No

2396 Words
“Sige na kasi, Shiloah. Ang kill joy mo naman, eh,” Amanda ranted. Rinig sa buong unit ko ang matinis niyang boses dahil ayaw kong suoting ang pulang dress na binili namin kahapon. Hindi rin siya umuwi kay Bethany sa pag-uwi dahil sinisiguro niyang isusuot ko ito ngayon araw. “Sa ibang araw na lang, Amanda. May meeting kami ngayon ng boss ko nakakahiya naman kung masyadong revealing yung damit ko,” sagot ko sabay talikod sa kanya. Dumiretso ako ng kitchen para kumain ng breakfast. “Ano ka ba syempre papatungan mo naman iyan ng boyfriend suit eh. Sige na kasi,” pamimilit pa niya. Napailing ako at tumayo na. Hindi na tinapos ang pagkain. “Aalis na ako, late na ako. I-lock mo yung pinto kapag aalis ka na ha,” bilin ko. “Pero --” “Bye. Ingat ka,” putol ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa pisngi at umalis na. Noong Biyernes ay nagbilin si Ms. Allona na magkakaroon kami ng meeting kasama si Sir Paul at ang pambato niya, si Felix. Pag-uusapan naming apat kung ano ang magiging una naming project as a candidate for the position. Kung dati ay halos walang interaksyong nagaganap sa pagitan ng empleyado ng dalawang kompanya, ngayon ay halos mag-iwasan na ang mga ito noong marinig ang merging na magaganap. I want a harmonious environment. At gayong magiging isa na ang Vera at AGO nararapat lang na magkaroon ng masayang relasyon ang bawat isa. So, the first thing that came into my mind was to build a friendship among us. “And how are you going to conduct this, Ms. Mendez?” tanong ni Mr. Paul nung narinig ang idea ko. Binalingan ko si Felix at nakita kong nilalaro niya ang awak na ballpen habang ang mga paningin ay nasa mesa. “Umm… Sa pamamagitan po ng isang team-play activity.” Napatango-tango si Ms. Allona kaya napangiti ako. “I believe team-play activity is the best way to make people develop strategies based on the different perspectives of each member, to gain trust and forge friendship,” pagpapatuloy ko. “Hmm… Tama, but I want to know how do you think this would contribute to both companies, Ms. Mendez,” bato ulit ni Sir Paul. “Because the company cannot move forward if every employees alienates on another kahit na nasa iisang lugar lang naman sila. The main goal of everyone is to reach the goal, right? And that is to be the top publisher. But how are we able to do that kung kahit nagtutulungan man ang lahat ay nagtuturingan pa ring estranghero? We have to diminish the great wall, Sir Paul. An improvement in the relationship of the employees will surely enhance and improve their productivity dahil magiging magaan na ang loob nilang pumasok sa establisyementong ito. And I think, after this team-play activity, everyone would look forward to the day of having another great time with their new friends,” I concluded. Ms. Allona clapped her hands loudly. I am so proud of you, she mouthed at me. I smiled more. Mukha namang satisfied si sir Paul sa sagot ko dahil tumango ito sa akin. Nang napabaling ako kay Felix ay diretso ang tingin niya sa akin. I rolled my eyes at him. This will be mine, Felix. “May I ask for the specific team-play activity you are saying, Ms. Mendez?” Felix asked while maintaining a straight face. Mas lalo ko pa siyang pinagtaasan ng kilay pero nung napansin kong naghihintay sila ng sagot ay napatikhim ako. “Umm, of course the traditional team-play game, tug of war. Uh, naisip ko din ang paintball g*n…” I shrugged. Actually, hindi pa talaga ako sigurado kung ano ang magandang game. Naisip ko kasi ay ilalatag ko muna ang deya sa kanila at saka na lang ako mag-iisip kung ano bang pwede. Napangiwi si Felix sa sagot ko. Whatever. “Okay, given na ganyan ang gusto mo. Saan naman ang plano mong location para diyan?” he inquired more. I shifted my weight. I cleared my throat. “Honestly, hindi ko pa naisip iyan dahil kailangan ko pa ng approval before jumping into that, right? Mr. Aragon?” Pinag-diinan ko ang Mr kaya tumalim ang mga titig niya sa akin. “Tama naman. Okay, Shiloah, Paul and I will talk about it and then mag-usap na lang ulit tayo,” Ms. Allona agreed. Napahinga ako ng maluwag. “Let’s hear your idea, Felix,” Mr. Paul announced. Umayos ako sa pagkaka-upo at nakinig sa kanya. The meeting lasted more than an hour. Ang project ni Felix ay magkaroon ng outreach program sa isang far-flung educational institution. He suggested na magdistribute kami ng libro sa mga bata. He also added na mag-offer daw ng scholarship ang kompanya sa ilang mga estudyanteng nasa firld of writing. “In what way this would benefit the company, Felix?” my turn to toast him with questions. “Simple lang. A scholar graduate will apply directly to us. Of course, nasa mindset na nila na kailangan nilang bumawi sa kompanya. In what way you ask, Shiloah? Sila na ang bahalang mag-isip kung sa paanong paraan, ang importante ay makadagdag benepisyo sila,” simpleng tugon niya. He’s smart, I have to admit. Napatahimik ako. “So I guess this concludes our discussion for today? Mag-schedule na lang ako kung kailan ulit tayo mag-uusap tungkol dito,” Sir Paul adjourned. Tumayo ako at nagligpit ng gamit. “Let’s eat together, Shiloah,” salita ni Felix sa ilid ko. “Huh?” nilingon ko siya at saka tumingin sa orasan. Lunch time na pala. “Bakit? Hindi ka ba makakakain kung ikaw lang?” hinarap ko siya ng maayos. “Bakit ayaw mo akong kasama? Do you have plans with Eion?” he hinted. Naningki din ang mga mata niya. I laughed. “And if I have? Magseselos ka ba?” I grinned. He clenched his jaw. “So meron nga? Do you like Eion?” he hissed. Kumunot ang noo ko. “Of course not! He is my friend,” I defended. Nanatili ang mapanghusgang mata niya sa akin. “If so, then have lunch with me,” Felix demanded. “I don’t want to, Felix! If I remember correctly, ang sabi ko sa’yo ay enemies tayo diba? Kaya hindi tayo pwedeng mag-lunc together,” maarte kong sagot. Kinuha ko ang bag ko sa mesa at handa na sanang lumabas nang hinigit niya ang bag ko. “Hey! Akin na ‘yan!” “One meal, Shiloah.” “I said no!” matigas kong sabi. “Why do you always have lunch with someone else but never with me, Shiloah?” “What are you talking about? Akin na ang bag ko.” “Just one meal,” marahan niyang sabi. Tinitigan ko siya ng diretso sa mata. I don’t understand why is he doing this but he looked so serious. I sighed. “Fine,” wala sa sarili kong sagot sabay hablot sa bag ko. I heard him sighed loudly pero dire-diretso ang tungo ko sa pintuan. Napatigil ako sa paglalakad nang nakita ang taong naghihintay sa labas. She smiled. “Hi,” she greeted sweetly. Hindi ako nakasagot agad at hindi ko rin alam kung ano ang naging reaksyon ko. “H-hi,” I greeted her back with the same energy, ilang segundo nang nakabawi ako. Mas naging malapad ang ngiti niya sa akin pero hindi nagtagal ay lumagpas ang paningin niya sa akin patungo sa likuran ko. I knew exactly who she was looking at. Suddenly, memories of yesterday came crashing into me. Bakit ba ngayon ko lang naalala ang nakita ko sa mall noong isang araw? Hinarap ko si Felix. “It looks like you’ll have your girlfriend eat lunch with you,” sabi ko at muling tumalikod. “Excuse me,” paalam ko kay Coraline at saka naglakad na paalis. “Shiloah,” rinig kong tawag ni Felix pero hindi ko na siya pinansin pa. Mabilis ang paghinga ko noong dumating ako sa opisina ko. “Nakaka-irita!” bulong ko sa sarili ko. Nakita ko ang sarili ko sa salamin na nasa mesa ko at nakita ko ang malalim na guhit sa noo ko gawa ng masyadong pagkunot. I rolled my eyes. I fetched my phone out of my bag and typed a message. Me: Guess what? Nandito na naman si Coraline. Noong isang araw lang sila nagkita hindi ba? Miss na miss talaga ‘te? I sent it to my group chat with Amanda and Bethany. Seconds later ay nabasa nilang dalawa iyon at hindi nagtagal ay nagreply sila. Amanda: She must be really clingy. So much hate. Hmp! Bethany: Chill, girl. Me: Felix and I were about to have lunch but then she came! Mabilis na naka-reply si Bethany. Bethany: Oh. So you’re upset about the canceled lunch? Me: What? Of course not! Amanda: Nako, sister! Wag ka na magselos! Bethany: Hahaha! Napasimangot ako sa replies nila kaya binaba ko na ang cellphone ko. I crossed my arms. It’s not about the lunch, okay? Ang akin lang ay sana hinihiwalay niya ang personal life niya sa trabaho. What’s he doing is very unprofessional. Napa-iling ako. Pinaikot-ikot ko ang sarili ko habang naka-upo sa swivel chair habang nalulunod aang isip ko sa pag-iisip ng masama tungkol kay Felix kaya halos atakihin ako sa puso noong hindi ko napansin ang pagpasok niya. “What are you doing here?!” napatayo ako sa gulat. Papalapit sa akin ay hindi niya pinuputol ang titig niya. “I told you we’ll have lunch together, right?” kalmadong sabi niya. “You should thank your girlfriend for me for showing up on time. Now, you have someone to eat with,” muli akong umupo. “Yeah right,” inayos niya ang coat niya at saka inukupa ang upuan na nasa harapan ng mesa ko. “Bakit ka umupo? Umalis ka na! Pinaghihintay mo pa ang girlfriend mo? Ha! What kind of boyfriend are you,” I mocked. He smirked at my remark. “She’s not my girlfriend.” Wow. He has the guts to deny it, huh? Magka-ano-ano sila kung ganon? Magkaibigan? Oh, wait. Oo nga pala. They’re childhood sweethearts. Pwe! “Really? Ano mo siya kung ganoon? Friend? Sige nga suntukin mo,” hamon ko. I furrowed my brows more when he laughed. “What’s funny?” “You. Hindi ko alam na joker ka na pala ngayon, Shiloah.” “I’m serious. Diba ganoon ang magkaibigan? Nagsusuntukan? Kaya sige suntukin mo.” He laughed more. “That’s a very ridiculous suggestion. Bakit kaya hindi mo nalang aminin na nagseselos ka?” naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya hinawakan kumuha ako ng tissue at nagkunwaring pinunasan iyon. It’s my turn to laugh. “That’s a very serious accusation, Mister. Like eww. Ang feeling mo naman, Felix. Bakit naman ako magseselos eh hindi naman kita gusto?” he studied my face kaya ngumiwi ako. Tumango-tango siya at pagkatapos ay biglang tumayo. “W-where are you going?” I asked. “To have lunch.” “With who? Your girlfriend?” I raised an eyebrow. “It’s none of your business,” he chuckled. Paglabas niya ay napabuga ako ng malakas na hangin. Like what the hell? Ang sabi niya hindi niya girlfriend, right? Then he said he’ll have lunch and it’s none of my business if who is he with. Tama naman siya actually. It’s none of my business but still! Two-timer ba siya? What if niloloko niya si Coraline? Uh-oh. Ang sama niya naman kung ganoon. Hindi ako mapakali sa loob ng opisina ko kaya indi nagtagal ay nagpasya akong umalis. Hinablot ko ang bag ko at dumiretso sa cafeteria. Pagdating doon ay nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang pamilyar na mukha niya pero hindi ko siya nakita doon. Napakamot ako sa ulo ko. Hindi kalayuan mula sa kintatayuan ko ay kinawayan ako ni Eion. I don’t want to go but it would be rude if I just went away. I forced a smile and waved back at him. “Are you looking for someone?” tanong niya noong nakalapit ako sa kanya. “Huh? Ah, wala naman. Kakain sana ako but then nawalan ako ng gana bigla,” I lied. He nodded. He pointed the chair across him, signaling me to take a seat and so I did. “Anyway, Amanda and I decided to have the fun shoot tomorrow,” balita niya. “Really? That’s good! I hope everything turns out well,” I smiled. “Thanks. Medyo nahirapan lang ako sa theme na gusto niya kasi…” kwento niya noong nag-beep ang phone ko. It’s a message from an unknown number. Unknown number: Is he the reason why you won’t have lunch with me? It’s him! My heart beat loudly. Hindi ko na napagtuonan ng pansin si Eion. Muli, ay pinasadahan ko ng tingin ang bawat mesa pero hindi ko siya makita dahil sa dami ng tao ngayon. Dahil ayaw ko naman na maputol ang pagsasalita ni Eion ay tinago ko sa ilalim ng mesa ang phone ko saka doon nagtipa ng reply. Me: Who’s this? Pagkukunwari ko. Hindi nagtagal ay muling nagbeep ang phone ko. Unknown number: You’re bad at lying, Shiloah. I hope you know that. I smiled pero binalik ko din ang poker face ko noong narealize kong bakit ako ngumingiti. “...I can say Amanda’s really sassy. I’m really worried baka hindi kami magkasundo sa set. Do you think we will be fine?” hindi ko napansin na nagpapatuloy pa pala si Eion kaya kahit hindi ko narinig ang buong kwento ay tumango-tango ako. “Oo naman. Pakiramdam ko okay naman,” tumawa ako ng hilaw. “Wait lang ah? Nagtext kasi yung friend ko, may tinatanong lang na importante,” sabi ko sabay kuha ulit ng cellphone para magreply pero pumasok ang isa pang mensahe niya. Unknown number: I’m your friend now? I thought you see me as your enemy… Now, I’m really sure he’s near me. Me: Where are you? Unknown number: Oh no, you don’t have to find me, Shiloah. Because I already found you a long time ago… And just like that, I stopped breathing and my heart started booming like it’s about to get out of my chest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD