Felix became busy with our events. Siya ang nag-asikaso ng lahat. We talked about the participants for the team-building activity. Sinabi ko sa kanya na gusto ko kasali ang lahat na kanya namang inangalan. He told me we should consider the opinion of everyone. Ipinaliwanag niya sa akin na kahit gustuhin man ng lahat na makasama, meron at meron pa rin hindi makakadalo sa kadahilanang may mga responsibilidad silang hindi maiwan-iwan kabilang na ang mga pamilyado at may mga anak na walang mag-aalaga kapag umalis sila.
Of course, we argued dahil masyado ng iba ang mga plinano ko sa ginagawa niya. Still, I can’t stand my ground dahil may punto naman siya kaya sa huli ay pumayag rin ako sa lahat ng gusto niya. That week, we finalized everything. Kung tutuusin siya lang ang gumawa ng lahat at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko para roon. Kung matutuwa ba dahil naging madali para sa akin o maiinis dahil pakiramdam ko ay inangkin na niya iyon. Ang sabi niya ay magtutulungan kaming dalawa para sa outreach program sa Kalinga pero wala naman siyang sinasabi sa akin na gagawin ko.
“Sige, ngayon din ay ipapahanda ko ang lahat, anak,” mama said while smiling brightly in front of the screen.
Ngayon-ngayon ko lang sinabi sa kanya na gagamitin ko ang bahay at ang farm bilang venue ng activity. Akala ko ay magagalit siya syempre parang biglaan ang naging paalam ko.
“Oy, oy, oy. Ano yan?” dinig ko ang boses ni papa. Nilingon siya ni mama at saka sinenyasan na lumapit sa kinaroroonan niya. Pawisan ang pang-itaas na damit at maputik naman ang suot na pantalon, inilapit niya ang mukha niya sa monitor. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Nang rumehistro sa kanya kung sino ang nasa screen ay napalitan ng malawak na ngiti ang nakasimangot niyang mukha.
“Shiloah!” magiliw niyang tawag sa akin.
“Papa,” pinunasan ko ang namumuong luha sa gilid ng mata ko. Sa ilang beses nilang tawag sa akin para pilitin na umuwi ay ngayon ko lang naisipan na I-video call sila. Technology is much more advanced than before and I feel guilty because I deprived them the attention they need from me.
“Ano, kailan ka uuwi?” hinalikan niya sa noo si mama. Siguro ay kagaaling niya lang sa taniman, base na rin sa hitsura niya. Sa mahinang boses ay sinagot siya ni mama dahilan ng kanyang pagkatuwa.
“Talaga?” humalakhak siya, “Nako! Ang tagal ng tinatanong ng mga tauhan kung kailan ka babalik, eh. Hindi na raw nila maalala ang maganda mong mukha.” Mahina siyang hinampas ni mama. Natawa naman ako sa kanilang dalawa.
I spent that night talking with them. Sinabi ko kay papa na ihanda ang mga kabayo dahil baka ilan sa mga kasamahan ko ay subukan ang horse-riding. Si mama naman ay naging abala na sa paghahanda ng mga kwarto. Tulad ng sabi ko ay malawak ang bahay. Sinadya talaga iyon ng yumaon kong lolo at lola dahil mahilig sila sa pagtitipon pero nang namayapa sila ay naging tahimik na ang bahay dahil gusto ni papa ang simple at payapang pamumuhay. So when she met mama, they focused on farming only.
Naging abala ako sa trabaho na hindi ko na nabigyan ng pansin ang pamilya ko. What’s worse is that sometimes, I ignore their calls. I became busy adulting and growing up that I forgot they are also growing old. And despite the age, they are working hard in the farm they own. Mga hayop, gulay, at prutas na pananim man ang pinagkakaabalahan nila, mabigat na trabaho iyon at iyon ang hindi alam ng nakararami. Pinaghirapan at pinagyaman nila ang kung ano man ang meron sila.
Now, looking at their happy faces while being sweet towards each other, makes me wish for a love like theirs.
Nag-usap pa kami tungkol sa kung ano-anong bagay. Ayaw pa sanang ibaba ni papa ang tawag pero nang sinabi ko sa kanya na kailangan ko pang ihanda ang mga gamit na dadalhin ko ay siya na mismo ang nagpaalam.
“Okay. Can we fall in line please,” Felix asked na agad namang sinunod ng lahat. Pinagpag ko ang suot kong shorts at saka tumayo para pumila na rin pero pinigilan niya ako. “Stay there,” utos niya. Muli akong umupo sa mataas na bahagi ng sahig sa harapan ng Vera building at naghintay ng sasabihin niya. Nang nakita niya ang pwesto ko ay hinubad niya ang suot niyang jacket at saka hinagis sa may hita ko. Tiningala ko siya para tanungin sana kung para saan iyon pero ang atensyon niya ay nasa harapan na kaya inayos ko iyong jacket para tabunan ang parte ng hita ko. Palagay ko ay iyon ang ibig niyang gawin ko.
“Before riding the bus, we will headcount first, mula sa akin, susundan ni Shiloah tapos ay susunod na yung nasa harapan at suno-sunod na. Am I clear?” nagsitanguan ang lahat kabilang na ako kahit hindi niya nakita. “Ganito rin ang gagawin natin sa araw ng pag-uwi,” dagdag pa niya.
“One…”
“Two…”
“Three…”
Pagkatapos ng headcount ay nagsimula ng magsiakyatan sa bus ang mga sasali. We only have 50 participants out of hundreds of employees. I was a little sad pero tulad ng sabi ni Felix, they might have more priorities other than this. I sighed.
Pinatong ko ang pinagkrus kong mga braso sa tuhod ko, doon ay nagpangalumbaba ako habang tinitingnan ang pag-akyat nila sa bus. I was looking for Eion. Hindi ko na siya nakikita sa loob ng building nitong mga nakaraang linggo and I am afraid that he’s angry with me. Ilang beses ko rin siyang ni-text at sinubukang tawagan pero kahit isa ay wala akong natanggap na reply mula sa kanya.
“Shy,” nilapitan ako ni Bethany, “Anong ginagawa mo diyan?”
Tinuro ko si Felix na nasa may bus, “That man told me to stay here.”
“What now? Sinusunod mo na siya ngayon? Last time you were together, puro sarkasmo lang ang binibigay nyo sa isa’t-isa,” she chuckled.
Wala pa akong sinasabi sa kanila ni Amanda. Hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin, kung saan magsisimula. Amanda, even though she told me I would fall for this man, would still probably be shocked. While Bethany, she’s always been observant of her environment and sensitive with everyone’s feelings. The cafe incident, when I saw Coraline cling in Felix’s arms, I know Bethany had hint of my feelings. That two had always known me more than I know myself. I smiled at her.
“Shy, come on,” hindi ko namalayan ang paglapit ni Felix sa amin. Bumagal ang paglalakad niya nang nakita niyang nasa harapan ko ang kaibigan ko. “Hi,” he greeted her. Tango at ngiti naman ang sinukli ni Bethany.
“Are you two going together?” tanong niya kay Felix. He nodded as an answer. “Kung ganoon, sasabay din ba kayo sa kanila? Sa bus?”
“Hindi. I’ll use my car to get there. She’ll be with me.”
Hindi ko mapigilan matuwa sa narinig ko. Really? That means, we’ll have a private moment together. I giggled. Tumikhim ako nang sabay nila akong nilingon. Inabot ni Felix ang kamay niya sa akin. Kinuha ko muna ang jacket niya na nakapatong sa hita ko bago ko inabot ang kamay niya. Hinila niya ako patayo.
Nagulat ako nang pinatalikod niya ako at siya na mismo ang nagpagpag ng shorts ko. And that whole time, Bethany is looking intently at what he was doing. Nang nagtama ang paningin namin, with her judging eyes, she grinned.
“Well, Shiloah looks… good,” she commented. Iniangat ni Felix ang paningin sa kanya pero hindi ito sumagot. Maya-maya lang ay lumapit na rin si miss Allona at sir Paul sa amin.
“Bethany! We have been looking for you! Kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala,” nahahapong sabi ni miss Allona. “Oh, kayo pala iyan, Shiloah, Mr. Aragon,” she said, acknowledging our presence. “The weather is very fine today. I am looking forward to how this activity will turn out, Shiloah. Excited na rin ako sa mga hinanda ninyong dalawa. Just thinking about it makes me start to like this team-building!”
I smiled although hindi ko alam kung masusunod pa rin ba yung mga laro na hinanda ko because as I have said, Felix had his hands on this. Nonetheless, I know this will not turn out bad. He is Felix after all.
Nagkatinginan kami ni Bethany. She knows that I have been long-preparing for this but she had no idea that Felix “helped” me for this one. I wonder what her reaction would be. In a normal circumstance, what Felix did will appear as romantic. However, regardless of my feelings towards him, I am clear to my goal.
“Did you contact your parents about this, Miss Mendez?”
Napabaling ako kay Mr. Paul.
“Yes, sir. They were very excited about this, honestly. This will be the first time since long that the manor will be occupied by a large crowd,” sagot ko. Tumango siya.
“So, are we going now?”
“Yes, sir,” si Felix ang sumagot.
“Right. Are we going together? The five of us?”
Umiling si Felix. “I brought my car. Shiloah will be with me. We will lead the way.”
“Well, we can do that together, right? Available ang mga company driver, Mr. Aragon, so you don’t have to do all this --” Sir Paul covered Miss Allona’s mouth to keep her from saying more tapos ay may binulong siya rito dahilan kung bakit napako ang paningin niya sa akin at ngumisi. “Okay. Kung ‘yan ang gusto mo. Let’s go Paul, Bethany…” she smiled at us before going their way.
“Is that your bag?” tinuro ni Felix ang maleta na nasa likuran ko. Binalingan ko ito bago siya tinanguan. “Really?”
“Oo nga! Bakit ba?”
“Bakit ang dami mong dala? Balak mo bang doon na tumira?” nangunot ang noo niya.
“Excuse me, doon na ako nakatira no! At saka, I’ve brought all my essentials. Paano pala kapag may kailangan ako na gamit ko na wala doon hindi ba?” tumaas ang kilay niya tapos ay ngumiwi.
“Tara na nga! Hold that for me, okay?” sabi ko at nauna nang maglakad papunta sa mga nakahilerang sasakyan sa labas ngunit agad din akong tumigil nang hindi ko matandaan kung nasaan ang sasakyan niya. Nilingon ko siya. He looked cool carrying my pink suitcase using his one hand while the other is on his pocket.
His hair, in a pony tail is blown by the city wind, and even with its length, he still looked manly. Mabagal ang paglalakad niya kagaya ng mga napapanuod kong commercial sa telebisyon. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. And in that moment, the only thought I had is that I have to capture this moment.
Agad-agad kong kinuha ang ceelphone ko na nasa bulsa ko at ni-open ang camera. Mabilis at maraming beses kong pinindot ang capture button para marami akong makuha na litrato.
“Stop it,” he covered his face using his hand pero imbes na tumigil ay nagpatuloy ako. Hanggang sa nakalapit siya ay patuloy ako sa pagkuha. Nilapit ko pa lalo ang camera sa mukha niya. Sinimangutan niya ako. Tiningnan ko ang huling kuha ko kung saan blangko ang mukha na diretso ang tingin sa camera. Nang nakuntento ay ibinalik ko na ang cellphone sa bulsa.
I smiled at him.
While he put my suitcase in the trunk, I waited for him inside his car. Muli kong kinuha ang ceelphone ko para tingnan ang mga litrato. At kahit halos lahat doon ay hindi siya nakangiti, hindi pa rin maitatanggi ang kanyang magandang mukha. Ganitong mukha at ganitong tindig ang mabenta sa mga babae, eh. Hindi ko lang alam kung meron ba sa Vera o sa AGO ang nagkakagusto sa kanya. His features are not very friendly pero sigurado akong marami pa rin ang nagkakandarapa sa muhang ito. Naabutan niya akong ganoon ang ayos.
“Man, you are no fun. Kahit isang beses ay hindi ka man lang ngumiti dito,” I continued swiping. Hindi siya sumagot kaya tiningnan ko siya sa gilid ng mata ko. He’s maneuvering the car. Maya-maya lang ay nagsimula ng umandar ang sasakyan.
“Do you have an i********:?” I asked him. Diretso ang paningin niya sa kalsada ay umiling siya.
“No. Why?”
I pouted.
“You know, I didn’t know you and your dearest puppy lover were popular among others. They even know she’s back to get you,” I glanced at him, “so I was thinking, we could spread the word that you’re no longer available through social media…”
“You’re really serious about it huh,” he smirked.
“Of course, I am! I told you my reasons didn’t I? I am just… ano… concern with your profession.”
Mabils niya akong nilngon pero agad ding binaik ang paningin sa kalsada.
“Anyway, I think it would be better if you have social media right? So we can post meaningful photos,” naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko sa sinabi kaya para maitago iyon ay nag-iwas ako ng tingin. Nagpanggap akong may ginagawa sa cellphone ko.
“Gagawa ako…” napa-angat ako ng tingin sa kanya. Unti-unting sumilay ang mga ngiti sa labi ko.