Make me

2671 Words
“Ilang linggo na ‘yang next week mo, Shiloah, ah? Mamamatay na yata kami ng papa mo kahihintay sa’yo dito,” eksiheradang reklamo ni mama. Napakamot ako sa ulo. “Mama… I have plans, okay? But one things for sure, uuwi din ako,” I assured her. “Oh, ano daw sabi?” rinig kong tanong ni papa sa kabilang linya. “Ay, ewan ko d’yan sa anak mo. Ikaw na nga kumausap,” sabat ni mama. “Hello, anak? Oh ano? Kailan ka ba uuwi? We all miss you here.” “Soon, papa. Promise ko po ‘yan. ‘Tsaka kayo lang naman ni mama nakakamiss sa akin, eh,” I pouted. “What do you mean? Marami kaya kami dito. Mga kabayo sa kwadra matagal ka na hinihintay umuwi,” he chuckled. I miss them so much and hearing my father’s laugh makes me miss them so much more. Someone knocked on my door. Through a hand signal, I told her I’ll be done soon. “Sige na, pa. We have a meeting and I am needed there now,” paalam ko. “Ganoon ba? Oh sige, ibababa na namin. Bye we love you.” “Bye pa, bye ma. I love you. Mwa,” I said and then dropped the call. Today, we are going to resume our meeting for the project na pinag-usapan namin last time. Our agenda for today is the location and the budget. Mr. Paul decided na sa office niya na lang kami mag-usap since apat lng naman kami. Pagdating ko doon ay nandoon na silang lahat. Medyo nahiya pa ako dahil ako na lang pala ang hinihintay. Bawat galaw ko ay sinusundan ni Felix but I decided to avoid his gaze. Pagkatapos kong mag-walk out noong araw na iyon ay hindi ko na siya muling pinansin pa. We’re back at it again. The ignoring game. Minsan, naiisip ko, para kaming magnet. We’re on the same side that’s why hindi kami kami mapaglapit kahit anong pilit. We are the same and yet different. “So, I uhh… modified it into some sort of team building activity s***h vacation,” I said hesitantly matapos kong sabihin na gusto kong gawing 3-day activity iyon. Nakita ko ang alanganing mukha nilang apat kabilang si Bethany. She was here to record the minutes. “Saan nga ulit ang lugar na pinili mo?” Felix asked. "In my province,” tipid na sagot ko. “Hindi kaya masyadong malaki ang budget na magagamit diyan? For our food expenses and place to stay for example,” singit naman ni Mr. Paul. “It’s no problem, Sir. Uh, actually we own a vacation house there kung saan malapit ang rancho ng pamilya ko. The house is wide enough for the participants to stay, and the land is so wide we can go play there. Malayo rin iyon sa sibilisasyon kaya hindi rin problema kapag masyadong maingay,” I smiled confidently. This is my plan kaya hindi ako umuuwi kahit ilang beses na akong tinawagan ng pamilya ko. See? I’m so clever, may location na ako for my team building project, naka-uwi pa ako sa amin. Hindi ko pa nasasabi kay papa at mama ito but for sure papayag din naman sila. I’ll save that for later. “Bakit mo naman pagagamitin sa kompanya ang personal assets niyo? Hindi kaya ginagawa mo lang ito para maging pabor sa iyo ang mga empleyado?” naningkit ang mga mata ni Felix. I smirked. Parang sinabi niya na rin sa akin na pumapapel ako para masiguro ang posisyon. Hindi ko nagustuhan ang gusto niyang iparating. His criticism created a tension between us. “That is not my intention here, Mr. Aragon,” kalmadong sagot ko kahit sa loob ko’y gusto ko siyang singhalan. Hindi siya sumagot. Because of the tension, the air in the room became awkward. Everyone went silent. Sa pabilugang mesa ay magkaharap kami ni Bethany. Nang naramdaman ko ang mahinang pagsipa sa paa ko at nagkatitigan kami ay alam kong siya iyon. “Uh, hindi naman sa sumasang-ayon ako kay Mr. Aragon, Shiloah, but hindi kaya medyo nakakahiya iyon para sa pamilya mo?” basag ni Miss Allona sa katahimikan. “I’m sure Miss Mendez is offering this for a good cause. For now, let’s consider this and move on to you, Felix.” My confidence went down the drain. Kung hindi lang sumabat si Mr. Paul ay paniguradong wala akong maisasagot. The prime reason why I wanted to utilize our house is because the ranch is there. Naisip ko kasi na maaaliw sila kapag nakita ang mga hayop. Napapalibutan din iyon ng mga puno ng iba’t-ibang prutas at mga itinanim na gulay sa farm kaya hindi rin problema ang pagkain. Malaki ang maititipid namin, iyon ang inisip ko. I was so sure of it, but then… “If bus ang gagamitin, halos siyam na oras ang itatagal ng biyahe mula Metro hanggang Kalinga. Pero kung pupunta tayo doon via plane, we will save four hours,” Felix discussed after informing us that his target recipient of the outreach program is a far school somewhere in Kalinga province. “Hmm. Mag-o-overnight stay ba, Mr. Aragon? Since medyo malayo-layo iyon from our origin,” tanong ni Ms. Allona. “That’s on us to decide, Miss. My total estimated budget is only for our food and other necessities for the program since the books that will be donated is both from our respective company, which I think is less in the budget. I was planning to use the company bus as a transportation method. The pro is hindi na tayo gagastos ng malaki para sa fare but the con is we have no choice but to spend a night in there. So if we agree na balikan ang gagawin nating byahe, then I guess we’ll avail plane tickets for us,” mahabang paliwanag niya. Thinking about it, Felix is eloquent. Matagal ko ng alam na matalino siya pero tuwing naririnig ko siyang magsalita ay palagi akong namamangha. Bawat labas ng salita sa labi nya ay parang malalaman mo kaagad na sa sa bawat tanong ay may maisasagot siya. Pero kapag ibang tao ang kaharap, it’s like he can’t speak at all. I mean, he can but he doesn’t want to. Well, sabi nila ganoon daw kapag matalinong tao. “What do you think, Ms. Mendez? It’s like you’re mind is already in Kalinga,” pagkuha ni Felix sa atensyon ko. Dahil katabi ko siya ay sinadya kong tumagilid ng upo palayo sa kanya. “It’s like you seamed all the details already, Mr. Aragon. Wala akong maipipintas sa sinabi mo. Syempre ikaw na ‘yan, eh. Pasensya ka na ha? Ganito lang kasi ako, eh” sarkasting sabi ko. Nahagip ng mata ko ang nagpipigil ng tawa na si Bethany. Nakita ko din ang simpleng pagpalitan ng tingin ni Miss Allona at Sir Paul kaya umayos ako ng pag-upo at tumikhim. Hindi din nagtagal ang meeting na iyon. Dumaan ang ilan pang minuto ay napagdesisyunan namin na hanggang doon na lang muna ang at sa ibang araw na lang namin tatalakayin ang mga detalyeng kailangan ayusin. Pagbalik ko sa opisina ko ay nagpahinga ako ng kaunti at bumalik sa pagtatrabaho. May deadline na naman kasi ako kaya kailangan ko ng tapusin ang mga naantalang trabaho. I smiled when I remember Agnes. Hindi na ako namomroblema sa kanya ngayon. Hindi tulad noon na panay ang extend niya ng deadline, ngayon ay nagsa-submit na siya ng report kahit hindi sabihan. A proof that a problem can be solved if addressed but my smile faded when I remember I couldn’t do it if Felix didn’t forced me to. Lumingon ako sa opisina niya. That day, when I stormed out of his office, I didn’t speak to him again. There are times in these past few days that he would try to approach me but I wouldn’t answer him kaya hinayaan niya na lang na ganito. Kaya bago pa mag-umpisa ang meeting kanina ay may tensyon na talaga sa aming dalawa. Because I am upset but I am just afraid to admit it to myself dahil ayokong tanggapin ang dahilan kung bakit. Napagdesisyunan kong mag-overtime ngayon since Sabado bukas. Palagay ko kasi ay pupunta na naman si Bethany at Amanda kaya mas maigi ng tapusin ko ito habang may oras pa naman ako. Bandang 7:30 ng gabi ay tumunog ang cellphone ko. “Hi, Shiloah. I’m having a late dinner tonight. Kung may oras ka, pwede mo ba akong samahan? Send ko sa’yo ang location,” basa ko sa mensahe ni Eion. Maya-maya ay panibagong message na pumasok. Ni-send nga niya ang location ng restaurant. Sakto pagkatapos nun ay nakaramdam din ako ng gutom. Might as well join him. Niligpit ko ang gamit ko at lumabas na. Nakita kong halos patay na ang ilaw kabilang na ang sa opisina ni Felix. Iilang empleyado na lang rin ang natira. Nagpaalam ako sa kanila na sinuklian din naman nila saka pumasok sa elevator at pinindot ang numero kung saan ako bababa. Pasara na sana iyon nang biglang may kamay na humarang para hindi ito tuluuyang masara. Nanlaki ang mata ko nang nakita ang pamilyar na wrist watch. Pagpasok niya ay gumilid ako sa pinaka sulok at kinuha ang celphone para magpanggap na busy sa ka-text kahit hindi ko naman ni-replyan si Eion. Palagi na lang kaming nagsasabay sa elevator and if I am feeling normal, I would definitely laugh at this. He pressed something and then went to the opposite side. Maya-maya ay nagsalita siya. “Shiloah-,” I raised my palm towards him. “Stop,” pigil ko sa kanya “Ayokong marinig ang boses mo.” He sighed loudly na para bang pagod na pagod na siya sa akin. “Why are you being so difficult again?”he asked, pained. I turned to him and made a face. He shut his eyes and massaged the bridge of his nose. Nakita kong malapit na ako sa first floor kaya naghanda na ako para lumabas nang bilang may narinig akong malakas na tunog at kasabay nun ay ang biglang pagtigil ng elevator. “Oh no,” napalunok ako. “Oh no. Please no.” Lumapit ako sa door at pilit binuksan iyon. Alam kong imposible pero hindi ito pwede. “Calm down, Shiloah,” kalmadong sabi ni Felix. “Oh my gosh, Felix. This can’t be happening! Sa dalawang taon ko sa bulding na ito ay ngayon pa talaga nasira ang elevator niyo?! Come on, do something!” I urged him but he remained still. Kinalampag ko ang door sa pag-asang maririnig ako ng kung sino man sa labas. Paano kung wala na palang tao? E di hanggang bukas pa ako dito? No! “Help! Help! Tulong! May taong na-stuck dito! Help me!” sigaw ko. “Calm down, Shiloah. For sure, the maintenance will fix this immediately.” I shook my head. “Tulong! Tulungan niyo po kami! Please! Please help me get out of here!” nakaramdam na ako ng takot. Nagsimula na ring may mamuong luha sa mga mata ko. Naka-ilang sigaw pa ulit ako pero nang nabulunan ako dahil sa sarili kong laway ay tumigil at nanahimik rin ako kalaunan. Pinahid ko rin ang namuong luha dahil naisip ko ay hindi naman ako makakalabas dito kapag umiyak ako. “You really wanted to get away from me, huh?” he softly mumbled. “Yes. And also, I have a dinner okay? So stop assuming everything is about you!” I scowled at him. “With who?” “You don’t have to know.” Silence. Kumuha ako ng tissue sa bag para pahiran ang sahig. Umupo ako. Ilang saglit ay umupo rin siya. “Coraline was a childhood friend,” he said out of the blue. Agresibo ko siyang nilingon. “Why are you telling me this now?” he just shrugged off my question. “We were always together. Her family and mine were very close that they expected we would end up with each other because technically, we grew up together and… we had some sort of past,” kwento niya. “But she had to cut off whatever we are because she had to fly to another city and stay there and then… I knew, I just knew that the relationship like we had is meant to fall apart,” he added. “And she’s always here to get back with you. Right?” tanong ko pa rin kahit alam ko na man na. I just want to confirm it. Our eyes met. At kahit sinabi ko na gusto kong marinig ang sagot mula sa kanya, sa paraan ng pagtitig niya ay alam ko na. His eyes went down to my lips and then went back to my eyes. Hindi ko nagustuhan ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa niya kaya nag-iwas ako ng tingin. Namagitan na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Para pakalmahin ang nagwawala kong puso ay tumayo ako at pinagpag ang damit ko sa posibleng dumi. Habang ginagawa iyon ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang ginawang pagtayo rin ni Felix. Hindi ko siya nilingon, sa halip ay hinubad ko ang heels ko dahil masakit na ang paa ko. “Shiloah, I’m sorry but I have been wanting to do this,” rinig kong sabi niya. “Huh-” pagharap ko sa kanya ay nagulat ako ng bigla niya akong sinalubong ng labi niya. It was a simple kiss and yet it’s like my soul left my body. Tumigil siya para tingnan ang labi ko. Sa isip ko, ang gagawin ko ay hahawakan ko ang braso niya, itutulak siya ng malakas at sasampalin. Pero hindi iyon ginawa ng katawan ko. It’s as if this is what I was waiting for a very long time. Kaya nang yumuko siya at gawaran ako ng mas malalim na halik ay ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya at idiniin ang katawan ko. His tongue was caressing the insides of my mouth while his hand rested in the lower of my back, the other was exploring my body. My knees went weak as my heart grew beating louder and louder, every second, every kiss. It washed away all my thoughts. The team-building, dinner with Eion, the hatred I had for him these past few days including the little quarrel we had in the meeting. Everything. All I could think about is his hand’s soft caresses and his kisses. Every flick of his tongue is sending voltage of electricity in my body. Malambot ang mga labi niya na pakiramdam ko tuloy ay nasa ulap ko. Naramdaman ko ang ngiti niya nang sinubukan niyang lumayo ay humabol ako. Kapos ang hininga ay tumigil siya at nabigo naman ako. Sa namumungay na mata ay ngumisi siya. He then rested his lips on my neck. Uminit ang mukha ko. “You smell good,” aniya. The vibration of his voice against my skin is too much it sent chills in my spine. Huming ako ng malalim. Sa mga araw na hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kapag naiinis ako sa kanya, sa mga oras na hindi ko mapangalanan ang emosyon ko noong nasaktan ako, at sa kakaibang pakiramdam na idinala ng pagdating ni Coraline. Many times I’ve tried to deny it. Hindi. Ayaw kong tanggapin. But the kiss was more than enough to confirm that I am attracted to him. I like Felix. So, this is how it is. I have been running away from this and now, I’m finally accepting it. Nararamdaman ko pa ring ang labi niya sa labi ko. I want more. Felix was drawing circles in my back habang ang mga labi ay nanatili sa leeg ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas pero gagawin ko ito. Ramdam ko ang bawat hininga niya at dahil sa mga salitang lumabas sa bibig ko, ay tumigil ito. “Make me your girlfriend.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD