“H-haha…” pilit na halakhak ko. Napa-aray siya nang hinampas ko siya. “Mapagbiro ka talaga! Hahaha,” inirapan ko siya.
“Ano, Shiloah? Tara na, baka ma-traffic tayo…” ani Bethany.
“W-wait…” isang beses ko pa siyang inirapan at naglakad pabalik sa sasakyan.
I didn’t expected that it would turn out like this. Bakit ba kasi hindi ko muna itinanong kung may kasama ba siya? Dapat inalam ko muna diba? Kasi magkasama sil kanina.
Ang tanga mo naman kasi minsan, Shiloah!
“U-uhm… okay. So, uh, final na ba? G kayo?” I asked.
Alam kong final na talaga pero nagbabakasakali ako na sana umatras pa siya. I was eager for inviting Eion, pero kanina iyon, noong hindi ko pa alam na kasama niya at isasama niya si Felix. But now… parang nagsisisi na ako. Felix, standing far from me bore his stares at me. Mukhang desidido talaga ang pagsama niya pero sa loob-loob ko ni-wish ko na sana ay may mangyari para magbago ang isip niya.
Masama ba akong tao kapag hiniling kong sana ay may mangyari?
“Yeah, we are accepting your invitation. Saan ba kayo magdi-dinner?” Eion inquired.
“Uhm… Nagpa-reserve kami sa restaurant na malapit sa bar na pupuntahan namin later. Uh, ano, may dala ba kayong sasakyan?” I asked hesitantly.
“Yes. I brought mine and Felix have his, too,” Eion answered.
“O-okay. Sundan niyo nalang kami,” I said. Agad akong tumalikod para pumasok sa driver’s seat.
“Oh my gosh, Betty. What have I done?” tanong ko sa kaniya kahit alam ko naman na hindi niya ako masasagot.
“What? Bakit? Anong sinasabi mo diyan, Shiloah?” naguguluhan niyang tanong. Napa-iling ako at mabigat ang loob na ni-start nalang ang sasakyan saka umalis na.
Sa byahe ay maya’t-maya ang tingin ko sa rear view para i-check kung nakasunod ba sila sa akin dahil medyo mabilis ang pagpapatakbo ko. Paano kung mas bibilisan ko pa? Makakasunod pa kaya sila?
Actually, okay lang din na hindi sila makasunod, sasabihin ko nalang hindi ko napansin na nawala sila sa paningin ko, but I guess, destiny’s really not in favor of me dahil hindi pa ako nakakababa after parking ay nag-park na din sila ng sasakyan nila.
I sighed.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang nawi-wirduhang tingin na iginawad ni Bethany sa akin pero hindi ko na pinansin pa iyon. Sa halip ay ikinalas ko ang seat belt at bumaba na.
Sinalubong ako ni Eion ng isang ngiti kaya pinilit ko rin ngumiti. Okay fine, let’s just play it out tonight. Pagpasok namin sa restaurant ay sinalubong kami ng waitress.
“Table for four?” she asked me dahil ako ang nauna niyang nakasalubong, pero ang paningin ay hindi nasa akin kundi nasa likuran ko, palipat-lipat ang mata niya kina Eion at Felix. Naningkit ang mata ko dahil doon.
“I have a reservation, Miss,” I stressed the miss to grab her attention. She smiled but I didn’t.
“Can I have the name, Ma’am?”
“Shiloah Mendez. I reserved a table for two but I have two more persons with me. Would it be possible if we move in a four-seats?”
“Let me check, Ma’am. Excuse me for a second,” paalam niya. Nilingon ko sila sa likod kaya nagkatinginan kami ni Felix but I rolled my eyes at him. I saw Eion scanning the whole place while Bethany was busy manipulating her phone. Maya-maya lang ay dumating ang waitress at inilalayan kami sa table.
So, ang magkatabi sa upuan ay of course, ako at si Bethany. Sa harapan ko naman ay si Eion na katabi si Felix. The food is now served. Nung nagpa-reserve kasi ako ng table ay sinabi ni Bethany na i-pre-order na din ang food para pagdating namin is ise-serve nalang.
“What are you guys waiting for?” mahinang sabi ni Bethany, binabasag ang katahimikan na namutawi sa aming apat.
“Let’s eat,” sabi ko. The atmosphere is heavy. This is not what I planned out alright? Medyo nahiya ako kay Eion dahil hindi isinama ko siya dito pero magiging tahimik lang din pala kami. Yes, kay Eion lang ako nahihiya. Duh.
“By the way, this is my friend, Bethany. She works under AGO, same kami.” pakilala ko kay Bethany.
“Hi, I’m Eion. Nice to meet you, Bethany,” Eion sincerely smiled and extended his hand for a handshake. Bethany, over here, smiled shyly and reached for his hand.
“Nice to meet you, too,” matipid na sabi niya saka pinagpatuloy ang pagkain.
“Oo nga pala, I haven’t formally introduced myself to you earlier. Si Felix kasi nagmamadali, eh.” Tumawa pa siya. “My name’s Eion Cruz,” binalingan niya ako at saka nakipag-kamay sa akin.
“Uhm, Bethany, this is Felix, nasa floor ko siya nagwo-work but under siya sa Vera,” I trailed off.
“Hi, I’m Felix. Nice meeting you,” sabi niya kay Betty sa malalim na boses.
“Hi, nice meeting you, too,” Bethany accepted. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin pero nagpanggap akong hindi ko naiintindihan.
Habang ngumunguya ay napadpad ang tingin ko sa kanya at kamuntikan ko na maibuga ang kinakain ko dahil nakatuon ang atensyon niya sa akin. I rolled my eyes, showing him that I am annoyed by his presence.
What are you looking at?! I mouthed at him. Napa-iling siya at nagpatuloy sa pagkain. Huli na nung napansin kong nakatitig pala sa akin si Eion kaya inayos ko ang pagkaka-upo ko at ngumiti sa kanya. Saglit niyang sinulyapan si Eion tapos ay sinuklian ang ngiti ko.
I tried to strike a conversation. I learned that he is a Advertisement Manager of Vera Publishing and that he and Felix has been friends for years now. The dinner went smoother than I expected. We stayed in that restaurant for about five minutes or more before leaving to go to the party venue.
Amanda was all over the place nung dumating kami. She’s flying from one place to another to greet a friend or a personality she knows. Papasok na sana kami nung napansin ko na parang constipated si Bethany.
“What now, Betty?” I asked.
“I’m nervous…” she answered while taking a peak inside. Wala siyang social anxiety. She’s just overwhelmed by crowded places like this. After all, she is more of a introvert. That’s why.
“For sure naman sa VIP lounge tayo kaya what are you nervous for?” I chuckled.
“Hey! You guys, what are you doing here outside,” Amanda jeered. Sinalubong niya kami sa entrance ng bar. From me and Bethany, her eyes then trailed off to the men with us.
“Oh, it looks like you brought friends!” she said excitedly.
“Uh, yeah. Amanda, this is Felix and Eion, our colleagues. Felix, Eion, this is Amanda my friend,” pagpapakilala ko. Amanda raised an eyebrow nung narinig niya ang isa sa mga pangalan na binaggit ko. She greeted Eion lke she normally does pero mahahalatang mas interesado siya sa isa pang lalaking kasama ko.
“So, you’re Felix,” hinarap niya si Felix. She grinned and gave me a meaningful look.
Okay? What’s with her and Bethany? I know what those meaningful looks pero nagkakamali sila ng iniisip.
Felix fixed his eyeglass before extending his hand for a handshake. Iginiya na kami ni Amanda papasok at bawat dinadaanan namin ay may binabati siya. Kung tutuusin, masyado pang maaga pero marami na ang mga tao. She must have really invited a lot.
Tama nga ako. She led us to the the tables for VIP in the second floor. The lounge has a big couch, pang-group of friends talaga iyon. Kahit mag one seat apart kaming apat dito ay may matitira pa ring malaking space. After we settled, umalis na si Amanda para asikasuhin ang ibang bisita niya.
Napagdesisyunan kong umupo sa may gitna ng couch. Akala ko ay si Bethany ang tumabi sa akin pero nang binalingan ko iyon ay nangunot ang noo ko nang makitang si Felix iyon.
“What are you doing?” I said almost screaming dahil malakas ang tugtog sa lugar.
He crouched to my ears pero bahagya akong lumayo. “We need to talk.”
“We have nothing to talk about. Move away from me,” maarteng sabi ko.
“Please,” he begged.
Alam ko, sasabihin niya na hindi niya sinsadya iyon, na nainis lang siya or whatever. Pero kahit ano ma ang dahilan niya, he insulted me. Kung tutuusin wala siyang karapatan na pagsabihan ako noon dahil hindi nila ako empleyado, mas lalong hindi kami magkaibigan.
Forgiving isn’t easy, because cuts may wound us physically but hurtful words damages our soul. This is the reason why people should be mindful of their words.
Hindi ako gumalaw. Hindi rin ako nagsalita.
Sinulyapan ko si Bethany na naka-upo sa hindi kalayuan sa akin. She really looked out of place dahil sa pormal na suot niya, halatang kagagaling lang sa trabaho. Eion on the other hand, is away from Felix. He is busy scanning the whole place. Mula dito sa kinauupuan namin ay makikit na agad ang dance floor,at iyon ang ginagawa ni Eion.
From my peripheral vision, nakatitig pa rin si Felix sa akin and it is making me real uncomfortable. The music became louder and my breathing hitched when once again, he moved closer to me and whispered on my ears.
“Let us talk, Shiloah.” My heart hammered on how soft his voice sounds like. Nilingon ko siya and I saw how his eyes flickered like one of the neon lights.
Umiling ako at nagsalin ng wine sa dalawang glass. Binigay ko ang isa kay Bethany, ang isa naman ay kinuha ko at saka naglakad papuntang barandilya at doon ako tumayo.
Nakatalikod na ako sa kanilang tatlo ngayon kaya pasimple akong tumingin sa likod para silipin kung sinundan niya ba ako. Hindi sa nagpapabebe ako para sundan niya ha. I was just checking if he followed me. Inilugay ko ng maayos ang buhok ko at ginawa iyong kurtina para matabunan ang mukha ko. Nakita kong sumalin din siya ng alak sa baso, inayos ang pagkaka-upo at sumandal sa couch at kahit madilim, nahuli niya pa rin ang tingin ko. I was startled kaya ibinalik ko nalang paningin ko sa mga tao dagat ng mga tao at nagpanggap na wala akong ginawa.
I am not entertained by these dancing people. Kahit ang malakas na musika ay hindi sapat para pigilan ang utak ko na maglakbay pabalik kay Felix. Kaya nagpasya akong maglakad palayo sa mesa namin at lumapit sa may hagdan to access the wider view of the first floor. Sinubukang hanapin ng paningin ko kung nasaan si Amanda pero hindi ako nagtagumpay na makita siya dahil naghalo na ang mga bisita niya at ang regular customers ng bar.
Maya-maya lang ay may lumapit na lalaki sa akin. Nung una ay tumitingin-tingin lang rin siya sa dance floor pero hindi nagtagal ay kinausap na niya ako. May sinabi siya pero hindi ko narinig iyon dahil sa pinaghalong lakas ng musika at hiyaw ng mga nagsasayahan.
“What?” pasigaw na sabi ko. Nakita kong ngumisi siya at humakbang papalapit sa akin. Inilapit niya ang bibig niya sa may tenga ko dahilan para mapa-atras ako ng dala ng pagkagulat.
“I said, are you alone?”
Mas matangkad sa akin ang lalaking kaharap ko kaya sumenyas ako sa kanya na yumuko siya para makabulong ako.
“No, I am with my friends and colleagues,” sagot ko at itinuro sa kanya ang direksyon ng pwesto namin. I saw Bethany still holding her wine glass, while Eion is now standing, talking with a woman. An Felix eyeing me while sipping on his glass.
“Oh. A beautiful woman like you should not be standing alone in this dark place. Do you want to dance with me?” he asked, na mabilis ko namang inilingan.
“I’m sorry, no. I have to look out for my friend,” I sincerely answered.
“Come on, mabilis lang,” pamimilit niya and moved inch closer to me.
“No. I really can’t.”
“Alright,” he sighed, defeated. “Can I buy you a drink instead?” he offered. I can’t. I have to drive Bethany home.
“Umm… Thanks but no,” I politely declined pero patuloy parin siya.
“Please? Just a few glasses of tequila, margarita or any drink you want,”
“I can’t be drinking. I will drive for my friend.”
“Hmm… How about just one glass?” he added. Kinuha niya ang wine glass sa kamay ko at saka hinawakan ako para igiya. Magsasalita na sana ako bilang pag-alma pero may biglang nagsalita mula sa lkuran niya.
“How many times does she have to say no to you?” he interrupted. Hinawakan ni Felix ang kamay ng lalaki para bawiin ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.
“Whoah! Chill, man,” halatang hindi nagustuhan ng lalaki ang pagsali ni Felix peo hindi na siya nagpumilit pa dahil halata rin sa mukha ni Felix na hindi siya natutuwa sa nangyayari.
“Ayaw mo akong kausapin pero nakikipag-bulungan ka sa mga lalaki, Shiloah? Really?” I looked at him in disbelief. Mga? Isa lang naman iyon ah. Handa na sana akong makipagtalo pero biglang nagsalita si Bethany na hindi ko na napansin ang presensya.
“Shy, what’s happening here?”
“H-huh? Nothing,” nginitian ko siya. Nagpablik-balik ang tingin niya sa akin at kay Felix na tahimik sa gilid ko.
“Uwi na tayo. Hanapin ko lang si Amanda,” I suggested.
“She’s over there,” she pointed Amanda’s direction. “It looks like you have a conversation to finish so I will just go to her.” Hindi na hinintay ni Bethany ang sagot ko at nagsimula na siyang tahakin ang hagdan.
Wala na kaming pag-uusapan ni Felix kaya iniwan ko siya doon at sinundan ko si Bethany.
“No, wait up, Betty.” Nilingon niya ako pero nagpatuloy sya sa paglalakad na hinid na niya napansin na may lasing na humarang sa dadaanan niya. Napatigil kaming dalawa sa paglalakad. The man looks like a creep at ganoon na lamang ang kaba ko noong bigla niyang hinablot si Bethany at dinala sa gitna ng dance floor.
“Hey! Stop!” sigaw ko sa lalak at hinabol sila. Nagpupumiglas ang kaibigan ko peo masyado siyang malakas.
“Let her go! What are you doing?!” I screamed pero parang wala siyang narinig pati na rin ang mga taong nakapaligid sa amin.
Habang hawak niya si Bethany sa braso ay nagsimula siyang mag-sayaw. Itiniaas pa niya sa ere ang hawak niyang bote ng alak. Nakaramdam ako ng takot para sa kaibigan ko.
Naisip kong tumawag nalang ng bouncer pero mahihirapan ako sa pagbalik dito gayong napapalibutan kami ng mga party animals. Pinipilit ko ang sarili kong kumalma. Tinanaw ko ang direksyon kung nasaan si Felix but he’s not there anymore. Nagpanghinaan ako ng loob.
Walang tutulong sa akin. Sa amin. Lumapit ako sa lalaki ang sinubukan kong kalasin ang pagkakahawak niya pero masyado siyang malakas.
“Ano ba! Pakawalan mo nga siya!”
“Shiloah,” paiyak na tawag ni Bethany. I saw fear in her eyes kaya hinampas-hampas ko ang lalaki pero hindi talaga siya natinag. So, I was left with no choice but to bite him. Thankfully, I succeeded.
Napasigaw sa sakit ang lalaki at hinawakang ang parte ng braso na kinagat ko. Ang sigaw niya ang dahilan kung bakit humawi ang mga tao sa paligid namin at humina ang background music.
Hinawakan ko si Bethany at itinago sa likod ko tapos ay umatras palayo. Halos manginig ako sa takot noong binasak ng lalaki ang boteng kani-kanina lang ay hawak niya.
“Gago ka ah!” sigaw niya sa akin. He aggressively advanced to me pagkatapos ay hinablot ako.
“Ano nagseselos ka ba? Gusto mo ikaw nalang isayaw ko?!” tinulak ako ng malakas. Sa sobrang lakas ay muntik na mabagok ang ulo ko. Nagsigawan ang mga tao pero wala man lang nag-abalang tumulong sa akin.
Hindi man nabagot ang ulo ko ay nahilo ako. Nanlamig ako sa takot na naramdaman. Napapalibutan na kami ngayon ng mga tao at ang mga walang-hiya, wala man lang talagang may naglakas-loob na tulungan ako?! Ugh! This place is the worst! Itinukod ko ang kamay ko para makatayo but then a man scooped me from the back. Masyadong mabilis ang pangyayari na pagkatapos kong makatayo ng maayos ay siya namang pagbagsak nung lasing na lalaki.