"Shiloah!" Hindi ko nagawang ngumiti nang kinawayan ako ni Farah. "Come here, Shiloah," tawag sa akin ni mama. "Bakit hindi kayo lumapit dito? The dinner will be served soon," aniya. "I am just dreaming... right?" tanong ko sa sarili ko. Napangiwi ako nang nakaramdam ako ng kurot sa tagiliran ko. "Unfortunately, this is not a dream, miss," si Bethany. "Halika na," bulong niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalapit sa kanila pero napako na yata ang paa ko sa buhanginan. Hinila ko pabalik ang kamay ko. "Ayoko. Kayo na lang. Babalik na lang ako sa villa natin." "Bobo ka ba? E di nahalata ng lahat ang ginagawa mong pag-iwas," Amanda hissed. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at buong pwersa akong inakay. "Act normal, Shiloah." Wala akong nagawa kung hindi magpa

