Kasalukuyan kaming nasa portiko ngayong tatlo nina Amanda at Bethany. Sa lamesa namin ay naroon ang meryendang kahahanda lang sa tulong ni mama at manang. Seryoso ang mga titig nilang dalawa sa akin lalong-lalo na si Amanda. "How did you find me?" She rolled her eyes at me. "As if namang may iba ka pang pupuntahan maliban dito? Ang hilig mong pag-alalahanin kami!" aniya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I was in haste and... and... I just... I-I needed time for myself. Sorry." Bethany sighed. "Naiintindihan namin but... you could have called us instead of leaving us a farewell letter. Nagpalit ka pa ng numero? Akala mo naman hindi ka namin mahahanap kapag ginawa mo 'yun. Wala kaming idea kung bakit ka biglang umalis, kaya hindi mo kami masisisi kung nagpasya na kaming pumunta rit

