Nandito kami ngayon sa police station. Bethany and I were sitting in while Amanda kept pacing back and forth. Hindi niya nagustuhan ang nangyari at galit na galit siya sa lalaki. I glanced at Felix na kausap ngayon ang isang officer. Hindi ko alam kung ano na ang pinag-uusapan nila ngayon pero kanina narinig kong sinasabi niya kung ano ang buong nangyari.
That’s when it came to me...
Felix helped me stand up. Siya din iyong sumugod sa lalaki at sinuntok kaya iyon bumagsak sa sahig. Ilang segundo pagkatapos non ay saka lang dumating ang mga bouncers para tumulong. Parang pelikula na kung kailan patay na ang bida, saka lang dadating ang tulong.
“I’m sorry about your party, Amanda,” mahinang sabi ko. Hinawakan ni Bethany ang kamay ko.
“No. I am sorry, pinabayaan ko kayo.” Umiling ako sa sinabi niya.
It’s an accident. Walang may alam na mangyayari iyon at mas lalong walang may gusto na mangyari iyon so she shouldn’t be sorry.
“I am sorry, Shy. Dahil sa akin bumagsak ka tuloy,” singit ni Bethany.
“Okay ka lang ba? Wala naman bang masakit sa’yo?” pagpapatuloy niya na inilingan ko rin. I wouldn’t want to make a fuss about what happened actually kasi naisip ko, lasing yung lalaki. Napunta lang sa ulo niya yung alak imbes na sa tiyan kaya siya nagkaganoon.
Suminghot ako. “Bakit ba tayo nag-so-sorry sa isa’t-isa,” pabirong sabi ko na mahina naman nilang tinawanan. Hindi ko na sana namin gagawin ni Bethany na big deal pa iyon pero gustong magsampa ni Felix at Amanda ng kaso, at habang kinakausap nila ang pulis kung anong pwedeng isampa ay lumabas si Eion para bumili ng tubig.
“Pupunta muna akong rest room,” bulong ni Bethany kaya tumayo ako at dinaluhan siya.
“Oh, san kayo pupunta?” napalingon si Felix sa tanong ni Amanda. Nagtama ang paningin namin pero ako ang unang umiwas.
“Sasamahan ko lang. Gusto daw mag-restroom,” sagot ko.
“Ako na, Shy. Upo ka nalang dito. Ako na sasama sa kanya,” she insisted sabay kuha kay Bethany at umalis. Bumalik ako sa pagkaka-upo at inihilig ang ulo sa desk na nasa tabi ng upuan tapos ay ipinikit ang mga mata.
Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib ko. Lahat ng takot ko para kay Bethany ay nawala at masaya ako na ayos lang siya dahil buong akala ko ay ma-a-apektuhan siya ng husto. Maya-maya lang ay may tumabon sa ilaw na tumatama sa mukha ko.
“You alright?” I heard him murmured. Dahan-dahan ay idinilat ko ang mata ko pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa silaw na nanggagaling sa likuran nito.
“Yes,” I sighed. Unti-unti ay umayos ako sa pagkaka-upo at yumuko. I acted normal. Hindi nagtagal, hinila niya ang upuan na nasa tabi ko umupo sa harapan ko.
“May masakit ba sa’yo?”
Nag-isip ako at pinakiramdaman ang katawan ko kung may parte bang masakit doon pero wala naman kaya umiling ako. Tango naman ang sinagot niya. Natahimik kami pareho. Kapwa hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin. In that four-cornered room, kahit rinig na rinig ang palahaw at sigaw ng ibang tao, kaming dalawa’y nanatiling tahimik.
Is it weird to find peace in this chaotic space? To feel calm in being alone with him amidst the ill feelings I have against him few days ago until today?
Hindi nagtagal ay nakabalik si Eion kasabay ng pagbalik ni Amanda at ni Bethany mula restroom. Naawa ako kay Eion dahil ang sabi niya ay wala na daw bukas na tindahan sa malapit kaya naghanap pa siya ng 24-hours open na mart.
Nung nag-desisyon kami na umuwi na ay pinilit ko si Amanda na ako na ang maghahatid kay Bethany pero hindi niya ako pinayagan. Ang sabi lang niya siya nalang daw kaya kahit gustuhin ko man ay hindi na ako nagpumilit pa.
Felix and I are exchanging secret gazes kahit na noong pumasok na ako sa sasakyan ko. From the driver’seat, nakita kong naghahabol pa siya ng tingin. What’s weirder is that I found myself half-smiling na para bang hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. My goodness, I must be crazy! Nabagok yata ang ulo ko kanina ng hindi ko malang naramdaman.
Before driving out, I checked if Bethany’s feeling okay, at nung nakita ko naman na maayos na siya ay nagpaalam na kami sa isa’t-isa. From my rear view, I looked at Felix’s carto catch one more glimpse of him unfortunately, his car’s heavily tinted. Then, all five of us went on our own ways.
Nang ako na lang mag-isa ay ngayon na lang pumasok sa akin ang lahat. Nakakatakot. Baka kung hindi agad kami natulungan baka mas malala pa ang nangyari doon. Panay ang buntong hininga ko habang nagda-drive. Naging matamlay ang pakiramdam ko. Pinark ko ang sasakyan pagdating sa building ng condo, bagsak ang mga balikat akong lumabas rito pero ganoon na lang ang gulat ko nang eksaktong pagkasarado ko ng pinto ay lumabas si Felix sa sasakyan niya. Kumabog ang puso ko.
Ayaw kong maging assuming pero, sinundan niya ako rito?
“A-anong ginagawa m-mo rito?” pagtataka ko.
Seryoso ang mga titig niya nang naglakad siya papalapit sa akin. “I just want to make sure you’re okay,” he said.
“I’m… fine.”
He followed me just to ask that?
Tumago siya. “Kung ganoon, pumasok ka na.”
“Hindi… U-umuwi ka na rin. It’s late,” sabay tingin ko sa suot na wrist watch.
“Mauna ka na. I’ll watch you from here,” aniya.
Gusto ko pa sanang sabihin na hindi na man na ako bata para bantayan pero wala na akong enerhiya pa para sumagot sa kanya. Nararamdaman ko na ang pagod kaya sa huli ay tango na lamang ang isinagot ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at dahan-dahan akong humakbang papalayo sa kanya.
“Shy…” tawag niya. Mabilis akong pumihit patalikod para muling humarap sa kanya.
“Bakit?” tanong ko.
Iniwas niya ang paningin niya sa akin at kinamot ang likod ng kanyang tainga. “Are you free tomorrow?”
Napa-isip ako sa sinabi niya. Bakit naman niya tinatanong?
“I’m not sure… Bakit?”
Hindi nakalagpas sa paningin ko ang ginawa niyang paglunok. “Nothing,” he said, dismissing the conversation. “Umuwi ka na,” he added, gesturing the elevator.
“Okay… Good night,” paalam ko sa kanya. Tinitigan ko ang mukha niya.
“Good night.”
Kinagat ko ang labi ko at unti-unting tinahak ang daan sa elevator. As the door was closing, I saw him leaning on his car, crossed-arms, and eyes on me.
Pagdating sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko. It was a long day after all. Nagising na lang ako sa ingay na likha nina Amanda at Bethany.
“Okay ka lang ba, Bet?” I asked, concerned. She was comfortably sitting on my large sofa while eating ice cream and her eyes’ on television. Masyado siyang na-entertained ng pinapanuod niya na kailangan pa niyang hinaan ang volume noon para marinig ako.
“Huh? Oo naman, bakit?” she answered, and then binalik na ang atensyon sa panunood ng palabas sa tv.
It’s weird that I thought she’d be traumatized by it when in reality, she was cool.
“Wala lang. Akala ko kasi ma-trauma ka. Kung alam ko lang sana hindi ko na lang inalay ang buhay ko para sa’yo,” biro ko. Nginisihan niya lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
Amanda’s at the veranda, taking pictures of herself. Nandito sila ngayon dahil ang sabi niya ay hindi siya nasiyahan sa party kagabi. So, she decided to have another one here in my unit kasama si Bethany. Syempre kami lang daw tatlo, pero parang hindi naman yata ganito ang party. Nasa iisang lugar nga kami pero may sari-sarili naman silang mundo. I sighed. It’s okay though dahil ayaw ko naman uminom ng liquors or any alcohol beverage.
Nagpasya akong maghanda na lang ng lunch kaya tumayo ako at nagpunta ng kitchen para tingnan kung ano ba ang available na ingredients. Maya-maya lang ay bumukas ang door sa veranda, senyales na pumasok na si Amanda. Hindi nga ako nagkakamali dahil hindi nagtagal ay pumunta siya sa kitchen para kumuha ng malamig na tubig.
Pinasadahan niya ng tingin ang hinihiwa kong manok. “Anong lulutuin mo?” tanong niya. “I’m planning to cook honey garlic chicken, but if you have something better in your mind pwede ko naman lutuin,” I answered. Umiling siya. “No, I’m fine with it,” sabi nya sabay sandal sa island counter. Hindi ko na siya pinansin pa dahil akala ko mananahimik na siya, but I was wrong.
“You know, Shy. I didn’t have the chance to ask you this last night pero bakit kayo magkasama ni Felix?” napatigil ako sa ginagawa ko at nangunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t remember showing him a picture of Felix so how did she know is beyond me.
“Something unexpected happened, that’s why. Bakit mo natanong?” I answered. She grinned. “Some of the people there knows him, Shy. They kept asking me last night why was he there.”
“What? Big-shot ba siya o anak mayaman na hindi natin alam.” Natawa ako.
“Hmm… Aalamin ko ‘yan.”
“Why do I feel like you two are leaving me in the shadows! Ano bang pinag-uusapan niyo?” padabog na singit ni Bethany habang inilalapag sa mesa ang galon ng ice cream na nangalahati na ang laman.
“Tinatanong ko lang naman si Shiloa kung bakit sila magkasama ni Felix,” si Amanda ang sumagot.
“Oh, that?” napapaisip na sagot ni Bethany.
“I actually invited Eion. Yung isa pang lalaki na kasama namin?” paunang sabi ko kay Amanda, tumingin siya sa kisame na parang nag-iisip kung may isang lalaki pa ba kaming kasama last night. “Nakasalubong ko kasi siya dito sa building days ago. Siya yung sinasabi ko sa’yong aksidente kong nahulog iyong kamerang hawak niya dahil nagkabanggaan kami. Babawi sana ako sa kanya so I invited him for dinner and also to your party. I had no idea na isasama niya si Felix kasi hindi naman sila magkasama at that time,” mahabang paliwanag ko. “If you do not believe me then ask Bethany here. She was there with me,” dagdag ko pa at hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa malakas niyang halakhak.
“Wait, what? Siya yung gwapong sinasabi mo? Hindi ko masyadong nakit yung mukha niya eh. At saka why are getting so defensive? Hmm… You’re being suspicious, Shiloa” sabi pa niya habang pinupunasan ang gilid ng kaniyang mata.
Natutuwa pa siya ha? Bumuka ang bibig ko para sumagot pero hindi natuloy ang kung ano mang sasabihin ko dahil biglang nag-ring ang landline phone ko. Hinugasan ko muna ang kamay ko bago tumungo sa may living room kung saan naroon ang telepono.
“Hello?” sagot ko ngunit wala akong narinig na boses sa kabilang linya. “Hello?” ulit ko pa.
“Naaalala mo pa ba kami?” nanlaki ang mata ko sa narinig na boses. “Mama!”
“Ang tagal mo ng hindi tumatawag sa amin, Shiloah. Kilala mo pa ba kami?” nahihimigan ko ang pagtatampo sa boses niya. Napaayos ako sa pagkakatayo kahit hindi niya naman ako nakikita. “I’m sorry, mama. Busy lang talaga sa trabaho…”
Matagal bago nakasagot si mama. “Ang sabi ng papa mo ay hindi niya matatanggap ang sorry mo. Umuwi ka na dito, Shiloah.” Napailing ako sabay buntong-hininga.
“Titingnan ko ma kung kailan ako pwede.”
“No, Shy. Gumawa ka ng paraan para pwede na. Your papa and I are missing you, hindi kami tumatawag kasi sabi mo busy ka, and look, umabot na ng ilan buwan.” Napakamot ako sa ulo habang nagsasalita si mama. Totoo naman. I really am busying myself. Napalingon ako sa may pintuan ng kitchen noong nakita kong sumilip si Amanda.
“Sino yan?” she mouthed. She’s never been this curious about my life. “Mama,” I mouthed back at her. Tapos ay sumigaw siya. “Hi tita! We miss you!”
“Sino ‘yun?” mama, on the other line, asked.
“Ah, it was Amanda, ma.”
“Oh, she’s there?”
“Yeah. Kasama ni Bethany.”
“That’s good. Isama mo sila kapag uuwi ka. Okay? Bye.”
“What? Mama, hindi pa sure --” hindi pa ako natatapos magsalita ay binabaan na niya ako ng linya. I sighed once again. I went back to the kitchen and saw that Bethany’s taking over. I told them about my conversation with my mom and they were so excited about it.
“So, kailan tayo uuwi sa inyo?” Amanda asked while we were eating our lunch. Out of the three of us, she was the most hyper about it.
Habang kumakain ay binalikan namin ang nangyari kagabi. According to Amanda, she was trying to pass through the crowd but she can’t. Not until someone pushed people at nagpumilit na makapasok, and thanks to that man, pati siya ay nakalapit sa amin.
“Galit na galit na nga ako kagabi kasi hindi ako pinapadaan ng mga tao tapos tinulak-tulak pa ako ng isang tao. Pag-lingon ko, si Felix pala!”
Sumubo ako habang pinapakinggan ang kwento ni Amanda.
“In fairness ha, ang lakas niya. Nakadaan siya agad doon sa dagat ng mga tao kaya ayun, sumama na ako.”
“Muntik na nga ako mahimatay nung binasag nung lasing iyong bote, eh. Akala ko sasaksakin niya si Shiloah.” Gaga’ng Bethany ito! Hindi ko naisip iyon pero natakot ako doon sa sinabi niya kahit pa ba kagabi pa iyon.
“Kaya nga, Beth. Parang ang sweet nung ginawa niya sa pagpatayo kay Shy eh, parang sa movies lang.”
“Ano ba Amanda, kakapanood mo iyan ng mga pelikula, eh,” saway ko sa kanya.
“Pero gaga totoo nga kasi. Nabigla talaga ako, ang bilis nung paglapit niya sa lalaki! Kumurap lang ako humandusay agad sa sahig.”
Thinking about it, hindi manlang ako nakapag-pasalamat sa kanya. Kaya naisipan kong bukas ay magpapasalamat ako sa kanya.
After all, tinulungan niya ako. Kung hindi ay baka kung ano pa ang mas malalang nangyari sa amin ni Bethany. Yes, I was mad and hurt because of what he said days ago. Kung kina-usap ko siya kagabi ay siguradong maririnig ko ang sorry niya at baka nagka-ayos kami pero hindi ko siya binigyan ng pakakataon.
Naalala ko tuloy yung kagabi. Ang weird niya sa part na sinundan niya ako dito to ask me if I was okay. Also, bakit niya din tinatanong kong free ba ako today?