It's you

2487 Words
Umawang ang labi ko sa gulat. Sa nanlalaking mata ay nilingon ko siya na ang paningin ay diretso sa akin. Teka lang, ha? Oo nga at inalay ko ang sarili ko sa kanya pero hindi pa namin ito napag-uusapan kaya bakit niya ako inaangkin? Does that means, may gusto rin siya sa akin? Gusto kong humalakhak pero hindi ko ginawa. Napaikit ako at umiling. Hindi ako makapaniwalang sa mga oras na ito ay nagagawa ko pa talagang makapag-isip ng kalokohan. Nagkatitigan kami ni Felix. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong pabalik-balik ang tingin ni Eion sa akin at sa kay Felix pero hindi iyon naging sapat para sa aming dalawa para putulin ang tinginan namin. Kung hindi lang binaggit ni Eion ang pangalan ko ay paniguradong mananatili akong ganoon. “Shiloah.” “Huh?” I cleared my throat. Napabalik ako sa reyalidad. Tiningnan ko ang magkabilang braso ko na pareho nilang hawak. “Bitawan nga ninyo ako,” alam kong maganda ako pero please naman. Wag niyo akong pag-agawan. Iyon ang gusto kong sabihin pero hindi ko tinuloy. “Bitawan mo daw siya, Eion.” “Ikaw ang bumitaw sa kanya, Felix.” Nangangawit na ang kamay ko at malapit na din akong mainis sa dalawang ito. “Bitawan ninyo ako pareho!” sigaw ko pero pareho silang matigas. Matalim ang titig nila sa isa’t-isa at parehong walang balak magpatalo. “Isa… dalawa… tatlo… Felix ano ba!” He clenched his jaw at dahan-dahan ay pinakawalan niya ang braso ko. Sunod naman ay binalingan ko ang isa. “Eion, please.” “Hay nako!” salitan kong minasahe ang mga braso ko nang nakitang namumula na ito. “Saan tayo kakain?” tanong ko. “May alam akong bagong bukas na restaurant. Ang sabi ng mga kaibigan ko masarap daw doon. Gusto sana kitang dalhin doon, kaya lang medyo malayo dito, Shy” sagot ni Eion. “Tss,” si Felix. “Bakit pa pupunta sa malayo kung marami namang kainan dito,” singit ni Felix sa likuran ko. “Bakit pa kasi sumasama eh dalawa lang naman sana tayo, Shy,” pasaring naman ni Eion. “Shiloah, dito na lang tayo. The restaurant in that -” “Stop it!” putol ko kay Felix. Huminga ako ng malalim. Kanina pa ako naririndi sa walang tigil nilang pagtatalo. “Sumasakit na yung ulo ko sa inyong dalawa!” “I’m sorry, Shy” ani Eion. “You know what, Shy, ikaw na lang pumili kung saan mo gusto kumain,” dagdag niya. Napa-isip ako at kalaunan ay mabilis na pumayag. Tinungo ang kotse ko at naunag lumabas ng parking lot. Magkasunod ang sasakyan naming tatlo. Nauna ako, sumunod ay si Felix, at sa hulihan naman ay si Eion. Nagmistula tuloy kaming convoy. Napailing ako. Pinili kong kumain sa kilalang fast-food restaurant kung saan kahit saang branch ay nakatayo ang kanilang signnature character na mataba at pulang bubuyog. Naghanap ako ng parking space tapos at nauna na akong pumasok sa loob ng restaurant. Mabilis din ang kilos ng dalawang kasama ko dahil nang lumingon ako para silipin sila ay naroon na sila sa llikuran ko. “Are you kidding me, Shiloah? Kiddie restaurant talaga?” Felix groaned. “Nagrereklamo ka ba?” bulong ko dahil maraming tao. Lunch time at malapit sa school kaya halos ang mga kumakain ay mga bata kasama ang mga magulang nila. Paborito itong kainan ng mga bata. “Um, excuse me, Shy. Alam ko sinabi ko na ikaw na pumili pero mukhang marami yatang tao,” ani naman Eion. Mukha ngang ayaw talaga nilang dalawa dito. Hinarap ko sila at parehong nginitian. “Kung hindi sana kayo nagtalo kanina eh di sana wala tayo dito, hindi ba? Bagay lang sa inyo na dito kumain total ay umaasta naman kayong mga bata!” singhal ko sa kanilang dalawa sabay talikod. Iniwan ko silang dalawa at naghanap ng counter na kaunti ang pila at doon luminya. Nakalimutan kong tanungin kung ano ang kakainin nilang dalawa kaya nilingon ko sila. Gusto ko na lang matawa nang nakita kong pareho silang nakatayo sa malayong agwat. Felix with his sut, looked very out of place, diretso ang titig niya sa akin habang nililibot naman ni Eion ng paningin niya ang buong lugar. Napalunok ako. Tinuro ko si Eion at sinenyasan silang dalawa na lumapit sa akin. “Anong kakainin nyo?” tanong ko. Tiningnan ni Eion ang menu sa harapan namin. “Kahit ano,” walang kwentang sagot ni Felix na sinimangutan ko naman. “Walang “kahit ano” dito, Felix. Tingnan mo ang menu at pumili ka. Bilisan nyo, ako na ang susunod oh.” “Ah, I’ll get burger steak and chicken,” Eion announced. “Felix?” tawag ko. He licked his lips and stared straight into me. Wala siyang napili, I know. I rolled my eyes at him. “Sige na, umalis na kayo. Ako na,” I shooed them. “Ako na magbabayad,” sabat ni Eion sabay abot sa akin ng dalawang libo. “Hindi na, Eion. Ako na,” sabi naman ni Felix sabay abot din ng pera, same amount. Kinamot ko ang ulo ko. “Ako na! Umalis na kayo, maghanap kayo ng mesa doon sa taas.” “May gusto ba sa inyo ang dalawa ng iyon, ma’am?” usisa ng cashier. “Ah hindi, wala, Miss. Ganoon lang talaga sila.” “Asus si Ma’am, dine-deny pa,” tukso niya humagikgik pa siya. Ngumisi ako pero hindi ako natutuwa sa kanya. “Alam mo, Miss. “Wag mo na lang kaya kunin ang order ko. Umalis ka na lang dyan sa counter tapos hanap ka ng upuan, kwentuhan na lang tayo,” sarkasmo kong suhesityon sa kanya. Nabasa niya siguro ang hindi pakatuwa sa mukha ko kaya humingi siya ng paumanhin at inayos ang pagtatrabaho. Binigyan nya ako ng number at ihahatid na lang daw ng crew sa mesa ang pagkain. Umakyat ako sa taas para hanapin ang mga kasama ko. Nakita ko sila parehong nakatayo sa gilid ng bakanteng lamesa. Nagtataka man ay nilapitan ko sila at nang nakita nila akong papalapit ay sabay nilang hinila ang upuan. “Dito ka, Shy.”/”Sit here, Shiloah.” sabay nilang sabi. Ilang oras pa lang kaming magkasamang tatlo ay napapagod na ako. Hindi pa rin natatapos ang pagtatalo nilang dalawa at hindi na normal ang nangyayari dahil kung babalikan ang mga araw na magkasama kami ay hindi naman humahantong sa ganito. I sat at the chair across them. Ang bag ko ay inilagay ko sa bakanteng upuan sa tabi ko para hindi ma-ukupa ng kahit sino sa kanilang dalawa. “Tabi kayong umupo,” utos ko. Padarag na inatras ni Felix ang upuan kung saan naglikha ito ng malakas na ingay dahilan kung bakit naglingunan ang mga tao sa amin. Hinilamos ko ang mga palad ko sa mukha ko at pagod na tiningnan si Felix. “I’m sorry,” he mouthed. Hindi nagtagal ay inihain na din ang pagkain namin kaya nagsimula na kami. Hindi ko lang masigurado kung gutom na gutom ba silang dalawa o nasarapan lang sa pagkain dahil hindi umabot ng sampung minuto ay tapos na silang kumain pareho. “I’m full. Thanks, Shy. Sa susunod sana ay yung tayo lang dalawa,” ani Eion. Nakangiti na siya ngayon pero muling nagbago ang timpla niya nang painsultong humalkhak si Felix. Kung ako rin ang sa lagay ni Eion ay maiinis ako dahil bakit siya tumatawa? Eh, wala namang nakakatawa? “I’m sorry,” pinunasan niya ng tissue ang labi niya bago nagpatuloy “iyon ay kung may next time pa,” makabuluhang dagdag ni Felix. Eion smirked. “Bakit ka nga ulit sumama dito, Felix, pare?” nagkatitigan silang dalawa at sa sobrang riin noon ay aakalain mong may kuryente sa pagitan nilang dalawa kagaya ng mga napapanood ko sa mga pelikula. I cleared my throat para agawin ang atensyon nila pero hindi sila nagpatuloy sila. “Bakit ka nga din ulit dikit ng dikit kay Shiloah?” bawi ni Felix. Masama na ang pakiramdam ko sa dalawang ‘to. Pakiramdam ko kung magtatagal pa ang walang kwentang sagutan nilang dalawa ay magsusuntukan na sila anumang oras. “Felix, Eion, tara na!” aya ko sa kanilang dalawa pero parang hindi nila ako narinig. “Ano bang pakialam mo, Felix? Hindi ka naman dapat kasama dito, ah? Bakit? Iniwan mo ba doon yung babaeng palaging pumupunta sa’yo?” dire-diretsong sabi ni Eion. “Tumahimik ka, gago,” mahina man ang boses ni Felix nang sinabi niya iyon pero ang tono nito ay tunog makikipag-away. Okay! This is it! Hindi na pwede ang nangyayaring ito. “Felix, Eion, please -” naputol ang sasabihin ko nang tumawa si Eion. “That girl was visiting you almost every day, dude. Ano? Ikaw na ba babae ngayon? Ikaw na nililigawan? Why don’t you just entertain her? Kesa nangingialam ka sa amin ni Shiloah,” napalakas na ang boses ni Eion at nagsisimula na rin magbulungan ang mga customer na natitira. I saw Felix gritted his teeth. Doon na ako kinabahan. Malakas ang pakiramdam ko na hindi ko na sila maaawat pa kapag hinayaan ko sila kaya tuluyan na akong tumayo at hinaklit si Felix sa braso. Dahil mas malaki siya sa akin ay natural na hindi ko siya mahihila agad. Kung hindi lang ako bumulong sa kanya ng pagmamakaawa ay hinding-hindi siya aalis sa harapan ni Eion. Nang tuluyan kaming nakalabas ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Tinitigan ko ang mukha niya kinalas ko ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Napailing ako at tinalikuran siya. “Shy…” tawag niya pero dire-diretso ang lakad ko sa sasakyan ko. Pagkapasok ko sa loob ay agad kong pinaandar ang makina at pinaharurot iyon palayo doon. Naisipan kong umuwi dahil pakiramdam ko ay ubos na ubos ang enerhiya ko at wala na akong natitirang lakas pa para bumalik sa opisina pero naaalala ko ang mga preparasyon sa team-building kaya kahit pagod na pagod na ang utak ko ay pinilit ko ang sarili ko. Napagpasyahan kong magpahinga muna ng ilang saglit bago muling magtrabaho. Pabagsak akong umupo sa swivel chair at pumikit. Shortly after that, narinig ko ang pagbukas ng pinto. Inatake ng pamilyar na pabango ang ilong ko. That’s when I realized that I don’t have to open my eyes just to see who was it, because his scent is enough to recognize him. “What was that all about, Felix?” tanong ko, hindi inabala ang sarili na buksan ang mga mata. Hindi siya nagsalita. Ilang segundo ang lumipas na wala pa rin akong natatanggap na sagot ay doon ako unti-unti dumilat para lang matunghayan ang malalim niyang pagkakatitig sa akin. His gaze were so intense it’s making my heart beat aggressively. Nag-iwas ako ng tingin. “Bakit mo kailangang gawin iyon, Felix?” tanong ko ulit. “Ang alin, Shiloah?” tanong niya pabalik. I equaled his intense gaze. “Hello? Ang lahat-lahat kanina? Ano? Bigla ka bang nagka-amnesia na hindi mo na maalala ngayon?” “Why? What did I do?” pabalang niyang tanong. I rolled my eyes at him. Pinaglalaruan niya ba ako? Tumayo ako. “Oh, please, Felix! Don’t play that s**t on me. Tigilan mo na ‘yang pagmamaang-maangan mo!” I yelled at him. Umawang ang labi niya. Tila hindi mapaniwalaan ang narinig na mga salita mula sa labi ko. “Don’t yell, Shiloah,” kalmadong utos niya. Sa malalaking hakbang ay nakalapit siya sa akin. “Because you’re frustrating me! You were acting up, Felix!” dinuro ko siya “We were in a public place. Can you imagine that? Nakakahiya iyon sana ramdam mo!” sigaw ko pa. “Kung hindi ka sumama sa kanya, I wouldn’t be acting up. It’s you who’s frustrating me, Shiloah! Yesterday, you just told me to make you my girlfriend right after we kissed pero ngayon ay sumasama ka pa sa iba?” bawat salita ay may diin, ramdam ko ang gigil niya. Pakiramdam ko ay inaalagaan na lang niya ang pasensya niya dahil nasa opisina kami. “Don’t bring that up. Hindi iyan ang pinag-uusapan natin dito! At anong sabi mo? Kung hindi ako sumama? So ano? Kasalanan ko pa pala ngayon?! Ha?!” He brushed up his hair. He also removed his glasses and massaged the bridge of his nose. Kung galit siya ay mas galit ako! Ilang beses siyang himuna ng malalim, siguro a para pakalmahin ang sarili niya. “I’m not saying that it’s your fault, Shy,” anito sa mas kalmadong boses. “B-but, it is what you were implying!” “Shh… No, hindi ganoon ang ibig kong sabihin. Let’s calm down now, please,” he begged. Nang hindi ako sumagot ay hinila niya ang swivel chair ko at siya ang umupo doon. Nag-init ang mukha ko nang hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako paupo sa kandungan niya. “F-Felix, the employees might see us -” I squeaked. Mula sa likod ay pinulupot niya ang mga braso niya sa akin at binaon ang mukha sa leeg ko. He sniffed it. “Now, tell me, Shiloah, why do you want to be my girlfriend, hmm?” tanong niya habang pinapatakan ng halik ang leeg ko. I shivered slightly when his hand made its way to my legs. “Answer me,” bulong niya. My breathing hitched. Does he honestly think na makakasagot ako kapag ganito ang ginagawa niya? “Stop it. May makakakita sa atin dito,” hinawakan ko ang braso niya at pinisil iyon. However, it’s like he’s not hearing anything dahil imbes na tumigil ay hinawi niya ang buhok na tumatabon sa batok ko at doon naman umatake ng halik. Naramdaman kong nagsitayuan ang lahat ng balahibo sa katawan ko. Hindi dahil kinilabutan ako kundi dahil sa sensasyong idinudulot nito sa akin. Napapikit ako at sa huli ay hinayaan siya sa ginagawa niya. Nang nagsawa siya ay ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko. Kinuha niya ang kamay niyang nasa hita ko at hinawakan ang kamay ko at nilaro-laro ang daliri. “I want to know the reason why did you say that, Shy,” aniya. Sa isip ko ay inihanda ko na ang sasabihin ko sa kanya dahil tulad nga ng sabi ko, hindi ko babawiin iyon. I am very serious with this matter. Pero ngayon itinatanong na niya ay parang ayaw ko na lang bigla. Because I like you and I want to be yours. Iyon ang mga salitang gustong kumawala sa mga labi ko. Tuwing nanood ako ng romatikong pelikula ay naiinis ako kapag hindi na lang aminin ng mga bida ang tunay nilang nararamdaman para sa isa’t-isa. Ngayon alam ko na. Naiintindihan ko na kung bakit ang hirap-hirap magpakatotoo. Dahil nakakatakot pa lang malaman na hindi naman parehas ang nararamdaman niyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD