Sister

3233 Words
Pinatigil ko ang sasakyan ni Felix sa harapan ng malaki naming gate. Nilingon ko ang likuran para tingnan kung nakasunod ba ang sasakyan nina miss Allona at sir Paul pati na rin ang dalawang bus, at nung nasiguro kong naroon nga sila ay kinalikot ko ang cellphone ko para sana tawagan si mommy pero binuksan ni Felix anng bintana dahil sa isang katok mula sa guard. “Ano pong sadya ninyo, ser?” ani niya kay Felix. “Mang Roman!” tawag ko sa kanya. “Ma’am Shiloah? Ikaw pala ma’am! Pasensya na po sandali lang po,” sinenyasan niya ang nagbabantay na buksan ang gate. “Sige na po pasok na po kayo. Ibinilin nga po pala ito ni sir Sina sa akin,” dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya. “Kita na lang po tayo mamaya, man Roman,” kinawayan ko siya. Naglikha ng tunog ang malaking gate. Pagkabukas non ay bumungad sa amin ang puting bahay sa gitna ng malawak na lupain na napapalibutn ng berdeng tanawin. Nilabas ko ang ulo ko at dinama ang preskong hangin na nayon ko lang ulit naramdaman. Napangiti ako at mas lumawak pa iyon nang mula sa kinaroronan ko ay nakita ko ang pigura ni mama at papa na parehong kumakaway. Kaya naman nang tumigil ang sasakyan ni Felix ay dali-dali akong lumabas at dinamba ng yakap ang mga magulang ko. “Miss mo naman pala kami tapos ayaw mo pang umuwi,” humalakhak ang papa ko. “Parang ang payat mo sa personal, anak. Kumakain ka ba ng mabuti?” sinuri naman ni mama ang buong katawan ko. Binawi ko ang sarili mula sa kanila nang narinig ko ang sabay-sabay na pagpatay ng makina ng mga sasakyan. Sinalubong ko sina miss Allona, sir Paul, pati na rin si Bethany. Tinapunan ko naman ng tingin ang mga kapwa ko empleyado na isa-isang bumababa mula sa bus at hindi maitago ang pagkamangha sa lugar. I smiled. “Mama, ito nga po pala si miss Allona, yung boss ko,” tinuro ko siya “tapos ito naman si sir Paul, then si Felix. Kasama ko din po si Bethany,” naunang kinamayan ni mama si ms. Allona tapos ay si sir Paul, nang si Felix na ang kakamayan niya ay nakita ko ang pagtaas ng dalawa niyang kilay. Titig na titig siya sa mukha nito at patuloy sa pakikipag-kamay tuloy ay napatingin sa akin si Felix. Kinagat ko ang ibabang labi ko at pilit na inilayo si mama mula sa kanya. Si papa naman ang sunod na nakipagkamay. “Mama, ano ba. Ngayon ka lang ba nakakita ng lalaki?” bulong ko sa kanya. “Ibang lalaki ito, Shy. Hindi mo sinabi sa akin na may ka-trabaho ka palang sobrang gwapo,” impit na bulong niya pabalik sa akin sabay kurot sa tagiliran ko. Napangiwi ako. “Maligayang pagdating po sa inyo,” magalang na bati ni papa. “Sana ma-enjoy po ninyo ang mga tanawin na dito nyo lang makikita,” pagpapatuloy niya. “Hi, tita, tito,” Bethany greeted. Hinalikan niya sa pisngi at niyakap niya ang mga magulang ko. “Betty! Na-miss ka rin namin. Naglilihim na talaga sa amin ang aming Shiloah, marami ng hindi sinasabi sa amin pati pagsama mo rito ay hindi binanggit,” kunwaring pagtatampo ni mama. Kung hindi ko lang alam kung ano ang ibig niyang sabihin sa naunang sinabi ay baka nakonsensya pa ako. “Sabihin mo nga sa akin Betty kung anu-ano ba ang pinanggagawa niyo roon at ngayon niya lang naisipan umuwi rito,” tanong ni papa. Napa-iling ako. “Wala tito, busy lang talaga,” I heard Bethany chuckled. Nagsimulang mag-usap si papa, miss Allona at sir Paul habang si mama naman ang nakipagkwentuhan kay Bethany kaya nagdesisyon akong iwan muna sila roon at bigyang-pansin ang mga kasamahan ko pero nang nakita kong kumukuha pa sila ng mga litrato ay dumiretso ako kay Felix. “Your place is nice,” he commented. He’s standing near his car. Alone. “Thanks,” napangiti ako. Nakasandal siya sa trunk ng sasakyan kaya tumayo ako sa harap niya. Near but not close enough. “You didn’t tell me you grew up in a vast green field with farm animals as your friends,” he chuckled. Napasimangot ako sa sinabi niya kung kaya’t mas lalo pa syang humalakhak. He looked at me from head to toe and then slid up his hand in my waist, drawing me closer to him. There it is, my heart started to beat violently again. I’m afraid somebody will see us, especially my parents and Bethany. I have no idea on how would they react on this, knowing that what I did was a silly move. I tried to remove his hand but his grip tightens every time I try to. “Somebody might see us,” pasimple kong sinilip ang mga tao. “What’s so scary about it? Kailan lang ay ang tapang mo para sabihin na gawin kitang girlfriend. Are you chickening out now?” he grinned. Mahina kong hinampas ang dibdib niya. “Let’s not talk about that here.” “Alright,” tinitigan niya ako ng matagal, then he freed me. “It’s almost lunch,” Tiningnan ko ang oras sa suot kong wrist watch “nagugutom na siguro sila,” sakto pagkatapos kong magsalita ay nagulat ako nang mula sa loob ng bahay ay lumabas si Amanda. “Hola, senyor! Hola senyoras!” winagayway niya ang kanan niyang kamay na para bang isa syang kandidata ng isang beauty pageant na binabati ang kanyang taga-suporta. “The lunch is ready everyone,” anunsyo niya. Nagkatinginan kami ni Bethany. Aong ginagawa niya dito? “Felix? Shiloah?” pagkuha ni miss Allona sa atensyon namin. Binalingan ko si Felix at tumango siya sa akin. He clapped his hands twice, grabbing everyone’s attention. “We’ll have our lunch first, catered by the owners of the house,” tinuro ni Felix ang mga magulang ko, “ma’am, sir, thank you for this,” ngumiti si mama sa kanya bilang sagot si papa naman ay binigyan siya ng approve sign. “After lunch, we’ll have to gather again here to start our activity. Dismissed.” “Here. Dito po. Pasok lang po kayo,” iminuwestra niya sa mga kasamahan namin ang daan papasok habang si mama naman at papa ang umalalay sa mga big boss. Halos nakapasok na ang lahat sa loob, ang iba kasi ay nagtitingin-tingin pa sa malawak na lupain na nakikita nila. Hindi sumama si Bethany, sa halip ay lumapit siya sa kinaroroonan namin Felix. I saw Amanda stride her way to us like a model. Suot ang kanyang kulay avocadong copped halter top na pinaresan ng maiksing denim shorts, kitang-kita ang hubog ng kanyang katawan. She’s wearing a knee-length boots and hat, usually worn by cowboys. Pinanindigan niya talaga ang temang sinabi niya sa amin nang huli kaming magkita. As she came closer to us, some of the male participants can’t take their eyes off her. Some even whistled, but she did not gave a care at all. Humalakhak pa siya. Nang tuluyan siyang nakalapit sa amin ay pumalakpak siya sa harap ni Felix. “If I have not known you are one of the employees, I could have mistaken you as the CEO. Damn, you should build you own company, Felix,” pumalakpak siya. Felix smirked. “What are you doing here?” singit ko. Sinamaan niya ako ng tingin. “You two are now keeping secrets from me!” tinuro niya si Bethany “ang sabi ko ay sasama ako dito di’ba? Tapos pupunta pala kayo rito nang hindi niyo sinasabi sa akin. If tita Shine did not call me, I wouldn’t be here. Hmp!” she crossed her arms. “Well, it’s a company activity. Employee ka ba?” sagot ni Bethany. “Whatever!” she rolled her eyes “anyway, di pa ba kayo kakain? I am starving! Ang sasarap ng pinaluto ni tita, gusto kong kumain pero sabi niya hihintayin daw kayo. Ang dami talaga Shiloah, akala mo may sariling fiesta itong farm ninyo, eh,” mahabang litanya niya. I heared Bethany chuckled. “Let’s go?” baling ko kay Felix. He nodded. Makaluma na ang estilo ng buong bahay. Originally, mama wanted the whole house to be renovated but papa disagreed with it. He said he wanted a part of the house to stay the same kaya ang interior na lang ang ginawang moderno. Ang exterior ng bahay ay gawa mula sa natural stone, mataas na kalidad ng brick, at mga natural na wooden beam. Mula sa labas ay makikita ang balustrahe, malalaking salaming bintana, at malawak na balkonahe. Papasok naman ay sasalubungin ka ng malaking wooden double doors na sa itaas ay may naka-ukit na Casa de Mendez. Pagpasok naman ay malawak na living room kaagad ang bubungad. Matagal na rin simula nang huling uwi ko kaya ngayon ko lang din napansin ang ilang pagbabago. Bumagay sa marmol na sahig ang gray na carpet, velvet blue na sofa - mga kulay hindi pangkaraniwang ginagamit sa loob ng bahay, wooden coffee table. Da harapan nito ay ang malaking telebisyon at sa may pinakamalayong gilid, naroon ang furnace na pinagigitnaan ng matatangkad na bookshelves. Agaw-pansin rin ang mga antique furniture na nagsisilbing palamuti. My eyes went its way to the staircase leading to the bedrooms. I felt nostalgic. Nangangati na ang mga paa kong umakyat sa taas pero hindi pwedeng basta ko na lang iwan ang mga kasamahan ko. Painted with white, beige, and cream, accentuated by gray and blue furniture, the house looked so simple yet elegant. “Shiloah!” hinanap ng mata ko nagmamay-ari ng boses na iyon. “Amanda, una na kayo sa dining. Bethany, samahan mo na rin si Felix may kakausapin lang ako sandali,” paalam ko. Sa may hamba ng pintuan ng dining area ay nakita ko ang kumakaway na si Agnes. May malawak na ngiti kasama ang ilang kaibigan mula sa kompanya. Nilapitan ko siya. “Ang ganda ng bahay nyo! Grabe, parang hotel ang datingan,” nilibot niya ang paningin niya “Ikaw ha, hindi mo sinabi sa akin na mayaman ka pala!” “Ah,” hilaw akong tumawa “hindi naman. Kung mayaman sana ako dapat hindi na ako nagtatrabaho di ba?” sagot ko sa kanya. “Nako! Ang humble nito. Ang laki ng bahay nila ‘no?” binalingan niya sina Kate at Ann. “Oo nga,” sumilip si Ann sa kaliwa at kanan bago lumapit sa akin para bumulong “Palagay ko nga ay mas mayaman ka pa kaysa kina miss Allona at sir Paul eh,” humagikgik silang tatlong. I don’t know how to react. I think what she said was compliment for me and insult for the two and I don’t like it. Besides, bakit kailangan nilang sabihin iyon? And to be fair, hindi naman talaga ako mayaman. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti. “Kung ako sa’yo, kung ganito rin lang naman ako kayaman, hindi na ako magta-tiyaga sa kompanya. Magtatayo ako ng sarili kong kompanya,” singit naman ni Ann. “Anyway, sa weekend, sa weekend magpapaparty si Jason. Sama ka sa amin, Shiloah. Parang subsob ka na sa trabaho eh,” imbita ni Agnes. Napa-iling ako. “Hindi pwede -” my words were cut off with a familiar hand snaking in my waist. Nakita ko ang pagsunod ng tingin ng tatlong babaeng nasa harapan ko. Hindi rin nakatakas sa akin pasikong ginawa ni Agnes kay Kate. Ann cleared her throat. “Uh… K-kain na kami. Usap na lang ulit tayo m-mamaya,” paalam ni Agnes, hindi pinuputol ang paningin mula sa kamay ni Felix na nasa bewang ko. “Oo nga. Kain na tayo,” halakhak ko kunwari sabay hakbang palayo pero agad akong napabalik sa pwesto nang hindi ako hinayaan ni Felix na gawin iyon. Nanlalaki ang mata ko nang tinapunan ko siya ng tingin. “What are you doing?” I hissed. “What?” inosente niyang tanong. I furrowed my brows at him. With a hint of smile in his lips, he reached for my hand. “I really don’t get you, Shy,” he traced the veins in my palm, then tapped my ring finger. Mas lalong nangunot ang nuo ko. “What?” I don’t get what he meant by that. Umiling siya. “Let’s go eat?” yaya niya. Mabilis akong tumango. Midway, his phone rang. Hinugot niya ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa. Dahil nasa likuran niya ako ay nakita ko ang caller ID. “Mauna ka na sa dining hall,” sabi niya at tinalikuran ako. Kinagat ko ang labi ko. It’s Coraline. Bagsak ang balikat ay tinahak ko ang hapag-kainan. Sa mismong mesa ay naroon ang magulang ko, ang mga boss, kasama na rin si Bethany at Amanda, nagkukwentuhan at nagtatawanan pa. Napansin ko rin na may idinagdag silang mga mesa para sa mga kasama ko. “Mama, ang mga driver ba ng bus may pagkain na?” “Oo. Pinahatiran ko na kay manang Saling kanina, anak,” tumango ako, agad niyang binalik ang atensyon sa kausap. “Aw. Ang saya naman pala ng love story niyo. Kelan kayo magpapakasal?” rinig kong tanong nya kay miss Allona. “Bakit hindi ka pa kumakain?” tanong naman ni Amanda sa akin. Hinawakan ko ang tyan ko. Kanina ay nagugutom ako pero parang nawalan ako ng gana. Hinila ni Bethany ang upuan sa tabi niya. Sinunod ko ang senyas niya na umupo doon. “May nangyari ba?” Bethany asked. “Huh?” “What happened? Bakit lukot ang mukha mo eh kanina lang ang saya mo?” mahina ang boses nya. Sapat lang para marinig ko. I sighed. “Wala. Pagod lang siguro sa byahe.” Hindi siya naniwala sa sinabi ko. I know, because her expression says it all. “Medyo matagal na rin kasi simula ng huling uwi ko, di ba? Wala ‘to, pahinga lang kaunti tapos okay na ako,” I assured her. She stared at me for I don’t know how long. Sometimes, I hate how observant Bethany is, because just like Felix, she notices every tiny detail. One change in your action and she knows something is wrong. Para patunayan na ayos lang ang lahat ay kumuha ako ng plato at nilagyan iyon ng pagkain kahit na wala naman talaga akong balak kumain. Paunti-unti ay kumain ako pero panay rin ang lingon ko sa pintuan para tingnan kung bumalik na ba si Felix. I wonder what could it be they are talking about na kailangan ay umalis pa talaga siya para sagutin ang tawag na iyon. I understand that the room could be loud, but if it isn’t that important, magtatagal ba siya? Syempre hindi. Hanggang sa natapos ang laat kumain ay wala akong Felix na pumasok sa dining. I am very curious to what happened. Ano kayang pinag-usapan nila para piliin niya na manatili sa kung nasaan man siya sa labas. “Shiloah, nako, ikaw na bata ka talaga oh. Bitawan mo na iyan at lumabas ka na doon. Samahan mo iyong mga katrabaho mo, ilibot mo sila doon sa farm para maaliw naman sila sa mga hayop na naroon,” pamimilit sa akin ni manang Saling. I am down, my mood changed. Pero hindi ko pwedeng ipakita iyon lalo na’t mahala itong team-building para sa akin. Kaya para maibalik ang dati kong sigla ay tumulong ako sa paglilinis. “Kakatapos lang naman po nila kumain, kailangan pa nila magpahinga bago magsimula iyong first activity namin. Tulungan ko muna kayo rito,” binasa ko ang pamunas na hawak ko bago bumalik sa mesa para linisin ang mga pagkaing nahulog. “Kaya ko na dito. Kasama ko naman si Nina at Cory,” ang tinutukoy niya ay si ang bago naming kasambahay. Sabi niya ay kakapasok lang raw nila rito noong isang buwan. They were hired to help her do heavy chores, may katandaan na rin kasi. She’s been a househelp of my father’s family. Hindi na nagkaroon ng sariling pamilya kung kaya’t nanatili na lang sa paglilingkod sa amin. Nevertheless, I love her like my own family. “Manang, sige na, kayo na lang ang umupo doon tapos panuorin nyo na lang ako maghugas ng plato. Three days lang ako dito kaya dapat sulitin nyo na yung mga araw na makikita mo ako kasi alam ko naman na mami-miss mo ulit ako,” biro ko. Pabiro nya rin akong pinalo gamit ang kanyang tungkod. “Nakakapagtaka lang sa akin na gusto mong maghugas ng pinagkainan ngayon eh parang noong college ka, kahit panty mo hindi ikaw naglalaba,” tumawa siya. Nag-init ang tenga ko sa hiya. Binalingan ko si Nina at Cory na abala sa kani-kanilang ginagawa pero nakakahiya pa rin na marinig nila iyon. “Well, that was all in the past now. I grown up, manang. I’m independent now,” pagmamalaki ko. “Halata nga. Mabuti iyang pagiging independent para hindi ka umasa sa lalaki kapag ka mag-aasawa ka na. Teka nga lang, may boyfriend ka na ba, hija?” As if on cue, Felix came in. “Hihingi po sana ako ng tubig.” “Shiloah, hija, ako na diyan. Bigyan mo itong katrabaho mo ng tubig at sumama ka na sa kanya sa labas. Hula ko ay magsisimula na kayo,” kinuha niya mula sa kamay ko ang sponge. Hindi na ako nagpumilit pa. Hinugasan ko ang mga bula sa kamay ko. Tinungo ko ang ref at naghanap ng malamig na tubig. Nang nakakita ako ng bottled water ay kinuha ko iyon at inabot sa kanya. Ipinunas ko sa suot kong shorts ang basa kong kamay bago naunang lumabas. “Shy,” tawag niya mula sa likuran ko. “Hmm?” Walang tao sa living room maliban na lang sa ilang kasam-bahay na panay walis at linis sa mga dekorasyon. “Are you done eating?” tanong niya. Gusto kong matawa. Pinauna niya ako sa dining hall tapos magtatanong siya ngayon kung tapos na ba akong kumain? “Of course,” tipid kong sagot. Malapit na ako sa pintuan nang bigla niyang hinigit ang palapulsuhan ko dahilan kung bakit bigla akong napaharap sa kanya. His expression is serious. “May problema ba tayo?” “Nothing,” binawi ko ang kamay ko. “Tell me honestly, Shiloah,” may diin ang pagkakasabi niya ng pangalan ko. Nag-iwas ako ng tingin. “Wala nga.” Hinawakan niya ang mukha ko at muling pinaharap sa kanya. “What is it?” “I said it’s nothing. I-I was just… w-wondering kung bakit… hindi k-ka nakabalik agad?” napalunok ako. Tinitigan niya ako ng matagal. “W-who called?” “My sister.” I wasn’t expecting that. For him to lie. To hear him say it was his sister who called when in fact, I saw it was Coraline’s name that was registered on his phone. Aaminin ko, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. I was disappointed pero hindi ko ipinakita sa kanya na alam kong hindi totoo ang sinabi niya. Felix has been very honest because if he is not, then why would he say such insulting words to me back when I helped Agnes. Kaya hindi ko ito inaasahan. If only I hadn’t seen the caller’s name, I would have believed him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD