I don’t want my personal issues to affect my professional work so I tried to brush off the ill feelings I have.
I tried.
After hearing his answer, tumango ako at mabilis ko siyang tinalikuran. Tinawag niya ako ilang beses pa pero hindi ko na siya pinansin.
Agad kong tinungo ang kinaroroonan ni Bethany at tumabi sa kanya. Doon ako nagpalipas ng oras at hinintay ang pagsisimula ng unang laro.
“Before we start our first game which is the paintball shooting, may we hear first the thoughts of Mr. Paul in behalf of Vera Publishing and AGO,” Felix announced.
Everyone, including me, clapped.
“First of all, good afternoon! We’ve only been here in Casa Mendez for a few hours, but I can say that I felt relaxed. With this wide horizon of verdant fields and trees, it’s literally a breathe of fresh air and the only things that’s out of place here is my coat and tie,” tumawa ang lahat pati na rin ako. Totoo nga, his dress code doesn’t match our location. “Also, I want to thank the Mendez family for the warm welcome and scrumptious meal they prepared for all of us. In addition, thank you, Miss Shiloah Mendez for this wonderful idea. As we all know, both companies are to be one soon yet our employees still have this high wall dividing us and if it wouldn’t be because of Shiloah, siguro kahit nag-merge na ang kompanya ay hindi ko pa rin mapapansin ito. Not because I don’t care for the employees but because I trust them. Going back to the topic, after this team-building, I am expecting everyone to be out of their comfort zones and be friends with everyone. Thank you.”
Ang mga lalaking kasamahan namin ay may mga hawak na safety gears tulad ng helmet at safety vest. Ang una kasing laro ay paintball shooting. This was Bethany’s idea. She was involved with this also and she was a great help in planning what games should we prepare. Kung anong equipment ang gagamitin at kung saan kukuhanin o bibilhin.
“Ibibigay na ba iyong mga helmet?” tanong ko kay Felix na ngayon ay may isinusulat na kung ano sa maliit na notebook.
Tumango siya “Pero dito ka lang,” sabi niya nang hindi ako tintingnan.
“Huh?”
Binitawan niya ang ballpen.
“Hans, Cedric, Joel! Distribute these to the players. Tell them, teams will be announced soon.”
Agad namang sinunod ng tatlo ang utos niya. Isang beses pa niyang sinuri ang mga isinulat niya sa papel tapos ay tumango.
“Okay, listen everyone,” napalingon ang lahat sa kanya. “Each team would have 10 members, you are free to choose your leader. Remember, this game could be dangerous kaya wag papatamaan ang vital parts ng katawan lalong-lalo na ang ulo,” bilin niya.
Inabutan ako ni Hans ng vest at helmet tapos ay ang paintball g*n. Iniwan niya naman ang kay Felix sa tabing mesa namin.
Nandito kami sa terasa kung nasaan naka-upo si sir Paul at miss Allona. Ito ang nagsilbing stage. Sa baba ng terasa ay may nilatag kaming camping mat kung saan naka-upo ang iba. Naglagay din kami ng malalaking tent para magsilbing silong dahil masyadong mainit ang panahon kahit ba sabihing mahangin naman.
Nakamasid naman si manang Saling sa amin, binabantayaan kung ano pa ang mga kakailangananin namin. Si mama at papa kasi matapos magtanghalian ay dumiretso sa farm para pakainin ang mga alagang hayop. Rinig ko’y didiretso na rin sa kabilang panig ng taniman ilang kilometro lang ang layo mula rito. Inaani pala ngayon ang rambutan at ang sabi ni manang Saling ay ibebenta daw iyon sa kabilang bayan kaya kailangan ng mga trabahador ng dagdag na tulong. Si Amanda, hindi ko alam kung nasaan pero palagay ko’y sumama iyon.
“Team one would be me, Shiloah, Kate, Sandra, Miko, Junnie, Peter, Allyson, Alexa, at Manuel. Team 2 would be Agnes, Ann, Charity, Manny, Mike, Kurt, Lino, Von, Oppel, at Eluiza. Team 3 would be Hans, Cedric, Joel…”
Obviously, pinaghalo niya sa isang team ang empleyado ng AGO at Vera Pub, syempre ang objective nga ng team-building na ito is buwaging ang pader sa pagitan.
Nagpatuloy si Felix sa pagtawag ng mga pangalan, ako naman ay nagsimula ng suotin ang gears.
Una kong sinuot ang helmet sunod. Kinuha ko naman ang vest pero nahuhulog ang helmet sa mukha ko. Inayos ko iyon ngunit nang yumuko ako ay muli nitong tinabunan ang mukha ko.
“Uh, Hans, sira yata ‘tong helmet na binigay mo sa akin,” nagtatakang tawag ko kay Hans.
“Hindi. Bago lahat ‘yan sabi ng may ari ng arena na kinuhanan natin,” sagot niya.
“Eh bakit ganito?” lumapit siya sa akin para tingnan.
“Ahh…” natawa siya “mali lang yung pagkakasuot mo,” may hinawakan siyang kung ano sa helmet na suot ko tapos ay may hinila-hila siya doon. “Ay teka mali,” sabi niya sabay tanggal noon. “May pangtali ka ba sa buhok mo? Mas mabuti kung itatali mo yung buhok mo kasi baka mahirapan ka sa pagtakbo tyaka mahihirapan ka ring linisin sakaling matamaan ng pintura,” he added.
Kinapa ko ang bulsa ko.
“Ah! Meron dito,” humalakhak ako.
“Akin na, ako na magtatali,” suhestyon niya. Mabilis akong tumango. Inabot ko sa kanya iyon tapos ay tumalikod ako. Matapos niyang gawin iyon ay agad niyang pinasuot ang helmet sa akin. Sakto lang ang pagkakatali ng buhok ko, hindi masyadong mahigpit, hindi rin masyadong maluwang. Komportable sa ulo.
“Ayos na ba? Hindi na ba nalalaglag?”
Tumango ako. “Salamat,” nginitian ko siya. He smiled back.
Sunod kong sinuot ang vest. I don’t think vest should be worn like this. Bakit parang maluwang yata sa akin samantalang hapit naman sa katawan nila ang mga vest na suot ng iba. This should be adjusted also, like helmet.
“Uh, Hans -”
“What is it?” Felix growled beside me.
Hindi ko manlang napansin na tapos na pala siya.
“Ah, tatawagin ko sana si Hans-” muli niyang pinutol ang sasabihin ko.
“Ano nga ‘yon?”
Napasimangot ako.
“Wala. Magpapatulong lang ako sa vest-”
Hinawakan niya ang vest na suot ko at agresibo akong hinatak papalapit sa kanya. Dahilan kung bakit tumama ang mukha ko sa dibdib niya.
“Ano ba!”
Tinutok niya ang labi niya sa tenga ko. From there, I can feel and hear him breathe. It even sent shivers down my spine.
“I’ve been watching you, Shiloah. Are you flirting with Hans, huh?” he accused.
May hinila-hila siyang kung anu-ano sa vest at naramdaman ko naman ang pagyakap nito sa katawan ko.
“You’re accusing me of something serious, Felix.”
“I am not. I am just stating what I saw.”
“No. You don’t. Kung talagang pinanunuod mo ako, dapat alam mo na humingi lang ako ng tulong. Clearly, you’re just judging people based on what you see and not looking what’s beyond that.”
Huling string ang mabilis na akong lumayo sa kanya. Kinuha ko ang paintball g*n ko at bumaba para lumapit sa mga team mate ko. Dahil kasali ako sa team niya, kinailangan naming hintayin siya bago magsimula ang laro.
Dahil wala naman kami sa arena at open field ito, wala kaming pagtataguan. Ang mechanics para manalo ay paramihan ng makukuhang flag. Para magawa iyon, kailangang barilin ng paintball ang kalabang team. Ang matatamaan ay matatanggal sa game. Kung ang player na nagpoprotekta sa flag ang natamaan ng paintball, automatic out ang buong team.
“Sino leader natin?” tanong ni Sanda.
Napa-angat ako ng tingin sa kanya, dahan-dahan akong ngumisi.
“Ako!” prisenta ko.
Sabay-sabay nila akong nilingon.
“Baka matalo tayo kaagad miss kapag ikaw ang leader,” sabat ni Peter.
“Oo nga miss, baka nga rin pati kami ay barilin mo,” nagsitawanan sila.
Napanguso ako.
“Sinasabi nyo bang wala akong sense of leadership?” kunwaring pagtatampo ko.
“Ikaw na lang ang humawak ng flag, miss,” inabot sa akin ni Allyson ang flag na hawak niya.
“Tama. Kami na lang ang magpoprotekta sa iyo tutal ay masarap naman ang pagkain na hinanda ng pamilya mo miss!” masaya ang pagkakabanggit ni Alexa n’on. Napangiti ako.
“Talaga ba? Nabusog naman ba kayo? Pasensya na hindi o kayo naasikaso.”
“Naku! Napakakomportable po namin sa loob. Ramdam talaga namin na welcome kami. Ibang-iba yung ambiance sa loob ng bahay niyo, miss. Pati mga kasambahay kung tratuhin kami parang dito rin kami nakatira eh,” ani Miko.
“San po kami matutulog mamaya? Pwede po ba sa isa sa mga kwarto?” kuryusong tanong ni Sandra.
“Uy Sanda, napaka-ambisyosa mo naman. Sila sir Paul at miss Allona lang yung matutulog sa taas ‘no,” supladang sagot ni Kate.
“Oo nga, Sandra. Sobrang komportable mo naman yata pati mga kwarto gusto mong bisitahin eh ‘no,” sulsol naman ni Junnie.
“Bakit, eh mahirap lang naman ako. Minsan lang ako makapasok sa mga bahay na ganito kaganda. Masama ba ‘yon?”
“Uy ano ba, ‘wag nga kayong magtalo,” awat ko sa kanila. “Actually, handa na talaga iyong ibang kwarto, kaya wala namang problema kapag gusto nyo matulog doon. Komportable naman talagang matulog sa kwarto eh,” sabi ko.
“Enough of that. I’ll lead the team. Shiloah, ikaw humawak ng flag. Manatili ka lang sa likod ko,” putol ni Felix sa usapan namin.
Gusto ko sanang umangal dahil ayaw kong maging target pero nakita kong agad nilang inayos ang kanilang sarili at nagkanya-kanyang humanap ng magandang pwesto ay wala na akong nagawa. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa paintball g*n, ganon pa man, nakakatakot pa rin humawak ng flag dahil syempre ako ang magiging target ng opponent namin.
“Miko, Peter, bantayan nyo ang likod ni Shiloah. Alexa, Kate, Sandra, sa tabi kayo. Junnie, Manuel, sa harap kayo. Huwag nyong hahayaan na matamaan kayo ng paintball. Bago pa kayo mabaril ay kayo na unang bumaril” utos ni Felix.
“Sir, nakakatakot naman iyong utos niyo,” humalakhak si Miko.
“Oo nga po. Parang totoo ah? Parang nasa action movie lang tayo eh ‘no,” natatawa ring sagot ni Allyson.
“Basta, sundin nyo na lang ang utos ko. Libutin nyo ng paningin nyo ang buong paligid,” seryosong sabi niya.
“Ako, anong gagawin ko?” tanong ko sa kanya.
“Nothing. Stay close to me,” he concluded.
Narinig ko ang papito ni Bethany. Senyales na nagsimula na ang oras. May time limit kasi. Pagkatapos ng pitong iyon ay sunod-sunod na ang naririnig kong pagtama ng mga paintball g*n sa mga vest.
“Ouch!”
“Aray!”
“AHH!!!!!”
“Fire!”
“Sa kabila!”
“Hans! Sa kanan!”
“Hoy! Namatay na ako!”
“Ano ba ‘yan! Pangit kalaro, binaril agad ako!”
Natawa ako.
All their screams and laughs makes me want to run out and check kung sinu-sino na ba ang na-out. It’s exciting to hear it na gugutuhin ko ring sumali sa barilan. Honestly, I did not expect this game would be so fun pero mas masaya sana kung hindi ako ng nakahawak ng flag.
“Felix,” hinila ko ang vest niya “Ikaw na humawak ng flag.”
“No-”
“I don’t want to hold this, too. This is so boring for me! I want to fire paint balls!” I ranted.
“This is dangerous,” he sighed loudly.
“As if I would die from a paint ball!” hinampas ko sa dibdib niya ang hawak na flag at pumwesto sa harapan. Si Cedric ay nasa malayong harapan ko. Lumuhok ako para makahanap ng anggulo. Pinikit ko ang isang mata ko at tinutok sa kanya ang hawak na b***l.
I was about to fire kung hindi lang ako hinila patayo ni Felix.
“s**t!”
“Ang tigas ng ulo mo! Hawakan mo ‘to at bumalik ka sa likuran ko!”
Nagmatigas ako. Imbes na sundin siya ay tinutok ko sa kanya ang hawak na b***l.
“Hahawakan mo ang flag o ikaw ang babarilin ko?” I threatened him.
He smirked.
“Really?” hinablot niya ang b***l na hawak ko at tinapon iyon sa malayo.
My jaw dropped.
“What the hell?! Felix!” I yelled. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
Mabilis akong nagmartsa sa kung nasaan ang paint ball g*n ko pero hindi pa nakakalapit ay may tumama na sa dibdib ko.
“Shiloah!” sigaw niya pero huli na para depensahan ako. Out na ako!
Nahahapo kong tinahak ang terasa. Nakita ko ang malaking ngisi na naka-plaster sa mukha ni Bethany.
“Ang bilis mo naman na-out,” she teased.
Inirapan ko siya.
“How can this activity be fun kung ayaw niya akong makisali sa barilan!” reklamo ko sa kanya. She chuckled.
Mabilis kong hinubad ang vest na suot at binagsak iyon sa sahig. Nagkalat ang pintura sa damit ko at may paunta pa yata sa mukha ko dahil naramdaman ko ang lagkit nito.
“Ugh! This is no fun at all!” mabibigat ang hakbang ay tinahak ko ang hagdanan namin.
Dinaanan ko ang hilera ng mga kwarto kung saan ang pinakadulo ay akin. Pinihit ko ang door knob at laking ginhawa ko nang hindi iyon naka lock. Pagkapasok ko ay huhubarin ko na sana ang suot kong dami kung hindi ko lang nakita ang replesyon ni Felix sa harap ng malaki kong salamin.
“AHHHHH!!!!”
Quickly, he jumped at me and covered my mouth.
“UMMHHFFF”
“Shh!”
Hinampas ko ang braso niya pero hindi niya pa rin kinuha ang kamay niya mula sa bibig ko kaya wala akong nagawa kundi hinawakang mabuti ang braso niya at kinagat ang kamay niya.
“Ouch! s**t!”
Thankfully, I successfully removed his hand. Bumagsak siya sa kama ko at namilipit sa sakit.
Namula ang leeg niya hanggang tenga. Pero hindi iyon ang concern ko!
“Felix! Umalis ka nga diyan! Tingnan mo may pintura na tuloy yung bed sheet! Ano ba naman ‘yan!”
I didn’t know he was shot. Well, bagay lang iyon sa kanya. Kung sana hinayaan niya akong magbaril-b***l doon ay di sana pareho pa rin kaming in-game.
“Hey!” but he didn’t respond. Nanatili siyang nakabaluktot hawak ang kamay at nakatalikod mula sa akin.
“H-hoy. Felix, a-ayos ka lang ba?” kabado kong tanong.
I heard him sniff. Is he really serious?
Masyado nga sigurong napalakas ang kagat ko. Nako! Baka kailanganin ko pa siyang dalhin sa hospital. Ano naman sasabihin ko kay mama? Hindi naman pwedeng sabihin kong nakagat siya ng aso eh wala naman kaming aso. Tsk!
Unti-unti ay lumapit ako. Sinundot ko ang likuran niya pero hindi siya gumalaw.
“Felix?”
Dahan-dahan akong umakyat sa kama.
Tinulak ko siya ng kaunti, still he didn’t move. Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Did he passed out? Oh, no.
“Felix?” sinilip ko siya pero hindi ko gaanong makita ang mukha niya. Tinukod ko ang isang kamay ko sa kabila kaya ngayon ay napapagitnaan siya ng mga kamay ko. Nakita kong nakapikit siya pero nakakunot ang noo. Mas lalo kong inilapit ang mukha ko sa kanya at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang dumilat at hinila ang kamay ko dahilan ng pagkakabagsak ko.
“Bitiwan mo ‘ko! Ano ba!” I screamed.
“Shh. ‘Wag kang maingay or else someone would think you’re doing something else with someone in your room instead of playing outside, Shiloah,” he chuckled softly.
That would be scandalous! Napalunok ako.
“Let me go,” utos ko sa mahina ngunit may diin kong boses.
Ang isang kammay niya ay mahigpit na nakahawak sa mga palapulsuhan ko habang isa ay nasa may tiyan ko. Ang mga paa niya naman ay inipit ang mga binti ko para hindi ako makawala. He locked me up using my body. I can’t move.
I can feel him mas lalo pa akong pinagpawisan dahil doon.
“It’s hot here,” sabi ko.
“Mm-hmm.”
Hindi rin nakatulong ang tumatama niyang hininga sa balikat ko.
“L-let’s go back,” bulong ko.
Naramdaman ko ang pag-iling niya.
“Let’s stay like this for a while,” unti-unti ay lumuwang ang pagkakahawak niya sa kamay ko. It was my chance to get off away from but I didn’t move even though I badly wanted to a few minutes ago.
I closed my eyes and feel his warm embrace. Tahimik rin siya sa likod ko.
“So tell me, why are you acting up?” he asked after a while of being silent.
“I’m not acting up,” sagot ko sa maliit na boses.
“Hmm? You are.”
“I’m not.”
“Then what would you call you storming out of the room earlier? Hmm…” nagtindigan ang balahibo ko nang inamoy niya ang batok ko. “You walked out. Without saying anything.” Ngumuso ako kahit hindi niya naman nakita iyon. “Let’s be honest to each other, Shiloah, please…” he breathed.
I remember. When I asked him who called and after hearing him answer it was his sister when I saw that it was actually Coraline. Well, hindi niya alam na alam ko but still, does it give the person the right to lie to another? Of course not.
“Because… I knew you were lying,” I confessed. “I saw who called, it’s Coraline, right? But then you said it was your sister.”
He chuckled.
“I’m not lying. It was really my sister. Numero lang ni Coraline iyong ginamit but It was my sister whom I talked.”
Huminga ako ng malalim. Bitter with the fact that Coraline must be close with his sister.
“Okay,” I felt defeated.
“Is that what upsets you?”
Hindi ako sumagot.
“Come with me…” he said. Napalingon ako sa kanya.
“Huh?”
Nagtama ang paningin namin.
“Come with me in my hometown. We’re going to attend my sister’s wedding.”
He said it in a way of not asking if whether I would want go with him or not. It’s not an invitation. It’s a command. Regardless of how he said it, it made my heart happy.
“Really?” I answered excitedly.
I began spacing out. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti. The thought of meeting his family thrills and excites me at the same time. I wonder if what would they think of me? I mean, I know the thing between Felix and I is not real but still, doon din ako papunta. I giggled. Napabalik lang ako sa reyalidad nang pinitik niya ang noo ko.
“What are you thinking?”
“Nothing!” magiliw na sagot ko. Nawala na yata ang pagkainis ko kanina dahil hindi niya ako pinalaro. Now, all I’m thinking about is his hometown and his family.
Hindi nagtagal ay nagpasya kaming pareho na bumalik na sa baba. Pinauna ko siyang lumabas para walang magduda na magkasama kami. Nang nakalabas na siya ay nagpalit lang ako ng bagong damit at sumunod na rin.
Nang nakababa ako ay nagsisimula na ang pangalawang activity. Everyone was cheering for their teams. It’s a relay races and again, Felix was facilitating the game.
“Saan ka nanggaling?” salubong ni Bethany sa akin.
“My room. Nagpalit lang ako ng damit,” kumuha ako ng isang monoblock chair at itinabi sa kanya. Beside her miss Allona and sir Paul who are both having fun just by observing the game.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa tapos ay tumango.
Natapos ang araw na iyon na puno ng tawanan ang lahat. I guess they had fun. Dapit hapon na nang nakabalik ng mga magulang ko kasama si Amanda. May mga dalas silang iba’t-ibang prutas na bagong ani.
Habang kumakain ay nagkasundo ang lahat na mag campfire kaya naman pagkatapos ng hapunan ay sumama ang ibang lalaki sa may barn house para maghakot ng panggatong. Ang ibang kababaihan naman na kasamahan rin namin ay naghanda ng mga pagkain kagaya ng marshmallow at iba pang finger foods.
We spent the night joyfully. We had a few drinks kaya naman napuno ang gabi namin ng tawanan at kwentuhan. It was like a camping of group of friends.
Tumabi sa akin si Felix. In front of the bright campfire, his face lit up. Tahimik siya pero makikita ang ngiti, nakatukod ang kamay sa damuhan. Slowly, I reached for his pinky finger, then his ring finger, his middle finger…
When I looked up to glance at his face, our eyes met.
Slowly, without breaking our stares, he intertwined our hands and just like that, my lips stretched for a wide smile.
Under the moonlight, the cold wind blew but with his hand, on mine I feel warm. With the cracklings and popping noises of the fire, with the laughter and chattering of everyone, and being surrounded by people we barely knew, Felix and I had our own world.
I wish time would stop ticking so I could him longer. I wish we could stay like this.
Forever.