandaan ang bigat ng katawan ko kaya naman kasama ko siyang bumagsak.
What’s worse is that hindi ako sa lupa bumagsak kundi sa ibabaw niya at dumampi ang labi ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko sa nangyari.
Mabilis akong umalis sa ibabaw niya, takot na baka may makakita sa amin sa ganoong ayos. Nang agad akong nakatayo ay nilibot ko ang paningin ko. Laking ginhawa ko nang naroon pa rin sila sa kani-kanilang ginagawa at mukhang wala namang nakakita.
“S-sorry. I-ikaw kasi e,” sisi ko sa kanya. Bumangon siya at nilinis ang mga braso at damit na nadikitan ng kakaunting dumi.
“P-pupunta muna ako d-doon,” tinuro ko ang ibang kasamahan namin. Pumihit ako patalikod.
“Shiloah!!!!” maligayang salubong sa akin ni Agnes.
“Hello! Anong ginagawa niyo?”
“Tikman mo ‘tong chicken barbecue. Ako ang nag-ihaw niyan!” aniya.
Nginitian ko siya at kinuha ang isang stick na iniabot niya sa akin. Isang kagat ko pa lang ay nalasahan ko na ang pinaghlong tamis, alat, at anghang sa karne ng manok na siyang nagustuhan ko naman.
My smile grew wider.
“Mm… Ang sarap!”
“Talaga?!” natutuwang sabi niya. “Well, hindi ako ang naglagay ng mga pampalasa pero sumarap iyan dahil ako ang nag-ihaw!” humalakhak siya. “Oh? Felix, gusto mo ba?” kumuha si Agnes ng isa pang stick at inabot sa kay Felix pero hindi niya ito kinuha. Imbes, ay hinwakan niya ang kamay ko, inilapit nya ang barbecue sa bibig niya at kinagatan ang eksaktong parte na kinagatan ko..
“Masarap nga,” sabi niya ngunit ang paningin ay nanatili sa akin.
Iniwas ko ang paningin ko para itago ang pag-ngiti ko. Ilang sandali lang ay umalis rin siya sa harapan namin.
“Tss. What’s wrong with him? Teka lang…” binitawan ni Agnes ang hawak niyang food tong at pamaypay. “Jowa mo ba ‘yan?”
“H-huh?”
Ngumisi siya sa akin at nakakaloko akong tiningnan. “Nakita namin ang ginawa niya kahapon.”
“A-ang alin?” pagmamangan-maangan ko.
Nanliit ang mga mata niya. Humakbang din siya palapit, umatras naman ako. “Nakuuu! Umamin ka na, Shiloah. Tatlo kaming nakakita sa ginawa niyang paghapit sa bewang mo,” pabiro niya akong kinurot.
“Ah… aha-ha-ha,” kunwaring tawa ko.
“So, totoo nga?”
“Naku, nagkakamali ka lang sa iniisip mo, Agnes.”
Napalunok ako. Hindi ko inaasahan na babanggitin niya sa akin iyon. Mukhang mali pa yata yung desisyon ko na lumapit sa kanya dito.
“Agnes! Ano? Tapos na ba ‘yan? Para makakain na tayo…”
Naka-hinga ako ng maluwag sa biglang interapsyon ni Patrick. May palagay kasi ako na hindi niya ako titigilan. Kung nagpatuloy pa iyon ay siguradong hindi ako makakapagsalita. Hindi naman namin pinag-usapan ni Felix ang bagay na ito.
I sighed deeply. Tatanungin ko ba siya tungkol dito? Ano naman ang sasabihin ko sa kanya?
‘Felix, are we keeping our relationship private?’
Wait. Hold on. Anong relationship ang pinagsasabi ko?! Wala kayong relasyon, Shiloah, baka nakakalimutan mo? O baka naman nahihibang ka na?
Ginulo ko ang buhok ko.
“Shiloah?” tawag ni Amanda sa akin. “Okay ka lang ba?” bulong niya. Nilapag niya sa malapit na mesa ang hawak niyang pitsel ng juice at madrama akong nilapitan. “May lagnat ka ba?” kinapa niya ang leeg at noo ko.
“Tsk! Wala, ano ka ba,” I removed her hand from me.
“Chini-check ko lang, baka kasi nababaliw ka na! Hmp!” natawa ako sa ginawa niyang pag-irap sa akin.
Hindi rin nagtagal ay natapos na ang lahat sa paghahanda. Under the moon and stars, we enjoyed our dinner together. We were not done eating yet when someone from our team suggested to take a photos of us. Souvenir daw kaya pumayag naman ang lahat.
“Huwag mo naman akong itulak, baka hindi na ako makita sa picture eh!” nagtawanan kaming lahat nang narinig namin iyon.
Truly, that moment is actually worth-capturing. I don’t think we will have a bond like this kung hindi namin ito ginawa. We had few more shots and then we resumed our dinner. Inaya nina miss Allona and sir Paul ‘yung mga magulang ko na makisali sa amin but they refused politely saying that this is about us and the company kaya naman hindi na nila sila pinilit pa.
“Ang saya nito! Mauulit pa ba ‘to?” tanong ni Sandra habang naglalagay ng panibagong kanin sa nilatag naming dahon ng saging sa mesa.
“Oo nga, sana may ganito palagi,” Joel answered.
“Mukhang nag-enjoy nga kayo para sabihin niyo iyan ah,” sir Paul asked.
“Oo naman, sir! This is actually a breath of fresh air. I mean, wala naman akong reklamo sa trabaho ko pero alam niyo naman, hectic palagi ang work natin. So parang pag isa o dalawang araw lang na ganito sa isang taon parang magiging masaya na ako,” Charity laughed.
“The feedback is positive, Shiloah. You did it,” bulong sa akin ni miss Allona. I smiled at her.
I think it’s wrong to say that I did this alone. Felix did it. Kaya kung ano man ang magiging resulta, buong-loob ko itong tatanggapin.
“Friends na kami ng AGO, sir! Wala ng problema sa merging” humalakhak si Miko. Pati ako ay natawa rin. Still, kumpara sa kabuuang numero ng mga empleyado ng parehong kompanya, maituturing kong maliit pa rin kami. Ibig sabihin, hindi lahat ay pareho ng pakiramdam. Ayos sana kung nandito talaga ang lahat.
“Invited ba kaming lahat sa wedding, sir?”
“Oo naman! Dala na lang kayo ng sari-sarili ninyong plato at upuan!” tumawa siya ng malakas.
“Naku! Balak ko pa namang sa reception niyo ako maghanap ng gwapong jowa!”
“Huy, Agnes! Mahiya ka naman sa sinasabi mo!”
“Tumahimik ka nga, Patrick! Hindi ka naman gwapo kaya, shut up!” Agnes rolled her eyes at Felix.
Natatawa ang lahat na nagpatuloy sa pagkain habang pinapakinggan ang dalawa na nagbabangayan.
“Aba! Tatlo lang kaming gwapo dito. Ako, si sir Felix at si sir Paul. Kumpara sa dalawa, lamang lang silang dalawa ng ilang baldeng ligo sa akin ‘no!”
Umarteng nasusuka si Agnes sa sinagot niya. “At kung papipiliin man ako, syempre excluded na si sir Paul, hindi pa rin ikaw ang pipiliin ko!”
“Bakit? Sa tingin mo pipiliin ka ni sir Felix?”
I raised my vision to Felix to see his reaction. Napa-iling na lang ako nang nakita ko siyang patuloy na kumakain sa harap ko na parang hindi siya ang pinag-uusapan. Siguro ay naramdaman niya ang ginawa kong pagtitig sa kanya dahil napa-angat siya ng tingin sa akin. Natigil siya sa pag-nguya at binabaan ng tingin ang pagkain ko. Nang nakita niyang wala na akong ulam ay mabilis niyang kinuha ang natitirang chicken barbecue niya at nilagay iyon sa harap ko.
“Bakit hindi natin tanungin mismo si Felix,” singit ni Anne. “If you are in a situation, pipiliin mo ba si Agnes?”
Ngayon ay hindi na natanggal pa ang paningin ko kay Felix. Wala akong makukuhang sagot base lang sa reaksyon ng mukha niya dahil seryoso naman siya palagi sa harap ng iba. I’m really curious as to how he would answer this.
“No,” tipid na sagot niya.
I’m happy with his answer and at the same time, disappointed rin. I’m happy because he answered no, and disappointed because that’s all he has to say! Wala talaga siyang kwenta kausap.
“No? Bakit? Do you like someone else?” pagpapahiwatig naman ni Bethany. She plastered a wide grin in her face when I widened my eyes at her.
Natahimik at natigil ang lahat, inaabangan ang isasagot niya. Naririnig ko na rin ang huni ng mga kuliglig dahil sa sobrang tahimik. Napalunok ako at sa bawat segundong pumapatak na hindi siya sumasagot ay hindi na ako makahinga ng maayos.
Tumuwid sa pagkakatayo si Felix at dahan-dahan niyang muling ini-angat ang paningin sa akin at sumagot.
“Yes.”