Rival

2375 Words
I was light-hearted. Maybe because that small talk with Felix helped it. Pagdaan ko sa harap ng building ay nagulat ako sa dami ng media nanaroon. Bumagal ang takbo ng sasakyan ko para silipin kung may aksidente bang nangyari. Nakita ko ang mga lalaking nakasuot ng itim na polo shirt na nakahilera sa b****a ng building, pinipigilan ang pagpasok ng mga nagpupumilit na reporters. Napailing ako at tumungo na sa parking lot. Doon ay nakita ko rin ang nakatumpok na mga media. Paglabas ko ng sasakyan ay dinumog ako ng mga reporters. “Miss! Sa AGO ka ba nagtatrabaho o sa VERA?” “Anong masasabi mo sa usap-usapan na magkarelasyon ang CEO ng dalawang kompanya?” “Miss, may alam ka ba sa plano ni Miss Ocampo at Mr. Vera?” “Hindi ka ba natatakot sa kalalabasan ng merging?” Nagsimulang mag-unahang mag-tutok ng microphone ang bawat reporter ng mga kilalang media oulet. Napapalibutan nila ako at itinutok ang dala nilang mga video camera at voice recorder sa akin. Ang mga nasa likod naman ay inaangat ang dala nilang camera. Napapikit ako sa sunod-sunod na flash nito. Hindi ma-iiproseso ng utak ko kung ano ang nagyayari. Anong merging? Plano? Sino ang magkarelasyon? Naguguluhan ako. Kinabahan ako nang pinilit kong maglakad ngunit hindi ako makahanap ng dadaanan dahil napagitnaan nila ako. Nagsimula akong panghinaan ng loob, pero may humawak sa braso ko at hinila ako palayo doon. Hawak ang kamay ko ay nilakad-takbo namin ni Felix ang elevator. “A-ano ‘yon? Anong n-nangyayari?” naguguluhan kong tanong. Binitawan niya ako at sinuri ang mukha ko. “Are you alright?” pabalik na tanong niya sa akin, ignoring my question. Tumango ako. Pagbukas ng elevator ay muli niyang hinawakan ang braso ko. Iginiya niya ako patungo sa loob ng opisina ko. “I’ll get you water,” he offered. Napasalampak ako ng upo. What is happening? Bakit may media? I decided to call Bethany, baka sakaling may alam siya. Three rings and she picked up the phone. “Bethany, why are medias flocking outside the building?” ilang segundo ang dumaan at hindi niya ako sinagot. “Hello?! Betty, are you there?”nahahapo kong tanong. “Yes, Shy.” I heard her sighed. “Ano bang meron?” Pumasok si Felix. When he saw that I am on the phone, he closed the door as quiet as possible. Tapos ay binuksan ang lid ng water bottle at iniabot sa akin iyon. I raised my hand, signaling him to wait. He fixed his eyeglasses. “The executives are having a meeting right now, Shiloah. Pagkatapos nito ay i-bi-briefing din ang lahat ng empleyado. I urge you to wait. Ibababa ko na, okay?” and she hung up. Napabuntong-hininga ako. I looked at Felix na nanatiling nakatayo. He handed me again the water again. This time, tinanggap ko na iyon. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ko at sumilip doon ang isang employee. “Uhm, Sir, I’m sorry p-pero may naghahanap po kasi sa inyo…” hindi mapakaling sabi niya bago may intinuro sa labas. Sabay namng binalingan iyon at nakita ko si Coraline na nakapukol ang tingin kay Felix. Nag-iwas ako ng tingin. Felix turned to me. “Can we have a lunch together?” nanlaki ang mata ko, I quickly glanced at the employee who was inside my room. She also glanced at me and smiled faintly. Ngumiti rin ako ng hilaw sa kanya. “I-Im sorry, Felix. I-I don’t think so we c-can…” All theses issues surrounding in the company, plus this girl who always shows up whenever and he’s me out for lunch. “Why?” “Uhm…” nangapa ako ng sagot “I-I will be having a meeting. Baka matagalan.” Nagtagal ang tingin niya. Tinitimbang kung nagsasabi ba ako ng totoo. Sa huli, ay tumango nalang siya at lumabas na. Sinundan ko siya ng tingin. Sinalubong siya ni Coraline, wearing her biggest smile. Muli akong umiwas ng tingin. Ilang oras ang nakalipas noong inalerto kami na pumasok sa conference hall. The hall was large, just enough for employees of different departments to fit. Ang disenyo noon ay parang sa theatre. Ang mga upuan sa likuran ay nasa itaas habang ang nasa unahan ay pababa. Doon din sa baba ang stage. Ayos iyon para ang nakatayo sa gitna ng stage ay makita pa rin ang mga naka-puwesto sa likuran. I took a seat nearest to stage. Sa likod ay may pahabang lamesa kung saan naka-upo si Mr. Vera kabilang ang mga importanteng tao ng bawat kampo. Sa gilid ay nakatayo si Bethany hawak ang kanyang notebook. Si Ms. Allona ay kasalukuyang nakatayo sa may podium na nasa gitna ng stage. Sobrang lakas ng bulungan at natigil lamang noong tumayo si Miss Allona. Naglikha ng maingay na tunog ang microphone na hawak niya. Base sa mga taong naka-upo sa harap ay may kutob akong seryoso ito. “Hello…” paunang bati niya. “First, I would like to say sorry for the trouble media gave you this morning.” Nilibot ng kanyang paningin ang lugar pagkatapos ay nagpatuloy sa pagsasalita. “Some of you may wonder why we have Mr. Vera here pati na rin ang mga stockholders. Well, hindi ito ang paraan na naisip namin para basagin sa inyo ang balitang ito…” huminga siya ng malalim bago nagpatuloy. “Probably, most of you knows that Paul and I are a very good friends. Sa oras ng paglubog ng ating kompanya kung saan umabot sa puntong kailangan na nating lisanin ang establisyemento, ay naroon si Paul at nag-magandang loob na maging residente tayo ng kanilang bagong building. At nagpapasalamat ako doon.” Tahimik ang mga nasa loob ng hall. Tila inaabangan kung ano pa ang idadagdag ni Ms. Allona. “A lot of things happened for the past two years. Marami akong naging desisyon kagaya ng pagbabawas ng empleyado kahit na labag sa loob ko. At naging kabilang sa mga desisyong iyon ang pakikipag-relasyon ko kay Paul, romantically.” Nagsimulang magbulungan ang mga tao. Umingay ang conference hall dahil doon. “I told you tama iyong sinabi ng kaibigan ko, eh!” “Totoo pala ang chismis, ano…” “Nako, narinig ko iyan eh. Usap-usapan iyan doon sa ibang departments.” “Oo nga, madalas daw sila nakikita magkasama!” Rinig kong usap-usapan sa likod. Tinabingi ko ang ulo ko at kunwaring inayos ay buhok para pasimpleng makita ang mga mukha nila. “Yes. The rumors are true.” Miss Allona smiled. Ah, so ito pala iyon pinag-uusapan ng karamihan noong nakaraan? Well, I already have a hunch about it because of how they acted the last time I saw them. So? Ano naman ang masama kung magkarelasyon sila? “We are actually planning to get married soon. Some of you may be disappointed dahil biglaan nga ito. I understand you dahil sino ba naman ang mag-aakala na ganito ang mangyayari. Gusto ko mang sabihin sa inyo ang lahat, kung paano nagsimula but that would probably take us forever. All I know is that hindi biglaan ang namamagitan sa aming dalawa. We can’t stop two hearts beating for each other.” She said the last sentence slowly. I smiled. “And as a part of this plan, we, as well as the other executives of both company agreed for the merging.” The last statement made the people inside to whisper extremely. Umani ito ng iba’t ibang komento ngunit karamihan doon ay negatibo. I glanced at Bethany and she just nodded at me. Sa likod ko ay may naglakas-loob na ihayag ang damdamin. “Ma’am, ano na pong mangyayari no’n? Mawawalan ba kami ng trabaho?” sinang-ayunan ito ng iba pang empleyado. “No. Rest assured that you will in stay in your job but of course, there will be minor changes,” she smiled again and then her eyes found its way to me. Okay? Ano ang ibig sabihin non? I shifted my weight. Few more people expressed their worries but they are all assured by Miss Allona. Nang natapos na ang pag-uusap na iyon ay nagsimula ng lumabas ang mga tao para bumalik sa kani-kanilang trabaho. Huli akong tumayo. Hindi pa ako nakakalayo ay tinawag ako ni Miss Allona. “Shiloah, are you busy?” Nangunot ang noo ko. “Ah, hindi naman po,” sagot ko. Binalingan ko si Mr. Vera na nasa tabi niya. I smiled politely. “Great. Then, can I have you in my office? I have to discuss something to you.” “Sure, Miss.” Makabuluhan siyang nakipagtitigan kay Mr. Paul. Sabay naming tinahak ang opisina niya sa 15th floor. Pakapasok na pagkapasok doon pina-una nya akong paupuin pagkatapos ay may sinilip siya sa labas saka sinarado ang pinto. “This is regarding with the merging. There will an opening for the position of Finance Director and I want you to have it,’’ she declared. “Paul wants it to be Felix. He said that man is great, do you know him? Anyway, I didn’t agree because I said I know you are fit for the position, too.” This is good news actually. Dahil ito na iyong oportunidad na hinihintay ko. Pero sa narinig ko ay nanghina ako. Pakiramdam ko, hindi pa nag-uumpisa ang laban ay talo na ako. He really is great because if not, sana ay hindi sila ang top publishing company. All of the Vera employees can testify how credible he is despite of his rudeness. I know it. Noong nasa elevator na ako ay iyon lang ang nasa isip ko. How can I have that position when even Paul Vera acknowledges him? Days ago, Felix even insulted the way I work simply because I treat people differently. I smiled bitterly. Well, he already said he’s sorry about it. I also remember he said that I am not what people say I am. Besides, Miss Allona believes that I can so might as well give it a shot? Wala pa ako sa tamang palapag ay bumukas ang elevator. Okupado ang utak ko na hindi ko na malalaman na si Eion ang pumasok kung hindi siya nagsalita. “Hi!” he greeted excitedly. But I can’t give him the same amount of energy so I just smiled at him. “You look so down. May problema ba?” he asked worriedly. “Ha? Ah..” pilit akong tumawa “Wala naman. Medyo pagod lang.” Tinitigan niya ako ng matagal at napasulyap sa suot niyang wrist watch. “Gutom lang iyan…” pagkasabi niya no’n ay lumapag ang elevator sa floor kung nasaan ang cafeteria “Halika na,” hinawakan niya ako sa braso ko at hinila papasok. Nagboluntaryo siyang siya na ang kukuha ng pagkain naming dalawa kaya ako ang naghanap ng bakanteng upuan. Pagkadating niya ay inilapag niya sa harapan ko ang pagkain na para sa akin. “Ang sabi mo, you wanted to make your own name in terms of photography. If that’s what you want then why bother apply to another agency or company. Kung gusto mo naman palang lumikha ng sarili mong pangalan, mas maganda siguro kung maging freelance ka na lang muna…” suhestiyon ko noong tinanong niya ang opinyon ko sa pag-apply niya sa ibang agnecy na mas focus sa gusto niyang career. Using his fingers, he combed his wavy hair pagkatapos ay sumandal saka napaisip. “Hmm… siguro nga tama ka.” “Ano, nakapag-desisyon ka na ba? Sabi ko ipapakilala ko sa’yo yung kaibigan ko diba, si Amanda? Freelance model kasi siya, why not try working together hindi ba? ‘Tsaka madami iyong koneksyon.” Umiling siya. “I don’t wanna use someone for connection.” “Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin. I’m just saying why not start freelance photography habang hindi ka pa nakakapagdesisyon kung ano ba talaga ang gusto mong gawin.” “Galit ka ba?” pabiro niyang tanong. “What? No…” natatawa kong sagot. He then made a joke that made both of us laugh, dahilan kung bakit hindi na namin napansin ang pag-upo ng dumating na lalaki sa tabi ko. Nasamid ako ng sarili kong laway kaya napa-ubo ako. “Kukuha lang ako ng tubig,” Eion volunteered at saka tumayo. Naiwan kaming dalawa ni Felix doon. “Akala ko ba mag-mi-meeting kayo? Iba palang meeting ang sinasabi mo, Shiloah,” bintang niya sa akin. Matalim ko siyang tinignan. “Anong ibig mong sabihin?” “I asked you if we can eat together. Ang sabi mo hindi kasi may meeting kayo.” “I told you I’m not sure. Ano naman kasi ngayon Felix kung iba ang kasama ko kumain?” hindi siya nakasagot. Napangiti ako. “Don’t tell me you’re jealous -” “So what if I am?” hamon niya. Kumabog ang dibdib ko. Hindi iyon ang inaasahan kong sagot. Bumagsak ang ngiti ko. Halatang nabago ng sagot niya ang ekspresyon ko kaya humalakhak ako kunwari. But Felix is smart kaya siya naman ngayon ang may lakas loob na ngumiti. Pumagilid siya ng upo para mas magkaharap kami at saka nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. What the hell he think he is doing? Nilibot ng paningin ko ang buong paligid at nakita na may kanya-kanyang mundo ang mga tao dito. Bakit ba ang tagal bumalik ni Eion?! “Don’t fool me, Felix. Bakit mo naman ako iimbitahan para mag-lunch? Para ba maging malapit ang loob ko sa’yo? Para kusa ko na sa’yo ibibigay yung posisyon?!” marahas na paratang ko sa kanya. Hindi ko nagustuhan ang sarili kong naisip. He looked at me, confused. “What are you saying?” I didn’t buy it. Mas lalo lang umasim ang mukha ko. “Oh! Come on, Felix. ‘Wag na tayong maglokohan pa dito! I am pretty sure alam mo na kung tungkol saan ang sinasabi ko. I want the position, Felix, and I won’t let you have it,” matapang kong sabi at saka iniwan siya doon. I guess this is just how it is. Felix and I can’t really have a normal relationship together. We just patched some things between us yesterday but here we are again, back to being rival.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD