Dahan-dahan ay kinalas niya ako sa pagkakakulong. Confusion is evident his face but a ghost of smile is also visible. Hindi siya sumagot kaya pakiramdam ko ay kulang ang sinabi ko at kailangan kong dagdagan iyon sa mga salitang madali niyang maiintindihan. Nangapa ako ng sasabihin. Ayaw kong aminin sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi pa ako handa at mas lalong hindi dito.
Magsasalita na sana ako ngunit naantala iyon dahil sa biglaang pagbukas ng elevator.
“Ma’am, sir, ayos lang ba kayo?” tanong ng maintenance.
“Opo,” si Felix ang sumagot, “Ano po ba yung naging problema?” dagdag niya.
“Ah, worn-out sheaves po. Titingnan po namin ngayon kung kailangan na bang palitan,” sagot naman ng isang lalaki. Nagtaka ako bakit pabalik-balik ang tingin niya sa akin at kay Felix tapos ay nagtatagal sa mga labi nito. Nahulog ang panga ko nung nakita ang marka ng lipstick na suot ko sa mga labi ni Felix. Mariin akong napapikit sa hiya.
“A-ah, ganoon po ba?” tumawa ako ng hilaw. “S-sige po aalis na kami para m-maayos na ninyo. Thank you po!” Hinatak ko si Felix at mabilis na umalis doon.
Nang narating namin ang parking lot ay pakiramdam ko dinaig ko pa ang sumali sa marathon dahil sa hingal ko.
Tumigil kami sa harapan ng sasakyan ko.
“Nagmamadali ka ba?” aniya. Hindi ko siya sinagot. Sa halip ay binitiwan ko siya at pumasok sa kotse para maghanap ng pwedeng pamunas doon. Nang nakakita ako ng malinis na tissue ay binalikan ko siya at agad pinunasan ang labi niya.
“The other maintenance was looking at the evidence in your lips,” I softly mumbled.
He smirked at it. “Well, you could have just leave it. It’s your mark,” aniya. Umiling ako para itago ang pilit sumisilay kong mga ngiti. My mark? Does it mean he’s mine now? No, ayaw kong mag-assume ng mga bagay bagay. Mahirap na…
Nanatili kaming nakatayo sa harapan ng isa’t-isa. Siya, nasa akin ang paningin habang ang akin ay bagsak sa sahig.
“Shiloah, about earlier…” sambit niya pero naputol iyon dahil sa malakas na pag-ring ng cellphone ko. Kinuha ko ito mula sa bag ko at nagmamadaling sinagot iyon.
“Hello.”
“Good evening, Shiloah,” boses ni Eion. Nanlaki ang mata ko nang naalala na inaya nga niya pala akong mag-dinner. Sinulyapan o ang oras sa suot na wrist watch at nakitang masyado na akong huli para humabol. Oh my gosh, tuluyan nang nawala sa isip ko iyon.
“Eion…” I sighed “I’m sorry, s-something happened in the office, kaya h-hindi na ako naka-ano, um, nakapagtext sa’yo na hindi na kita madadaluhan.”
Nakita kong gumalaw ang anino ni Felix at nang dumapo sa kanya ang paningin ko ay nakita kong nakasandal na siya ngayon sa sasakyan, magka-krus ang mga braso at mariin ang tingin sa akin. Tinalikuran ko siya at naglakad ng ilang hakbang para makalayo sa kanya.
“Ayos lang. Tapos na din naman ako. I’m glad I called you. Ano, ayos ka lang ba? Anong nangyari?” Nakahinga ako ng maluwag nang marinig na tapos na siyang mag-dinner. Pakiramdam ko kasi ay ni-indian ko siya ng hindi sinasadya.
“Uh, ano kase, uhm, na-stuck a-ako sa elevator,” alanganing sagot ko. Nakaka-guilty kapag iniisip kong may kaunting pagsisinungaling ang rason ko. Ako lang ang sinabi ko kahit ang totoo ay magkasama kami ni Felix. Kahit papaano na man kasi ay itinuturing ko na si Eion bilang kaibigan.
“Oh. Is that so? Kung ganoon susunduin kita ngayon, ihahatid kita sa inyo,” aniya. Kahit hindi niya nakikita ay napa-iling ako.
“Hindi na, Eion. Ayos lang naman ako. ‘Tsaka, I have my car,” sagot ko. Tumahimik ang kanyang linya kaya nilayo ko ito para tingnan kung naputol ba ito. “Hello?” tawag ko.
“Okay… Sure, Shy. Sige kung iyan ang gusto mo. Ingat ka,” nahimigan ko ang pagkabigo sa boses na siya namang ikinalungkot ko.
“I’m very sorry, Eion. Babawi na lang ako,” pag-amo ko.
“It’s okay. Sige na, I’ll end the call. Mag-iingat ka.”
“Okay. Bye,” ilang segundo pang tumahimik ang linya niya at saka bago pinutol ang tawag. Humugot ako ng malalim na hininga bago lumapit kay Felix na ngayon ay hindi na mabasa ang ekspresyon.
“Felix, I-I have to go home…”
“Si Eion ang tinutukoy mong ka-dinner mo?” batid ko sa boses niya ang pinipigil niyang inis. Sinimangutan ko siya. He’s ready to argue and I’m not. Gusto ko ng magpahinga.
“Not now, Felix. Gusto ko na umuwi.”
Rinig ko ang mahina niyang mura kaya mas lalo akong sumimangot. He smirked when he glanced at the deep creases in between of my brows.
“Okay,” tumango siya, “let’s go home,” aniya at inunahan akong umikot papunta sa kotse ko at siya na rin mismo ang nagbukas ng pinto para sa akin. Iminuwestra niya sa akin na pumasok na ako kaya mabilis akong lumapit sa kanya. Hinawakan niya ang ulo ko para alalayan akong hindi mabunggo. Nairita naman ako ng kaunti dahil pakiramdam ko ay itinuturing niya akong bata.
Nang nakapasok ako ay yumuko siya para tingnan ang loob. He licked his lower lip when he was done scanning the objects inside tapos ay binalingan niya ako. One glance at my lips and back to my eyes, he then closed the door and went to his car. Pinaandar ko ang makina ng sasakyan at nang bumusina siya ay naging hudyat ko iyon para umalis na. Nauna ako. Sa papamagitan ng rear view mirror ay sinulyapan ko siya at napangiti ako ng nakitang nakabuntot siya sa akin.
If I am correct, his direction should be opposite of mine kaya nagtaka ako kung bakit patuloy siya sa pagsunod sa akin. Nang nakarating ako sa harapan ng building ay tumigil ako at ganoon din ang ginawa niya. Hawak ang mga gamit ko ay lumabas ako at pinuntahan siya. Hindi pa ako nakakalapit ay ibinaba na niya ang kanyang bintana.
“Um… D-dito ka din ba?” umiling siya sa kunwaring tanong ko.
“Hindi. I just wanted to make sure you’re really going home.” What? Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin. Cofusion must be written on my face, the reason of his soft chuckles. “Pumasok ka na sa loob, Shiloah,” aniya.
Dahan-dahan akong tumango at tinalikuran siya. Unti-unti ay naglakad ako paalis pero ang isip ko ay nanatili sa kanya. Bawat hakbang ay panay ang lingon ko sa kanya. Mula sa loob ng building ay natatanaw ko pa siyang unti-unting umaalis. Pagdating ko ay agaran akong naligo. Nang nakita ko ang repleksyon ko sa harapn ng salamin ay naalala ko ang sinabi ko sa kanya sa loob ng elevator. Ngayon lang pumasok sa utak ko ang lahat ng nangyari. Napapikit ako sa hiya.
“Bakit ko sinabi iyon? Nakakahiya ka, Shiloah! Parang… parang ang… ang easy to get mo sa lagay na ‘yun ha? Hindi mo ba naisip ‘yun? Hinain mo ang sarili mo, jusko!” sinampal ko ang sarili ko. Tumakbo ako sa kama at inilubog ang mukha ko sa unan ngunit agad ring bumangon nang hindi ako nakahinga. Natawa ako sa sarili ko. Nababaliw na yata ako.
Kung iisipin, parang noong isang araw lang ay naiirita ako sa kanya pero isang halik lang ay biglang nagbago ang pakiramdam ko. Nagbago ang ihip ng hangin. I can’t even imagine I offered myself to be his girlfriend kahit hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya sa akin and knowing for a fact na Coraline wants him back.
Well, wala na akong pakialam doon. Hindi ko babawiin ang sinabi ko kay Felix. Na gawin niya akong girlfriend niya. Kahit sabihin man niyang hindi niya ako gusto, I will make him mine. I might never get there, still, I’m gonna try. ‘Tsaka, hindi ba sinabi niya na what’s between him and Coraline was all in the past? I smiled with the idea. Kung nandito lang si Amanda at Bethany ay siguradong tatawanan nila ang lahat ng iniisip ko.
Napatigil ako sa ginagawa ko nang kumatok si Eion sa opisina ko kinaumagahan. Magtatanghalian na pero kadarating ko lang. Dala siguro ng masyadong pag-iisip ay napagod ang utak ko dahilang kung bakit huli na ako nagising. Ang plano ko ngayon araw ay magtatrabaho at sa lunch time ay maghahanap ako ng pagkakataon na kausapin si Felix pero hindi ko na yata magagawa iyon dahil si Eion ang nasa harapan ko ngayon.
Tuluyan na siyang nawala sa isip ko. Kagabi ay na-guilty pa ako dahil nga sa hindi ko pagsipot sa kanya. Oo at nangako ako na babawi ako sa kanya pero kahit isang beses ay hindi dumapo sa isip ko na kausapin siya ngayong araw.
Kanina pa ako nakikinig ako sa mga kwento niya tungkol sa hindi nila pagkakasundo ni Amanda sa set. Kanina ko pa din napapansin ang pabalik-balik na lakad ni Felix. Minsan ay lalabas siya habang ang paningin ay narito sa amin. Tapos ay papasok at muling lalabas. Nang minsang nagtama ang paningin namin ay matalim ang mga titig niya. Nagkibit-balikat ako.
“She clearly told me na gusto niyang location ay beach. So we went there only to tell me na ayaw niyang mabilad ang balat niya sa araw? What’s more ridiculous was we had an in-door shoot in the hotel with a make-shift ocean and palm trees background when it’s just literally few steps outside, Shiloah,” mahabang sabi niya.
Mabilis ang paghinga niya mula sa mahabang pagkukwento kaya siguro ay totoong stress na siya kay Amanda.
“Hayaan mo, kakausapin ko siya,” alanganin akong tumawa nang biglang tumunog ang computer ko. Nakita ko ang pangalan ni Felix sa screen kaya mabilis ko siyang binalingan. Mula rito sa kinauupuan ko ay tanaw ko siya. His eyes on mine. His hand is into a fist, close to his mouth while the other is rested on the table, finger-tapping.
From: Felix Jayden Aragon
Message: Visitor of the day?
Oh, no. Don’t tell me you’re jealous, Felix? I laughed mentally. I bit the insides of my mouth para hindi sumilay ang ngisi ko. Nag-iisip ako ng isasagot sa kanya nang tinawag ako ni Eion.
“Shiloah,” inangat ko ang paningin ko sa kanya. He glanced at his wrist watch tapos ay muling nagsalita. “Lunch time na. Let’s lunch together? Pero hindi dito sa cefeteria. Palagi na lang tayong dito. In a fast-food or other restaurant, maybe?”
“Um -”
“Come on, please? Ang sabi mo sa akin kagabi ay babawi ka, hindi ba?”
Wanted to refuse but then he laid his card on me, so I had no choice. Dahan-dahan akong at pilit na ngumiti.
Malapit na magsara ang elevator nang may isang sapatos ang pumasok. Sa tuluyang pagbukas ng elevator door ay sinalubong ng mga mata ko si Felix. My heart skipped a beat. My face heated when the memories of our lips brushing against each other came to me. Inayos ni Felix ang suot niyang suit bago tuluyang pumasok sa loob at tumabi sa akin.
Napapagitnaan nila akong dalawa. Tinitigan ko ang repleksyon naming tatlo sa pinto at doon ko na-relaize na masyadong magkaiba ang style ng pananamit ni Eion at Felix.
Sabi nila, what a person wears reflects his character na sinasang-ayunan ko. Felix is always looking corporate with his suit and tie. He’s a very formal person, after all. While Eion is interchanging denim pants and tropical polo shirts, and pants and slacks and button down shirt. Typical clothes for an artsy person like him.
“Hi, Felix,” Eion greeted na tinanguan lang ni Felix. I smirked. Hindi ko talaga maintindihan kung tipis ang ba talaga siya or he really is rude. There are times that I would like to think na may attitude problem siya. He told me Eion and him are friend but nodding is his answer for a friend greeting him?
“Where are you heading to?” tanong niya ilang minuto matapos maging tahimik.
“Lunch lang, pare” alanganing sagot ni Eion.
“Cool. Kakain din ako, eh. Sasama ako.”
Mabilis ko siyang nilingon. Iniimbitahan niya ba ang sarili niya? Hilaw na tumawa si Eion. Nakangisi man siya ay halatang hindi niya gusto ang sinabi ni Felix and I know Felix knows it but he obviously doesn’t care.
“Shiloah, dito ka sa akin,” ani Felix nang nakarating kami sa parking lot.
“What? No, Felix. She’s coming with me,” ani naman Eion.
“She’s going with me,” madiing sabi ni Felix.
“I invited her for this lunch, dude. Naturally, sa akin siya dapat sumama,” sagot naman ni Eion tapos ay hinawakan ang kanang braso ko at naglakad para ako igiya sa sasakyan niya. Nahihilo na ako sa sagutan nilang dalawa kaya nagpa-ako sa hawak ni Eion ngunit hindi pa kami nakaka-ilang hakbang ay napatigil kaming dalawa dahil sa biglaang paghigit sa akin ni Felix mula sa pagkakahawak ni Eion.
“She’s mine, Eion. Bitawan mo siya.”