Buong linggo kong inisip ang magiging experience ko sa Amanpulo. Noong nakaraang araw ay binisita ko ang official website nila at marami ang nag-iwan doon ng positive reviews kahit na may kamahalan daw ang pagkain. So I am kind of anticipating. I'm so excited na kahit na abalang-abala ang katawan ko sa farm, ang nasa isip ko naman ay nasa Amanpulo na. Gaya ng paalam ni Bethany, bumalik siya sa syudad. Nung tinawagan siya ni Amanda kinaumagahan pagkatapos niyang bumalik ay ang sabi niya magtatrabaho daw muna siya dahil sa weekend pa naman daw ang booking ko. Nairita tuloy si Mandy dahil inakala niyang babalik agad ito dito. "Napakaworkaholic talaga niya! Nakakainis!" anang halos magdugtong na ang kanyang kilay. Her phone rang kaya saglit siya munang lumabas sa kwarto para sagutin ang

