“I… I w-want to help you…” sambit ko. “Come to think of it, Felix. You are not working diligently anymore like you used to do,” I commented.
“Uh-huh. Bakit mo nasabi iyan?” humigpit ang yakap niya. Nang nilingon ko siya ay nagtama ang paningin namin at halos maduling ako sa sobrang lapit namin sa isa’t-isa. Tumatama ang hininga niya sa mukha ko at amoy na amoy ko ang mint flavor.
“Because… Because you’re always, always with her whenever she’s comes. Ang sabi mo, whatever you two have was all in the past and yet you keep entertaining her still.”
“I can’t just shoo her away, Shy. After all, she’s a friend.” Tumango ako.
“I understand. But don’t you think it’s a little unprofessional? This is your working place and yet you allow her to consume your time with whatever you two were always talking about when you should be working instead.” Napa-isip siya sa sinabi ko. “Isa pa, if I am not mistaken, you don’t want her anymore. Right?”
“Is that why you wanted to be my girlfriend?” aniya.
Tumango ako bilang sagot. “Let me play-pretend to be be your g-girlfriend. M-maybe kapag nalaman niya na may m-mahal ka ng iba, maybe titigil na siya. Don’t you think?” halos bulong ko.
I don’t understand why but it feels a little embarrassing to speak the word mahal. Kasi sa totoo lang hindi pa naman talaga ako nagmahal ng isang lalaki. I’ve never been in a relationship. In my college years, naranasan ko na din naman maligawan but I’m too focused with having a career and I am contented spending my time with Bethany and Amanda alone.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon na ipinapakita ni Felix. Blangko ang mukha niya at malalim ang titig sa akin. Nginitian ko siya.
“I don’t think it’s a good idea, Shy,” sa wakas ay sagot niya. Pero napawi ang ngiti ko nang marinig iyon.
“B-bakit?”
Umiling siya. “It’s like you’re telling me to use you.”
“Parang ganon na nga, but it’s not like you will be using me without my knowledge!” pursige ko. Bumuntong-hininga siya ng malakas.
“No, Shy,” deklara niya. Nalukot ang mukha ko.
“No? As in no? As in, hindi, Felix?” I unwrapped his arms around me. Tumayo ako at hinarap ko siya. “Pero bakit?” napataas ang boses ko. “That only means one thing, Felix. You refuse to because you don’t want her away. Right? Ganoon ba?” akusa ko sa kanya.
“No. That’s not it,” I saw him licked his lips and tried to reach me but I stepped away from him. Umiling ako.
“I see no reason for your refusal except for that one. Nothing more.” Napalunok ako. “I-I’m just offering you s-some h-help. Pansin ko kasi na palagi siyang nandito and you might be uncomfortable with it. So I’m just trying to help you resolve your problem through me. I’m just trying to be a good f-friend here,” dagdag ko pa. He looked at me, amused. Ngumuso ako. “What? Speak something!” but instead, he smiled at me.
“Come here,” muli ay sinubukan niya akong abutin and hesighed loudly when took a step further away from him. “I… I can’t agree with your idea, Shy. That’s just so… lowly to use someone --”
“Are you calling me lowly, Felix?!”
“What? No! That’s not what I meant, Shy. Don’t shout. Come here and let’s talk calmly, please.”
Mabilis akong umiling.
“Come on. Think about it. A-ayaw mo ba ng ganon, she’ll leave you alone, without telling her that she should because you’ve got a girlfriend - which is me. This is not something serious you know, unless you really like me,” halos mabulunan ako sa sinabi ko, “Anyway, we will be just be pretending and poof! She’s gone! So what’s the harm?” pangungumbinsi ko pa sa kanya.
I don’t really know how do I sound pero base sa mukha niya ay parang katawa-tawa ang naririnig niya mula sa bibig ko. Nakatitig lang siya sa akin habang pilit na itinatago ang mga ngisi na pilit sumisilay sa mga labi niya. I crossed my arms as I watched him bit his lower lip and play in my swivel chair.
“Then what will happen kapag hindi siya umalis? Kapag hindi niya ako tinigilan? If she continues to linger around me?” he asked.
Napaisip ako sa sinabi niya. Bumuka ang labi ko para sumagot pero walang lumabas na salita mula rito, dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga naisip ang mga posibilidad na iyon. Napanguso ako.
“Um… if that really happens, w-we can figure out kapag nasa sitwasyon na talaga tayo. ‘Diba?”
Sa mahina niyang pagtawa ay lumundag ang puso ko. Since when did he start chuckling and laughing in front of me without having to insult and tease me first? I don’t know.
“And what happens next kapag tuluyan na nga niya akong nilubayan?”
Of course, we will be living happily ever after! Ngumisi ako. Sabay kaming pupunta at uuwi mula sa trabaho. Kakain sa labas tuwing weekend o tuwing may free time at kukuha ng maraming-maraming litarto. Humalakhak ako. Naiisip ko pa lang na sa huli ay totoong magiging kami ay gusto ko nang mangisay sa kilig.
“Syempre magiging masaya ka na ulit at… at… at magiging maayos na ulit ang pagtatrabaho mo, hindi ba? Babalik ka na sa normal.”
Gosh, please! The lies I speak is already way too difficult for me. Do I think I can really survive the following days if in case he accepts my offer? I mean, there’s no way I am going to confess my feelings towards him.
If what I’m feeling is just for a fleeting moment, then I am getting rid of this through being with him and without him knowing about my true feelings. Pero kung hindi, at magiging matagumpay ang plano ko na alisin si Coraline sa buhay niya, edi masaya.
He rested his chin in his fist and then looked up at me. Dahan-dahan siyang tumango.
“Then I guess, I’ll give this a shot,” he sgrinned. Nanalaki ang mata ko.
“Talaga?!” I said squealed. “Talaga? Pumapayag ka na? I’ll be your girlfriend?” masyado akong naging masaya na pumayag na siya na hindi ko na na-realize na parang mali ang sinabi ko. Hilaw akong ngumisi. “B-but really… totoo ba? You’re finally agreeing?”
“Yes, Shy,” tumayo siya “besides, we will just be pretending right?”
“O-oo naman. Yes… of course,” I stammered. Naglakad siya papuntang pintuan at bago tuluyang lumabas ay nilingon niya ako.
“I hope this time, we’ll have a proper meal together, Shy.”
Nang nawala siya sa paningin ko ay nag-isip ako ng mga bagay kung saan ako mag-uumpisa as a play-pretending girlfriend of his. Sobrang daming ideyang pumapasok sa isip ko na hindi ko na alam kung ano ang unang gagawin at saan. I am overwhelmed and this is making me crazy.
Alam kong mahihirapan ako sa pagkumbinsi kay Felix dahil matalino siyang tao at sigurado ako na hindi siya basta-basta papayag nang hindi nalalaman ang dahilan at iniisip kung ano ang magiging resulta noon. Akala ko ay aabutin pa ako ng mga ilang araw pero mabuti na lang at masyado ko namang ginalingan para mapapayag ko siya ng agaran. Tumawa ako. Sumasayaw-sayaw ako pabalik ng swivel chair na inupuan niya kanina at nakangiting pinagpatuloy ang trabaho.
Tuluyan nang nawala sa isip ko Eion at ang nangyari sa fast-food na pinuntuhan namin. Tuluyan na ngang sinakop ni Felix ang utak ko.
Naalala kona lamang iyon nang nakauwi na ako sa bahay.
To: Eion
Message: Hello, Eion. I’m sorry about earlier.
Naghintay ako ng ilang minuto para sa reply niya na hindi dumating. Kinaumagahan noon ay ilang beses ko siyang nakasalubong sa loob ng building. Sinubukan ko siyang kausapin pero naramdaman ko ang pag-iwas na ginagawa niya kaya hindi na ako muling sumubok pa.
Malamang ay may sama nga siya ng loob sa akin dahil sa ginawa kong pag-iwan sa kanya. Oo nga at inawat ko silang dalawa ni Felix sa posibleng kaguluhang nangyari pero baka naisip niya na mas kinakampihan ko si Felix dahl siya ang hinila ko palabas ng establishment na iyon. Pahuhupain ko na lang siguro ang inis niya sa akin bago ko siya muling subukang kausapin.
Bumalik ang pag-iisip ko kay Coraline. Naka-isip na ako ng mga gagawin ko kapag sakaling nariyan siya pero lumipas ang mga arw at linggo ay wala akong nakitang ni anino niya. Naisip ko tuloy na baka pinagsabihan siya ni Felix na ‘wag nang tumungtong pa dito kahit kailan dahil sa plano ko. Napasimangot ako.
“Shiloah,” tawag ni Felix sa akin, “Nakikinig ka ba?” tanong niya. Napaayos ako ng upo sabay baling ng tingin sa screen monitor ng laptop niya. Kasalukuyan akong nasa loob ng opisina niya para marinig ang plano niya para sa project ko. Oo, plano niya para sa team-building project ko.
Hind ko rin alam kung bakit siya ang nag-aayos ng mga details pero ang sabi niya ay para mas madali daw gumawa ng report. Ang ibig ba niyang sabihin isa lang sa amin ang gagawa ng report para sa dalawang project? Does that even make sense to me? Of course not! Nagtalo pa nga kami but because he’s him, he had his way to force me to hear him out.
“Pero Felix, this is my project. Don’t you think this is wrong? We are both competing for that one position so why are you doing this?” I expressed my concern dahil sa totoo lang ay hindi ko talaga maintindihan kung bakit.
Yes I know I told him that we have to pretend to be in a relationship but I don’t think he have to get this far just to play his role. Alam ko na ako mismo ang naghain ng sarili ko sa kanya but that doesn’t mean that I am giving away that position to him. Kahit pa sabihin kong gusto ko siya, I still know what I want. And I always get what I want.
“Isipin mo na lang na gusto kitang tulungan, Shiloah.”
“Pero kaya ko naman, eh,” sagot ko.
“I know, pero you have to help me too,” he announced. Nangunot ang noo ko. Now, this doesn’t feel right. He never asks for help you know, if I know sinasabi niya lang ito para mapaniwala ako. Sinimangutan ko siya.
“Pero kung kailangan ko naman ng tulong, I know miss Allona will surely help me naman eh.” Umiling siya.
“They are busy with their wedding and the merging already, Shy. Katulad mo ay marami rin akong gagawin. Ilang buwan na lang ay matatapos na ang taon, I-re-review ko ang lahat ng finance status and report ng kompanya. I just want to get this over with kaya, please,” napa-isip ako sa siabi niya.
Totoo nga. Busy na si miss Allona sa wedding niya. Noong isang araw na pinuntahan ko siya para sana konsultahin siya para rito ay nakita kong naroon sa opisina niya ang wedding planner kaya hindi ko na lang tinuloy. Tuwing weekend ay nakasanayan ko nang palaging naroon si Amanda at Bethany sa bahay ko para magliwaliw pero nong nakaraan ay si Amanda na lang ang tumutuloy dahil palaging kasama ni miss Allona si Bethany sa kaliwa’t-kanang appointment at meetings nito.
Also, miss Allona told me in advance na isa ako sa magiging bridesmaids niya kaya excited din ako para roon. Lumipad ang utak ko sa magaganap na kasalan. Panigurado ay magiging maganda siya sa gown na napili niya. Na-imagine ko rin ang magiging lakad niya papuntang altar. Ano kaya ang susuotin ko? Magpagawa din kaya ako? Syempre dapat maganda din ako ‘no. Gusto ko sanang maging partner si Felix sa entourage ng mga bridesmaids at groomsmen pero hindi ako sigurado kung kasali ba siya.
Napatalon ako sa gulat ng hampasin ni Felix ang mesa niya.
“You’re mentally absent, Shiloah. Tell me, anong iniisip mo huh?” napangalumbaba siya para ituon ang atensyon sa akin. Sinuklian ko ang tanong niya ng alanganing ngiti.
“Nothing. So, nasaan na tayo ngayon?” pag-iiba ko ng usapan. Mariin niya akong tinitigan bago ibinalik ang paningin sa laptop niya.
“I want the team-building to happen before the outreach program. What do you think?”
Nilatag ni Felix ang ideya niya na gusto niyang mangyari sa magaganap na team-building. Alam na alam niya ang dapat gawin at pati ang dapat ayusin na para bang siya ang pasimuno nun at kahit pinakamaliit na detalye ay wala siyang pinalagpas.
“I think a two-day team building activity would be enough. Hindi na dapat pahabain pa -”
“Pero I revised it right? The main purpose of that activity is to serve as a vacation, Felix. Kung gagawin mong two days parang napakabilis naman non. Parang hindi naman talaga nabigyan ng oras makapagpahinga ang lahat,” putol ko sa sasabihin niya.
“Okay. Three days -”
“What? Four!”
“Three. Kung hindi ka papayag we will stick to two days.”
Sumimangot ako. “Fine.”