Mula sa siwang ng kurtina ay nakita kong madilim pa sa labas. Inabot ko ang cellphone mula sa bedside table ay nakita kong alas singko pa lang ngunit nagpasya akong bumangon na. Dahan-dahan ay umahon ako mula sa kama, takot na baka magising si Bethany at Amanda. Sa pagsara ko ng pinto ay iniwasan ko ring maglikha ito ng ingay.
I walked through the corridor, tip-toeing. Mula sa doon ay tumingin ako sa baba. Tahimik at madilim pero may ilaw na nagmumula sa kitchen. Siguro ay isa kina manang Saling o mga magulang ko ang gising na para maghanda ng agahan.
Pagkababa ko ng hagdan ay tinungo ko ang double doors at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mga kalat-kalat na tents. Nakita ko rin na may usok pang nagmumula sa campfire kagabi pati na rin ang mga bote ng inumin at supot ng mga pagkain.
Hula ko ay masakit ang katawan ng lahat dala ng pagod kahapon kaya baka tanghaliin na sila ng gising.
Maghahating-gabi na ng nagpasya ang ilan sa amin, kabilang na ako at si miss Allona, na magpahinga ngunit ang iba lalo na ang ibang kalalakihan ay nagpa-iwan. Pumayag naman ang mga big boss.
Nagpatulong ako sa mga kasambahay na ihatid ang mga kasamahan ko na ihatid sa mga kani-kanilang tutulugan pero napag-alaman ko na may hinanda pa lang tents kaya karamihan ay piniling sa loob ng tent magpahinga. For experience daw. Iilan lang sa kanila ang pumasok sa loob at nagpaalam kung pwede sa isa sa mga kwarto sila.
Of course, hindi papayag si mama na hindi sa kwarto ang mga big boss.
While Felix, I don’t know where he slept. After last night, hinatid lang niya ako sa kwarto and bid me good night.
Tiningnan ko ang kamay kong hinawakan niya. Iniisip ko pa lang ang kagabi ay napapangiti na ako. Mahina kong sinampal ang sarili ko.
“Gosh, I’m crazy,” bulong ko sa sarili ko.
Nakarinig ako ng mga kalansing ng kubyertos. “Manang?” mahinang tawag ko. Tinungo ko ang kusina. Mula sa pinto ay sinilip ko ang loob. Inaasahan kong si manang Saling na nagluluto ang dadatnan ko doon pero sa halip ay ang malapad na likod ni Felix ang bumungad sa akin.
Napalunok ako. He’s half-n***d.
He must’ve sended my presence dahilan kung bakit napalingon siya sa akin.
He’s making his coffee. “Good morning,” his husky voice sent shivers to my body. I scanned his body. He’s got plenty of muscles. From his chest, to his biceps, then his abs. I can even see his v-line. Halatang inaalagaan talaga ang katawan. Bumalik ang paningin ko sa dibdib niya.
Wow, he’s so fit.
Sino ba naman ang mag-iisip na makikita ko si Felix ng ganito? His morning face, him, making coffee half-n***d. Who could have thought that I would enjoy seeing him like this when we spent years arguing over petty things. A single day would never pass by without one of us insults the other.
After that elevator incident, when he pretended to kiss me, I was pissed. Inisip kong hindi magandang biro iyon that’s why I reacted that way. Thinking about it now, it came to light that I was pissed not because he went overboard but because I was disappointed the kiss didn’t come. That’s why I dreamed of it that night.
They say, dreams are reflection of our thoughts. Sometimes, it is what we are running away from our lives. Does it mean I am already attracted to this person since the beginning and I was just being in-denial?
Because it just took one kiss and I devoted myself to him. Hindi ko na naisip kung ano ang susunod. It’s even funny that I can think all of this, in front of him when it’s just the two of us.
I bit my lip to prevent myself from smiling pero hindi ko napigilang hindi humagikgik.
His blank stares went to me. “What are you giggling about?”
I shook my head. “Nothing,” I’m smiling ears to ears.
Kinuha niya sa kitchen counter ang kape niya at lumipat sa mesa habang nanatili naman akong nakatayo malayo sa kanya.
He took one sip from his cup and then crossed his arms. Like what actors do in a movie.
“Come here,” he said.
My body automatically moved like it’s a servant to a master.
Natigilan ako nang bigla niya akong hinigit paupo sa hita niya nung akma kong hihilahin ang upuan sa tabi niya.
He wrapped his arms around my waist and then rested his head on my shoulder. His bare skin touched my back and the warmth I feel coming from him makes me comfortable. Dagdagan pa ang higpit ng pagkakayakap niya.
“Why are you awake so early?” tanong ko.
Inamoy niya ang buhok ko. “Hmm… I could ask the same thing to you.”
“I was asking you first,” I pouted.
He chuckled. “Nothing. Sanay lang ako na magising ng maaga.”
“That must be why you never run late to office,” I said. Except for that one time of course, when he was with Coraline. It’s a good thing that he’s at my back because he won’t see how I rolled my eyes 360 degrees.
He didn’t answer me but I wanted to keep the conversation going so I tried to ask more.
“A-ano namang ginagawa mo sa mga oras na ‘yan?”
“Exercising, reading daily newspaper, and things as such…”
How come I did not expect this answer from him? He’s that person of course, a man with a healthy lifestyle. ‘Yung tipong gigising ng maaga para mag-work out tapos ang kakainin sa breakfast ay salad na may kung anong iba’t-ibang dahon at d**o.
Hindi ko mapigilang hindi humalakhak.
“That’s something funny for you, huh?”
“No,” umiling ako “Naisip ko lang kung kumakain ka rin ba ng d**o,” natatawa kong sabi.
“What? Do I look like a goat to you?”
Hindi ako sumagot. Sa halip ay nagkibit-balikat ako.
“Ikaw nga, sa dami ng tanim na gulay buto’t-balat ka pa rin,” aniya.
“I’m not buto’t-balat!”
“Oh, so you’re being conyo na right now?” panunukso niya sa akin.
I chuckled.
“Wait, what? Nakapunta ka ba sa taniman?” tanong ko.
“Nope.”
“Then, paano mo nalaman na maraming tanim na gulay?”
“Well, I just overheard it from their conversation with Paul and Allona,” binalik niya ang pagkakasandal ng baba niya sa balikat ko.
“Ang chismoso mo!”
“Really?”
Gusto ko pa sanang sumagot pero hindi ko na nagawa. I firmly closed my eyes when he started sniffing my neck at nang nagsimula niyang patakan ng mumuntik halik ay napahawak ako sa braso niya at mariing pinisil iyon.
He gripped me tighter, pulling me closer to him. Gustong-gusto ko ng harapin siya at salubungin ang mga halik niya pero hindi ko ginawa. I wanted to feel more of his kisses on my neck so I craned my neck sideward to give him more access. Siya na mismo ang humawi sa mga buhok kong nakaharang doon.
Slowly, his hands find their way to my skin. Naramdaman ko ang isang kamay niya sa ilalim ng suot kong pantulog, the other one was on my legs.
I was enjoying the pleasure he’s giving me pero bigla akong napatayo nang pagmulat ko ay nakita ko si Bethany na nakatayo sa entrance ng dining, nanlalaki ang mga mata at nakatakip ang isang kamay sa labi.
“B-Bethany!” nanginginig ang mga labi ko nang sinubukan kong ngumiti. Lumapit ako sa kanya. “B-bakit naman ang aga mong nagising?” hindi ko sinadyang maging tunog bigo pero sa tingin ko ay ganoon ang naging dating ko. “I-I mean, maaga pa… Hindi ka ba nakatulog ng m-maayos o-or may kailangan k-ka ba?” kinurot ko ang likod ng hita ko, baka sakaling mapigilan nito ang pag-utal ko.
Ang lakas ng kabog ng puso ko. Pakiramdam ko ay nahuli akong may illegal na ginagawa. I wasn’t expecting someone to be this early! Given the fact that everyone was tired from the transport and activities we did yesterday. Kakasabi ko lang sa sarili ko kahapon na hindi pa ako handa para sabihin sa kanila ni Amanda kung anong ginawa ko pero tingnan mo nga naman. Nandito na siya ngayon sa harap ko.
Hindi sumagot si Bethany. Pabalik-balik lang ang tingin niya sa amin ni Felix. Hindi makapaniwala sa nasaksihan. Nilingon ko si Felix na ngayon ay komportableng naka-upo, diretso ang paningin sa akin. He’s sipping his coffee normally as if I don’t have a crisis here!I can’t believe him!
Hinawakan ko siya at mabilis na hinila palayo roon. Nagpatianod naman siya sa ginawa ko. Walang lingon-lingon kong iniwan si Felix.
Lakad-takbo rin ang ginawa ko para mabilis na makarating sa kwarto. Napalakas yata ang pagkakasara ko ng pinto dahilan kung bakit bglang bumangon si Amanda.
“Anong nagyayari?” kinusot-kusot niya pa ang tingin niya.
“Hold up, Shiloah,” tinaas ni Bethany ang dalawang kamay niya.
“L-let me explain…”
“Hey, what’s happening?” pareho naming hindi pinansin si Amanda.
Kinakabahan ako. This is what I am afraid of. Hindi ko alam kung anong magigng reaksyon nila kapag nalaman nila ito. Unang-una, pinilit ko lang si Felix. For sure, pagsasabihan niya akong mali ang ginawa ko. What I did was a desperate, I know. Pangalawa, sinikreto ko. We’re friends and we promised each other we shouldn’t keep secrets from each other.
Balak ko kasi maghahanap ako ng magandang tiempo. I have to compose my thoughts. Nangangamba rin ako na pagmalaman nila ay sasabihin rin nila ito sa mga magulang ko. They’re close. They don’t tolerate bad things I do.
Yumuko ako.
“I’m sorry…” bulong ko.
“What are you laughing about?” napa-angat ang tingin ko sa kanya nang narinig kong naginig ang boses niya.
Malakas akong napabuga ng hangin nang nakita ko ang natatawa niyang mukha.
“Ang landi mo…” kinurot niya ang tagiliran ko.
“Aray ano ba!”
“Grabe dito ka pa talaga sa bahay ninyo naglalandi ha? Paano na lang pala kung hindi ako ang nakakita sa’yo? Isipin mo nga iyon.”
I pouted.
“Teka lang,” pigil sa amin ni Amanda “ano bang nangyayari? Pang-ilang ulit ko ng tanong to hindi ninyo ako sinasagot. Ano ba? Tungkol saan ba iyang pinag-uusapan ninyo, kagigising ko lang tsimis na agad ang almusal ninyo para sakin?” tuluyan siyang lumapit sa kinatatayuan namin ni Bethany.
“Itong kaibigan mo, ang aga-aga nakikipaglandian doon sa dining…”
“Huh? Sino? Si Shiloah? Kanino?” naguguluhang tanong niya.
“Kanino pa ba? Eh di syempre doon sa manok mo…”
“Felix?”
Sa pagtango ni Bethany ay ang pagtili naman ni Amanda.
“Really? Pero bakit? I mean, anong ginawa nila?”
“You won’t believe it…” Bethany hinted.
Mabilis na napalingon sa akin si Amanda. “Oh my god, Shiloah…” nanlaki ang mga mata niya at mas lalong lumapit sa akin. “Nag-s*x kayo?” bulong niya.
Napahagalpak ng tawa si Bethany sa sinabi niya habang ako naman ay pareho silang tiningnan ng masama. “Ano nga kasi?”
“You’re way of thinking is beyond me, Amanda,” I said.
“What? That’s why I am asking,” she crossed her arm.
“Ang dumi ng tanong mo.” She pouted. “We were just… cuddling.”
“That’s more than cuddling, Shiloah. Don’t deny it to me. I saw you with my own two eyes… Baka nga kung hindi ako dumating nagsex talaga kayo eh.”
Hinampas ko siya.
“Wait… we’re missing the details here. Paano kayo humantong sa ganoon? I thought you hate him? ‘Di ba nga kailan lang eh nag-aalburoto ka pa kasi hindi siya professional? Anong nangyari?” tanong ni Amanda.
I sighed. I guess I have to tell them now or else, hindi ako makakalabas sa kwartong ito hangga’t hindi ko nasasabi sa kanila. Naglakad ako sa kung nasaan ang kama at umupo doon.
“Actually, Felix and I…” nagdalawang-isip ko ba kung sasabihin ko talaga. Pareho silang naka-abang sa anumang sasabihin ko. “We kissed,” mariin akong napapikit.
Nalaglag ang panga ni Amanda habang si Bethany naman ay napatakip sa kanyang bibig.
“Yes, we did…”
Amanda pointed her finger at me. “You b***h. Akala ko ba ayaw mo siyang maging boyfriend?! Anong nangyari ha? Kinain mo yung sinabi mo?!” nahilo ako sa ginawa niyang pagyugyog sa akin.
“I know, I know but… it just happened.”
“What happened, Shy?” seryoso ang tono ni Bethany. Nagkatinginan kami. Inalis ni Amanda ang kamay niya sa akin at pareho kaming umayos sa pagkaka-upo.
I decided to tell them the truth. Like I should.
Wala akong detalye na pinalagpas. Lahat sinabi ko. Mula insidente sa elevator, the dream I had. Coraline. The day he kissed me where I told him to make me his girlfriend.
Binagsak ni Amanda ang katawan niya sa kama matapos marinig ang kwento ko habang malayo naman ang tingin ni Bethany at malalim ang iniisip. Judging from their reactions, siguro ay tinitimbang nila ng mabuti kung tama ba ang ginawa ko.
Kinuha ko ang unan at niyakap iyon.
“Did Felix agreed on this?” Bethany eventually asked after long minutes of silence.
Umiling ako. “No. He disagrees with it actually…”
“Anong sinabi niya?”
“Sabi niya sa akin ayaw nia because he don’t want me to feel like he’s using me. Pero sabi ko hindi ko mararamdaman iyon kasi ako naman ang nag-offer at saka… ang sabi ko lang I’m doing this to help him…” lumiit ang boses ko.
Muntik na akong mahulog sa kama nang malakas akong binatukan ako ni Amanda.
“So you’re telling us,” tinuro niya si Bethany “that you like Felix and you want him but you but you don’t want him to know that you do and you lied to him by saying you will pretend as his girlfriend in order to rid of Coraline when what you actually want is to be with him. Ganoon ba?”
Ako naman ngayon ang napabagsak sa kama. Hindi ako sumagot. Silence means yes, I guess.
“Why don’t you just tell him directly hat you like him, Shiloah? Bakit kailangan ganito?” pahabol niya.
“Because… feelings might not be mutual. You know that, Mands. ‘Di ba nga sinabi mo sa akin he’s annoyed by my whole existence? I can’t imagine myself being rejected…”
“And this is your way of making him like you? Do you think this will work?” naglakad papalapit sa amin si Bethany.
“I don’t know. I’m just taking a shot. Baka sakali, ganon.”
“I have always known you were unconsciously attracted to him.” Napabangon ako sa narinig ko mula sa kanya.
Maybe I do… because sometimes, there are things in our life that we refuse to accept and being in-denial, I think, is a defense mechanism we do. Pinapaniwala na lang natin ang mga sarili natin sa mga bagay na gusto nating paniwalaan when the truth is, hindi tayo handa na tanggapin ang totoo.
“Also… we can’t judge you for what you did. It’s your choice after all pero,” hinawakan niya ang kamay ko “you know that it could not result into something you expect it to be. Right?” malumanay ang boses niya.
I smiled weakly. Marahan akong tumango.
Oo naman. Alam ko. Alam na alam ko. Among all people here, I am the first person to know exactly the best and the worst things possible to happen. Despite knowing this, gayong sigurado akong maaaring hindi maging maganda ang resulta nito, bakit nga ba ginawa ko pa rin? Bakit pinagpatuloy ko?
I remember that day. His lips on mine, I remember exactly how it felt. I remember how soft and warm the kiss was.
Kung tutuusin hindi na kailangan pang pag-isipang mabuti kung tama ba o mali ang ginawa ko. Clearly, it was a spur of a moment. Kumbaga, maaring sabihin sa akin ni Amanda o Bethany na nadala lang ako ng emosyon ko nung oras na iyon pero hindi nila sinabi iyon sa akin.
They didn’t because they know it could not be just a spur of the moment for me and that it could mean something to me. Something that could change my life forever.
People could call me desperate for what I did but I’m lucky that my friends did not think of me like that because they know and they understand. Kaya naman naniniwala ako na kailangan maintindihan ng mga tao kung bakit nakakagawa ng mga bagay na hindi maganda ang isang tao kahit alam niyang mali ito.
Because desperate people are forced to take desperate measures. Dahil kailangan.
“Pero Shy, naisip ko lang, are you sure na pumayag siyang magpaggap kayo?”
Napa-isip ako sa sinabi ni Bethany. As far as I can remember oo dahil napilitan siya. Pinilit ko siya.
“Oo. Although forced.”
“Bakit parang… hindi naman ganon? Parang hindi naman sya nagpapanggap?”
“Ano bang sinasabi mo, Bethany? Kakasabi lang nga niya na oo daw diba?” singit ni Amanda.
“No Mandy, if you only saw what I saw, for sure, sasabihin mo rin na parang hindi naman ganon ang nangyayari kanina. Kumbaga sa mga pelikula, wala sa script yung actions nila,” binitawan niya ang kamay ko “maiintindihan ko pa ang sitwasyon ni Shiloah kasi syempre gusto niya yung tao, pero si Felix, doing things,” she wiggled her hands “like that out of quote and quote, pretension, is something else to me. I don’t know… it doesn’t felt right,” kinalibutan ako ng humalakhak siya na parang bruha.
Binalewala ko ang sinabi niya. What she said is least of my concern right now. Ang nararamdaman ko lang ay kapayapaan because somehow, telling all of these and hearing their thoughts made me feel relieved.
Natigilan kaming lahat dahil sa isang katok sa pinto.
“Shiloah.”
Kumabog ang puso ko nang narinig ang boses niya. It was Felix.
Bethany and Amanda exchanged meaningful looks. Hindi ko na pinansin pa iyon. Sa halip ay tumayo ako at dire-diresto ang lakad sa pintuan. Nanginginig pa ang kamay ko ng pinihit ko ang handle.
Nang nagtama ang paningin namin ay malawak kong binuksan ang pinto. Mabilis lang niyang tinapunan ng tingin ang mga kaibigan ko at binalik sa akin ang kanyang paningin. He licked his lips and eyed me head to toe.
“What happened?” he asked, almost a whisper.
I shook my head.
“We just talked… I’m okay.”
Tango ang isinagot niya sa akin. “Breakfast is ready. Kumain na tayo,” hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila palabas.
Hinayaan ko ang sarili kong magpa-anod sa kanya. Bago tuluyang sumama ay binalingan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay napako ang paningin sa kamay naming magkahawak. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang ginawa nilang pagsiko sa isa’t-isa.
Umiling ako habang nangingiti.
Maliwanag na sa labas nang nakababa kami pero palagay ko ay mahimbing pa rin ang tulog ng lahat dahil bakante pa rin ang living room. Wala rin akong ingay na naririnig bukod sa tunog na likha ng air conditioner.
Pagdating naman namin sa dinig hall ay agad niyang hinila niya ang upuan para sa akin.
“You cooked this?” tanong ko nang nakita ko ang nakahandang pancake sa mesa.
He chuckled and sat beside me. “No, silly. They made these,” saktong pagkasabi niya nun ay ang pagpasok naman ng mga kasambahay bitbit ang pancake, sausage and sunny side up.
Amoy na amoy sa buong dining ang mga bagong lutong pagkain kaya naman hindi na ako nagulat nang isa-isang pumasok ang ibang kasamahan namin.
“Good morning po. Bango naman niyan…” ani Mera.
“Oo nga. Nakakagutom...” mungkahi naman ni Tana.
“Good morning! Upo kayo,” anyaya ko sa kanila.
One by one, they came in and sat down with us. We started eating our breakfast joyfully. Unlike on the first day, you can already see that a person goes with a particular group of people. Kadalasan, sumasama sila sa kasamahan nila sa kompanya.
Now, I can see a familiar face from AGO getting along with a group in Vera and vice versa. We’re just on the 2nd day of the activity and yet, we can already share jokes and laughter over a meal and I could already consider this as triumph, to break the wall in between and be one as the merging approaches fast.
Nung nag final meeting kami ni Felix bago pa man kami tumuloy dito ay nagpasya kaming dalawa na ang ikatlong araw ay magiging pahinga naming lahat bago kaming lima tutuloy sa Kalinga at malaya ang ibang kasamahan namin kung ano ang gagawin nila sa araw na yon.
They’re having that conversation now. Apparently, gusto ni Agnes mangabayo.
“Shy, ang sabi ng papa mo may kwadra raw kayo ng mga kabayo sa hindi kalayuan dito. Eh bukas babalik na tayong Manila, pwede bang maghorse-riding kami?” tanong ni Agnes sa kabila ng halo-halong pag-uusap.
Pinunasan ko ng tissue ang labi ko bago sumagot. “Oo naman.”
“Sus, marunong ka ba Agnes? Baka pagsampa mo pa lang eh tumakbo bigla yung kabayo tapos kaladkarin ka,” nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Patrick.
Inirapan naman siya ni Agnes.
Iba-iba sila ng idea para sa gagawin nila bukas.
Some wanted to just sleep all day, some wanted to stroll the farm, and some doesn’t care at all.
Felix decided to group us into two dahil ang lalaruin naman namin ngayon ay tug of war. Kaya iyon ang ginawa namin. We created two groups through counting by two’s. Actually, I wanted to join them be in a random group pero hindi ako pinayagan ni Felix. Ang sabi niya, kung nasaan siya ay nadoon din dapat ako kaya naman ngayon ay nagbibihis ako ng damit habang nakasimangot. Naabutan ako ni mommy sa kwarto na ganon ang hitsura.
“Bakit ganyan ang mukha mo, anak?” tanong niya habang marahang tinulak pasara ang pinto.
“Huh? Ah, wala naman ma. Bakit, ano, may problema ba sa baba?” pag-iiba ko ng usapan.
Naglakad siya papalapit sa akin. Tinitigan niyang maiigi ang mukha ko. “Wala naman, na-miss lang kita. Miss na miss ka na namin ng papa mo,” malungkot niyang pahayag. Inabot niya ang mukha ko at marahang hinaplos iyon. “You were just my baby yesterday but I feel like you’re someone’s baby now,” she chuckled.
“I’m sorry ma…”
Umiling siya.
Ngayon lang nagsink in sa akin ang lahat. Baka tuing tumatawag sila at ini-engganyo akong umuwi eh ang gusto lang talaga nila bigyan ko sila ng oras. Maybe they just want their daughter to be home and be their baby again. Nakakatawa na noong bata tayo, nagmamaktol tayo kapag hindi binibigyan ng atensyon. Kaya nga ‘yung iba nahahantong sa pagrerebelde dhil hindi sapat ang atensyon at pagmamahal na natatanggap nila sa kanilang mga magulang. Some even do evil things intentionally para kahit papaano, kahit magalit ang magulang, maramdaman man lang nila na may pakialam sa kanila ang pamilya.
But when they became adult, inuubos na man nila ang kanilang oras sa pagtatrabaho. Madalang na lang umuwi para kitain ang magulang. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Nakonsensya ako. Ilang beses na ba nilang sinabi sa akin na umuwi ako? Hindi ko na mabilang. At ngayon namang naka-uwi nga ako, pati trabaho ko dinala ko pa rin dito.
Hinawakan ko ang kamay niyang patuloy sa paghaplos sa mukha ko.
Bakit nga ba buhos na buhos ang oras ko sa pagtatrabah gayong hindi naman kami gaanong naghihirap? For myself. I’m doing this for myself. Nababagay bang sabihin sa akin ang salitang ‘selfish’ kung gusto ko lang naman may maabot para sa sarili ko?
Hindi ko alam.
“I’m sorry, ma…” bulong ko. “Alam ko sinabi ko na babawi ako pero… here I am… nasa bahay nga ako pero hindi niyo naman ako nakaka-usap, hindi niyo ako nayayakap. I’m sorry hindi ko naisip yung nararamdaman niyo,” nangilid ang luha ko.
“It’s okay. We understand…”
I always wonder how it felt to be a mom. I bet it’s hard. Alam ko hindi madali ang magdala ng isang bata sa loob ng katawan mo sa loob ng siyam na buwan. Madami akong naririnig na masakit raw manganak kaya naman natakot ako para sa sarili ko kapag panahon ko na na ako naman ang magkaka-anak. Mas lalong hindi magpalak ng bata.
That’s why I always see women as strong individuals. Biruin mo iyon, nakaya nila lahat ng hirap at sakit sa buhay. Sakit na nararamdaman nila halos buwan-buwan dahilan ng menstruation, sakit dala ng panganganak, meron ring sakit na dala ng pag-ibig, at ang mas mahirap sa lahat ay sakit na dala ng buhay at sa kabila ng lahat ng iyon ay patuloy pa rin silang bumabangon.
I remember my mom always telling me that she can feel what I feel dahil raw iyon sa umbilical cord na nagdudugtong sa aming dalawa ng nasa ipinagbubuntis pa lang siya ako. She told me, when I was an infant and we are away from each other, nararamdaman niya kapag gutom na ako.
When I became a toddler, I was rushed to the hospital because of high fever. Ang sabi ni papa, wala raw ako sa pagtigil sa kakaiyak and mama had to cry with me too.
Naalala ko pa dati nung nag-aaral na ako, nagkaroon ako ng problema sa school. I never told them that. Nanatili akong tahimik sa bahay buong araw that’s why I was surprised when she asked me about it. It’s almost a super power.
It became mainly the reason why I learned to ask my emotion. Kasi akala ko kapag natutunan kong magpanggap sa tunay kong nararamdaman, hindi na niya mararamdaman pa iyon.
I often hear her say, ‘kung pwede lang na ilipat sa akin yung sakit.’ pero syempre hindi ko gugustuhin iyon because I know she also had her secret sufferings. I know she also have her share of pain that she never spoke of, at least not with me.
That’s why I always adore her strength.
“Let’s have a family vacation soon. That time, sisiguraduhin kong wala akong trabaho,” I wrapped her in a warm embrace.
“Hmm… Saan tayo pupunta?”
“Kahit saan mo gusto.”
“Paano kung gusto namin ng papa mo sa ibang planeta?” pagbibiro niya.
“Gagawan natin ng paraan iyan.”
Pareho kaming tumawa.
Sabay kaming bumaba ni mama, magkahawak pa ang mga kamay. Naabutan namin si papa na nakaupo sa pahabang couch sa living room, naka krus ang mga hita at nakapako ang paningin sa aming dalawa ni mama, busangot ang mukha.
“Palagay ko ay may mahala na naman kayong pinag-usapan at hindi niyo na naman ako sinali.”
“Naku, naku. ‘Wag ka na ngang mag-inarte diyan, diba’t inaya kita kaninang katukin itong anak mo sa taas pero ano nga ulit ang isinagot mo sa akin? Sabi mo papakainin mo pa ang mga pangsabong mong mga manok.”
“Kaya nga, ang sabi mo katok lang, bakit ang natagalan kayo? Oh eh di ibig sabihin ay may pinag-usapan kayo. Hindi na ba ninyo ako mahal?”
Natawa ako sa kunwaring pagtatampo ni papa.
“Ang overreacting mo talaga kahit kailan-”
“Aba, Sharriyah, kung makapagsalita ka diyan parang hindi mo ako pinakasalan ah?”
Napa-iling na lang ako sa patuloy nilang pagbabangayan. While standing there and listening to their nonsense banter, it’s not the house but it’s my family that I truly missed. Hindi rin nagtagal, umalis rin sila agad dahil makikipagdeal pa daw sila sa bibili ng na-harvest na rambutan. It turns out, pinuntahan lang pala ako ni mama para tawagin dahil hinahanap na ako ni Felix.
“Bakit ang tagal mo?” salubong na tanong niyapagkatapak ko sa labas.
“Sorry, nag-usap pa kami ni mama…”
I was expecting him to speak more but luckily he didn’t. Imbes ay marahan siyang tumango. Mabilis akong sumunod sa kanya nang humarap siya para I-anunsyo na magsisimula na kami.
“Wala naman sigurong kahit isa dito ang hindi alam paano laruin ang tug of war hindi ba?” painiguro niya. “Kung ganoon, magsisimula na tayo. But, I wanted to tell you first that this game will test the team’s overall strength. Kung sa tingin nyo ay simpleng laro lang ito, pwes nagkakamali kayo. Tug of war is not all about pulling rope. It’s all about the timing, strategy, and unity of the team. With this being said, let me tell you that may the best team win.”
“Whoo!!!!” everyone cheered.