I want the position and I will have it. Iyon lang ang iniisip ko sa mga nagdaang-araw. Many times Felix tried to strike a conversation pero hindi ko siya pinagbibigyan. Gumaan ang loob ko sa kanya, oo, pero nakakatawang isipin na sa sang iglap ay back to zero na naman ang relasyon namin.
More than anyone else, I want to have the position. More than Felix wants it. Kaya naman trinato ko siyang kaaway at mas lalo lang akong naiinis na sa bawat araw na pinag-iigihan ko ang pagtatrabaho ko para maging “worth it” ako sa posisyon ay bawat araw din niyang kasama si Coraline!
Tulad ngayong araw. Sigurado akong hindi siya parte ng kompanya dahil sa visitor’s pass niya. Kung ganoon, girlfriend ba niya ‘to? Kasi kung oo bakit sila dito nagdi-date?! I gnashed my teeth.
“May girlfriend ba si Felix?” I randomly asked Eion. Madalas ay siya na ang kasama ko sa lunch at paminsan-minsan ay sumasama sa amin si Bethany. Napatigil si Eion sa tanong ko.
“Hindi ko alam.”
Napa-isip ako. Mukha ngang wala talaga siyang alam kahit na ba sabihing magkaibigan sila. Malakas akong napabuntong-hininga. It’s useless to ask Eion about Felix’s personal life. Hindi nga pala sila ganoon ka-close.
“Bakit, Shy?”
“Huh? Ah wala naman. Natanong ko lang,” nagpatuloy ako sa paglalakad pabalik ng office.
“Do you like Felix?” seryoso niyang tanong. Mahina akong natawa. It’s a ridiculous question.
“Hindi ah!” pagdi-deny ko pero sa paraan ng pagtitig niya ay para bang nagsisinungaling ako. Napa-iwas tuloy ako ng tingin. Masyado iyong malalim. Tila sinusukat kung ano ang iniisip ko.
“Anyway, nagka-usap na ba kayo ni Amanda?” pag-iiba ko ng usapan. Ayaw kong makaroon siya ng ideya sa akin. Even I am unconfortable thinking about it.
Kinagabihan ay iniisip ko ang magaganap na merging. Noong isang araw ay nagpa-exclusive press conference si Ms. Allona at Mr. Paul. Doon ay ni-klaro nila ang mga issue, pinag-usapan rin nila ang kanilang relasyon at magiging kasal na gaganapin sa susunod na taon, tatlong buwan mula ngayon. They also discussed their future plans for the company. According to them, ang merging ay magaganap pagkatapos ang kasal. Ibig sabihin, ganoon din kahaba ang preparasyon ko.
Kaya ngayon ay nag-iisip ako ng magandang plano. Pero hindi ako makapag-isip ng maayos dahil nandito si Amanda at Bethany. Madalas na silang nandito tuwing weekend para magpalipas ng oras kahit madalas ko ring sabihin na busy ako nitong mga nakaraang araw.
“Ano nga ulit ‘yung pangalan ng kaibigan mo, Shiloah?” tanong ni Amanda habang may kinakalikot sa cellphone niya.
Nandito kami ngayon sa veranda ng unit ko. Dinadama ang init ng panghapon’g araw.
“Sino?” sabi ko sabay simsim sa juice.
“’Yung media something ba ‘yun?” maarte niyang tanong. I rolled my eyes. Ilang beses ko ng sinabi binaggit ang pangalan ni Eion pero paulit-ulit niya ding kinakalimutan. Misan, gusto ko nalang isipin na sinasadya niyang kalimutan.
“Si Eion ba?” si Bethany.
“Eion… siya ba ‘to?” sagot niya sabay pakita sa amin ng cellphone niya. Doon ay naka-display ang profile photo ni Eion. Ilang segundo ay binawi nilayo niya ang screen mula sa amin.
“Nag-message siya, eh. Kung pwede daw ba kami magkita for fun shoot.”
“Para saan yan?” kuryusong tanong ni Bethany.
“Aalis na kai si Eion sa Vera, Beth. Gusto niyang mag-sarili nalang kaya sabi ko try nilang mag-work together ni Amanda,” paliwanag ko. Tumango naman si Bethany bilang sagot.
“Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya noong party ko pero in fairness, medyo gwapo siya,” she shared. Napangiti naman at napa-iling si Bethany sa naging salita niya. Ganoon din ako.
“Lukaret ka, ‘di ba nakwento mo madalas kayo magkasama? Buti ‘di ka na-fall,” baling sa akin ni Amanda. Natawa ako.
“Syempre hindi. Magkaibigan lang kami ‘no!”
“Asus. Talaga ba? O may iba ka lang talagang nagugustuhan,” she teased. Sinusundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.
“I know what you mean by that, Amanda. Stop it.”
“Wala pa akong sinasabi, ha! Ang defensive mo naman yata,” naningkit ang mga mata niya. Napabuga ako ng hangin.
“Of course not! Sinasabi ko lang na hindi totoo ang kung ano mang iniisip mo. I don’t like him.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Bethany sa aming dalawa.
“Who are you talking about?” naguguluhan niyang tanong.
“Girl, ano ka ba! Iyong si Felix,” baling ni Amanda sa kanya. Napa-nganga naman si Bethany.
“Really? Bakit, Shy? Anong meron sa inyo?” Bethany asked innocently.
“Nothing! Stop it Amanda, kung ano-ano ang pinapasok mo sa utak ni Bethany.” She raised her two hands at umiling.
“I’m doing nothing, Shy. Bakit ka naiinis? Hmm…” muli niya akong pinaningkitan ng mata.
“What?” kabado kong tanong pero hindi niya ako sinagot. Tinititigan lang niya ako. “And besides, wala akong oras diyan para diyan ‘no. You know I’m busy. I have to get that position for myself and Felix is busy too… with something else,” I spat bitterly. Hindi ko sinasadya na maging ganon ang tunog ng pagkakasabi ko but the next thing I knew, Amanda leaned on her chair and smirked.
“And what do you mean by that, Shiloah?” she asked teasingly. Pati si Bethany ay napabaling sa kanya. Sinamaan ko sila ng tingin.
“Nothing. I-I mean, I’m j-just offended kasi I am really really focused with that opening position in the company. A-and everyone knows Felix can have it without lifting a finger… I think he’s not taking me seriously as is competitor…” napasimsim ako sa juice. Amanda crossed her arm.
“Bakit mo naman nasabi, Shy?” si Bethany ang sumagot. Napasimangot ako. Bumalik sa alaala ko ang mukha ni Felix na kasama ni Coraline. I rolled my eyes. Ako naman ngayon ang nag-krus ng mga braso ko.
“Because,” Amanda and Bethany were focused to me. Hinihintay kung ano ang idududgtong ko. Huminga ako ng malalim. “He is… He is constantly with a girl. In the office. Like almost everyday. Mukha namang hindi iyon kliyente kasi kung ganoon bakit si Felix ang ka-transaction niya diba?” bumagsak ang mga mata ko sa mesa. Nangunot ang noo ko nung dumaan ang ilang minuto ay walang ngsalita kahit isa sa kanila.
Pag-angat ko ng tingin ay nag-init ang mukha ko noong nakita kong pilit tinatago ni Bthany ang mga ngiti niya habang si Amanda ay halos mapunit na ang labi kakangisi.
Tiningnan ko sila ng masama kaya napatikhim si Bethany.
“And you’re not jealous, right?” marahan niyang tanong. Blangko ko siyang tiningnan.
“Naririnig mo ba ang sarili mo, Beth? Syempre hindi. My point here is, dapat hindi niya dinadala ang personal niyang buhay sa trabaho. He should focus on work first kagaya ng ginagawa ko hindi ba? Does he think like I am an easy opponent? Kaya ba marami siyang panahon para I-entertain ang babae niya sa trabahao?” nahahapo kong sabi. Napahalakhak si Amanda na para bang nagbibiro ako. I raised an eyebrow at her.
“Sigurado ka bang hindi mo talaga siya gusto?” pangungulit niya. “Kung tutuusin gwapo naman siya. Palagay ko rin ay matalino plus, base na rin sa mga kwento mo, competitive. Kaya sure ka bang wala ka talagang nararamdaman para sa kanya? If I know…” humalakhak siya “baka attracted ka sa subconsciously pero ayaw mo lang aminin sa saril mo. Ayiee…”
Inirapan ko siya bago inilingan. Seriously? Why does everybody thinks that I like that man?
“Sure, you are not, Shiloah,” she chuckled. Napa-iling naman si Bethany. “You know what, bakit hindi mo sabihin sa akin ang pangalan ng babaeng tinutukoy mo?” aniya sabay pindot ng kung ano sa cellphone. Napa-isip ako sa sinabi niya. Maraming siyang koneksyon at mataas ang tsana na kilala nila si Coraline, gayong kilala din nila si Felix. Mabilis akong napatango.
“Coraline.”
“Coraline what?”
“Hindi ko alam, Amanda. Coraline lang tawag sa kanya ni Felix.” Tumango siya tapos ay may itinipa sa telepono niya.
“Okay girls, now we have to go shopping. Let’s go,” she clapped her hands. Nagugulat namin siyang tiningnan ni Bethany. “Ano? Galaw-galaw na. We have to get you new clothes, Shiloah,” seryoso niyang sabi.
“For what?” naguguluhan kong sagot.
“Ano ka ba? Syempre papakabog ka ba sa Coraline na ‘yon? I don’t know her yet and I haven’t seen her face pero dapat mas angat ka sa kanya, Shiloah. You’re Amanda’s friend,” she bragged confidently.
Kaya ngayon nandito kami sa mall at pinapasukan ang lahat ng boutique na matatamaan ng mata niya. Amanda is not a celebrity pero lahat yata ng puntahan namin ay may kakilala siya kaya Bethany and I have no choice but to stop whenever she greets a friend.
Si Bethany ay may hawak na limang paper bag habang ako naman ay tatlo. Apat doon na ay kanila ni Amanda habang ang apat naman ay akin daw. Ngayon ay kasalukuyan kaming namimili sa pang-sampung boutique na halos mga elite lamang ang nakakapasok. When I looked at her, binubusisi na niya ang hawak niyang pulang body-hugging strapless dress. She smirked at me nung nagtama ang paningin namin. Sinenyasan niya ako na lumapit.
“Isukat mo ‘to,” utos niya.
“Hindi naman ‘to pwede pang-office, Amanda.”
“Basta, isukat mo na lang kasi,” tinalikuran na niya ako at pinuntahan si Bethany na nagbabasa ng magazie sa waiting area.
Napahinga ako ng malalim. Tinitingnan ang sarili ko sa higanteng salamin sa fitting room. The dress is beautiful. Ang problema ko lang ay masyadong mababa ang neckline nito. Kung party ang pupuntang party ang magsusuot nto ay paniguradong magiging elegante ang dating niya. The dress looks sophisticated and at the same time, sexy.
Amanda clapped her hands nung nakita niya ang paglabas ko ng fitting room while Bethany smiled.
“Ang ganda mo,” she cheered. Napangiti naman ako dahil doon kahit panay ang hatak ko sa dress dahil malawak na parte ng dibdib ko ang exposed.
“Hindi naman ako party-goer kagaya mo, Amanda. Kaya wala naman akong paggagamitan nito,” sabi ko.
“You will wear that tomorrow,” she grinned. Nanlaki ang mata ko.
“What? No! I can’t wear this. Tingnan mo nga ito…”
“Syempre hindi ka naman papasok ng naka-ganyan, Shy. Maghahanap tayo ng suit para diyan,” suhestiyon niya and that’s we did.
Nung nakahanap kami ay pumasok pa ulit kami sa iilang shop para bumili ng damit na Amanda na gagamitin niya para daw sa fun shoot nila ni Eion. At nung napagod kami ay nagpasya kaming magpahinga sa isang coffee shop sa loob ng mall para na rin kumain dahil lagpas lunch time na din naman.
Tinitingnan-tingnan ni Bethany ang mga nabili naming damit nung nag-beep ang phone ni Amanda. She gasped when she saw whatever it is kaya napalingon kami ni Bethany sa kanya. She covered her mouth and then looked at me.
“Bakit?” tanong ko. Ipinakita naman niya sa akin ang laman noon.
Kinuha ko naman ang cellphone niya para mabasa ng maayos ang nakalagay doon. It was a text message from her friend about Coraline’s identity. I read Amanda’s conversation with her friend aloud para marinig din ni Bethany.
“Coraline that is related to Felix Aragon? You mean his ex-lover? Ah, yes. Bali-balita nga nakabalik na siya from States, eh. I heard from Celine, Coraline’s friend na makikipagbalkan daw siya kay Felix. I don’t know if that’s true but if you saw her with him then I guess that must be true. Anyway, bakit mo natanong?” iyon ang nakalagay sa message.
Nagkatitigan kaming tatlo. I returned Amanda’s phone to her. May itinipa siya doon at itinago na niya sa bag niya ang cellphone niya.
“I told you. He is mixing his personal life and his work. How unprofessional of him,” reklamo ko habang nilalapag ng waiter ang order namin.
“I need to know more of this Coraline,” she announced out of nowhere. Wala namang imik si Bethany sa mga pinagsasabi namin. Ilang segundo lang ay nagsalita siya habang ang paningin ay nasa labas ng coffee shop.
“Uhm, guys…” baling niya sa amin. “She must be Coraline,” she pointed someone outside. Nung sinundan ko ng paningin ang itinuro niya ay lumantad sa paningin ko naka-angkla niyang kamay sa mga braso ni Felix.
Napalunok ako pagkatapos ay binagsak ang mga mata sa cheesecake na nasa harapan ko. I smirked.
“The rumor must be true talaga…” Amanda blurted. Bethany looked at me apologetically. What are you doing, Shiloah? Get back to your senses! Sabi ko sa sarili ko.
“Then let’s be happy for him,” I smiled. “Mabuti nga iyon na nasa kay Coraline ang atensyon niya para mas madali kong makuha iyong trabaho.” Nagsimula kong kumain.
Napakibit-balikat naman si Amanda at nagsimula na rin sa kanyang pagkain. Meanwhile, Bethany is silent, and although she is, I know she knows. I know she feels it. I smiled at her.
If I really wanted to be happy for him, then why am I feeling like I was snatched of something that’s supposed to be mine? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Naiinis ako tuwing pilit nila akong tinatanong kung may nararamdaman ba ako kay Felix kahit ilang beses ko na silang sinagot na hindi, wala. Kung totoo man ang sinasabi ko, kung ganoon bakit ako nakakaramdam ng… selos.