Connector

2179 Words
I glanced myself in the mirror and smiled when I see that I look beautiful. Today, I feel like myself and decided to wear the dress Amanda wanted me to wear. Kinuhanan ko ang sarili ko ng picture at naisipang i-send iyon sa kay Bethany at Amanda at natuwa naman ako nang sabihin nilang bagay sa akin ang damit. Nag-spray ako ng perfume at kinuha ang itim na suit na ipapatong ko sa masyadong lantad kong mga balikat. One final glance in the mirror and I’m off to my work. Habang naglalakad papasok sa building ay hindi ko maitago ang ngiti ko dahil natutuwa ako sa mga matang sumusunod sa bawat galaw ko. I must be really looking beautiful today. I smiled widely. “Good morning!” “Hi!” “Hello! Have a nice day!” “Easy work today guys! It’s a very beautiful day,” bati ko sa bawat empleyadong masasalubong ko. I am really in a good mood today hindi ko rin alam kung bakit. Papasok sa opisina ko ay nakasalubong ko si Felix na may dalang folder. “Good morning, Felix!” magiliw na bati ko sa kanya. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagbalik ng tingin niya sa mga mata ko ay nakakunot na ang noo niya. “What are you wearing?” turo niya sa dress ko. Tinakpan ko ang bibig ko at saka mahinang tumawa. “Oh come on. I look pretty, right?” sabi ko sabay ikot sa harapan niya para makita ang buong ayos ko. Nilingon niya ang buong paligid bago ako hinawakan sa braso at saka hinila papasok ng opisina. “Ano ba! Bitawan mo nga ‘ko,” saway ko sa kanya sabay haklit ng braso ko mula sa pagkakahawak niya. Nalaglag tuloy ang suit ko dahil hindi ko naman tuluyang sinuot iyon. “I think your attire’s inappropriate, Shiloah,” he hissed. Oh. Seems deja vu. I rolled my eyes at him. “Someone’s clothes is only inappropriate when you think of it as is, Felix. ‘Tsaka kaya nga ako may suit diba? So chill,” I answered. Tinalikuran ko na siya at nilapag na ang mga gamit ko sa mesa. “Isa pa, I’m feeling happy today kaya please lang ‘wag mong sirain ang mood ko, okay?” dagdag ko pa. “Really? Ano naman kayang dahilan ng kasiyahan mo ngayon, huh?” tanong niya sabay lapit sa akin. “Nothing. I just woke up feeling happy. ‘Wag ka na nga magtanong!” I whined. Sa gilid ng mata ko ay may nakita akong nakatayo sa labas at nang nilingon ko iyon ay nrakaramdam ako ng hindi maganda sa loob ko. Ang mga ngiti ko kanina ay hindi ko na mailabas ngayon. Nagtama ang paningin namin ni Felix. “It looks like you got an early visit. Again,” I uttered. Felix clenched his jaw but remained silent. “Can’t you tell your girlfriend to wait for you after work hours, Felix? Medyo nakakahiya kasi sa part na palagi na lang siyang nandito?” medyo tumaas ang boses ko. I was expecting him to bark at me but he smirked instead. “Whoa. Chill, Madame. I thought you’re happy? Ang bilis naman ng mood swing mo. And, like I said, she’s not my girlfriend,” he chuckled. “Whatever. Umalis ka na.” With a hint of smile in his face, Felix shook his head and went out. Nagkunwari akong nagbabasa ng dokumento pero sa gilid ng mata ko ay sinundan ko sila ng tingin. Nang makaharap ni Felix si Coraline ay ngumiti ito na siya namang pagsimangot ko. Nag-usap sila ng kaunti bago iginiya siya iginiya ni Felix papasok sa loob ng opisina niya. Hindi ako maka-concentrate sa ginagawa ko. Panay ang lingon ko sa labas at pati na rin sa kinaroroonan ni Felix. Binagsak ang hawak na ballpen, paharap akong umupo sa gawi nila. Felix is listening carefully while Coraline do the talking. Ha! Sa ilang beses na pagpunta niya dito, na kung tutuusin ay halos araw-araw, hindi pa ba natatapos ang kung ano mang pinag-uusapan nila? I crossed my arms and gritted my teeth. Maya-maya lang ay nahimasmasan ako. Bakit ba ako nagkakaganito eh he’s not my problem naman. Like at all. Well… look, he’s not performing his responsibilities and duties in this company anymore because he’s got all his time spent talking with her. Yes. Iyon nga. Kinuha ko ang ballpen at nilaro-laro iyon. Ilang sandali ay lumingon sa akin si Felix. I squinted my eyes. Using my pointing and middle finger, tinuro ko ang mga mata niya tapos ay sa akin. Meaning, I’m watching him. With a ghost of smile in his lips, he shook his head maya-maya ay tumayo at ibinaba ang blinds. Napanganga ako. Ngayon, kahit anino nila ay wala na akong maaninag. Like what the hell? Bakit niya binaba? Bakit niya kailangan ibaba? May gagawin ba sila? Uh-huh. You don’t do that here, Felix. Not when I’m here. I gotta do something, sabi ko sa isip ko. Tumayo ako at pabalik-balik na naglakad at huminga ng malalim para kumalma. Nang may isang grupo ng empleyado na naglakad papuntang conference room sa tabi ng opisina ni Felix ay may ideyang pumasok sa isip ko. Nagmamadali akong lumabas pero binagalan ko lang noong nasa harapan na ako ng opisina ni Felix. “Hello!” I greeted cheerfully to the man outside. “H-hello, po,” alanganing balik na bati ng isang lalaki. Tiningnan ko ang suot niyang I.D. lace at nakita ang pamilyar na logo ng VERA. I smiled at him. “Billy, hanap ka naman ng connector para sa projector, hindi kasi gumagana yung nasa loob eh…” utos ng isang babae na kalalabas lang mula sa conference room. “Ay hala sorry po,” baling niya sa akin nung napansin niya ang presensya ko. “It’s nothing. Um, kailangan niyo ba ng connector? Meron ako, kung gusto niyo kukunin ko lang sa loob,” suhestiyon ko. Humakbang ako paatras, sakto lang sa pintuan ni Felix tapos ay idinikit ko ng kaunti ang katawan doon. Nagkatinginan nag babae at ang tinawag niyang Billy. Medyo nahiya naman ako sa ginawa ko kaya tumawa ako ng hilaw. “Ah, n-nakakahiya naman po,”utas ng babae. I waved my hand at her. “Ano ka ba, wala iyon. Sandali…” mabilis akong bumalik sa loob ng opisina ko at hinalukay ang drawer. Nang sa wakas makita ang hinahanap ay bumalik kaagad ako sa kanila. “Heto, oh.” The girl smiled at me at dahan-dahang inabot ang connector mula sa akin. I smiled back at her. Nanatili akong nakatayo sa harap nilang dalawa habang may malawak na ngiti sa aking mukha. “Uhm, excuse me po, Ma’am. M-may meeting po kasi kami…” she pointed the conference room. “Huh? Ah yes, of course. You can go,” I chuckled. That Billy smiled hesitantly pero kalaunan ay pumasok na sila sa loob at nagkukumahog magsimumla. Ngumuso ako at bumaling sa mga cubicle para tingnan kung may nakatingin ba sa akin. May iilang mga nakatayo at naglalakad palabas at papasok ng floor na nagagawi ang paningin sa akin kaya nagpanggap akong nag-e-exercise. I swung my arms back and forth and clapping when it goes in front. Habang ginagawa iyon ay muli kong nilapit ang katawan ko sa glass wall ni Felix. Nakakita ako ng kaunting siwang mula sa pintong hindi tuluyang natabunan ng blinds at doon ako sumilip. Masyado iyong maliit para makita ko ng buo ang loob kaya ang ginawa ko, ipinikit ko ang kaliwang mata ko at itinutok ang kanang mata sa siwang. NagMedyo mahirap pero kakayanin ko ‘to. Che! “Bakit wala akong makita?” bulong ko sa sarili ko. Ano wala bang ilaw sa loob? Oh, no. “Tsk,” masakit na ang likod ko dahil sa pagyuko pero hindi ko ininda iyon. Naramdaman ko sa mukha ko ang lamig ng salamin noong idinikit ko ang tenga dito para may marinig but it was no good. Sa huli ay wala akong nagawa kundi muling sumilip sa siwang nang biglang bumukas ang pinto. Bumils ang t***k ng puso ko. Mabilis akong tumayo ng matuwid at nagpanggap na walang ginawa. Kinagat ko ang labi ko at iniwasan na magkatinginan kami ni Felix na ngayon ay nakatayo sa pintuan, sa likod niya ay si Coraline. I cleared my throat. “What are you doing, Shiloah?” he eyed me suspiciously. “Huh? Nothing. Uh, m-may ibinigay lang ako sa ano…” tinuro ko ang conference room, “k-kasi wala daw silang ano, um, yung c-connector para sa projector,” I stammered. He cannot suppress his smile at hindi ko alam bakit pakiramdam ko ay ay alam siya kung anong ginawa ko. “I’m telling the truth!” depensa ko. Tumango-tango siya at hindi ako natutuwa sa reaksyon na pinapakita niya. “Cora, Shiloah and I have to talk about something. Hindi na kita maihahatid pa sa baba,” baling niya sa babaeng nanatiling nakatayo sa kanyang likuran. Cora? Wow that sounds new to my ears at saka anong talking? Meron ba kaming dapat pag-usapan? Nothing. “It’s urgent,” dagdag pa niya. I furrowed my brows to show that I am confused but he ignored it. “Huh? Ganoon ba? Sige,” Coraline sounded sad. OMG what’s there to be sad about? Nalulungkot ba siya kasi hindi siya maihahatid ng jowa niya sa baba? Para namang sobrang layo non! I rolled my eyes secretly but Felix saw it kaya pati siya ay tinarayan ko rin. Hmp! Nang nakapasok si Coraline sa elevator ay siya ring pagpasok ni Felix sa loob. Hindi ko siya sinundan at nanatili ako doon. Nag-iinarte. “Come inside, Shiloah,” utos niya. “No way,” matigas na sabi ko. Bakit? Sino ba siya? Hindi ko naman siya boss kaya bakit niya iisipin na susundin ko siya. Duh. “Come here.” Hindi ako gumalaw at nanatili sa pwesto ko. “I said come here or I’ll drag you a*s in here,” he bossed. I turned to him aggressively. With heavy steps, pumasok ako at lumapit sa kanya. “What did you say?” binagsak ko ang mga kamay ko sa mesa niya. It created a loud sound. Thankfully, hindi ito maririnig sa labas. “Sit down.” “Don’t order me around, Felix. You are not my boss!” sabi ko sabay upo. He chuckled. So, tell me what exactly are you doing outside of my office, Shiloah?” “I told you, n-nanghiram sila ng connector,” nag-iwas ako ng tingin. “Really?” “Oo nga kasi. Bakit ba hindi ka naniniwala?” tumaas ng bahagya ang boses ko. Hindi siya sumagot. “Totoo nga. Kahit tanungin mo pa sila doon sa labas,” kumbinsi ko sa kanya because I don’t think he believes me. “Ikaw nga, eh. Why did you rolled down the blinds, Felix? Anong ginawa ninyo dito, huh?” pag-iiba ko ng usapan. “May pinag-usapan lang kami -” “Don’t tell me that s**t. Kailangan ba pag mag-uusap nakasarado ang lahat? You two probably did something,” I accused him. “You’re thinking trash of me, Shiloah. Sa tingin mo ba gagawa ako ng milagro dito? Of course not. I’d probably do it in my own house,” he laughed. Hindi ako natuwa sa narinig ko. “Really? Maybe that’s why she is always here. I told you didn’t I? Na ihiwalay mo ang personal mong buhay sa trabaho! Akala ko ba professional ka? Pero dinadala mo dito ang nobya mo para dito kaya maglandian? Eh di sana sinabi mo na lang sa kanya na hintayin ka niya sa bahay mo!” nahahapo kong sabi but the jerk Felix is not taking me seriously dahil nagagawa niya pang ngumisi sa akin ngayon. “Calm down, Shiloah. Sinabi ko din sa’yo na hindi ko siya girlfriend, right? Kanino mo ba napulot ‘yan?” “It doesn’t matter. If she isn’t your girlfriend then why is she always her? Why are you always with her? Sige, Felix. Sabihin mo sa akin,” hamon ko. Now, he get serious. Tinitigan niya ako ng matagal. Alam ko kung magka-ano-ano sila. Kung ano ang relasyon nila sa isa’t-isa. But I just want to hear it from him. To test if he’s an honest person. “I don’t like what you’re wearing, Shiloah,” malakas akong napabuga ng hangin. Why is he changing the subject? Does he not like it when I ask him personal questions? Why? Apektado ba siya? Kung ganoon, iisipin kong may nararamdaman pa rin siya rito. They’re childhood sweethearts after all. Maybe she really was something for him. Something he can’t simply let go. Naalala ko na. She back from America and she’s back for him. The thought of them being together makes my head spin and my heart… ache. Tuluyang nagbago ang timpla ko kaya bago pa niya ma-realize ‘yon ay tuluyan na akong umalis sa harap niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD