Tired

2647 Words
“Oo, sis! May nakakita daw sa kanila, eh, kaya baka totoo talaga.” “Talaga ba? Ano kayang mangyayari…” Rinig kong bulungan ng dalawang empleyado ng Vera Publishing noong papasok ako ng building nang sumunod na araw. Merong blind item na kumakalat ngayon sa loob ng building at wala akong idea kung ano iyon. Gustuhin ko mang tanungin si Bethany ay hindi ko magawa dahil nauubos din naman ang oras ko sa pagtatrabaho. Sa totoo lang, kating-kati na talaga yung dila ko para magtanong eh. Pinaninindigan ko nalang talaga yung prinisipyo ko na huwag makialam sa problemang hindi naman akin. Kapag hindi ako nakapagpigil, isang araw ay baka makisali nalang ako sa mga nagchichismisang nagtatrabaho dito. Ano naman ang maidudulot noon sa akin? Wala syempre! Pero at least, updated ako sa mga nangyayari dito, ‘no. That day, I was working passionately dahil malapit na ang sahod. Medyo mataas naman iyon kung ikukumpara sa ibang kompanya kaya nasisiyahan naman ako. Although, I am contented, I wanted more. Sa isip ko, kung may pagkakataon man na ibibigay sa akin para mapabilang sa mas mataas na posisyon, kaagad kong susunggaban iyon. Not because I want to receive a higher wage but because I wanted to prove my mama and papa that I belong in my pursuit. Our family owns a ranch. It was originally from my papa’s family, pero dahil wala na ang mga magulang niya ay siya na ang namamahala. Tumutulong ang mama ko despite the fact that she was a city girl. Oh, what a person can do for love. It was a sweet romance for them, to be away from noise in the city and be waken by the sounds of chicken, cows, horses and all kinds of animals there are in a ranch. My mama and papa wanted me to manage it soon but I refused to. Ang sabi nila ay mas malaki ang kita sa rancho pero ayaw ko. I envisioned myself as a woman who does, but never did I foresee myself counting piglets, not even harvesting corns. So I made myself here in the city, taking baby steps to prove myself that I am so much more. Speaking of my mom, we spoke again last night. Pinaalala niya sa akin ang napagkasunduan namin. Pero hanggang ngayon ay hindi ako makapagdesisyon kaya isinantabi ko na muna iyon. I will deal with it later. “I really wanted to pursue photography…” kwento sa akin ni Eion habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria. Yes. Magkasama na naman kami. It just happened that we see each other here… again. I originally planned to ask Bethany if she could eat with me, but then I was told that the executives of AGO and other stakeholders were having a meeting and as a secretary, she was needed there, and so I ended up eating with Eion. “If it really is you dream, then hindi pa naman huli ang lahat. I mean, you’re young and I assume you have the skills, plus you already have experience in Vera as a media and advertisement leader,” mahabang sabi ko habang nilalaro ang mga natirang gulay sa plato ko. “Hmm… you think so?” si Eion. “Oo naman,” sabi ko sabay angat ng tingin sa kanya. He clasped his hands together and tilted his head a little, nag-iisip. “Kaya lang baka mahirapan ako, eh. I don’t know where to start actually.” “Ano ka ba! The first step is always the hardest you know,” he smiled at what I said. “You’re more enthusiastic about this more than me,” he grinned. “Just because. Hmm… You know my friend right? Amanda Williams?” I equaled his grin. “What about her?” now it got his attention more. “She is a freelance model. Uhh, she was actually scouted to be a model by a famous modelling company in New York. I forgot to ask the agency bu anyway, hindi niya tinanggap I don’t know why. So… I am hoping this opportunity could lead her in accepting the offer. Ganoon din sa’yo. Do you want to team up with her and have some, you know, fun shoots? Baka lang makatulong.” “I’ll see about it,” he shrugged. Eion is talking more about his life and I just listened to him. Gwapo si Eion. He have this manly face but with soft features. Kahit sino man ang makasalubong nito sa daan ay paniguradong ang unang iisipin sa kanya ay mabait. And without a doubt, he really is kahit na bago pa lang kaming magkakilala at ilang beses pa lang naman kaming nagkakasama. Unlike Felix. Just when his name popped in my head, siya rin ang pagtahak niya papasok ng cafeteria at kagaya ng mga nakaraang araw, she was with that woman again. Palagi na lang akong nawawalan ng gana pag nakikita ko sila. Ayaw ko naman na maulit pa ang nangyari ang paglapit sa akin habang kasama si Eion kaya nagpasya akong ligpitin na ang pinagkainan ko. “Aalis na ba tayo?” tanong ni Eion nang nakitang medyo nagmamadali ang galaw ko. “Huh? Ah, oo. May kailangan nga pala akong tapusin ngayon,” pagsisinungaling ko kahit ang totoo ay iniiwasan ko lang talaga si Felix. Napangiti ako ng hilaw. Iniiwasan ko na naman siya. Umiiwas na naman ako. Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko. Ang alam ko lang ay palagi akong natataranta kapag malapit siya. When I came back in the office, I did what I had to do. Nagtrabaho ako. Sakto alas-singko ng hapon ay natapos ako kaya hindi na ako nag-dalawang isip pa na magligpit ng gamit para umuwi. I am longing for my bed. “Shiloah…” tawag niya sa akin mula sa likuran ko nung nasa parking lot na ako. Hindi ako sumagot, sa halip ay binalingan ko siya pero pinalagpas ko din ang tingin ko sa likuran niya para makita kung hanggang ngayon ay kasama pa din niya ang babaeng iyon. Sino nga ulit iyon? Ah, si Coraline. “What?” I asked, irritated. Mag-iisang minuto ay halos makarinig ako ng kuliglig dahil hindi siya sumagot. Nakatayo lang siya duon na parang estatwa habang tinititigan ako ng seryoso. “What is it, Felix?” He sighed. “Uuwi ka na?” halos matawa ako sa tanong niya. Seryoso ba siya? Obviously, Felix! Kung hindi mo nakikita ay pasakay na ako ng sasakyan ko hindi ba? Gusto ko iyong isagot sa kanya kaya lang ay wala na akong enerhiya para makipag-daldalan sa kanya ng mga bagay na wala namang kwenta. “Oo,” tipid na sagot ko at naghintay kung may idudugtong pa ba siya pero wala akong narinig. He shifted his weight at nakita ko rin na kumibot-kibot ang mga labi niya pero walang lumabas na salita pagkatapos ay napabuntong-hininga ulit. Ang laki siguro ng problema niya para mapabuntong-hininga ng dalawang beses. I never seen him do that except when he learns that I am pleasing another people again. Naghintay pa ako ng ilang segundo at saka nagdesisyon na talikuran na siya para pumasok sa sasakyan. Pagkabuhay ng makina ay umalis na ako doon at bago tuluyang makalayo ay sumulyap ako sa rear view mirror, doon nakita kong pinapanuod lang niya ang pag-alis ng sasakyan ko. Seriously, what is wrong with him? No, it should be, what is wrong with me? Nung araw na naabutan niya ako sa loob ng opisina niya ay naging magaan ang loob ko. Narinig ko ang sorry niya. Madala din kaming nagkakasalubong noong mga nakaraang araw. Paminsan-minsan rin ay nagkakasama kami pero wala ni isa sa amin ang naglakas-loob na buksan pa ang usaping iyon. Something in him changed. Naging mabait na siya sa akin at masaya ako doon dahil sa wakas ay magiging magkaibigan na kami pero sa dalas kong makita na magkasama sila ni Coraline ay mas lalo lang akong nag-ngitngit sa inis. That night, I opened my social media account. Minsan ko lang gamitin iyon kaya nagulat ako na madami na palang notification at messages mula sa mga kakilala ko. Ni-accept ko din ang pending na friend requests mula sa mga office mates. Then, I decided to visit Eion’s profile. Nakita kong walang ibang laman iyon kundi mga litrato ng mga bagay-bagay, but most pictures are of nature. Out of curiosity, I typed Felix’s name on the search bar and only showed one result. When I made it on his page, dumiretso ako sa photos niya pero sa kasamaang palad, walang naka-display dahil naka private ang account niya. Pa-showbiz naman. Nang naisip kong wala naman pala akong mapapala doon ay ni-exit ko na ang website. Not long after ay muli akong bumalik sa page para i-search ang pangalan na Coraline. The page gave me hundred Coraline. However, curiosity kills a cat, kaya pinagtyagaan kong tingnan ang mga profile picture ng bawat Coraline na makikita ko ngunit sobrang dami pa rin ang natitira at sumasakit na ang mata ko kaya kalaunan ay tinigilan ko na rin. Kung wala sa siya suggested results, ibig lang sabihin noon ay wala siyang account. “Meet me in cafeteria at lunch. Felix,” malakas na basa ko sa post-it note na idinikit niya sa mesa ko kina-umagahan. Dahil doon ay napabaling ako sa opisina niya at nakita ko siyang nakayuko, may sinusulat na kung ano. I felt weird in my stomach. Hindi ko mapangalanan iyon. Pero hindi ko din maikakaila ang antisipasyon na nararamdaman ko. Nawala na parang bula kung ano man ang lahat ng iniisip ko dahil sa biglang pumasok. “Miss, submit ko lang po.” “Huh? Ah, oo. Akin na,” wala sa sariling sabi ko habang kinuha sa kanya ang folder. When she went out of the room, I took that as a sign to work. Ngunit hindi iyon naging madali dahil panay ang sulyap ko sa orasan. Pakiramdam ko ay iyon na ang pinakamatagal kong hinintay para dumating ang lunch time. Kaya ganoon nalang ang pagmamadali ko noong kinse minutos nalang ay mag-aalas dose na. Nagsisimula na rin magsi-alisan ang mga empleyado para bumaba. Nang binlaingan ko ang opisina ni Felix ay ganoon pa rin naman siya. Nakapangalumbaba siyang nakaharap sa computer, siguro ay may binabasa. Pabagsak akong napa-upo muli sa silya ko. Bakit ba ako nagmamadali eh hindi pa naman siya umaalis? Baka mamaya kapag nauna ako doon ay iisipin niyang excited talaga ako kahit hindi naman masyado. Kaunti lang naman. Ilang minuto ang dumaan ay nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglabas niya ng opisina. Nang napadaan siya sa labas ng opisina ko ay bumagal ang lakad niya. Hula ko ay minamasdan kung ano ang ginagawa ko, o kung aalis na din ba ako. Tama iyan Felix. Tingnan mo naman ako, hindi ba? Subsob sa trabaho kaya maghintay ka dahil I am a busy woman, bulong ko sa sarili ko. Siguro ay paghihintayin ko siya ng mga fifteen minutes para naman maisip niya na masyadong mahal ang oras ko. Hmp! Habang hinihintay na lumapag sa tamang palapag ang elevator ay nakita ko ang sariling repleksyon. Ngumiti ako ng nakakaloko. Habang patagal nang patagal ang pagtitig ko sa sarili ko ay bumagsak ang mga ngiti ko nang naalala si Coraline. Kaya ba gusto niyang kitain ko siya ngayong lunch time ay dahil wala ang babae niya? At, teka nga, hindi ko alam kung bakit niya ako pinapapunta doon, hindi ko man lang itinanong ang dahilan niya at basta nalang talaga ako sumunod dito! Nakasimangot ako noong pumasok ng cafeteria. Anyone who would see my face would definitely say I am having a bad day. Nakita ko siyang naka-upo sa pang-apatang silya sa pinakadulo ng silid, kung nasaan siya naki-upo kasama si Coraline noong nag-lunch kami ni Eion. Nami-miss ba niya kaya doon siya pumesto? Dahil sa naisip ay mas lalo akong napasimangot. “What is it?” salubong na tanong ko. Imbes na umupo ay nanatili akong nakatayo habang nakakrus ang mga braso. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa saka sumandal sa upuan pagkatapos ay pinagkrus din ang mga braso. “Sit.” Hindi ako sumunod. Ano bang palagay niya sa akin? Utusan niya? “I said, sit Shiloah,” he repeated. This time, in a more authoritative tone. His gaze tells me he’s not joking, hindi rin naman ako nagbibiro ah! Pero mas tumindi ang titig niya kaya napalunok ako at unti-unting umupo. Sa mesa ay nakahanda na ang pagkain para sa dalawa. Does he honestly think na sasabay talaga ako ng kain sa kanya? Kanina, oo. Pero hindi ko nagustuhan ang naisip ko habang nasa elevator kaya nagbago na ang isip ko. “I’m sorry,” he sighed. Napatingin ako sa kanya. “I’m sorry for what I said that day.” Bumagsak ang tingin ko sa pagkain. Hindi ko alam kung anong isasagot. Alam ko na sinabi ko sa sarili ko noong araw na magpapasalamat ako sa kanya na kakalimutan ko na kung anong nangyari. Na ibabaon ko na sa limot ang kung ano mang masasamang sinabi niya na ikinasakit ng damdamin ko… yung insultong naramdaman ko. I had to. Because I am thankful for him, for saving me from worse that I could only imagine. I think, it’s a human nature to forgive people who hurt us even though they owe us an apology, yet never heard them speak of it. Nagpapatawad tayo kasi nakatatak na sa atin na tao lang din naman tayo, nagkakamali din. Palagay ko doon nabuo ang konsepto na “okay lang.” Okay lang kasi nasabi na, natapos na, nangyari na. Okay lang kahit na masakit. Okay lang kahit sa totoo lang hindi naman talaga okay. Nasanay nalang yung tao na kalimutan yung mga sakit kasi hindi naman tayo nakatanggap ng paghingi ng tawad and that’s what scars us, kaya hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Felix. “Shiloah, I know you were hurt…” he trailed off. “But I want you to know that you are not what I say you are.” Upon hearing it, I teared up, kaya pinili kong tingnan ang paligid sa labas. “Wala akong karapatan na sabihin na hindi ko na nadala lang ako ng galit because there is no place in hell it would justify the insulting words. I-I just want you to know that I regret it and I promise I won’t do it again.” “I’ve already forgotten about it Felix,” mahinang sabi ko. Umiling siya. “I want to ask forgiveness, Shiloah. Makalimutan mo man ay hindi ko hahayaan ang sarili ko na kalimutan din iyon. It will haunt me forever…” he mumbled and then look away. “Let’s forget about it.” “No, we have to talk about this. Ayaw ko ng umiiwas ka sa akin ng paulit-ulit…” napa-angat ako ng tingin sa kanya. “I’m so tired of watching you walking in a different direction. I’m so tired of watching you walk away from me,” he added. “What do you mean?” Huminga siya ng malalim tapos ay napa-iling. “Let’s eat,” utos niya. “Huh? Ang sabi mo mag-uusap tayo. Bakit hindi mo ‘ko sinasagot?” “I’ll tell you some other time.” “Why not now?” I crossed my arms. He looked at me the same way we ate lunch together in that small food store. Ang tingin na nasa gitna ng pagpapasensya at pagkainis. Ang suplado naman! “Fine,” pagsuko ko. After that, we grew silent. Walang nangahas na basagin ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. But unlike the other day, the silence between us was not as awkward as it was the previous days. Rather, I found comfort in it. And it’s strange that I am starting to feel comfortable with him around.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD